Share

Three

THREE

NUMBER ONE: Go on an amusement park and try all the rides!

“OMG! Lord, sorry for all of my sins! I didn’t mean to open that link from a porn site! I didn’t mean to curse when I slipped yesterday!” Meteor’s soul almost flew away when the rollercoaster moved fast on the highest part.

Rinig pa ni Meteor ang tawa ng kaibigan na katabi niya. Walang karea-reaksiyon ang katabi niya, siya nama’y halos mawalan na ng boses kakasigaw. She had never been in an amusement park, ever. Sa perya lang siya nung bata sila. Hindi pa niya nasubukang sumakay sa rollercoaster at iba pang rides dahil sa perya; isang maliit na ferris wheel na mabilis tumakbo, ‘yung rides na si Jollibee ang design, at may mga sugalan din.

Kaya on top of her list was riding the rides he had never been tried. Akala niya’y refreshing sa taas, na parang eroplanong la-landing lang. Pero hindi! Halos humiwalay ang katawan niya sa kaluluwa niya! Sigaw lang siya ng sigaw sa taas dahil pakiramdam niya’y maaalog ang utak niya sa sobrang bilis ng pagtakbo nito.

Her nails almost excavated on Josh’s skin since she was holding Josh’s hands the whole ride! “Isn’t it refreshing, though?” nagawa pang magtanong ni Josh sa gitna ng pagsisigaw ni Meteor. Kailan ba ‘to matatapos? Tanong niya sa isipan. Ang lakas niyang mag-ayang unang sakyan nila ay ang rollercoaster, pero heto siya’t sumisigaw ng mga dasal sa mga santong kilala niya.

“Nasobrahan naman kasi ‘yung pagiging pabida mo, Meteor.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Hindi magawang mabatukan si Josh dahil nakayuko siya at sumusuka sa trashcan. Ramdam ni Meteor ang tingin ng mga tao sa amusement park na iyon, it felt weird and uncomfortable. 

Meteor is actually an introvert, kaya nga nuong kinukulit siya ni Josh when they’re classmates in college; inis na inis siya. Araw-araw kasi siyang bini-bwisit ni Josh, kahit saan siya magpunta nakasunod ang lalaki sa kaniya. Hanggang sa nasanay na lang siya sa presensiya nito.

“Ito, inom ka muna.” Inabutan siya ni Josh ng bawas nang mineral water. Alam niyang ininuman na iyon ni Josh kasi hindi naman siya bumili ng tubig kanina. Grabe kasi ang mahal ng isang bote ng mineral water sa amusement park, napaisip na lang si Meteor kung saan nanggaling ‘yung tubig na ‘yon at bakit ang mahal-mahal.

“Sabi ko kasi sa’yo ‘dun muna tayo sa isang rides, eh!” tiningnan ng masama ni Meteor si Josh habang nagpupunas ng bibig. Pakiramdam niya ay nailabas niya lahat ng pinilit niyang kainin kaninang umaga sa McDonalds. She didn’t have enough time earlier to prepare her breakfast kasi hindi pa nakakapag-grocery si Josh kaya nag-order na lang sila bago nagtungo dito.

Hindi pa nga niya nakakalahati ‘yung burger kanina dahil nawalan agad siya ng gana. Each minute that passes by, Meteor slowly understands what life means. Life comes with hardships and happiness, enjoyment and tiredness, love and pain. And each second with Josh, she felt an unknown bliss in her heart. 

Parang sa tuwing ngingiti ito sa kaniya, tuwing hahawakan siya nito na para siyang isang babasaging bagay, at kung paano sya nito alagaan… nararamdaman niyang mas nahuhulog siya rito. Ramdam niya kung gaano ka-alaga si Josh, naisip niya kung wala kaya siyang sakit… sila kaya sa huli? Magkakaroon pa rin ba siya ng lakas ng loob na umamin sa kaibigan?

“Hoy!” napapitlag si Meteor sa sigaw ng kaibigan. Napalalim ata ang pag-iisip niya. She looked at Josh, memorizing every corners of his face. From his hair to his lips. Sayang. Ngayon siya nagsising hindi siya umamin noon pa lang. she had been in love with her best friend since she laid her eyes on him… she just didn’t had the courage to say it in front of him.

“Ang layo-layo ng isip mo, ah. Baka umabot na ‘yung imagination mo sa kasal natin.” Mapaglarong nagtaas baba ang kilay ni Josh at ngumiting aso. Meteor laughed at him and slightly punch his arm. “Aray, ha.” Josh made a face and they both laughed at each other, not minding the people crowding them.

“Sira! May iniisip lang ako.” bumuntong hininga siya at napayuko habang hawak pa rin ang mineral bottle. Pinigilang maiyak ni Meteor sa iniisip kanina dahil nakakahiya kung iiyak siya sa isang public place.

“’Di ba you said that you want to live a life? How about take the surgery and therapies—“

“We’ve talked about this, Joshua—“

“—so that if you are fully healed we’ll live your life.” Kahit na umaalma si Meteor sa sinabi ni Josh ay pinaglaban pa nito ang punto niya… na may pag-asa pa si Meteor, na hindi siya nito pababayaan kahit anong mangyari.

Meteor could only sigh at Joshua’s tantrums and complaints. She could no longer explain to him what her decision was because she will always say the same thing over and over again. She doesn’t want to be selfish, alam niyang marami nang survivors ng ganitong sakit… pero hindi lahat nagsu-survive. Paano kung maging isa siya sa mga ‘yon? Sa mga hindi maka-survive? Saying lang ang pera kung ganon. ‘Yung perang ‘yon ay pwede pang pangtubos ng lupa nila sa La Trinidad para may titirhan ang mga kapatid niya at hindi nakikipagsiksikan kina Tita Bebang.

What they have been through on her Auntie’s side was enough for their childhood to be ruined. She doesn’t want her siblings’ future be ruined, too. She only wants what’s the best for her siblings. Buti nga at wala na ang Tito Sali nila, kundi ay baka bugbog sarado na siguro ang mga kapatid niya. Ang Tita Bebang kasi ay strikto lang, pero mataas ang sarili.

“Where do you want to ride next?” napa-angat ng ulo si Meteor sa sinabi ni Josh na parang walang nangyari kanina… na parang walang argumento kanina. Napakagat ng labi si Meteor at pilit na ngumiti kay Josh. “Doon ka muna sa slow, baka mamaya sa rides ka pa mamatay hindi sa—“ para bang nadulas si Josh sa sinabi niya.

“I mean, tara na?” tumingin sa kaniya si Josh na nakangiti, pero hindi abot sa tenga ang mga ‘yon. Hindi na lang umimik si Meteor ng hilahin siya ni Josh sa kung saan. Josh pointed the carousel. It was centered in the park. Marami ang nakapilang tao roon… mga bata, teenagers, at couples. Kahit pa walang matatanda doon ay sasakay pa rin si Meteor dahil gusto niyang maranasan ang mga bagay na hindi niya pa nararanasan noon.

“Diyan ka lang, ha? Babalik ako.” ngumiti siya at tumango kay Josh na naglalakad na papunta sa pagkuhaan ng ticket. Panay pa ang lingon nito sa kaniya na para bang mawawala siya roon na ikinatawa niya. Pinanood ni Meteor ang mga ilaw na naglalaro sa carousel. May mga ganito rin sa perya. Naalala niya noon ay masayang masaya pa siyang sumasakay sa mga pambatang rides, pero hindi pa siya hinahayaang sumakay sa carousel ng kaniyang mga magulang dahil medyo mahal ang bayad doon.

Parang maiiyak na lang si Meteor sa tuwa dahil makaksakay na siya sa isa sa mga pangarap niyang sakyan nuong bata pa siya. Masaya niyang pinapanood ang mga nakasakay roon na karamihan ay kumukuha lang ng litrato nang biglang sumakit ang tiyan niya.

Napahawak siya doon at ngumiwi. The pain was quite bearable compared last time when she passed out. Kinuha na lang niya ang iisang tablet ng pain killer sa maliit niyang bag at akmang iinumin ito nang biglang may bumangga sa kaniya at nahulog ang pill mula sa kaniyang kamay.

“Oh, sh*t. I’m so sorry.” Napahawak nanaman si Meteor sa tiyan at muli napatingin sa bumangga sa kaniya. It was a man. His built screams authority and heartless. Medyo natakot si Meteor sa kung paano tumingin sa kaniya ang lalaki kaya napasabi na lang siya ng, “It’s fine.” Pagkasabi na pagkasabi niya n’on ay umalis agad ang lalaki.

Hindi na nagawang uminom ni Meteor ng pain killer dahil nahulog na ito sa sahig, kumapa na lang siya ng kung ano sa bag niya at naramdaman niya ang wrapper ng burger niya kanina. Dahil sa sobrang pressure niya sa sakit ng tiyan ay kinain na lang niya ‘yon.

Buti na lang at nawala na ang sakit ng tiyan niya, naubos rin niya ang burger niya. parang ang laking improvement non para sa kaniya. Para bang pakiramdam niya wala siyang sakit. Nakakalakad nga siya, eh. Mabilis lang mapagod.

“Tara na.” hinila siya ni Josh sa loob ng carousel ng hindi pumipila. “Hoy, hindi ka pa pumipila.” Nag-aalalang sabi ni Meteor sa kaibigan ng alalalayan siya nito sa isang kabayong sakto lang sa timbang at laki niya. “It’s fine, kilala ko ang may-ari ng amusement park.” Mahangin na sabi nito.

“Pero ang unfair ng ginawa mo, Joshua.” Nakayukong sabi niya. 

“Huwag ka na lang magsalita, Meteor. Nandito na tayo.” Hindi na nakareklamo si Meteor. Medyo na-guilty pa siya ng makita ang haba ng pila, tapos siya nakatayo lang ng ilang minute at nakasakay agad sa kabayo.

Pero nangingibabaw ang saya sa puso niya. Napapikit na lang siya habang nakasakay sa carousel. Hindi niya maitago ang ngiti na kanina niya pa gustong ilabas. Ang saya pala sa pakiramdam na makasakay sa isang pambatang sasakyan na parang isang bata.

Maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng isang camera. Napatingin siya sa gawi ni Josh na nasa gilid niya hawak ang camera na sabay nilang binili noon. Sa lahat ng pinupuntahan nila’y dala ni Josh ang camera na ‘yon.

“Hoy! Mamaya ang pangit-pangit ko nanaman diyan! Walang hiya ka talaga! Kapag ‘yan ni-post mo sa birthday ko huwag ka nang magpapakita sa akin.” Parang nagtatampong sabi ni Meteor kay Josh na nakangiti at hindi siya pinapansin.

Ilang minuto lang ang itinagal ng ride. Dumidilim na ang kalangitan pero parang mas madami pang tao ang nagdagsaan. Halos mapuno na ang isang bahagi ng park. ‘Yung malapit sa fountain at may mga sumassayaw na ring dressed-up characters sa iba’t ibang cartoon movies.

“Huling ride na ‘to, Meteor.” Inilahad ni Josh ang kamay niya kay Meteor at dahan-dahan silang pumunta sa mataas na ferris wheel. Ang ganda. ‘Yon na lang ang nasabi ni Meteor sa sarili ng makita ang puting ferris wheel sa harap niya.

Nang makasakay sila ni Josh sa loob ay napayakap si Meteor sa sarili. May aircon kasi ang bawat kwarto ng ferris wheel. Agad namang ibinigay ni Josh ang jacket niya. “Hoy, malamig. Baka magkasakit ka.” Meteor looked at Josh, worry was visible in her eyes.

Magkaharap sila sa loob, kaya ng makitang nanginginig ang panga ni Josh ay tumabi si Meteor sa kaniya para kahit papaano’y may mainit sa tabi nito. Ramdam niyang napatingin si Josh sa kaniya ng may takot sa mga mata ng gumalaw ng bahagya ang maliit na kwartong ‘yon.

“Dahan-dahan lang, Meteor.” Josh said silently that Meteor did not almost hear it. Meteor held Josh’s hands and she blew her hands with his to release some heat. “Bakit ba parang takot ka, ha?” Meteor asked when he saw his pale face.

“I-I’m afraid of heights…” Meteor’s jaw hung open at what Josh have said. 

“Eh, bakit ka nagpiloto?” 

“Because you’re a flight attendant…?” parang nag-aalangan pang sagot ni Josh. Meteor slapped her own forehead when she heard what Josh answered. She was taking BS Accountancy in college, pero nag-apply siyang flight attendant.

Meteor sighed, “Mabilis lang naman ‘to. Just try to calm down, okay?” sabi niya rito. Nakatingin lang si Josh sa kaniya habang nanonood siya labas. Kitang-kita niya ang matataas na building ng siyudad, pati na rin ang buong amusement park mula sa itaas.

Muling napangiti si Meteor sa nakikita nang biglang magsalita si Josh, “You’re so beautiful, Meteor.” Meteor felt her heart fluttered. She then felt butterflies flying inside her stomach, it tingles. Napakagat siya ng labi para pigilan ang pag-ngiti.

“I can’t imagine a day without my best friend, without the girl I cherish the most, without the girl I love.” Meteor saw how his eyes sparkled because of the tears building in his eyes. Despite of the fast heartbeat she’s feeling, she felt a pang of pain seeing the man she loves tearing up because of her.

“Meteor, hindi na ba kita mapipilit—“

“Shh…” Meteor held his face with her hands while stopping herself from crying. “Joshua, I want you to always remember that—I adore you like how I adore my family. As much as I want to be with you longer, I can’t.” She can’t control her tears anymore.

Nag-umpisang magbagsakan ang mga luha niya pero kahit na ganon ay sinubukan pa rin niya itong pigilan. She saw how Josh gnawed his own lips to suppress a sob. “Gusto kong alagaan mo ang sarili mo, Joshua. Alagaan mo ang sarili mo. If you have time, please visit my siblings. Promise me.”

Tumango na lang si Josh sa mga sinasabi ni Meteor sa kaniya. Meteor smiled sadly and hugged Josh. Nakita ni Meteor ang fireworks sa labas ng bintana. Meteor placed a small kiss on his forehead and they both watched the fireworks.

Those looked so beautiful, but with what happened… Meteor can’t look at the fireworks like how she used to. Sa bawat kulay na lumalabas, mas nagiging masakit sa kaniya. “I love you, Meteor.” Rinig niyang sabi ni Josh. Kahit pa ilang beses nang sinabi sa kaniya ni Josh ‘yon ay kinikilig pa rin siya.

“You will always have a special place in my heart.” Joshua whispered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status