Share

Four

FOUR

NUMBER TWO: Hire a prostitue and let him dance in front in a 5-star hotel.

“I’LL BE FINE, Josh. He’ll just dance.” Napailing na lang si Meteor at mahinang natawa. Josh is over reacting. Sasayaw lang ang isang macho dancer sa harap nito sa isang hotel, walang ibang mangyayari. ‘Yun lang.

“Why do you need to hire a prostitute? I can dance in front of you!” madiing sabi ni Josh habang pumapadyak padyak pa. Nasa isang high end hotel, there is no turning back. Hinihintay lang nila ‘yung macho dancer.

Natatawa na lang si Meteor habang pinapanood na magreklamo si Josh. “Ang OA mo talaga, Joshua. Sasayaw lang, eh! At saka, for the record, Joshua Williams don’t know how to dance!” she saw how Josh’s eyes rolled and made a face.

Grabe! Kahit na nagrerklamo, ang cute cute pa rin ni Joshua! Kaya siguro pati ang babaeng security guard ay napapalingon sa kaniya, lalong lalo na ang mga guests na pumapasok sa hotel. Nasa tapat kasi sila ng isang sikat na hotel. Doon sila sa labas ng hotel naghihintay.

Hindi naman nabo-bored si Meteor dahil wiling-wili siya sa bawat taong dumadaan. Hinuhulaan niya lang kung ano ang mga pakay nito sa hotel base sa pananamit ng mga ‘to. She just wants to be judgmental before she dies. Buong buhay niya never niya pang naranasan ang manghusga ng kung sino base sa panlabaas na anyo. Tinuruan kasi siya ng kaniyang mga magulang ng mabuting asal, na dapat hindi nanghuhusga base sa nakikita mong anyo niya.

Common but, all people have their own beauty and the most beautiful people were the imperfect and flawed ones. Ito lagi ang sinasabi ng kaniyang mga magulang sa kaniya… pero hindi pa niya naiintindihan ‘yon noon. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naiintindihan, well, she understands some of it. Like, lahat ng tao maganda… pero kung inumpisahan mong mahalin ang sarili at mga insecurities mo, doon mo mararamdaman ang tunay na kagandahan. So, growing up—Meteor never felt so ugly dahil laging pinapaalala sa kaniya ng mga magulang niya na mas gaganda siya kapag minahal niya ang sarili niya.

“Napakasama mo talaga, Meteorite. Baka nga mahulog pa panty mo kapag sumayaw ako sa harap mo.” ngumiwi si Meteor sa sinabi ng kaibigan at mahinang pinalo ang braso nito. “Ang bastos mo, Joshua!” madiin niyang sabi at tumingin pa sa mga tao at ngumiti dahil pinagtitinginan sila ng mga ito.

“Siguro ‘to, galing sa business trip.” Sabi ni Meteor habang tinuturo ang isang matandang lalaking nakasuot ng business suit at may dalang attaché case habang may katawag sa telepono. Josh tsked at ibinaba ang kamay ni Meteor na nakaturo sa lalaki.

“Baka drug lord tapos may transaction dito sa Pilipinas. Kita mong Chinese, oh.”

“Napa-judgmental mo naman. Mabait naman si tita at tito ah, pati rin ‘yung kapatid mo. anong nangyari sa’yo?” 

“Kung alam mo lang kung gaano kabait si mama sa mga hindi niya kilala. Sa kaniya ata ako nagmana, eh.” Josh sarcastically said and smirked. Patuloy sila sa paghula kung ano ang mga gagawin ng guests sa loob ng hotel nang may lumapit sa kanila.

“Uh, Ms. Meteor?” napatingin silang dalawa sa isang lalaking maganda ang pangangatawan. Halos sumabog na ang sleeves ng t-shirt nito sa sobrang laki ng muscles. Pero hindi ‘yon nagmukhang kadiri, sa isip-isip ni Meteor, sobrang hot ng lalaki. Napanganga siya sa nakikita. Grabe, ngayon lang na-attract si Meteor sa isang kakakilalang lalaki.

“Brandon?” si Josh ang nagsalita na nakapagpagising kay Meteor. Masayang ngumiti si Brandon habang tinatanggap ang kamay ni Josh for a handshake. Nakita niyang namula ang lalaki ng maghawak ang kamay nila.

Napatunganga din si Brandon kay Josh pero hinawakan ni Meteor ang braso nito para suriin kung totoo ba ang kaniyang nakikita. “Grabe, ang laki ng braso mo.” bahagyang pinisil pisil pa ni Meteor ang brasong ‘yon. ‘Ang tigas. Ngayon lang ako nakapisil ng ganito’. Sa isip isip ni Meteor.

“Ahh, sorry po, Ma’am, Sir. Mediyo natagalan lang po ako sa raket ko kanina kaya ako na-late. Kanina pa po ba kayo naghihintay?” nakatingin lang si Brandon kay Josh pero pasulyap sulyap rin it okay Meteor na patuloy pa rin sa pagsuri ng kaniyang braso.

“Ah, hindi. Okay lang, hindi naman kami nagmamadali. Shall we start?” ngumiti si Meteor sa lalaki at hinawakan ang braso nito papasok ng hotel. “Nakapasok ka na bas a hotel, Brandon? I mean, ako kasi sa ibang bansa lang, tuwing nagle-lay over. Flight attendant kasi ako, at saka ang airlines ang nagbabayad ng hotel namin. First time ko ngang gumastos, eh.” Tumawa ng mahina si Meteor habang kinakausap si Brandon na pangiti ngiti lang.

“Hoy, ano ka ba? Huwag kang mailang sa akin, hindi naman ako nangangain.” Tumawa ulit si Meteor. Crush niya ata itong macho dancer, dahil sobrang gwapo nito… napakisig pa. Tapos halatang mahinhin at mabait. 

“Uh, ano po ba ang gagawin ko? Hindi po kasi nasabi sa akin, eh.” 

Napatingin si Meteor sa kaniya at tumaas ang kilay nito. “Oh.” Her mouth formed an “o”.

“Threesome po? Or papanoorin ko po kayong—“

“Ah, hindi, Brandon. Hindi!” napilitang tumawa si Meteor at bahagyang pinalo ang braso nito. Grabe nakakahiya ‘yon. Akala ba nito magse-sex silang tatlo? Gagi, halos masuka nga si Meteor habang nanonood ng porn kagabi. Isa kasi ‘yon sa mga nasa list niya.

Ang manood ng porn hanggang madaling araw. Marami rin siyang napanood, pero hindi niya kinaya na manood hanggang madaling araw. Pakiramdam niya kasi ay pinapanood din siya ng mga magulang niya sa langit. Kaya pagkatapos na pagkatapos niyon ay agad siyang nagbasa ng bible at nagdasal. 

Pero masaya si Meteor bawat araw na lumipas. Pakiramdam nga niya ay wala na siyang sakit. Pero umiyak din siya ng konti kagabi dahil tuluyan na siyang nagresign sa childhood dream job niya. parang ang hirap pakawalan ng trabahong ‘yon.

“S-sasayaw ka lang sa harap k-ko, Brandon.” Namula si Meteor habang sinasabi ‘yon. Napalunok siya ng maramdaman ang titig ni Brandon sa kaniya. “Eh, sir. Ano pong ginagawa niyo dito?” tanong nito at nagkatinginan si Meteor at Josh.

“Ah, sinasamahan ko lang si Meteor. Pero nag-book ako ng kwarto sa katabing kwarto niyo.” Josh awkwardly smiled and they all headed to the elevator. There was an awkward silence inside the elevator and no one dared to speak. Sa sobrang tahimik ay pati ang bawat mabibigat nilang hininga ay naririnig.

Dumeretso sila sa kwarto kung saan nag-book si Josh. Si Josh kasi ang nagpa-book ng dalawang kwarto, hindi kasi alam ni Meteor ang ganon dahil first time niya sa hotel dito sa Pilipinas. Same lang pala gaya sa ibang bansa. At least alam na ni Meteor sa susunod… o kung may susunod pa.

“Meteor, call me if you need anything.” Iyon ang sinabi ni Josh bago nagtungo sa kabilang kwarto. Huminga ng malalim si Meteor bago umupo sa kama, nakita niyang naghuhubad na si Brandon ng sapatos at nire-ready ang isang lumang cellphone para siguro magpatugtog.

“Kahit kailan mo gustong mag-start. Okay lang. manonood lang naman ako.” ngumiti si Meteor at hinubad ang sapatos bago sumandal sa kama. Nag-umpisa din ang music at ang pagsayaw ng lalaking malaki ang katawan. 

Ganito pala ang itsura ng abs at half body ng isang macho dancer. Iba kasi ‘yung kay Josh, eh. Pero maganda ang katawan ni Josh, magkaiba lang sila ng lalaking ito. Medyo nanibago lang siya sa nakikita.

Maya-maya pa’y nakita ni Meteor ang namamasang mata ng sumasayaw sa harap niya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Meteor pero patuloy pa rin ang lalaki sa pagsayaw ng malaswa. Agad na tumayo si Meteor nang makitang nagsimulang mahulog ang mga luha ng lalaki.

“Hoy, bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong niya rito. Patuloy pa rin ito sa pagsayaw habang sumagot, “Wala, Ma’am.” Lumapit si Meteor sa lalaki at ibinigay ang t-shirt na suot nito kanina. Magkasing-tangkad lang sila ni Brandon kaya madali niyang nayakap ito.

Umiyak naman si Brandon sa balikat niya. “Huwag niyo na lang akong bayaran, Ma’am. Aalis na lang po ako.” sabi nito nang maghiwalay sila sa yakap.

“Ha? Hoy,” hinila niya ang papaalis na sanang Brandon sa kama at pinahid ang luha nito.

“Ano ba nangyari? Bakit ka ba umiiyak?” Meteor asked while slightly massaging Brandon’s shaking hand and brushing his smooth hair with her fingers. Kita niya sa mga mata nito na nasasaktan ang lalaki kaya nalungkot din siya na makitang ganito ang lagay ni Brandon.

“OH? BAKIT ANG bilis naman matapos?” tanong ni Josh habang palabas sila ng hotel. The cold night breeze of Metro Manila slapped Meteor’s face. Kagagaling lang niya sa iyak habang kausap si Brandon kanina, medyo tipsy rin siya dahil uminom sila ng wine.

“Naawa ako, eh.” Napanguso si Meteor habang hinahawakan ang strap ng kaniyang sling bag. Narinig niyang mahinang natawa si Josh. Meteor tsked, “Oh? Ano namang nakakatawa, ha?” mas humaba ang nguso ni Meteor.

“Eh paano na ‘yan? Hindi mo nagawa ang isa sa mga nasa list mo?” completely shrugging Meteor’s question.

“Okay lang. Mas maganda na ‘yung natulungan ko siya.” Ikiniskis ni Meteor ang braso dahil sa lamig. Nakita naman niya sa peripheral vision niyang tinanggal ni Josh ang jacket nito at binigay sa kaniya. Napangiti siya at tinanggap ang jacket. Sanay na siya sa mga ganon ni Josh, kaya nga hindi na siya makatanggi.

“Ano ba ‘yung mga pinag-usapan niyo kanina na umiyak ka?” napangiti si Meteor sa tanong ni Josh. Kay Brandon lang kasi siya naka-relate. Breadwinner din ito ng pamilya at walang ibang choice kung hindi ang pumatol sa patalim. She once had tried to take a risk and lose her dignity. Muntik na siyang sumayaw noon sa isang illegal na bar sa Baguio, buti na lang at bago siya makapunta doon ay na-raid na ‘yon ng mga pulis.

Parang mas lumakas ang loob niya kanina habang kausap si Brandon, knowing that she was not alone and someone actually understands her.

“SO ANONG NANGYARI?” tanong ni Meteor kay Brandon at sumimsim ng wine. Nakaupo silang dalawa sa kama habang nagkukuwentuhan. Grabe pala ang pinagdaanan ni Brandon na kailangan niyang sumayaw sa bar, ito nga ang first night niya.

“Mahirap, Ma’am. Nakipag-hiwalay niya ‘yung jowabels ko kasi hindi ko na nabibigyan ng oras. Pero inuna ko na lang ‘yung mga kapatid ko, lalo na ‘yung isa biglang na-juntis.” Yes, Brandon’s gay. Ganon na lang ang gulat kanina ni Meteor. Hindi kasi halata sa katawan nito, napakisig kasi at gwapo pa.

“Ikaw ba, Ma’am? Jowa mo ba ‘yung kanina? Si Sir? Grabe ang pogi din nun, eh. Type ko nga. At ang lambot ng kamay, ha. Infairness mukhang malinis.” Uminom si Brandon sa wine glass nito. Napabuntong hininga si Meteor.

“Hindi, ‘no. Kaibigan ko ‘yon. Me and Josh had been best friends since college. Secret lang ha?” tumingin ng mariin si Meteor kay Brandon na tumango tango lang.

“Bakit? You like him, ‘no?” nagbigay ng may malisyang tingin si Brandon sa kaniya. Ngumuso na lang si Meteor at tumango sabay baba ng tingin. Napatingin na lang siya sa katabi ng bigla itong tumili ng malakas.

“Secret lang, ha?” pinanlakihan ni Meteor ng mata si Brandon at tumango naman ito. Halatang kinikilig ang lalaki dahil sa ngiti at tingin nito sa kaniya. Meteor didn’t expect that she’ll gain a friend while doing her bucket list. She never realized that making friends was this happy. 

“I have been in love with Joshua since the first day I saw him. It was the first day of first year college. Ang bait bait kasi niya. Maalaga din tapos halatang may future ka talaga sa kaniya. He was transparent, nababasa ko agad kung anong nasa isip niya… kaya ko siguro siya nagustuhan. 

“Si Josh ‘yung ideal man talaga. Hindi sasakit ang ulo mo kapag siya ang kasama mo dahil he will always find ways on how to make your day happy.” Nakangiti si Meteor habang kinekwento ang lahat ng iyon sa kaniya.

“Ahy! Ikaw na talaga, Ma’am! Grabe!” tumili ulit si Brandon habang bahagyang pinapalo si Meteor. Natawa na lang si Meteor at ininom ang natitirang wine sa baso.

“Pero, sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo… napupunta sa’yo. Bago pa ako maka-amin sa kaniyang mahal ko siya, I was diagnosed with cancer. Funny how my fate plays with my feelings.” Nakaramdam ng konting kirot si Meteor sa tiyan pero pinabayaan niya ‘yon.

Ang lungkot pala ng buhay niya. Hindi man lang niya naranasan ang bumuo ng pamilya kasama ang taong mahal niya. Hindi man lang niya naranasang magsabi ng “I love you”. Pero sana man lang maranasan niyang maging selfish kahit saglit lang. Bago siya mamatay…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status