SAMARA POV Pagkapasok pa lang namin ni Aldric ay bumungad na agad sa amin ang makukulay na ilaw at masiglang musika ng Ayala Triangle Gardens. Everyone’s enjoying the ‘Festival of Lights.’ Kahit saan ka lumingon ay mamamangha ka. Maraming tao ang nagpunta na nagkanya-kanyang picture at video sa lugar. Lumapad ang ngiti sa labi ko. Magandang pangtanggal stress ang maglakad-lakad rito. “You like it?” Aldric whispered to me habang nakahawak ang isang kamay sa beywang ko. “Yeah,” malambing kong sabi saka humalik sa labi niya. He's really a remedy for my bad days. Nakakawala ng lungkot at pagod. “I told you na may importante akong sasabihin sa 'yo, 'di ba?” pagpapaalala niya sa ‘kin. “Uhm,” tumango ako. “Tungkol saan 'yon?” usyusong tanong ko sa kanya. “Wait here,” nakangiti niyang sabi tapos umakyat siya ng stage. I chuckled. Ano na naman kaya ang paandar niya ngayon? Masyado siyang maraming pakulo. Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang tumutok ang mga ilaw sa akin na nakaa
SAMARA POV “Hmm, so what's your schedule for today?” sambit ko habang hawak-hawak ang notebook ni Aldric na naglalaman ng schedule ng practices at matches niya for football. Bumaling siya sa ‘kin. “Mamayang 4PM pa ang practice namin, may oras pa akong magpahinga,” tugon niya. Pauwi na kami sa kanya-kanya naming bahay. “Make sure to watch kung ‘di ka na masyadong busy,” pangiti niyang sabi tapos ibinalik ulit ang atensyon niya sa pagda-drive. Tumingala ako na wari’y nag-iisip. “First day ng Sportsfest 'yong cheerdance competition. Hindi ako makakanood ng practices mo kasi sunod-sunod din 'yong ensayo namin, but I'll make sure to watch all your matches after,” paninigurado ko sa kanya. Kinunan ko ng picture 'yong daliri kong may engagement ring para i-send sa GC namin nina Mandy at Candice. Nang magawa ko 'yon ay gulat na gulat silang dalawa. Natawa ako sa naging reaksyon nila. “What's that?” usyusong tanong ni Aldric. Iniharap ko sa kanya ang phone ko. “Look, kakasabi ko pa
SAMARA POV “Tadaaa,” masaya kong pinakita kina Mandy at Candice and engagement ring ko na Tiffany & Co. “Wow,” sabay silang namangha. “'Di ba isang milyon 'yong price ng model na ‘to? Mahal ka talaga ni Aldric,” patango-tangong sabi ni Mandy habang inuusisa ang singsing sa kaliwang kamay. Napanguso si Candice. “Sa'n mo ba kasi nabingwit 'yang nobyo mo para ro'n na rin ako maghanap?” nagpangalumbaba siya matapos sabihin 'yon. Ngumiti ako at bumaling sa kanya. “Candice, hindi ko siya hinanap, siya 'yong kusang lumapit sa ‘kin kasi crush niya raw ako rati,” confident kong sabi sa kanya. “So 'yong tip d'yan, dapat kasing ganda mo ‘ko,” pagyayabang ko sa kanya. “Ay, wow, ah?” bara ni Candice kaya natawa kaming tatlo. “So, kelan ang kasal?” sabik na tanong ni Mandy. “May specific date na ba?” “Hmm,” napaisip ako. “Masyado pa kaming busy para sa Sportsfest kaya hindi pa namin napag-uusapan ni Aldric. Siguro kapag nakabalik na kami ni daddy mula sa bakasyon namin sa Balesin, saka na na
SAMARA POV “B-Ba’t naka-iPhone ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Namamalimos pa nga siya at pinatos maging mascot para lang may makain sila ni Lolly. Tapos papakitaan niya ako ng phone na sobrang mahal? Nagsinungaling lang ba siya at hindi totoong mahirap? Kinapa ni Marco ang phone niya nang marinig ang tanong kong 'yon. “Bakit? Bawal bang gumamit ng iPhone ang mahihirap?” pilosopo niyang sagot. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. “Kasi panay ang sabi mo na wala kayong pambili ng pagkain ni Lolly, and then ganyan pala ang phone mo? Mamahalin? Hindi logical, 'di ba?” Itinaas niya 'yong phone niya para ipakita sa akin. “Mukha bang latest model ‘to?” Napaisip ako. “Hindi.” “Sa itsura ko ngayon, mukha bang kaya kong bumili nito?” muli niyang tanong sa akin. Tinitigan ko siya. Kupas at badoy na polo shirt ang suot niya. Ok lang naman 'yong buhok niya pero mahahalata mong walang pambili ng gel. Wala rin siyang suot na kahit anong alahas. Overall, mukha siyang busabo
SAMARA POV Nang magkasalubong ang mga mata nina Candice at Mandy ay agad silang umiwas ng tingin. Dama mong kumukulo pa rin ang dugo nila sa isa't isa. “Mag-sorry ka na kasi,” suhesyon ko kay Candice. Gulat siyang lumingon sa akin. “Bat ako? Siya kaya 'yong unang nakipag-away. Tinawag niya akong pokpòk,” naiinis siyang tumingin kay Mandy. “Hoy,” pinandilatan naman siya ng mga mata nito. “H'wag kang nang-aano, ah. Sinabihan mo rin kaya ako na 'yong keps ko inaagiw. Batukan kita r'yan." Aktong Hahampasin ni Mandy si Candy pero pinigilan ko siya. Napalingon 'yong lalaking nakasalisi namin sa hallway at mukhang narinig pa ata 'yong pinagtalunan nila kaya nagpatay-malisya na lang kami ni Candice. Napapikit naman si Mandy. “B-Basta hindi ako magso-sorry. Kahit pumuti pa 'yong uwak, never,” pagmamatigas ni Candice habang nakakrus ang mga braso. Pairap-irap pa siya. Napairap sa hangin si Mandy. “Asa ka naman na gusto kong makipagbati sa 'yo. Manigas ka r'yan,” pasaring niya. Napahinga
SAMARA POV “Uhmm, busog na busog ako. Salamat, Tita Ganda,” masiglang naglakad si Lolly sa unahan namin ni Marco. Panay ang masahe ko sa braso ko kapag hindi siya nakatingin. Grabe, nakakangalay palang magbitbit ng bata. “Tita,” lumingon si Lolly sa akin kaya umayos ako ng tayo at ngumiti. “Yes?” tugon ko sa kanya. Lumapit siya sa ‘kin at sumenyas na yumuko ako para sa kanya. “Ikaw po ba ang totoo kong mama?” sabik niyang bulong sa akin. Napawi ang ngiti ko. Paano ko sasabihin sa isang inosenteng bata na iniwan na siya ng mama niya? “A-Ah,” nauutal kong panimula. May kislap sa mga matang tumitig siya sa ‘kin na nag-aabang ng sagot. Ayokong madismaya siya. “Lolly kasi—” “Mali-late ka na sa klase mo,” bigla siyang kinarga ni Marco. Para siguro hindi na siya magtanong. “Maaga pa naman, dada,” nakasimangot na sagot ni Lolly. “'Di ba sabi ko, early bird catches the worm?” pag-aalo ni Marco sa bata. “Paano kung ako 'yong worm? Ayoko naman makain ng bird,” inihiga
THIRD PERSON POV “Whisky on the rocks, please,” order ni Aldric sa bartender. Mainit ang ulo niya at mahapdi pa rin ang kamao dahil sa ginawa niyang pagsapak sa schoolmate niyang si Marco Villaflor. “Bro, tinalo ka ng bulag? What the fvck is that?” natatawang sabi ng ka-teammate niya sa football na si Morris. Ipinatong nito ang kamay sa balikat niya. “Don't touch me,” malakas na paghawi ni Aldric sa kamay nito. Napataas na lang ng dalawang kamay si Morris bilang pagsuko. “Chill, bro.” Isang sexy'ng babae ang lumapit sa kanila. Hapit ang suot nitong shorts na halos kita na ang underwear at busog na busog ang dibdib. “Want to play with me?” Matamis itong ngumiti na hinimas pa ang hita at pagkalalaki ni Aldric pero hindi man lang ito na-turn on. Masyadong occupied ang utak nito para mapansin siya. “Brokenhearted ang isang ‘yan kaya hayaan mo munang magsenti. Kung gusto mo rito ka muna sa ‘kin,” paglilihis ng atensyon ni Morris sa babae. Umupo naman ito sa hita niya at bi
THIRD PERSON POV Kahit nasa kwarto na si Aldric at ang babaeng naka-flirt niya sa dance floor ay rinig na rinig pa rin nila ang musika ng bar. May speaker kasi sa loob ng kwarto na pinapatugtog ang kung anong pini-play sa labas. Umaayon ang ritmo nito sa bawat pagbayo niya sa babae sa pinto at sa pag-ungol nilang dalawa. Sound proof naman ang kwarto kaya walang makakarinig sa kanila. “Aaah, ah, ah,” halos kapusin ng paghinga ang babae habang mariin at sunod-sunod na binabayo ni Aldric ang matambok niyang pang-upo. Panay rin ang lamas ng binata sa malaki niyang dibdib na parang papaya. “Shit, you're driving me crazy, aaah,” muling ungol nito. Bunga ng kalasingan ay napagkamalan pa ni Aldric na si Samara ang nakipagsayaw sa kanya kanina sa dance floor kaya agad niya itong pinatulan. Masarap sa kama ang nobya niya. Nang mahimasmasan, ay ibang babae naman pala. Pero ayos na rin siguro kasi nasimulan na nila. Mukhang mapapasaya pa rin naman siya ng dalaga. “Aaaah, aaah, aa
SAMARA POV“Ara, here,” tawag sa akin ni Candice sabay taas ng kamay niya nang makita ako sa audience area. Kasama niya si Mandy. May dala silang popcorn, drinks at lightstick na gaya ng ibang mga estudyante.Punuan ang audience area ng open field. Ngayon kasi ang first match ng football kung saan kalahok ang team nila Aldric. Kanya-kanyang cheer at hiyawan ang lahat kaya halos ‘di na magkarinigan. Dagdag pa ang tugtog ng banda para sa opening ceremony ng laro.Noong una ay hindi pa makapaniwala sina Candice at Mandy na manonood ako ng football game. Iniisip pa rin kasi nila ang issue namin ni Aldric. Pero sinabi ko sa kanila na okay na kami ng ex ko. Nagkausap na kaming dalawa.Agad akong inabutan ni Candice ng popcorn at drink nang makalapit ako sa kanila. “Ang tagal mo, girl. Saan ka ba nagsuot?” nakabusangot niyang tanong.“Ah, naghugas lang ng kamay,” tugon ko sa kanya na ‘di na lang sinabi ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Jill kanina. After all, mukhang concern pa rin
SAMARA POVSinundan ko si Jill hanggang huminto siya sa nakahilerang lavatory sa labas ng cafeteria. Alam kong kanina niya pa napapansin na sinusundan ko siya pero pinili niyang magpatay-malisya. Sinuri niya ang sarili sa salamin at naghugas ng kamay.Tumabi ako sa kanya. Hindi naman makakaila na mas attractive ang tisay kong mukha at ang sexy kong katawan. I got all the curves in perfect places. Nalalamangan niya lang ako sa pino ng kilos niya na kahit ata ang bilyonaryang tulad ko ay magmumukhang mahirap.Pasimple siyang ngumiti nang mapansin niyang tinititigan ko siya. “Insecure?” mapanuya niyang tanong sa akin.Kumalembang ang tenga ko at tumaas ang kilay sa sinabi niya. “I'm sorry?” Where did she get the nerve to ask such a question? Ang isang Samara Licaforte ay mai-insecure?Humarap siya sa akin matapos punasan ang kamay niya ng libreng towel na naka-display sa baba ng salamin. Maging ang paraan ng pagpupunas niya ay may class. Pinagkrus niya ang braso at nang-aasar na tumitig
SAMARA POVNapabuntong-hininga ako habang hinahanap sa paligid si Marco. Nauna na si Aldric dahil may practice game pa raw sila. Nang magkahiwalay kami kanina ay napagdesisyunan kong bumili ng Korean food sa kalapit na restaurant nitong university. Gusto kong mag-sorry sa fiancè ko. Sa tingin ko kasi ay pinaramdam ko sa kanya na ‘di ko siya pinagkakatiwalaan dahil sa inasta ko. Sana rin ay makapag-usap kami nang masisinan para malaman ko ang saloobin niya. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya nang makita ko sina Dos at Jack na nakatanaw sa ‘di kalayuan. Parang may pinag-uusapan sila kaya na-curious ako.“Dos, Jack, ano ba ‘ya—” lapit ko sa kanila at agad na napawi ang ngiti ko.Ang tinititigan pala nila ay sina Marco at Jill na magkasama sa music room. Kasama nila si Lolly. Magkatabi ‘yong magnanay at nagtatawanan.Alam kong childish pero affected talaga ako. Pinigilan ko na lang ang sarili kong gumawa ng pagsisisihan ko na naman.Hahakbang na sana ako palapit sa kanila pero
MARCO POVMatapos kong kantahan si Jill ay umupo ako sa tabi niya. Sinimulan kong patugtugin ang piyesang ‘Heart and Soul’ sa grand piano. Inengganyo ko siyang sabayan ako. Hindi niya naman ako binigo. Napapansin ko pa rin ang panginginig ng isa niyang kamay na pilit niyang itinatago sa akin. Hindi nagtagal ay huminga ako nang malalim. May pahiwatig. Natigilan siya.“B-Bakit?” tila nangangambang tanong niya.Bumaling ako sa kanya. Marahan kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. Babawiin niya pa sana ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero ‘di na niya nagawa. Bahagya siyang nataranta.Alam ko na ang kasunod no'n. Mabigat siyang huminga at lumunok,…pinipigilan niya ang sariling umiyak.Tinitigan ko siya sa nangungusap na mga mata. “Hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka kapag malungkot ka,” payo ko sa kanya bilang kaibigan.Bahagyang napaawang ang bibig niya nang mapantanto na alam ko na ang nangyayari. Doon tuluyang bumuhos ang lu
MARCO POVHinahabol ko ang paghinga habang hinanap sa lahat ng sulok ng Northford University si Ara. Mabilis ang bawat paghakbang ko hanggang natagpuan ko siyang nakaupo sa bench kasama si Aldric. Napalunok ako at aaminin ko na bahagya akong nakaramdam ng selos. Napawi ni Aldric ang namuong lungkot sa mga mata ni Ara kanina. Bagay na ako dapat ang gumawa.“Hay, masakit na nga tapos tititigan mo pa. Ang weird mo talaga,” pasaring ni Jill na nakasunod pala sa akin. Paglingon ko ay bumungad ang matamis niyang ngiti. Naka-dress na siya at pinalitan ang kaninang suot na itim. She looks gorgeous while standing. Bakas sa tindig at yumi ang pagiging anak mayaman.Sumilip siya kina Aldric at Ara saka bumaling ulit sa akin. Nang-uusisa ang titig niya. “Ex niya?” kaswal niyang tanong sa akin.Marahan akong ngumiti. Pilit na tinatago ang pagseselos. “Si Aldric,” tugon ko sa kalmadong tono.“Ah, gano'n ba?” Napapigil siya ng tawa. “Ganyan pala ang itsura mo kapag brokenhearted ka. Mukha kang tuta
SAMARA POV“Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal-kapal ng mukha niya! May pa-childhood childhood pa siyang nalalaman tapos ex-wife niya naman pala ‘yon!” naiinis kong sabi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa hallway. Namamaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.Hindi ko alam kung saan ako papunta pero bahala na!“Hey, Sama—” Matalim kong tinitigan si Nico na nagpatikom sa bibig nito. Wala ako sa mood para sa pambubwisit niya. Nasa likuran niya ang buong football team.“Pwede ba? Pass muna r'yan sa matabil mong dila. Kahit ngayon lang,” mariing pakiusap ko sa kanya. Kumurap-kurap lang siya bago ko siya nilampasan. Nagkatinginan ang buong football team na napansin atang ‘di ako okay.“Ara…” Sa pinakaunang pagkakataon ay kinausap ako ni Aldric matapos ang opisyal na pakikipag-break ko sa kanya. Hinabol niya ako at pinaharap para suriin ang mukha ko. Bakas sa kanya ang pag-aalala.“Sinaktan ka ba niya?” pagalit niyang tanong sa akin. Parang may ideya na agad siya na si Marco ang dahilan.Umi
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POV Nais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila. Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan. Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana. “Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya. “Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito. Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumeh
THIRD PERSON POV Alistong sinundan ng mga mata ni Marco ang direksyong pinuntahan ng taong nakaitim. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo. “A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali. Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro. “Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta. Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras. Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos r