تسجيل الدخولMARIUS POV "Did I hear it right, Mr. Sanchez? Binebenta ni Mrs. Licaforte ang kompanyang ito sa atin?" pangungumpirma ko sa sinabi niya. Nasa lobby kami ngayon at nag-aagahan sa isang café. Katatapos lang ng maaga niyang meeting kay Mrs. Licaforte. Ang abiso ng ginang ay may importante raw itong sasabihin. Hindi ko inaasahan na pagbebenta pala nitong Licaforte Corp ang pakay niya. "Maging ako man ay nagulat, Sir Marius. Halatang problemado si Mrs. Licaforte habang nasa meeting kami kanina. Mahina ang sales ng luxury brands nila nitong nagdaan. Aniya, dahil sa krisis pinans’yal ng Pilipinas ay mas pinipili ng mga tao na bumili ng basic needs kaysa luho. At this point, giving up is their best option," dagdag na ulat nito. Sumimsim ako ng kape at mariing sinuri ang report sa iPad ko na pinasa ng isa kong tauhan tungkol sa Licaforte Corp. Nitong nagdaang taon, nalulong sa sugal ang kasalukuyang CEO nito na si Mrs. Licaforte. Malaking porsyento ng kinita ng kompanya ay napunta sa bisy
SAMARA POV"What the héll! Did you just slap me?! I'll fire you!" sumabog sa buong opisina ang bulyaw na 'yon ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit. Teka lang, fire? Para akong nabigwasan nang wala sa oras.Ang dami kong bayarin para sa pag-aaral ni Shion. Tiyak din na malulugi ang kompanyang 'to kapag hinayaan ko silang dalawa ni Tita Olivia. Ang Licaforte Corp na lang ang tanging alaala ko kay Daddy. Bakit ba kasi ako nagpadala sa emosyon ko? Natataranta akong lumapit sa stepsister ko."S-Sorry, hindi ko sinasadya—aaah!" Hinablot niya ang buhok ko at kinaladkad palabas ng opisina niya. Sumunod ang mga kasama niya sa amin para makiusyuso. Pinagtinginan kami ng mga empleyado nang makarating kami sa lobby. Sumasakit na ang anit ko dahil hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko. Halata sa itsura ng mga nakakita sa amin ang pagkagulat, pero walang ni isang umawat. Alam nila ang ugali ni Monica at ayaw nilang madamay. Nang makalabas kami ng main door ay basta niya na lang akong t
SAMARA POV "Manong! ‘Wag n'yo munang isara ang pintó!" sigaw ko sa gwardya ng Licaforte Corp. Halos madapa ako sa pagmamadali. Ang dami kasing gamit na pinadala ni Monica. Balak atang mag-photoshoot dito sa kompanya. Swerte lang talaga na isinabay ako sa sasakyan ni Manong Vonn. Inutusan kasi siyang mag-grocery ni Tita Olivia. Napabilis ang pagdating ko rito. Gayunpaman, dahil sa traffic, late pa rin ako ng kinse minutos. Imposible naman kasi ang quota ni Monica na alas-otso. "Tulungan na kita, Ma'am. Mukhang pinahirapan na naman kayo ni Ma'am Monica," pagboboluntaryo ni Manong noong nakapasok na ako. Napahugot ako ng malalim na paghinga. "Sinabi n'yo pa. Pwede n'yo po ba akong tulungan na ayusin itong lahat? Nahihirapan akong bitbiti—" "Oh, sus ko po!" Sabay kaming napasalo ni Manong Guard sa mga dala-dala ko nang mahulog ang mga ito. Mabuti na lang at malinis ang sahig. Baka umusok 'yong ilong ni Monica kapag narumihan itong mga gamit niya. Aligaga pa rin kami sa pag
SAMARA POV “Hay, ano ba ‘yan,” reklamo ko nang hindi naisentro ang pagkakalagay ng pancake sa plato. Dito ko ata binuhos ang kahihiyang dulot ng huling pagkikita namin ni Marco. 'Yong boses at titig niya. 'Yong kuryenteng nadama ko sa pagdapat ng mga kamay naming dalawa. 'Yong mga sinabi niya sa akin. 'Yong naunsyami naming halik. Ugh, lahat! Parang naka-glue sa memorya ko na ayaw mawala. “Gutom na ako, Ma. Ipakain mo na sa akin ‘yan,” nakabusangot na reklamo ni Shion. Mainipin talaga ang batang ‘to. Mana sa tatay niya. “Ito na,” nakangiting tugon ko at inilapag ang mga niluto ko sa mesa. Sinangag, sunny side up, pancake at hotdog. Pinagtimpla ko na rin siya gatas. Tahimik lang siya no'ng una na wari'y maingat akong inoobserbahan, saka siya nagsalita. “Um-absent ka raw sa work mo? Baka gusto mong magpaliwanag?” istriktong tanong niya sa ‘kin. Nakakrus ang dalawang braso. Mahina akong natawa sa inasta niya. Akala mo sisenta na, kahit 8 years old pa lang. Parang siya ‘yong puma
SAMARA POV“Nice to meet you, Samara. I’m Marius,” pakikipagkamay nito sa akin. Kasing lamig ng yelo ang boses niya.Napakurap ako. Marius? Akala ko ba ay ayaw niya sa pangalang ‘yan? Seryoso niya akong tinitigan. Tulad rati, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Hindi niya binaba ang kamay niya hangga’t hindi ko ito hinahawakan. Bahagya kaming tumahimik. Wari'y naghihintayan. “Brat, take his hand,” pasimpleng saway sa akin ni Tita Olivia. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya kay Mr. Sanchez.Inayos ko ang sarili ko. Nag-aalinlangan man sa simula, pero wala na rin akong nagawa. Nakipagkamay ako kay Marco at tila may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Aaminin ko na may epekto pa rin siya sa akin kaya ako ang unang bumitaw. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.“Oh, may pag-uusapan muna kami ni Mrs. Licaforte. Ms. Samara, ipasyal mo muna ang inaanak ko para hindi siya mabagot dito. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang meeting namin. Aasahan kita,” paalam ni Mr. Sanchez. Nagul
SAMARA POV“‘Di ko gusto. Walang dating. Panget.” Sunod-sunod na panlalait ni Monica sa speeches na pinagpuyatan ko. Ni hindi man lang siya nag-abalang basahin. Diniretso niya lang lahat sa trash bin. Hingal na hingal pa ako sa pagtakbo dahil inapura niya akong ihatid ang ginawa kong speeches. Tapos ang ending, mauuwi lang pala sa wala.Napasilip sa amin ang mga empleyadong nasa labas ng opisina. Sinadya talaga ni Monica na iwang bukas ang pinto para makita ng ibang tao ang pang-iinis niya sa akin. Panay pa ang ngiti nito nang nakakaloko.Hindi ko maintindihan kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na gumawa pa ng eksena. Palpak ang special projects niya lately. Nangangapa ito kapag hinayaan. Sinisisi niya pa sa iba ang mga pagkakamali niya. Halos wala ng tiwala ang lahat sa kanya pero tahimik lang ang iba dahil ayaw masisante. Ako na nga itong gumagawa ng paraan para makabawi ang kompanya tapos inuuna pa niya ang tantrums niya.“Monica, ilang linggo na lang ay gaganapin na ang 3-
MARCO POV Lumabas na muna ng secret room sina Vien, Dos at Jack para hayaan kami ni Mr. Sanchez na makapag-usap nang masinsinan. Naglalaan talaga siya ng oras na makapagkwentuhan kami sa t'wing sasapit ang kaarawan ko. Pinagsaluhan namin ang natitirang alak. Nagsimulang magbukas ng panibagong diskus
MARCO POV “Shadow Raven,” bungad sa akin ng lalaking nakaupo sa swivel chair nang makaharap siya sa ‘kin. Mababakas mo ang katandaan sa boses niya. Malalim akong napahinga bago ko siya nginitian. “Mr. Sanchez,” sambit ko sa pangalan niya saka bumukas ang ilaw. Mag-uusap pa sana kami nang sabay kamin
MARCO POV Hinila ako ni Ara sa storage room ng rooftop. Alam ko ang nasa isip niya at gusto ko ‘yon. Pagkarating namin sa loob ng storage room ay sinara niya ang pinto at mapusok naming tinitigan ang isa't isa. Matamis siyang ngumiti sa akin tsaka niya isa-isang tinanggal ang butones ng tuxedo ko.
SAMARA POV Akala ko ay hindi na ako magugulat kasi alam ko namang magpo-propose sa ‘kin si Marco—pero may inihanda pa pala siyang surpresa. Sinimulang patugtugin ng mga musikero ang kantang ‘Maybe This Time’ gamit ang violin. Nakita ko si Marco sa gitna ng stage na may hawak na mikropono at tila man







