Share

CHAPTER 84: Video

MARCO POV

Lumabas na muna ng secret room sina Vien, Dos at Jack para hayaan kami ni Mr. Sanchez na makapag-usap nang masinsinan. Naglalaan talaga siya ng oras na makapagkwentuhan kami sa t'wing sasapit ang aking kaarawan. Pinagsaluhan namin ang natitirang alak. Nagsimulang magbukas ng panibagong diskusyon si Mr. Sanchez.

“Nagpahanda ng malaking salo-salo ang mommy mo sa mansyon. Hindi ka ba hahabol? Inimbitahan niya ang mga bigating business partners ng pamilya Silvestre para ianunsyo na ano mang araw ay babalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Sabik na sabik ang mommy mo sa pagbabalik mo,” masigla niyang sabi.

Napailing ako at tipid na napangiti. “Kapag nagpakita ako sa kanya ngayon ay siguradong tatambakan niya agad ako ng maraming responsibilidad sa pamamahala ng negosyo namin. Gusto ko munang magliwaliw at sulitin ang isang linggong pagdiriwang ng Sportsfest ng Northford University,” tugon ko sa kanya.

“Oh, sportsfest,” tumango si Mr. Sanchez. “Namiss ko tuloy ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status