LOGINTHIRD PERSON POV"Istúpidá ka talaga, Monica! Bakit ngayon ka pa gumawa ng eksena? Alam mong nandito si Mr. Sanchez. Paano kung hindi niya ituloy ang pagbili nitong kompanya? Ikaw ang ipambabayad ko sa mga pinagkakautangan natin?!" bulyaw ni Mrs. Licaforte sa kanyang unica hija. Tutal, konteng panahon na lang ang natitira para bumagsak ang kompanya nila, hindi na niya ito itatago pa."I'm sorry? Anong bibilhin? Plano mong ibenta itong kompanya? What about my future?" paghihisterya ni Monica. Nasanay na siya sa buhay alta. Masisira ang image niya kapag nawala ang yaman nila."Future? Naiisip mo pa pala 'yan? E, puro party ang inaatupag mo lately. Ilan ba sa mga ginawa mo rito sa kompanya ang naging successful? Wala akong maalala. For heaven's sake, bakit ba ako binigyan ng anak na bóba?" hinihilot ang sintidong usal ng ginang. Mahal niya ang anak niya, pero hindi na niya napigilan ang sarili na magbitaw ng hindi kaaya-aya dahil sa labis na problema.Napaupo sa sofa si Monica at nagsimu
MARIUS POV "Did I hear it right, Mr. Sanchez? Binebenta ni Mrs. Licaforte ang kompanyang ito sa atin?" pangungumpirma ko sa sinabi niya. Nasa lobby kami ngayon at nag-aagahan sa isang café. Katatapos lang ng maaga niyang meeting kay Mrs. Licaforte. Ang abiso ng ginang ay may importante raw itong sasabihin. Hindi ko inaasahan na pagbebenta pala nitong Licaforte Corp ang pakay niya. "Maging ako man ay nagulat, Sir Marius. Halatang problemado si Mrs. Licaforte habang nasa meeting kami kanina. Mahina ang sales ng luxury brands nila nitong nagdaan. Aniya, dahil sa krisis pinans’yal ng Pilipinas ay mas pinipili ng mga tao na bumili ng basic needs kaysa luho. At this point, giving up is their best option," dagdag na ulat nito. Sumimsim ako ng kape at mariing sinuri ang report sa iPad ko na pinasa ng isa kong tauhan tungkol sa Licaforte Corp. Nitong nagdaang taon, nalulong sa sugal ang kasalukuyang CEO nito na si Mrs. Licaforte. Malaking porsyento ng kinita ng kompanya ay napunta sa bisy
SAMARA POV"What the héll! Did you just slap me?! I'll fire you!" sumabog sa buong opisina ang bulyaw na 'yon ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit. Teka lang, fire? Para akong nabigwasan nang wala sa oras.Ang dami kong bayarin para sa pag-aaral ni Shion. Tiyak din na malulugi ang kompanyang 'to kapag hinayaan ko silang dalawa ni Tita Olivia. Ang Licaforte Corp na lang ang tanging alaala ko kay Daddy. Bakit ba kasi ako nagpadala sa emosyon ko? Natataranta akong lumapit sa stepsister ko."S-Sorry, hindi ko sinasadya—aaah!" Hinablot niya ang buhok ko at kinaladkad palabas ng opisina niya. Sumunod ang mga kasama niya sa amin para makiusyuso. Pinagtinginan kami ng mga empleyado nang makarating kami sa lobby. Sumasakit na ang anit ko dahil hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko. Halata sa itsura ng mga nakakita sa amin ang pagkagulat, pero walang ni isang umawat. Alam nila ang ugali ni Monica at ayaw nilang madamay. Nang makalabas kami ng main door ay basta niya na lang akong t
SAMARA POV "Manong! ‘Wag n'yo munang isara ang pintó!" sigaw ko sa gwardya ng Licaforte Corp. Halos madapa ako sa pagmamadali. Ang dami kasing gamit na pinadala ni Monica. Balak atang mag-photoshoot dito sa kompanya. Swerte lang talaga na isinabay ako sa sasakyan ni Manong Vonn. Inutusan kasi siyang mag-grocery ni Tita Olivia. Napabilis ang pagdating ko rito. Gayunpaman, dahil sa traffic, late pa rin ako ng kinse minutos. Imposible naman kasi ang quota ni Monica na alas-otso. "Tulungan na kita, Ma'am. Mukhang pinahirapan na naman kayo ni Ma'am Monica," pagboboluntaryo ni Manong noong nakapasok na ako. Napahugot ako ng malalim na paghinga. "Sinabi n'yo pa. Pwede n'yo po ba akong tulungan na ayusin itong lahat? Nahihirapan akong bitbiti—" "Oh, sus ko po!" Sabay kaming napasalo ni Manong Guard sa mga dala-dala ko nang mahulog ang mga ito. Mabuti na lang at malinis ang sahig. Baka umusok 'yong ilong ni Monica kapag narumihan itong mga gamit niya. Aligaga pa rin kami sa pag
SAMARA POV “Hay, ano ba ‘yan,” reklamo ko nang hindi naisentro ang pagkakalagay ng pancake sa plato. Dito ko ata binuhos ang kahihiyang dulot ng huling pagkikita namin ni Marco. 'Yong boses at titig niya. 'Yong kuryenteng nadama ko sa pagdapat ng mga kamay naming dalawa. 'Yong mga sinabi niya sa akin. 'Yong naunsyami naming halik. Ugh, lahat! Parang naka-glue sa memorya ko na ayaw mawala. “Gutom na ako, Ma. Ipakain mo na sa akin ‘yan,” nakabusangot na reklamo ni Shion. Mainipin talaga ang batang ‘to. Mana sa tatay niya. “Ito na,” nakangiting tugon ko at inilapag ang mga niluto ko sa mesa. Sinangag, sunny side up, pancake at hotdog. Pinagtimpla ko na rin siya gatas. Tahimik lang siya no'ng una na wari'y maingat akong inoobserbahan, saka siya nagsalita. “Um-absent ka raw sa work mo? Baka gusto mong magpaliwanag?” istriktong tanong niya sa ‘kin. Nakakrus ang dalawang braso. Mahina akong natawa sa inasta niya. Akala mo sisenta na, kahit 8 years old pa lang. Parang siya ‘yong puma
SAMARA POV“Nice to meet you, Samara. I’m Marius,” pakikipagkamay nito sa akin. Kasing lamig ng yelo ang boses niya.Napakurap ako. Marius? Akala ko ba ay ayaw niya sa pangalang ‘yan? Seryoso niya akong tinitigan. Tulad rati, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Hindi niya binaba ang kamay niya hangga’t hindi ko ito hinahawakan. Bahagya kaming tumahimik. Wari'y naghihintayan. “Brat, take his hand,” pasimpleng saway sa akin ni Tita Olivia. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya kay Mr. Sanchez.Inayos ko ang sarili ko. Nag-aalinlangan man sa simula, pero wala na rin akong nagawa. Nakipagkamay ako kay Marco at tila may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Aaminin ko na may epekto pa rin siya sa akin kaya ako ang unang bumitaw. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.“Oh, may pag-uusapan muna kami ni Mrs. Licaforte. Ms. Samara, ipasyal mo muna ang inaanak ko para hindi siya mabagot dito. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang meeting namin. Aasahan kita,” paalam ni Mr. Sanchez. Nagul
SAMARA POV Napahinga ako nang malalim. Mababatid mo ang pagdadalawang-isip. ‘Dapat ko bang alamin kung kaano-ano ni Marco 'yong matandang lalaki?’ Napaismid ako. ‘Ano naman ang mapapala ko kapag ginawa ko 'yon? Napakawalang-kwenta.’ Aalis na sana ako kasi mukhang matatagalan pa bago lumabas 'yong bi
SAMARA POV “Hay, grabe siya,” hindi ko makapaniwalang sabi habang nakatitig kay Candice na ka-video call ko. “25 missed calls 'yon, 20 texts at inulan ko pa ng messages sa messenger tapos walang reply?” Gigil na gigil ako at halos madurog na ang steak barbecue sa bowl na tinimplahan ko para ihawin
SAMARA POV “Uhmm, busog na busog ako. Salamat, Tita Ganda,” masiglang naglakad si Lolly sa unahan namin ni Marco. Panay ang masahe ko sa braso ko kapag hindi siya nakatingin. Grabe, nakakangalay palang magbitbit ng bata. “Tita,” lumingon si Lolly sa akin kaya umayos ako ng tayo at ngumiti. “Yes?
SAMARA POV “B-Ba’t naka-iPhone ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Namamalimos pa nga siya at pinatos maging mascot para lang may makain sila ni Lolly. Tapos papakitaan niya ako ng phone na sobrang mahal? Nagsinungaling lang ba siya at hindi totoong mahirap? Kinapa ni Marco ang phone n







