SAMARA POV“Here, French toast, Caesar salad at lasagna. Ako ang gumawa ng mga ‘yan,” nakangiting sambit ni Monica matapos ilapag sa mesa ang mga pagkaing dala niya. Naglabas din siya ng plato at kurbyetos na iniabot niya sa ‘kin. Nasa mini-park kami ng Northford University.Ilang araw na rin siyang nagluluto sa mansyon. Nagpapaturo siya kay Manang Letty. Sinasadya niyang damihan para makatikim ang mga kasambahay namin. Mukhang nawala na talaga ‘yong pagiging maramot niya. Hindi na rin kami nagbabangayan.Una kong sinubukan ang French toast. “Hmm, masarap,” lehitimo kong komento. Nalasahan ko ‘yong butter. Matamis pero ‘di nakakaumay.“Talaga? Mabuti naman nagustuhan mo,” natutuwang tugon ni Monica. Naglabas siya ng isa pang paper bag na iniabot niya sa ‘kin. Makapal at maganda ang disenyo na may pulang ribbon mukhang mamahalin ang laman. Pagkabukas ko, isang branded na gintong wrist watch na may nakaukit pang mga dyamante. Napasinghap ako dahil sa pagkamangha.“Wow, akin ba ‘to?” pa
SAMARA POV“Two old friends meet again, wearin' older faces~”Natigilan ako at napatingin sa stereo ng sasakyan. ‘Yan ang paboritong kanta ni Marco. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula no'ng tuldukan ko ang relasyon namin. Ilang araw matapos no’n, nagbalik na rin ang pasukan sa Northford University. Hindi ko na ulit siya nakita. Maging si Lolly ay lumipat na rin ng eskwelahan. Walang nakakaalam kung saan nagpunta ang mag-ama. Tanging ang bakanteng silya lang ni Marco sa major subject namin ang nadadatnan ko sa araw-araw. Walang umuupo. Walang may ideya kung anong nangyari sa aming dalawa maliban kina Aldric at Candice. Pinagpasyahan ko ring ‘wag na naming pag-usapan pa.Ang alam lang ng lahat, nagkabalikan na kami ni Aldric. Malugod ‘yong tinanggap ng mga kakilala namin. Pinangako niya sa akin na aakuin niya ang anak namin ni Marco. Siya ang kikilalanin nitong ama.Napahawak ako sa t’yan ko. Maluwag na damit na isinuot ko. Hindi pa alam ng iba na buntis ako. Hihintayin ko n
THIRD PERSON POV2 weeks later…Tahimik lang si Monica habang pinagmamasdan si Aldric na naliligo sa banyo ng hotel na naka-glass wall. Kita niya ang maskulado nitong katawan habang lumalagaslas ang tubig. Kung ordinaryong araw lang ay baka maubos ang oras niya sa pagpapantansya rito. Gano’ng tanawin ang inaasam niya sa t’wing hindi sila nagkikita. Ngunit iba ang bumabagabag sa isa isipan niya.Ang gabing ‘yon na natunghayan niya mismo na ipinutok ng binata ang hawak na baril. Naaalala pa niya ang itsura ng lalaking pinaslang ni Aldric. Kapag pumipikit siya ay wari'y nakikita niya ulit. Kaparehong kaba ang hatid no’n sa t’wing kumakatok sa kanyang ulirat.“Monica,” untag sa kanya ng binata. Nakangiti at mukhang nasa mood.Napaigtad naman ang dalaga sa pagkakaupo. “H-Ha?” wala sa sarili nitong tugon. Umiling na lang si Aldric at binuksan ang smart TV. Kanina niya pa napapansin na gano'n ang dalaga simula nang nagkita kita. Tumapat siya sa salamin at nagsuklay. Medyo basa pa ang buhok
THIRD PERSON POV“Hala, anong nangyari?” nag-aalalang tanong nina Dos, Jack at Vien nang makitang inaalalayan ni Candice ang amo nilang si Marco na parehong basang-basa sa ulan.Wari'y wala sa sarili ang binata, nanghihina at iika-ika kung maglakad. Parang may kung anong masamang nangyari. Naglabas sila ng malaking payong para isilong sa dalawa.“Hay, nag-break na sila,” nayayamot na tugon ni Candice. “Pakidala pala si Marco sa ospital. Nabangga kasi ‘yan ng kotse kanina. Hindi pa siya dumadaan ng ospital. Inaapoy rin ng lagnat.”Nagulat silang tatlo at nataranta. Pinagtulungan nilang isakay si Marco sa sasakyan nila.“Teka, break? Sinong nag-break?” naguguluhang tanong ni Vien. Napapikit si Candice dahil naaalala na naman niya ang nangyaring komprontahan kanina. “Sina Marco at Ara. Tapos na sila. Bigla na lang nakipag-break ang gágang ‘yon at bumalik sa ex niya. Hay, nai-stress akong talaga,” litanya ni Candice. Nanlaki naman ang mga mata ng tatlo.Magsasalita pa sana siya nang lip
SAMARA POVMalalim akong huminga. “Tapos na tayo, Marco,” diretsahang sambit ko sa kanya.“Ara,” saway ni Candice sa akin. Kung meron mang testigo sa pag-usbong ng pagmamahalan namin ni Marco, siya ‘yon. At mukhang saksi rin siya sa pagtatapos nito.Sinubukan akong hawakan ni Marco pero tinabig ko ang kamay niya. Umiling siya at ayaw pa rin tanggapin ang narinig niya. “Bakit? Anong dahilan?” tanong niya sa ‘kin. Litong-lito siya.Nais kong sabihin sa kanya ang mga nadiskubre ko pero wala rin namang magbabago kahit tumanggi man siya o umamin. Mas mabuting ako na ang tumapos ng ugnayan namin. Paulit-ulit ko lang na maaalala na pinagkanulo ako noon ni Maureen. Hindi ko na kayang magtiwala pa sa mga taong may kaugnayan sa nakaraan ko. Gusto ko ng ibaon sa limot ang karanasang ‘yon.Kahit mahirap, pinatatag ko ang sarili ko sa harap niya. Nagpanggap ako na walang epekto sa ‘kin ang mga luha niya. Wala akong ideya kung ano pa ang dapat na sabihin, pero kailangan ko siyang kumbinsihin na tap
SAMARA POVNakatulala ako sa kawalan habang malakas pa ring bumubuhos ang ulan. Hindi ko napansin na papalapit si Aldric. Bumalik lang ako sa huwisyo no’ng nagsalita siya.“Ara, okay ka lang?” nag-aalala nitong sabi saka ako ginawaran ng mahigpit na yakap. Rinig ko ang mabibigat niyang paghinga.Tulad ko, basang-basa rin ang buo niyang katawan. Napayuko ako at doon ko napantanto ang panginginig. Hindi ko lang mawari kung dahil sa lamig ng panahon o sa trahedyang sinapit ko sa kamay ni Eli.“W-Wala na ba siya?” tanong ko sa basag na boses. May bakas ng pangamba. Wari’y bangungot ang lahat na habang buhay kong kikimkimin.Hinawakan ni Aldric ang magkabilaan kong pisngi. “Hinding-hindi na niya magagawang guluhin ka. Sinigurado ko ang bagay na ‘yon,” mariing sambit niya sa akin. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang mga binitiwan niyang kataga.Napapikit ako at naitakip ang dalawang kamay sa mukha. “Sana nga, Aldric. Takot na takot ako. Baka gawin niya ulit sa akin ‘yon,” paghagulgol ko.