Share

CWD - 4

He went out after staying inside his office for a couple of hours. Matapos silang kumaing dalawa ni Adelaide ay nagsabi siya sa babae na mananatili na muna sa opisina niya pero makalipas lang ng halos dalawang oras, lumabas na rin siya at umalis sa bahay niya dahil pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na naman ang nasa dibdib niya.

Wala namang masama sa itinanong ni Adelaide sa kanya. Kung tutuusin, alam ni Daniel na maaari itong magtanong sa kanya ng mga gano’ng bagay dahil nakakapagtaka naman talaga na sa laki ng bahay niya, silang dalawa lamang ang naroon at may larawan ni Bea at Alexandra ang bahay niya.

Natural na magtataka ang babae kung sino ang mga nasa larawan, pero hindi pa kayang magsabi ni Daniel sa ibang tao ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Maliban sa pamilya nila Thunder at mga malalapit na kaibigan nito na naging kaibigan na rin niya, wala naman siyang ibang napapagsabihan ng nangyari. It’s been years already but he would be lying if he’ll say it’s not hurting him anymore. Or haunting him.

He was just looking at the sea while thinking about his family. He’s one of those unfortunate people in this world. Wala siyang nailibing na bangkay ng kahit na sino sa pamilya niya. Hindi na nakita ang mga katawan ng mga ito kaya naman sa tuwina ay sa malapit sa dagat na lang siya nagpupunta. It makes him feel that they’re around him whenever he’s near the sea.

Three days with Adelaide somehow distract him from everything. May mga pagkakataon na ang babae ang nasa isip ni Daniel hanggang sa bago siya matulog. He’s still trying to know her more. Sinusubukan niyang maghanap ng mga impormasyon na maaari niyang magamit para makilala pa ang babae at maging ang rason kung bakit ito tila may tinataguan.

She could be a spy, but no. Alam ni Daniel na hindi kalaban si Adelaide. Maging ang tamang paghawak ng baril ay hindi nito alam, kaya sigurado siyang ang babae ang biktima ng kung sinong kriminal.

Nagyuko na lamang siya sa hawak niyang bulaklak.

Babe, I don’t know why she came into my life, but can you help me? Can you help me help her? He sighed deeply. Sa nangyari, iniisip na lang niya na isa ang nasirang asawa sa mga tumutulong sa kanya sa mga kasong hinahawakan niya. Kapag sa palagay niya ay nahihirapan na siya at wala ng pag-usad ang kaso, he talk to his wife and after that, things will be okay.

He sighed heavily again before throwing the flower in the water. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa o maawa sa sarili. It feels like, he’s being toyed with fate. Kung kailan siya sobrang masaya, at saka naman binawi ang lahat sa kanya.

It was already late when he decided to go home. Iniisip na lang niyang iinom siya ng kaunti para na rin makatulog siya kaagad. He still needs to leave tomorrow morning.

Pagdating niya sa bahay niya ay nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya naman hindi niya napigilang mapangiti. Malamang ay pinatay ni Adelaide ang mga iyon. Tinignan niya ang orasan at nakitang halos hatinggabi na rin naman. She’s probably sleeping right now.

He’s hoping she prepared herself a dinner. Hindi na nakapagluto si Daniel kanina, kumpleto naman ang stock sa bahay niya kaya umaasa siyang marunong naman magluto ang babae dahil hindi naman iisang beses lamang itong nagprisinta sa kanya na ito na lamang ang magluluto ng pagkain nilang dalawa.

Hindi na siya nag-abalang buhayin ang mga ilaw sa bahay niya. May mumunting liwanag namang pumapasok sa loob mula sa poste na nasa labas kaya hindi problema sa kanya ang dilim.

Dumiretso siya sa kusina upang kumuha ng ilang bote ng beers para magpaantok bago umakyat sa kwarto niya. Nanatili siya sa may sala habang umiinom at nakapatay ang ilaw.

Inilibot niya ang mga mata sa kabahayan, he smiled bitterly. Noong nangyari ang aksidente, gustong-gusto ni Daniel na ibenta na lamang ang bahay na iyon pero hindi niya magawa dahil ang bahay na iyon ang isa sa mga nagsisilbing alaala ni Bea sa kanya.

They planned together their life inside that house, they made it their home. Naisip nilang dalawa kung paanong panunuorin ang mga anak nilang lumaki sa bahay na iyon na puno ng pagmamahal nilang dalawa, at sa isang iglap lang, lahat ng pangarap na iyon, nawala na lang.

His cousin Hunter was right. He’s still young actually. Maaari pa naman talaga siyang maghanap ng mapapangasawa at makakasama sa buhay pero hindi niya magawa ang bagay na iyon dahil bukod sa abala sa trabaho, iniisip ni Daniel na ipapahamak lamang niya ang kung sinong makakasama niya sa buhay.

Gaya na lamang noon.

Naputol ang iniisip niya nang matanaw si Adelaide na pababa ng hagdan. Tulad niya ay hindi na rin ito nagbukas ng mga ilaw at diretsong tinungo nito ang kusina.

She’s still awake.

Wala sa loob na tumayo ang lalaki at sinundan ang parte ng bahay na tinungo ng babae. Naabutan niya itong nasa tapat ng fridge at nakatuwad na tila may kung anong hinahanap sa loob.

Napatingin siya sa binti nito na noon pa man ay napansin na niyang maputi at makinis, naglandas pang paitaas ang mga mata niya papunta sa mga hita nito na wala siyang maipintas dahil alam niyang ni bakas ng isang peklat ay wala ito. He knows that because he changed her clothes the day they met. Wala naman siyang ibang pagpipilian noon dahil wala siyang ibang kasama sa bahay niya.

Sinubukan niyang hindi makita ang mga parteng hindi niya dapat makita ngunit hindi naman niya maiiwasan ang gano’ng bagay.

Halos mapamura si Daniel nang mapansin na walang suot ang babae na pang-ibaba. She’s just wearing an oversized shirt! Muli itong gumalaw dahilan upang mas mapatuwad pa ito.

Gustuhin man ni Daniel na iiwas ang mga mata ay hindi niya mapigilang hindi tignan ang tila inihahain sa kanya ng babae ngayon. She’s not aware that he’s around and he should be ashamed that he’s having a boner right now, but damn.

Hindi maganda ang nararamdaman niya dahil nag-iinit ang katawan niya at alam na alam ni Daniel na hindi iyon dahil sa alak na nainom niya. Hindi pa nga niya nauubos ang isang bote kaya naman paanong mapapainit nito ang katawan niya?

It’s all because of Adelaide.

Napagdesisyunan niyang magsalita na upang umayos na ito ng tayo dahil hindi na talaga tama ang nararamdaman ni Daniel sa mga oras na iyon. Heck, he’s picturing himself kissing Adelaide while pinning her slim body against that fucking refrigerator!

“Why are you still up?” tanong niya sa babae upang palising ang kamunduhang naiisip niya. Naninikip na ang pantalon niya at gusto na lamang niyang suntukin ang sarili dahil sa nangyayari.

Nakita niyang nagulat ang babae at agad na tumayo at lumingon sa kinaroroonan niya. “K-kanina ka pa riyan?” tanong sa kanya ng babae.

Fuck, yes. Kanina pa at nakita ko na ang hindi ko dapat na nakita.

“I just heard a noise. Why are you still up?” he tried his best to sound normal but he’s fucking tempted to run his fingers over that legs. He looked at her from head down to her legs.

Fuck.

“Nagutom kasi ako… I was just looking for something to eat,” sagot nito sa kanya. “Ikaw?” kumain ka na ba? Gusto mong kumain?” sunod-sunod na tanong nito sa kanya. He stared at her face for a while. Gusto niyang sagutin ito na iba ang nais niyang kainin sa mga oras na iyon pero pinanaig ni Daniel ang katinuan kahit pa ramdam na ramdam niya ang pagtigas ng alaga sa loob ng suot na pantalon.

“I’m good. Go upstairs after that,” he said before turning his back on her. Malamang ay kung hindi pa siya aalis doon ay may mangyayaring maaari nilang pagsisihan na dalawa.

Hindi na niya tinapos ang pag-inom at umakyat na lang sa sariling silid. Mabilis niyang hinubad ang t-shirt at ang suot na pantalon. He looked down on his pet and he cursed when he saw him hard-rock.

Tangina, bakit ang bilis ko naman yatang tigasan dahil sa babaeng ‘yon?

He shook his head and walked to the bathroom. Siguro ay kulang lang siya sa sex, naisip ni Daniel. It’s been a while, too. Masyado siyang abala sa trabaho kaya naman hindi niya na masyadong nahaharap ang sex life niya kaya ngayon na may babaeng kasama siya sa bahay niya ay gano’n na lang ang reaksyon ng alaga niya.

He took a cold shower and tried to calm himself.

The next morning, he woke up late. Gusto niyang sisihin si Adelaide dahil talagang nahirapan siyang matulog dahil sa babae. Hindi siya pinatahimik sa nakita, dagdag pa ang pagpasok sa isip niya noong araw na pinalitan niya ito ng damit. Maganda ang hubog ng katawan ng babae, hindi man gano’n kalaki ang dibdib nito ay hindi nakabawas iyon upang hindi nito mapainit ang katawan niya.

Bumaba na lang siya upang makainom ng kape at mainitan ang tiyan. Hindi niya kailangan ngayon ang mag-init ang katawan niya dahil may kailangan pa siyang gawin mamaya. Napakunot ang noo niya nang makitang may almusal nang nakahain sa lamesa. Mukhang nagising ng maaga ang babae. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom kaya nagtimpla na lamang siya ng kape at kumuha ng isang tinapay at naglakad papunta sa opisina niya nang mapansin na tila may bultong naroon sa swimming pool ng bahay niya.

Tinungo niya iyon habang hawak ang tasa ng kape.

Putangina.

Hindi niya maialis ang paningin kay Adelaide na kasalukuyang nakalutang sa pool habang nakapikit. Bahagya lang nitong iginagalaw ang mga kamay at paa ngunit ang mga mata nito ay mariin ang pagkakapikit.

She was wearing a boxers shorts now, thank God. Pero hindi nakaligtas kay Daniel ang suot ng babae pang-itaas. Puting t-shirt pang-itaas ang suot ng babae at bakat na bakat doon ang dibdib nito. Kitang-kta ni Daniel ang hubog ng mga u***g nito sa damit na basa na siyang dahilan upang mag-init na naman ang katawan ng lalaki.

Tumalikod na lamang siya at mabilis na nagpunta sa kusina.

He’s a having a fucking boner again. Whatever his plans are today, he’s just going to cancel it. Hindi siya makakapag concentrate ganitong ang tanging naiisip niya ay ang mga labi sa dibdib ni Adelaide habang umuungol ito.

Naupo na lamang siya at pilit ikinakalma ang sarili. It’s too early for him to act like that. He’s acting like a horny high school kid. That’s not the right way for him to act.

Pinilit na lamang niyang kumain bago nagpunta sa kwarto niya. Iba na lamang ang agenda niya sa araw na iyon imbes na puntahan si Thunder at tulungan ito. He needs to do something else. Para rin naman sa kanya ang gagawin kaya uunahin na lamang niya iyon. Tatawagan na lamang niya si Thunder at sasabihan na bukas na lamang siya magtutungo sa bahay nito at ng asawang si Rain.

Hustong nakalabas na siya nang kwarto nang makita si Adelaide na papalabas na rin. Di yata’t tapos na itong maligo t-shirt niya pa rin ang suot nito.

“Where are you going?” tanong niya sa babae na iniiwas mapatingin sa dibdib nito. Her nipples are hard. Pansin na pansin iyon ni Daniel.

“Magluluto ng tanghalian natin,” sagot nito sa kanya.

“Don’t bother. We’ll eat outside,” sabi niya rito na ikinakunot nito ng noo.

“Lalabas tayo?” tanong nito sa kanya na ikinatango naman niya.

“We’ll buy you clothes,” sagot niya sa babae. As much as he wants to see her on his clothes, hindi nakakabuti sa kanya, sa kanilang dalawa ang mga naiisip niya. Gaya na lamang ngayon.

“Talaga? Hindi ba nakakahiya naman sa’yo at—“

“It’s okay,” sagot niya rito. He needs to buy her clothes, underwear, and all the other things that a girl needs. Alam niyang may mga kailangan ito para sa sarili.

She smiled at her. “Thank you. Babayaran ko na lang ang lahat ng magiging gastos mo sa akin kapag pwede na akong umuwi sa amin.”

A kiss will do.

“Hindi naman kailangan. Magbihis ka na, aalis tayo in ten minutes,” sabi niya bago tumalikod ngunit maagap siyang pinigilan ni Adelaide.

“W-wala akong damit na pamalit,” nakayuko ito nang lingunin niya. Napahinga siya ng malalim. Of course, wala nga pala itong damit na magagamit.

“I’ll get something for you to wear,” aniya bago muling naglakad papunta sa isang kwarto. As much as possible he doesn’t want her to wear any of her clothes…

Kumuha na lang siya ng isa sa mga iyon kahit ang nasa isip niya ay tila mas gusto niya pang makita ang babae na hubad. Talaga nga yatang natitigang na siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status