Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers.
Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon.
Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?
Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.
Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kanya dahil halos kalahati lamang ng mga hita niya ang natatakpan niyon. Hindi naman pangit tignan sa kanya ngunit sadyang maiksi lamang. Iniisip niya lang ang posibleng isipin ni Daniel sa kanya.
Napatingin siya sa pinto nang muling kumatok si Daniel. “Done?” tanong nito sa kanya. Muli niyang hinagod ang sarili ng tingin bago nagpunta sa pinto at buksan iyon.
“Yes…” mahinang sabi niya habang nakayuko.
Hindi naman kaagad nagsalita si Daniel kaya nag-angat ng tingin si Adelaide rito. Nakatingin ito sa kanya at tila pinagmamasdan siya. May tila amusement sa mga mata nito na nawala rin kaagad nang ikaway niya ang kamay sa harap nito. “Daniel? Are you okay?” tanong niya sa lalaki. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ayos niya.
He cleared his throat.
“Okay lang ba? Hindi ba masyadong maiksi para sa akin at—“
“It’s okay,” putol ni Daniel sa sasabihin niya. Napatango na lamang siya sa lalaki at sumunod dito nang magsimula na itong maglakad. Hindi naman nagsalita si Adelaide hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan nito. Gusto niyang tanungin ang lalaki kung ayos lang ba talaga ang suot niya dahil parang hindi naman nito nagustuhan.
Hindi man lang nga nito siya muling sinulyapan habang nasa biyahe silang dalawa.
Kanino kaya ‘tong damit? Ani ng isip ni Adelaide habang nilalaro-laro ang laylayan ng suot na bestida. She was wearing Daniel’s boxers as her underwear. Naiisip na niya ang mga dapat niyang bilhin habang nasa daan sila.
“Do you want to eat first before we buy your clothes?” si Daniel ang nagsalita. Nilingon niya ito at ang mga mata ng lalaki ay nananatili sa daan. Parang iwas na iwas itong makita siya…
Maybe he’s mad because of what happened last night. Sa naisip ay pinamulahan ng pisngi si Adelaide at wala sa loob na hinilang pababa ang laylayan ng suot na damit. Dahil nakaupo siya, mas hantad ang mga hita niya kaysa kapag nakatayo.
Wala naman sigurong nakita si Daniel maliban sa hita niya, pero alam ni Adelaide na posible ring mayroon dahil sa pagkakatanda niya, nakayuko siya at naghahanap ng makakain sa fridge nang nakita siya nito.
“Hey, I’m asking you,” sabi nito nang huminto pansamantala dahil pula pa ang nasa ilaw-trapiko.
“Ha? Ano… i-ikaw na lang ang bahala. Gutom ka na ba?” tanong niya sa lalaki. Nilingon niya ito at napansin niyang ang mga mata nito ay nakapokus sa bandang hita niya. Hindi naman malaman ni Adelaide kung bakit ba tila may maliit na tinig sa loob niya ang nagsasabing hayaan lang ang lalaki at mayroon namang tinig na nagsasabing hilahin niya pang muli ang damit upang maalis ang tingin ni Daniel doon.
Bakit parang mas gusto kong tignan niya ako?
Si Daniel naman ang unang nagbawi ng tingin mula sa pagtingin nito sa hita niya, nagtaas ito ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. “I’m not that hungry. We should buy you clothes first,” sabi nito sa kanya bago muling pinaandar ang sasakyan.
Tanging tango lamang ang nasagot niya rito. Gusto niyang sumimangot dahil tila balewala sa lalaki ang nakikita nito sa kanya. Modesty aside, Adelaide knew she’s pretty. Iyon naman ang laging sinasabi sa kanya ng mga kaklase noon. Ilang beses na rin siyang pinapasali sa mga pageant sa school nila noon pero sadyang wala lang siyang hilig sa gano’n. Masyado siyang abala sa pag-aaral para salihan pa ang mga gano’ng bagay.
Maganda rin ang hubog ng katawan niya dahil na rin sa hilig niya talagang gawing ehersisyo ang paglangoy.
Pero mas mabuti naman yata kung wala akong epekto sa kanya. Eventually, maghihiwalay naman din kami ng landas…
She sighed heavily as she looked outside. Parang may mabigat sa dibdib niya sa naisip na kapag maayos na ang problema niya, maghihiwalay na rin silang dalawa ni Daniel… pero iyon naman ang totoo. He’s just helping her, no more and no less.
Muli niyang nilingon ang lalaking ang buong atensyon ay nasa pagmamaneho. Sa palagay ni Adelaide ay hindi naman gano’n kalaki ang agwat ng edad nilang dalawa. Mukha namang bata pa rin ang lalaki sa kabila ng pagiging matured nito. Maybe he’s in his late 20’s? Wala siyang ideya.
Walang-wala ang mga naging kaklase ni Adelaide kung ikukumpara sa lalaki. He looks like a real man. Hindi tulad ng mga nakakasalamuha niya noon sa unibersidad na pinapasukan maging ang anak ng kaibigan ng daddy niya na si Wesley.
But Wesley’s a nice guy, and he loves me…
Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa labas ng sasakyan. Oo, mabait si Wesley. He’s too good to be true, kaya nga mas lalong ginusto ng daddy niya na magkaigihan sila ng lalaki pero wala siyang kahit na anong nararamdaman para rito maliban sa pagiging magkaibigan. Hanggang doon lamang ang kaya niyang ibigay rito. Hindi niya nakikita ang sarili na kasama ito hanggang sa pagtanda, kasamang bumuo ng pamilya.
At si Daniel, nakikita mong kasama mo?
She let out another sigh. Di yata’t hindi na nagiging maganda ang epekto sa kanya ng lalaki. Aminin man niya o hindi, there’s something about Daniel that attracts her.
“Are you okay? Kanina ka pa bumubuntong-hininga diyan,” puna ni Daniel sa kanya bago siya nito nilingon. Sinulyapan naman ito ni Adelaide at tinanguan. “Okay lang ako. Naninibago lang siguro ako…” pagdadahilan niya sa lalaki na halata namang hindi pinaniwalaan ang sinabi niya ngunit tumango na rin upang hindi siya mapahiya
Pinilit niyang huwag na muling lingunin si Daniel at abalahin na lang ang sarili sa pagtingin sa labas.
Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na sila sa isang sikat na mall. Matapos iparada ni Daniel ang sasakyan ay lumabas na ito at nagpunta sa pwesto niya at pinagbuksan siya ng pinto. Ayaw man ni Adelaide ay hindi niya napigilan na pamulahan ng pisngi dahil sa ginawa ng lalaki.
“Let’s go,” ani Daniel bago hinawakan ang siko niya at inakay na siya papasok sa loob ng mall. Hindi nito binibitiwan ang braso niya habang naglalakad sila patungo sa isang boutique na pambabae.
Nilingon niya si Daniel na seryoso ang mukha habang naglalakad. He’s really hard to read. Tila ba marami itong iniisip at kahit na hulaan niya ang nasa isip nito, malaki ang tsansa na hindi pa rin tatama ang sagot niya.
“Good afternoon, Sir, Ma’am,” nakangiting bati sa kanilang dalawa ng saleslady sa isang tindahang pinuntahan nilang dalawa. Tinanguan ito ni Daniel habang inililibot ang mata sa paligid.
“Good afternoon, din,” bati niya sa babaeng nasa harap nila ngunit na kay Daniel lamang ang tingin. Tila yata’t napako ang atensyon nito kay Daniel.
“Can you help her get all the things she needs?” sabi ni Daniel sa babae bago lumingon sa kanya. “Pick anything you want, don’t worry about the price, okay?” sabi nito bago siya iginiya papasok sa loob. “I’ll wait for you here,” muling sabi nito bago naupo sa isang upuan malapit sa fitting room.
Is he serious? Pwede niyang kunin ang kahit na anong gusto niya? Pero hindi ba mukhang ang kapal naman ng mukha niya kung aabusuhin niya ang tulong na binibigay nito sa kanya?
“Ma’am, let’s go po?” aya ng babae sa kanya na halata namang ayaw umalis sa kinaroroonan ni Daniel. Nilingon niyang muli ang lalaki at tinanguan siya nito. “Go now,” sabi nito bago nag-dekwatro pa ng upo.
Tumango na lamang siya at sumama sa babae at tumingin sa mga damit na naroon.
Gaya ng nasa isip niya kanina, una siyang nagpunta sa underwear section ng tindahan na iyon. Nagtingin siya ng bra at panty na sukat sa kanya at kumuha ng magkakapares. Nilingon niya si Daniel na nakaupo pa rin at may kung anong binabasa sa cellphone nito, tila hindi nito napapansin ang ilang customers na tumitingin dito.
“Ma’am, ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo,” ani ng sales lady na nakasunod sa kanya. May kung ano sa loob niya ang nagalak sa sinabi ng babae. Ibig sabihin ay napagkamalan nitong boyfriend si Daniel. Kung siya ang papapiliin ay tila ayaw na niyang itama ang sinabi nito pero hindi naman niya maaaring hayaan na gano’n ang isipin nito.
Nakakahiya pa rin para kay Daniel.
“Hindi ko siya boyfriend,” sagot niya sa babae bago muling naglakad at nagtingin sa iba pang naroon. She tried her best to be as quick as possible. Hindi na rin niya isinukat ang mga piniling mga damit dahil naiisip niyang baka naiinip na ang lalaki sa paghihintay sa kanya.
Kagat ang labi siyang lumapit kay Daniel nang matapos na siyang makapamili ng mga damit na bibilhin. “Daniel…”
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “You’re done?” tanong nito sa kanya. Tumango naman siya at napatungo. Tumayo na ang lalaki at hinawakan ang braso niya. “Bayaran na natin. Nagugutom na ako,” sabi nito bago sila naglakad papunta sa cashier. Sumunod na lamang siya sa lalaki.
Nakatingin lang siya kay Daniel habang nagbabayad ito sa pinamili niya. Akmang kukunin niya ang paper bags matapos itong magbayad nang tinignan siya ni Daniel. “Ako na. Let’s go,” sabi nito bago nagpatinunang maglakad.
Wala naman siyang nagawa kundi sundan na lamang ang lalaki. Naiisip ni Adelaide na baka galit ito dahil lagpas treinta mil ang binayaran nito para sa mga damit niya. Hindi naman niya akalain na aabot ng gano’n, may kamahalan naman din kasi sa pinuntahan nilang shop. Pwede naman na sa department store na lang, hindi naman siya mapili.
“Daniel…” untag niya sa lalaki habang naglalakad ito. Nilingon naman siya nito. “Yeah?” tanong nito bago muling tumingin sa dinaraanan.
“I’m sorry…” nakayukong sabi niya sa lalaki. Naiisip niya naman talagang bayaran ang mga gagastusin nito para sa kanya, maging ang pagkain, ang pagpapatira sa kanya sa bahay nito, lahat iyon ay babayaran ni Adelaide kapag naging maayos na ang lahat sa kanya.
She heard him chuckle. “Why are you saying sorry? Wala namang kaso sa akin na naghintay ako.”
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Hindi… b-bukod doon. Iyong gastos mo kasi…” muli siyang nagyuko ng tingin. “Papalitan ko na lang at—“
“Forget about it. It’s okay,” he smiled at her. “I’m famished. Do you want pasta or rice? Parang mas gusto kong kumain ng kanin, e,” sabi nito sa kanya bago siya inakay papunta sa isang Filipino restaurant.
Inilapag nito ang mga pinamili sa isang upuan bago siya ipinaghila ng sariling upuan. Umusal na lamang siya ng pasasalamat sa lalaki.
Si Daniel na ang umorder ng pagkain nilang dalawa at wala namang naging problema ang bagay na iyon kay Adelaide. Hinayaan na lamang niya ang lalaki.
“Here,” sabi nito sa kanya na ikinalingon niya. He was handing her a paper bag. Kumunot naman ang noo niya rito.
“Change your clothes,” utos nito sa kanya. Inabot naman niya ang paper bag at tinignan ang laman niyon. Isang dress at underwear ang laman ng paper bag na iyon. Di yata’t ipinabukod iyon ng lalaki ng hindi niya napapansin.
“Ngayon na?” tanong niya rito na sinagot nito ng tango. She just nods a little before getting up. Nagtanong siya sa isang waiter kung nasaan ang CR at agad naman niyang tinungo ang direksyon nito.
She checked the dress and creases her forehead. Hindi niya maalalang pinili ang damit na iyon, maging ang underwear na naroon ay alam niyang hindi niya pinili habang namimili siya ng damit.
She smiled a little before changing her clothes, there’s something about the gesture that made her heart flutter. He picked that dress for her, for what reason, Adelaide remains clueless and that is okay.
Somehow, she feels like Daniel is becoming her happy pill.
“Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira
Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga
“Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa
She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n
“Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki
Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum