Share

CWD - 3

Pinagmamasdan ni Adelaide ang mga halaman sa may pool area ni Daniel habang nakaupo siya sa mga upuang pampahingahan doon. It’s been 3 days since she met Daniel. Naghihilom na rin paunti-unti ang mga sugat niya.

Tulad noong unang araw niya roon, damit pa rin ni Daniel ang suot niya dahil wala naman siyang ibang dala maliban sa kutsilyo at baril niya. Ang damit na suot niya noong dumating siya ay hindi naman na rin niya nakita, naisip niyang baka itinapon na iyon ng lalaki.

Nasa kwartong inookupa niya ang mga iyon at hindi kinukuha ni Daniel dahil ani ng lalaki ay tanda iyon na maaari niya itong pagkatiwalaan.

Trusting him isn’t that hard to do. Sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa bahay nito, wala naman itong ibang ginawa kundi siguraduhin na kumportable siya at maayos ang lagay niya.

How she wished she can do the same with her mom. Gusto niyang malaman ang lagay nito, kung kamusta na ba ito subalit alam naman niya na kapag tumawag siya rito, sasabihin lamang iyon ng ina sa amahin at malamang sa malamang ay mahahanap siya ng mga ito kaya naman kahit pa sabik na siyang muling makasama ang ina ay hindi niya ginagawa ang pagtawag dito.

“Hey, are you okay?” ani Daniel mula sa likuran niya. Nilingon niya ito at nakita na naman niya ang lalaking walang suot na pang-itaas. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki. Ang alam niya ay nasa gym ito ng bahay nito kanina at nag-eensayo.

Sa loob naman din ng tatlong araw na pamamalagi niya roon, nalaman niya na ang routine ni Daniel. Ito pa rin ang naghahanda ng makakain nilang dalawa dahil kahit na sinubukan naman niyang gumising ng maaga upang maghanda, naunahan pa rin siya ng lalaki.

Wala rin itong kasambahay roon kaya naman silang dalawa lang talaga ang nasa loob ng malaking bahay na iyon. Adelaide is just so thankful that his house doesn’t look like a haunted house, or else she’ll freak out every damn time.

“H-hey…” aniya na muling ibinaling ang tingin sa mga halaman na naroon. She’s amazed on how a man like Daniel has those kinds of plants in his house. Hindi naman din mukhang napapabayaan ang mga iyon base sa berdeng-berdeng kulay ng mga dahon na iyon. Sa bahay nila sa Davao, nakapaligid din ang mga sari-saring mga halaman na alaga ng mommy niya, pero may mga kasambahay naman din sila na tumitingin sa mga iyon. Hindi naman siya gano’n kahilig sa mga halaman at bulaklak kaya hanggang tingin lamang siya sa mga iyon.

“Are you hungry?” naupo ito sa kalapit na upuan at binuksan ang lalagyan ng tubig na hawak nito at uminom doon.

“You already cooked our lunch,” nilingon niya ang lalaki. Hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ang katawan nitong nananatiling hubad dahil nagpupunas ito ng pawis. Talaga namang walang makita si Adelaide na taba sa katawan ni Daniel. Nasa tamang lugar ang lahat ng laman at muscles nito. He’s really well-built.

“Yes, before I hit my gym,” he replied before he put the towel on the side and looked at her. Napansin ni Daniel ang suot ng babae. T-shirt at boxers na pagmamay-ari ng lalaki. Wala namang ibang mapahiram si Daniel, liban na lamang kung ipapahiram ng lalaki ang mga damit ng nasirang asawa sa bisita niya.

“I can do the chores, you know? Wala naman akong ginagawa rito,” sabi ni Adelaide sa lalaki nang muling lumingon dito. Ngumisi naman si Daniel sa kanya. “You’re my visitor, it’s fine with me, Sweets,” sagot nito sa kanya.

He’s still calling her Sweets—the nickname he gave to her. Sometimes he’s using her name, but most of the time, he prefers that pet name.

Tumango na lamang siya sa lalaki. Ang tanging paraan niya sa pagbawi sa lalaki ay ang paghuhugas nila ng pinagkainan pagkatapos nilang kumain. Doon ay hindi na nagagawang tumanggi ni Daniel dahil inuunahan na agad ni Adelaide ang pag-aasikaso sa mga hugasin.

Habang kumakain silang dalawa ay hindi na nakatiis si Adelaide at nag-usisa na siya sa lalaki.

“Tayo lang talagang dalawa ang narito sa bahay mo?” tanong niya sa lalaki. Magana siyang kumakain dahil lagi namang masarap ang inihahain ni Daniel sa kanya. Minsan niya na itong pinanuod na magluto at hindi niya mapigilang humanga sa lalaki dahil maalam ito talaga sa kusina.

Nilingon siya nito at saka tumango. “Yes, though every weekend someone’s cleaning the house, and doing the laundry,” sabi naman nito sa kanya. Tumango-tango siya bago muling sumubo.

“How about your family?” usisa niyang muli rito. Nakikita naman niya ang suot nitong singsing sa daliri nito kaya naisip ni Adelaide na kasal na ang lalaki. May nakikita rin siyang larawan nito at ng isang babae kasama ang isang maliit na babae. Naisip ni Adelaide na iyon ang asawa ni Daniel.

Natigilan si Daniel bago lumingon sa kanya. “Let’s not talk about them,” sabi nito bago pinapormal ang mukha at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman napigilan ni Adelaide na pagmasdan si Daniel.

May nasabi ba akong mali? Gusto ko lang naman malaman kung may-asawa ba siya, pero mukha namang mayroon. Napalingon siya sa daliri nitong may suot na singsing.

Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain at hindi na lang nagsalita. She felt like with what she asked, Daniel’s mood shifted to a different side. Parang bigla itong naging seryoso dahil hindi na niya muling nasilayan ang ngiti nito habang kumakain sila na kalimitan naman nitong ginagawa sa kanya.

Sa panahon na magkasama silang dalawa, parati naman itong may nakahandang ngiti para sa kanya na parang iyon ang paraan nito ng pagsasabi sa kanya na nasa maayos siyang kalagayan at ligtas siya, subalit ngayon, hindi niya makita ang ngiting iyon.

Matapos nilang kumain ay halos hindi na niya nakita si Daniel dahil nasa loob ito ng opisina nito at nagsabi lang sa kanya na may trabaho itong aasikasuhin. Nagpalipas na lang ng oras si Adelaide sa may malaking entertainment room sa bahay ni Daniel at nanuod ng kung ano-ano.

“Ang laki-laki ng bahay niya, tapos siya lang mag-isa ang nakatira…” nagpakawala siya ng buntong-hininga bago itinuon ang atensyon sa pamimili ng palabas na naroon. Siguro nga ay kung ibang sirkumstansya ang nangyayari, makakaramdam ng takot si Adelaide sa sitwasyon niya ngayon. She’s alone in a big house with a man… kung tutuusin ay sa bulto ng katawan ni Daniel, kayang-kaya siya nitong gawan ng masama, pero iba ang nangyayari.

Walang makapang takot si Adelaide, sa halip, kahit hindi niya maipaliwanag ay alam niyang ligtas siya habang kasama ang lalaking nagkukulong sa opisina nito sa mga sandaling iyon.

Sa kawalan ng magawa ay tila nalibang naman na si Adelaide sa panunuod ng pelikula na naroon. She loves to watch a movie with an action scene in it. Hindi niya rin maipaliwanag pero mas gusto pa niyang nanunuod ng mga gano’n kaysa sa mga love story na dapat nga ay mas pinapaboran niya.

Napalingon siya sa malaking bintana na naroon na natatabingan ng puting kurtina at napansin na madilim na.

“Lumabas na kaya siya?” napalingon siya sa pinto bago tumayo at lumabas na rin sa entertainment room. Mabagal at dahan-dahan ang ginagawa niyang paghakbang habang lumilinga-linga sa paligid.

Huminto lamang siya sa paglalakad ng tumapat sa office ni Daniel. Wala siyang nakitang bakas ng ilaw sa ilalim ng pinto nito, mukhang walang tao roon.

“Baka lumabas?” nagkibit-balikat na lang siya at nagtuloy papunta sa kusina. Nakita niyang wala pang kahit na anong nailuluto para sa hapunan nilang dalawa ni Daniel kaya naman siya na ang nagkusang makialam at magluto.

Maybe he’s really upset with the question she asked. Hindi naman mawari ni Adelaide kung bakit gano’n ang naging reaksyon ni Daniel. Kung siya naman ang tatanungin nito tungkol sa pamilya niya ay magkukwento siya, pero ang lalaki, iniiwasan iyon at iniwasan na rin siya.

“Baka naman hiniwalayan siya?” hindi pa rin niya mapigilang umisip ng rason kung bakit gano’n ang naging reaksyon ni Daniel.

Inabala na lamang niya ang sarili sa pagluluto at nang matapos siya, muli niyang binalikan ang opisina ng lalaki upang katukin ito.

“Daniel?” tawag niya sa lalaki. “Daniel, kakain na…” mas nilakasan niya ang boses ngunit wala siyang narinig na kahit na anong sagot mula sa loob ng opisina nito. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang seradura nito, marahan niya iyong ipinihit at sumungaw sa loob nito.

Kadiliman ang sumalubong sa mga mata ni Adelaide kaya naman mas binuksan niya pa ang pinto upang pumasok ang liwanag roon. Kinapa niya ang pader at pinindot ang switch na naroon, mabilis na kumalat ang liwanag sa loob ng silid.

Muli niyang inilibot ang tingin at kahit anino ni Daniel ay hindi niya nakita sa kwartong iyon. Mistula iyong library dahil sa dami ng librong naroon. Humakbang papalapit si Adelaide sa lamesang naroon at tulad ng malaking portrait na nakita niya sa living room, may larawan din doon ng babae at isang bata.

Kinuha niya iyon at pinagmasdan ang mukha ng babae. She’s so beautiful…

Napabuga siya ng malalim na buntong-hininga bago muling inilapag iyon. Wala roon si Daniel, hindi naman alam ni Adelaide kung nasaan ito kaya minabuti na lamang niyang lumabas na at magpunta sa komedor.

It seems like she’s going to eat alone. Mabilis na lang niyang tinapos ang pagkain at tinabihan ng makakain ang lalaki. Pagtapos ay bumalik na siya sa silid na inookupa at naupo sa kama. Balak niyang maglinis ng katawan pero nahihirapan naman din siya dahil wala siyang damit na pamalit.

Tanging mga t-shirt ni Daniel at boxers ang nausuot niya at nahihiya naman siyang magsabi sa lalaki na kung pwede silang mamili ng gamit niya. Naisip niyang sabihin dito na papalitan na lamang niya ang gagastusin nito pero nauunahan pa rin siya ng hiya.

Kinuha na lamang niya ang isang puting shirt at boxers at nagtuloy na sa banyo.

Habang nasa loob ng banyo ay hindi mapigilan ni Adelaide na maisip ang mommy niyang naiwan sa poder ng amahin. Miss na miss na niya ito pero wala siyang lakas ng loob na tawagan ito dahil baka ang amahin ang makasagot ng tawag niya.

Ayaw niyang bumalik doon habang naroon ang lalaki. Hindi siya ligtas doon.

How she wished her daddy didn’t die. Siguro ay iba ang buhay niya ngayon kung kasama pa rin nilang dalawa ang daddy niya. She’s a daddy’s girl that’s why a thought about her father can make Adelaide cry like a baby.

It’s been years since he’s gone but it’s still painful as hell.

Pagtapos niyang maligo ay sumampa na siya sa kama habang pinapatuyo ang buhok. Kumuha siya ng ilang libro sa library ni Daniel dahil naisip niyang magbasa-basa para antukin. Mag-isa lamang siya sa bahay na iyon, sinubukan niyang katukin ang kwarto nito ngunit wala ito, wala rin ito sa gym kaya naman nang lumabas siya kanina upang tignan ang mga sasakyan ng lalaki, nasiguro niyang lumabas ito nang mapansing kulang iyon ng isa.

Marahil ay may pinuntahan ang lalaki. Wala naman siyang karapatan na mag-usisa sa lalaki kaya nanatili na lamang siya sa kwarto niya. Isinandal niya ang katawan sa uluhan ng kama at nagsimulang magbasa.

Hindi niya napansin ang oras at halos hatinggabi na nang mapalingon siya sa orasan sa pader na naroon. Nakaramdam siya ng gutom kaya naman lumabas na lang siya sa kwarto niya at nagpunta sa kusina. Tahimik pa rin ang paligid at madilim. She made sure to turn off the lights before she went upstairs earlier.

Bahagya siyang yumuko upang magtingin sa loob ng refrigerator ng makakain. She wanted something light since it’s already midnight. Nagugutom lang talaga siya dahil kaunti lang ang nakain niya kanina.

“Why are you still up?”

Halos mapatalon si Adelaide sa gulat nang may magsalita sa likod niya. Agad siyang tumayo at nakitang naroon si Daniel at may hawak na bote ng beer.

“K-kanina ka pa riyan?” tanong niya rito. Mukhang kakauwi lang nito, o marahil ay hindi. Napansin niya ang hawak nitong beer na halos kalahati na lamang ang laman.

“I just heard a noise. Why are you still up?” he asked her. He eyed her from head to toe.

“Nagutom kasi ako… I was just looking for something to eat,” sagot niya sa lalaki. “Ikaw? Kumain ka na ba?” tanong niya rito. “Gusto mong kumain?” dagdag niya pang tanong.

“I’m good. Go upstairs after that,” sabi nito bago mabilis siyang tinalikuran.

Hindi naman niya napigilang mapasimangot. Bakit ba tila galit pa rin sa kanya si Daniel? Hindi pa rin ba nito nakakalimutan ang tanong niya rito kanina?

Muli siyang yumuko at napansin ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya nang maalalang hinubad ang suot na boxers kanina. “Oh my gosh…” pinamulahan siya ng mukha sa naisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status