Share

Chapter 5

Penulis: BM_BLACK301
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-19 19:57:43

RYKE CARLOS

"Ok, I will only go to you."

Natahimik ako at hindi nakapagsalita dahil sa sagot ni Elaine, hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit ako nagiging ganito sa inaanak ko.

Simula kagabi hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa kaniya lalo na ng maglapat ang labi namin. Halos nakailang mura na ako sa isipan ko dahil kahit anong pikit ko hindi mawala sa isip ko. Ngayon mas lalo pang nadagdagan.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga dahil kagabi at kanina pa magulo ang isip ko at mas lalong gumulo dahil nasa tabi ko siya ngayon.

"Aalis pa ba tayo?"

Napalingon ako at nawala sa isip ko hindi pa nga pala kami umaalis.

"I'm sorry, kulang ako sa tulog." Sagot ko at napatingin ako sa oras at mahinang napamura ako dahil anong oras na.

"May problema ba?"

Umiling ako dahil sa tanong niya pero natigilan ako dahil sa suot niya na labas ang pusod.

"Bakit ganyan ang ayos mo?" Seryosong tanong ko habang nagmamaneho.

"Ha? Ayos ko? Bakit maganda naman a, ang sexy ko nga dito at-"

"I know but-" hindi ko natapos ang sasabihin ko at niluwagan ko ng kaunti ang neck tie ko dahil para akong hindi makahinga ng maayos.

"But what?"

Sinulyapan ko lang siya hindi ko ngunit hindi sinagot ang tanong niya.

"This is my first time na sumama sa mas matanda sa akin at ninong ko pa, curious ako kung ano ginagawa ng mga tulad niyo sa meeting."

"Sa edad mo na yan sigurado akong maiinip ka lang,"

Sagot ko lang dahil bata pa nga siya dahil ganun ang nasa isip niya.

"Well, tingnan ko mamaya."

Nakangiting sagot niya paglingon ko sa kaniya ngunit mabilis na inalis ko agad ang mata ko sa kaniya.

"Malayo ba? Nasaan ka ninong kanina no'ng tumawag ka?"

"My office," simpleng sagot ko.

"Talaga? So, may company ka na dito?"

"Yes, before I'm leaving I prepare all." Sagot ko dahil inayos ko na talaga ang lahat. "Sa tulong ng magulang mo,"

"Ooh, I see..."

Napangiti ako saglit dahil sa inosente niyang reaction.

"Nandito na tayo pero bago ka bumaba isuot mo 'to."

Hinubad ko ang coat ko at pinatong ko sa balikat niya at napansin ko na napangiti siya binalewala ko na lang.

"Thanks po,"

Hindi na ako sumagot lumabas na ako at pinagbuksan ko siya, inalalayan ko pa siya na makalabas.

"Dito kayo magme-meet?"

Tumango ako dito ko siya dinala sa restaurant na pag-aari sa isa sa mga naging kaibigan ko rin. Dahil malapit na rin ang lunch kaya dito ko naisip na i-set ang meeting namin.

Magkasabay na pumasok kami at nagtungo kami sa pina-reserve ko na table, kinuha ko rin yung katabi para kay Elaine habang naghihintay ka.

"Dito ka lang muna habang may kausap ako."

"Yes, dito lang ako makikinig."

Ngiting sagot niya at napailing ako na hindi ko maintindihan, natanawan ko naman si Mr. Ganza. Mabilis na nilapitan niya ako.

"Mr. Ryke Carlos Ferrero."

Nakangiting bati niya sa akin at nagkamay kaming dalawa.

"Nice to see you again after the long years."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya dahil magkakilala na kami noon bago pa ako umalis.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko.

"Ito, may tatlo ng anak."

"Wow, congrats." Sagot ko.

"How about? Sigurado akong may anak ka na rin,"

Hindi ako nakasagot at napatingin kay Elaine.

"May kasama ka?"

"Yeah, anyway. Ano nga yung offer mo?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Yes, here. Check this and read carefully, kung magustuhan mo ang offer ko sa'yo mas maganda. You can sign now,"

Tumango lang ako pero kay Elaine ako nakatingin dahil inaayos niya ang coat ko sa balikat niya. Napatingin ako sa flat niyang tiyan.

"Mr. Ferrero?"

"Yes? Yes, It's ok. Do you a have ballpen?" Tanong ko at nagtataka na inabot sa akin ang ballpen.

"Ok na sa'yo?"

"Yes," sagot ko at mabilis na pinirmahan ang papel.

"Hindi ko alam na ganun ka mas kadaling kausap ngayon."

Tumatawang sabi niya napangiti lang ako at kinamayan niya ako.

"I have order here, you can enjoy the time here. Kailangan ko ng umalis, ayos lang ba?"

"Yeah sure, thank you by the way. I will contact you again."

Tumango lang ako at tumayo na nilapitan ko si Elaine.

"Come on,"

Aya ko sa kaniya at bahagya pa siyang nagulat.

"Tapos na kayo?"

"Yes," sagot ko at humawak ang kamay ko sa likod niya, naglakad na kami.

Fuck this feeling, hindi ako makapagtrabaho o makapag-isip ng tama. Pakiramdam ko mas gusto ko pa lagi kong kasama si Elaine.

--

ELAINE

May kung anong kuryente akong naramdaman sa paghawak ni Ninong Ryke sa likuran ko. Pakiramdam ko iniingatan niya ako ng sobra-sobra, parang mas lalong gumanda ako dahil sa ginawa niya.

Fck!  Bakit ang lakas sobra ng dating niya sa akin?

Pagdating sa labas ay agad niya akong pinapasok sa kotse.

"Akala ko pa naman maiinip na ako hindi naman pala," nangingiting sabi ko.

"Wala ako sa mood magtagal."

Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko dahil bigla siyang lumapit sa akin. Napapikit ako dahil sa isipin na hahalikan niya ako.

"Don't forget your seatbelt,"

Napapahiyang napadilat ako at napamura sa isipan ko matapos niyang ikabit sa bewang ko.

"Thanks," sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kaniya.

"Saan mo gustong pumunta? Free ako ngayon,"

Nilingon ko siya dahil sa tanong niya at nakita ko ang nakakakilig niyang ngiti.

"Kahit saan?" Sagot ko at nakatingin sa kaniya, napansin ko na bigla siyang natigilan.

"Yeah, saan mo ba gusto?"

Napangiting tanong niya sa akin at ako naman nakatitig lang sa kaniya.

"Your house," seryosong sabi ko at nawala ang ngiti niya sa labi.

"My house?"

Ulit niya sa sinabi ko at nakangiting tumango ako.

"Bakit sa bahay ko?" Napangiting tanong niya.

"Gusto ko lang makita ang bahay mo at kung ano'ng mayroon doon." Sagot ko at hindi siya agad nakasagot.

"Ok, are you sure?"

Tanong pa niya sa akin at dalawang sunod na tumango ako.

Binuhay niya na ang makina at pinaandar, habang nasa biyahe kami hindi mapakali ang isipan ko dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko kapag dumating na kami sa bahay ni ninong.

Hindi naman nagtagal at huminto kami sa isang mataas na building at kung tama ay condo ito.

"I live her, but soon I buy a new house."

"Not bad." sagot ko lang napatingin sa paligid.

Muling umandar ang kotse papasok sa loob at dinala ni ninong sa parking area, paglabas namin sa kotse ay sabay kaming naglakad pero bigla siyang huminto at pumunta sa harapan ko.

"Whay?" Kunot noong tanong ko.

Hindi siya sumagot napatingin ako sa ginawa niya pinagdikit niya ang coat niya at binutunes niya.

"By the way, bakit bihira mo lang akong tawagin na Ninong?"

Napaangat ako ng mukha at nagsalubong ang mata namin hindi ako agad nakasagot, titig na titig lang ako sa mga mata niya.

"Ok, you don't need to answer. Call me what you want,"

"Can I call you, Ryke? Not ninong? Kapag tayo lang?"

Mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya at hindi ko alam kung bakit yon ang sinabi ko pero hindi ko na mababawi pa.

Hindi siya sumagot naramdaman ko na lang ang kamay niya mula sa likod at nagsimula na kaming maglakad. Patingin-tingin lang ako sa kaniya iniisip ko kung ano ang nasa isip niya ngayon dahil sa sinabi ko.

Sakay ng elevator kami lang dalawa tahimik kami hanggang sa nakarating na kami sa floor kung saan ang unit niya. Ilang sandali lang kaming naglakad hanggang sa huminto kami sa pinto, tinapat lang niya ang hintuturo niya at bumukas na ang pinto. Nalanghap ko agad ang amoy ng aircon at ang pabangong lagi kong naamoy kay ninong.

Pagkakita ko sa sopa agad na naupo ako dahil pakiramdam ko ang bigat ng balakang ko dahil na rin sa menstruation, naiinis ako dahil bakit ngayon pa ako nagkaroon.

"You want juice-"

"Water only,"

Sagot ko napahawak sa puson ko at napakunot siya sa akin.

"May masakit ba sa'yo?"

Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala at bahagyang kinilig ako.

"I'm ok, I have a mens-"

"Huwag mo na sabihin." Sagot niya agad na parang naunawaan agad.

"It's better a warm water,"

Hindi pa ako nakakasagot umalis na siya agad kaya naiwan ako, lumibot ang mata ko sa paligid at napansin ko sa maliit na kabinet may picture doon kasama siya at naisip ko agad na parents niya yon dahil kamukha niya. Malinis dito sa loob at black and white lang ang combination ng mga kulay dito, simply but elegant. Halatang mamahalin ang lahat ng mga kagamitan na nandito, may napakalaking flat t.v.

"Here drink this,"

Napalingon ako nandito siya dala ang isang basong tubig medyo mainit siya, ininom ko agad yon.

"Thanks, this is your parents?" Turo ko sa picture.

"Yes,"

Sagot niya at bahagyang lumapit doon sa picture.

"Wala na sila."

Natigilan naman ako at lumapit rin sa kaniya at tumabi sa gilid niya.

"What do you mean?" Tanong ko kahit parang alam ko na.

"Because of the accident,"

Sagot niya sa mahinang boses kinapitan ko naman siya sa balikat at napalingon siya, halos magdikit na ang katawan namin dahil sa pagharap niya. Kinuha niya ang kamay ko sa balikat niya at tiningnan 'yon.

Napalunok ako dahil sa klase ng pagkakatitig niya sa akin, bumaba ang tingin ko sa labi niya na medyo nakabuka. Napakagat labi ko at sa lalamunan niya na napalunok, pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod at bago pa ako pa manghina kumapit ang isang kamay niya sa bewang ko.

"What did you do to me? What should I do?"

Naguluhan ako dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

---------

Mamaya na lang po ulit ako update at sana pa-comment naman diyan 😊🥴 ❤

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 17

    SAMANTHANapakuyom ang kamao ko dahil sa galit kay Elaine.Punyeta kang babae ka! Sa tingin mo panalo ka ngayon? Huwag kang magsaya dahil hindi pa tapos! Kinuha ko ang phone ko kinuntak ko si Ryke, sinabi ko na magkita na kami ngayon dahil may gusto rin akong sabihin sa kaniya at may ilang bagay lang rin akong sasabihin sa kaniya.Sisiguraduhin ko na magkakasira kayong dalawa Ryke dahil hindi ako papayag na mapunta ka lang sa batang 'yon!Nag-thumbs up lang siya sinabi ko at kahit parang nainis ako ay hinayaan ko na lang.Pagdating ko sa lugar kung saan kami magkikita ay napangiti ako nang makita siya dahil kahit simply lang ang suot niya ay hindi maitatangi ang taglay niyang kagwapuhan.Ito yung pinanghinayangan ko noon no'ng sapilitan akong ikasal sa lalaking hindi ko naman mahal."Hi, late na ba ako?" Bati ko sa kaniya at akmang hahalik ako sa kaniya ng umiwas siya.Nagulat man ako pero hinayaan ko na lang at naupo na."Salamat pala sa pagpunta mo." Ngiting sabi ko."May lakad rin

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 16

    ELAINE"Ok, wait me. I think 10 to 15 minutes nandiyan na ako," Napalayo ako kay Ryke pagpasok ni mommy dahil naiwan kami ni Ryke dito habang binabalot na ang dress na napili ko. "Elaine, anak mag-commute ka na lang muna may biglaan akong meeting magpapahatid ako kay daddy mo, may lakad rin siya." "It's ok mom." Sagot ko agad."Ako ng bahala ihahatid ko siya." Mabilis na sagot ni, Ryke."Mas mabuti pa salamat talaga pards, ano maiwan ko na kayo at yung dress ok na kunin mo na lang. Ryke, please keep safe my beautiful daughter," nakangiting sabi ni mama.Tumango lang si Ryke at lumabas na si mama."Come on, ihahatid na kita." Aya ni Ryke sa akin."Really, pauuwiin mo na ako agad?" Nakataas ang kilay ko.Napangiti siya sa akin na mas nakadagdag gwapo sa kaniya."Bakit saan mo ba gusto pumunta?" Nakangiting tanong niya."Kahit saan ayoko pang umuwi." sabi ko at nauna na ako lumabas ng pinto.Paglabas ko nakita ko doon si Samantha at nakatingin ako sa box na pinaglalagyan ng dress ko

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 15

    ANNEAng saya ko ngayong umaga kasi nandito si sir Ryke, kahit hindi ako magkakape ay ginawa ko para makapasok ako sa loob. Nasa labas kasi ang puwesto may sarili akong table dito si Sir Anton lang nasa loob. Pagpasok ko sa loob nakita ko sir Ryke nakatalikod habang may kausap ito sa phone. Sumenyas ako kay sir Anton na magtitimpla lang ako ng kape, tumango siya at nagtungo na ako banda sa may gilid kung saan may maliit na lababo. May maliit na ref dito at mga kagamitin sa pagtimpla sa kape mga pagkain. Pinili kong itimpla yung purong kape lang.Dahan-dahan lang ako para tumagal at nagulat pa ako sa pagdating ni sir kahit may kausap sumenyas sa akin ng tubig kaya agad na kumuha ako. Habang nakatingin ako sa kaniya pasemply ko siyang pinasadahan mula ulo hanggang paa. Parang ang sarap niyang yakapin ang ganda ng katawan. "Kamusta ka naman dito?" "Ha? Ay sorry sir." nahihiyang sabi ko dahil sa pagiisip ko.Ngumiti lang si sir Ryke at tumalikod na ito."Sir, salamat po pala sa pag-h

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 14

    SAMANTHA"Do you like her?" Napalingon sa akin si Ezra ang pamangkin ko, dahil pansin ko na nakatanaw pa rin siya doon sa kotse ni Ryke na ngayon ay nakalabas na ng gate."Yes, I really like her since I see her." "I can help you," nakangiting sabi ko at napangiti siya."How naman tita?" Hindi naniniwalang tanong niya."I know her family and puwede kita ilapit kay, Elaine." Nakangiting sabi ko nalaman ko ang pangalan niya at naalala ko na inaanak nga siya ni Ryke."Sa tingin ko hindi niya ako type," napakamot siya sa ulo.Humawak ako sa braso niya at tinawanan ko siya."Suko ka na agad? Ako nga magsisimula pa lang." Napalingon sa akin si Erza at ngumiti lang ako sa kaniya."Siya nga pala sino yung kasama mo tita? Ninong pala siya ni, Elaine." "That handsome guy? Siya lang naman 'yung lalaking unang minahal ko." "Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya."Yes, mahabang kuwento at naging kumplekado ang lahat sa amin noon, and now. Siguro ito na ang time namin sa isa't isa." Matamis a

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 13

    ANNE "Anne, paki-note ako ng mga ito at lagi mo akong i-message sa mga schedule ko kasi medyo makakalimutin na ako." "No problem po." ngiting sagot ko kay Sir Anton ang personal secretary ni Ryke, pero sabi niya sa akin kapag wala siya ako ang papalit sa kaniya para samahan si sir Ryke. "Doon lang muna ako sa loob wala sir." "Ha? Bakit po nasaan?" nalungkot ako dahil hindi ko pala siya makikita."Importante yun hindi ko lang alam kung babalik ba yun mamaya o bukas na.Matamlay ako maghapon dahil hindi ko nakita si Ryke, iniisip ko kung saan siya nagpunta o kung sino ang kasama niya.Kasama kaya niya si Elaine? Iniisip ko pa rin kung anong meron sa kanila pero base sa kilos ni Elaine gusto niya si Ryke, pero masiyadong malaki ang agwat nila hindi katulad sa akin at nasa tamang edad na ako.________ELAINEPagkabalik namin sa lamesa inis ang nararamdaman ko lalo na doon sa tita ni Ezra. Dahil bakit parang sobrang close nila sa isa't isa at kaya pala wala man lang siyang message sa a

  • Crazy Inlove To My Ninong   chapter 12

    ELAINEMay pasok na ulit pakiramdam ko tinatamad talaga ako at isa pa naiinis ako dahil hindi nag-reply si Ryke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung bakit, I know naman na busy siya pero bakit wala man lang siyang 'Hi' ganun ba."Elaine, kanina pa naghihintay si Manong Tony, papasok ka ba?" Tiningnan ko si Yaya Esme, nandito ako sa sofa at tulala lang ako dahil wala talaga ako sa mood pumasok ngayon."Hays!" Asar na sambit ko at tumayo na ako dire-diretso ako papunta sa banyo para maligo.Mabilisan lang akong naligo at hindi man lang nag-ayos sa sarili, napalingon ako sa may pinto dahil bukas yun. Nahagip ng mata ko si Anne kaya bigla akong napatayo.Mabilis na naglakad ako lumabas ng kuwarto."Nag-apply ka pala ng work sa company ni Ryke." sabi ko na kinahinto niya."Oo, " sagot niya lang. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" sagot ko at napakunot noo siya."Ha? Pasensiya na Elaine, alam mo naman at kilala mo ako hindi ako mahilig magkuwento." Hindi ako nakasagot nakatitig rin ako sa s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status