Share

Tahimik 8.2

(Continuation of chapter 8)

Hayami's POV

Napa-face palm na lamang si Chloe sa sinabi ko.

"Jusmeyo marimar, Mimi! Limang daan lang pala ang pera mo edi sana sa divisoria na lang tayo bumili."

Pareho kami napaupo sa upuan sa isang food court. Kanina pa talaga ako nagugutom pero 'yong perang para sa pagkain ko, kay Gray ko na lang ilalaan. 

"Nasayang lang ang pagod natin," wika niya.

"Sorry na kasi. Baka naman may pera ka d'yan oh. Pautang na lang muna, babayaran ko din sa susunod na allowance ko."

"Mimi, kahit kalkalin mo ang buong katawan ko hanggang panty wala kang mahuhothot. Ibinayad ko na sa contribution kanina."

"May iba ka pa bang naiisip?"

Nakabusangot na ang mukha niya at sa tingin ko ay nagtitimpi na lang sa akin. Bigla siyang napalingon sa likuran ko kaya naman tumingin din ako doon.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status