Share

KABANATA 15

Matapos ng pagkakaalala ni Ezaiyah sa mga nangyari sa kanya ay bigla na lang siyang natulala at tila panandaliang nawala sa sarili.

Ni hindi niya namalayan na may mga sumaklolo pala sa kanya nang makita siyang umiiyak sa dalampasigan. Hindi rin niya alam kung paano nagawa ng mga ito na dalhin siya pabalik sa silid niya. They gave her a glass full of cold water. Kahit papaano ay nakatulong sa kanya ang lamig na dulot niyon para kumalma siya kahit kaunti.

Huli na nang mapagtanto niya na ang tumulong at nagdala sa kanya pabalik sa silid niya ay sina Glady at Waky lang din.

"Ay, oo 'te! Jusme, akala namin kung napaano ka na roon sa tabi ng dagat! Sabi ko nga rito kay Glad na maghintay pa kami ng ilang minuto dahil baka bigla kang mag-evolve into a mermain, eh. 'Di ba?" malakas na bulalas ni Waky. Kahit hindi nito sabihin ng direkta ay alam niyang nagbibiro lamang ito para mapagaan pa lalo ang nararamdaman niya.

"Gaga! Ano'ng tingin mo kay Ezaiyah? Si Marina? Si Dyesebel?!" ganting saad na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status