Share

Curse and Paradise (One Night with Chase Dawson)
Curse and Paradise (One Night with Chase Dawson)
Author: Eyah

KABANATA 1

Mula sa malalim na pagkakahimbing ay bigla siyang nagising.

At ang unang bagay na ginawa niya ay ang umusal ng mura sa sarili.

T*ng ina. Bakit buhay pa rin ako?

Ilang sandali pa na nakatitig lang siya sa kisame ng kwarto niya. Hanggang sa maramdaman niya na may mga katagang nais na namang ilabas ang utak niya.

Why is He still keeping my life even though I am always wishing for it to vanish? Like, fuck. Para saan pa ba ito?

Sa pangalawang pagkakataon ay matagal ulit siyang pumikit. Pero ngayon, mas mariin.

He is Chase Dawson, a young man in his mid-twenties. An intelligent architect and a very talented one in his field, as others say; yet having a heart cold as a hard stone in the middle of an icy cave. Others said it, too. His fuse is short, and he gets mad even at the most simple detail of everything that surrounds his daily life. And yeah, it's according to others, too. But for himself? He is nothing but a man, who sees and believes that he is 'cursed'.

He has all the life could offer though. A high-paying job, huge house, nice car, plenty of savings, and all that stuff. But there's still something missing in him, and he could easily tell what is it. And if you would care to ask what it is? Simple. Love.

Yeah, love. He lost all the love he could feel. Wala na siyang nararamdamang pagmamahal para sa iba. Ni hindi niya nga masabi na mahal niya ang sarili niya. Because in fact, he hated it. He hates his life, and he hate being alive.

Ever since he had that realization in his life, he started losing interest in love. And in life. Because for him, he is not compatible with it. Hindi siya para doon. Hindi siya ginawa para magbigay noon, o tumanggap man lang ng pagmamahal na iyon, which for him is nothing but a piece of shit.

Pagkatapos ng ilan pang sandali ng pag-iisip ng mga hindi kanais- nais na bagay ay muli niya nang iminulat ang mga mata niya. He gathered all his strength to go to the bathroom and have a fresh, cold shower there.

It's already five o'clock in the morning. And he has work to do at seven.

He walked straight to the bathroom, though he can't even feel his feet touching the ground. Wala siya sa sarili niya sa mga oras na ito. Or should he say, every day.

In the shower, he let the water rush to his body. He doesn't mind if it is cold, even if he still has his clothes on. He just closed his eyes and let the water drip to him. Pumikit lang siya at hinayaang maglakbay ang bawat patak nito sa buo niyang katawan.

Hanggang sa hindi na nagtagal at basang-basa na siya. Naramdaman na rin niya ang bigla na lang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya pababa sa kanyang mga pisngi. And when his eyes turned to the knife— which he doesn't even know how it get there, he almost passed out. Unpleasant thoughts of suiciding filled his numb mind again. Nakarinig siya ng marami at sari-saring bulungan na hindi naman niya maintindihan.

He tried his best to fight against those whispering in his ears. Pumikit siya ng mariin at umusal ng isang maikli ngunit taimtim na dasal— bagay na hindi niya madalas na ginagawa.

His whole body felt numb— as he found himself sitting on the floor. Hawak niya na ang patalim sa kanang kamay niya na kanina lang ay tinitingnan niya. Nakatutok ito sa kaliwang pulso niya.

And in just a matter of seconds, he let go of the knife. Binitawan niya iyon sa paraang para siyang nakaramdam ng biglaang pagkapaso. Nabalot din ng kung ano'ng takot ang puso niya.

And right there and then, he knew. Suicide must be out of his options.

So yeah, he would just continue living his hella life. He would just deal with everything he has to deal with. After all, sanay naman na siya. Halos dalawang taon na rin naman kasing ganoon lagi ang takbo ng buhay niya. Walang bago. Kaya ano pa'ng irereklamo niya?

Nagpasiya siya na bilisan na lang ang paliligo at baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin. He knew in himself that being alone isn't safe for him anymore. Baka kasi isang araw ay bigla na lang niyang kunin ang sarili niyang buhay nang dahil lang sa hindi niya na ma-control ang mga bumubulong at nagdidikta sa kanya,  nag-uudyok na sumuko na lang at magpatiwakal na.

After his quick bath, he then proceeded in wearing his semi-formal business attire. Longsleeved polo lang at slacks na teternuhan niya ng itim na leather shoes. He hates wearing those kind of stuff, but he has no choice. Kung gusto niyang manatili sa trabaho ay kailangan niyang sumunod maski sa pinakasimpleng detalye ng patakaran sa kumpanyang pinapasukan niya.

Pagkatapos ng lahat ng preparasyon niya ay hindi na siya nag-abala pa na kumain ng almusal at diretso nang tinungo ang kumpanyang pinapasukan— ang Intrego Construction Inc., kung saan siya nagtatrabaho bilang isang architech.

Pagpasok niya  lang sa gusali ay sinalubong na siya ng mga kapwa niyang nagtatrabaho rin doon. Pero imbis na batiin siya ay yumuko lang ang mga ito na tila takot, at mabilis na siyang nilagpasan.

Hindi niya tuloy maiwasan ang magtaka dahil sa biglaang pag-iiba ng ikinikilos ng mga ito. He used to them being polite and always up to greet him.

But he doesn't care, anyway. Nagtataka lang siya at iyon lang iyon. Mas advantage nga sa kanya kung magiging parang hangin na lamang ang turing ng mga ito sa kanya. He always wish for a peaceful life. At home and at work. Everywhere. He's thankful that what he wanted seems to happen finally.

Nang makarating siya sa mismong opisina niya ay hindi na siya nagtaka pa nang makitang nakaupo sa loob niyon ang CEO at boss niya na tila kanina pa siya hinihintay.

Hindi na siya nagtaka dahil sanay naman na siya na bigla-bigla itong sumusulpot doon. Bukod kasi sa relasyon ng trabahante at amo ay may iba pa silang ugnayan na mas malalim pa roon. Isaac Intrego is his godfather. Matalik itong kaibigan ng ama niyang halos dalawang dekada nang patay. In short, his Ninong Isaac is the one who came to him as a father figure. Ito rin ang tumanggap sa kanya at paulit-ulit na umiintindi sa behavior niya.

"Ninong— Sir,” bati niya agad sa ginoo para kuhanin ang atensiyon nito.

The old man on his late fifties turned its gaze on him. Pero malayo sa nakasanayan niyang biglaan itong ngingiti kapag nakita na siya, ay nanatili lang na seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito.

At doon pa lang ay alam niya nang may mali.

"I'm glad, you're already here. Kanina pa kita gustong makausap, hijo.” ganting sabi nito.

Hindi umimik agad ang binata; bagama't tumango siya ng bahagya bilang senyales sa ginoo na magpatuloy lamang ito sa sinasabi.

"Nakarating na sa akin ang nangyari sa advanced birthday surprise na in-arrange para sa iyo ng mga katrabaho mo. Nagwala ka raw?”

Napamura siya sa sarili.

Mukhang hindi nga siya nagkamali. At mukhang may mangyayari pa na lagpas sa inaasahan niya.

"I… didn't mean to. Nabigla lang ho ako. Alam niyo naman na ayaw na ayaw kong nagce-celebrate o napag-uusapan man lang ang tungkol sa kaarawan ko, 'di ho ba?” walang emosyon na pagdadahilan niya.

"Kahit na. You shouldn't have done that. Sayang pa rin ang efforts na inilaan ng iba sa iyo.”

"Yeah, I get it. I should have appreciated what they did and pretend that I am happy for it. 'Tapos , tsaka na lang ako magwala kapag wala na silang lahat sa harapan ko.” hindi na nakapagpigil na sarkastikong tugon ng binata. "Pero hindi ako iyong tipo ng tao na plastic, Ninong. I'm sure, you know that.”

Hindi na nagsalita pa ang ginoo at napailing na lang.

Maging ito kasi ay wala ring magawa upang ituwid ang katigasan ng ulo ng inaanak. Sa kabila kasi ng pagiging malapit nito sa binata ay hindi naman nito nagawang mapilit ang huli na ilabas sa kanya kung anuman ang pinagdadaanan nito sa buhay at ang rason kung bakit ito nagkakaganoon.

"I know, you're probably dealing with my differences now. And I must say na hindi ko rin gusto ang mga nangyayaring ito sa akin. Kung may magagawa nga lang ako para tumigil pansamantala, siguro ay matagal ko nang ginawa at—”

"At iyan nga mismo ang gusto kong iparating sa iyo kaya sinadya na kita rito.” biglang sabi ng ginoo na siyang nakapagpatigil sa pagpapaliwanag ni Chase.

"W- What did you say?” saad niya matapos ang ilang segundo ng pananahimik at pagkabigla.

"I'm saying that maybe, all you really need is enough time to relax. Maybe you just need to take a pause and think about everything one at a time. And I'm sad to say na hindi dito iyon, Chase. Because even this office, even this whole building, and mostly this job. Hindi ito ang makabubuti sa iyo, hijo. You need to be somewhere you can be happy. Kung saan pwede mong unahin ang sarili mo.” mahabang tugon ng ninong niya.

"I-Is that your way of firing me?” halos pabulong nang tanong ulit niya.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga pagkakataon na iyon. Malala, na sa pakiramdam niya pa ay sasabog na ang ulo at dibdib niya.

Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makapaniwala na sa tagal niya na sa trabahong iyon, at sa tagal na siyang pinagpapasensiyahan ng ninong niya ay magagawa pa rin pala nitong sukuan siya.

But what else could he do? Siya na rin naman ang may kasalanan kung bakit siya umabot sa ganito. Masyado niyang inabuso ang taong kaharap niya ngayon, por que ba alam niyang hinding-hindi siya nito pababayaan. But then, everything comes to it's end, he could guess.

"Of course not, hijo. Hindi iyan ang gusto kong sabihin. What I wanted to say is that, I want to give you a month-long leave. Pero huwag kang mag-alala dahil bayad pa rin ang isang buwan na iyon. Basta ang gusto ko lang, magpahinga ka. Make some positive realization and turn your life for the better as much as you can. Maniwala ka lang at sundin mo lang ang pinapagawa kong ito, hijo. And I am one hundred percent sure— pagbalik mo dito ay malayung-malayo ka na sa kasalukuyang sarili mo. You just need to trust the process. And give yourself sometime.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status