Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)

Ang Init ng Paghihiganti ni Kyra (SPG)

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  Yza D. CUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis Sa gabing dapat ay simpleng inuman lang kasama ang kaibigan niyang si Bianca Geronimo, hindi inaasahan ni Kyra Bell na may isang lalaking biglang magpapabago sa takbo ng gabi niya. Dalawampu't lima na taong gulang at abala sa pagtatapos ng kaniyang pag-aaral, sanay si Kyra na mamuhay nang simple. Hindi niya hinahanap ang pag-ibig, lalo na ang isang lalaking malayo sa kaniyang edad. Pero isang gabi, habang hinihintay niya ang pagbabalik ni Bianca mula sa CR, may isang lalaki ang lumapit at sinabing may gustong makipag-usap sa kaniya. Doon niya unang nakita si Lucas Ford. Apatnapu't dalawa taong gulang. Matagumpay. Kalmado. Makapangyarihan ang dating. At higit sa lahat, isang lalaking hindi niya dapat pag-ukulan ng pansin. Pero isang tingin lang ang sapat para guluhin ni Lucas ang isip ni Kyra. Sa gabing iyon, isang hindi inaasahang pagkikita ang mauuwi sa isang koneksiyong pareho nilang hindi napaghandaan. Habang sinusubukan ni Kyra na ipagpatuloy ang kaniyang buhay bilang isang estudyante, paulit-ulit namang bumabalik si Lucas sa mundo niya. Sa bawat pagkikita, lalong lumalalim ang atraksyon na pareho nilang pilit tinatanggihan. Para kay Kyra, problema ang labis na agwat ng kanilang edad. Para kay Lucas, mas malaking problema ang katotohanang sa kabila ng lahat ng dahilan para lumayo, hindi niya kayang pigilan ang sarili na mapalapit sa isang babaeng mas bata sa kaniya. Ngunit paano kung ang isang gabing dapat sana'y walang kahulugan ay maging simula ng isang relasyong pareho nilang hindi kayang takasan? At paano kung sa pagitan ng edad, mundo, at mga lihim na pilit nilang itinatago, matuklasan nilang may mga pag-ibig talagang dumarating sa maling pagkakataon—pero hindi kailanman nagkakamali ng taong pipiliin?

View More

Chapter 1

#1

KYRA'S POV

Hindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang paper bag na naglalaman ng regalo ko para kay Josh. Ilang araw ko ring pinag-ipunan ang relong nasa loob nito, kaya excited akong makita ang magiging reaksyon niya. Matagal na niya iyong gustong bilhin, pero dahil may iba siyang pinagkakagastusan, hindi niya muna ito inuna.

Kaya ako na ang bumili para sa kaniya. Hindi naman mahalaga sa akin kung magkano ang nagastos ko. Basta makita ko siyang masaya, sapat na iyon para sa akin. Boyfriend ko siya, at gusto kong maramdaman niyang mahalaga siya sa akin kahit hindi ko palaging nakakasama at nasasabi sa mga salita ang lahat ng nararamdaman ko.

Pagdating ko sa silid na madalas niyang gamitin sa pag Volleyball, itataas ko na sana ang kamay ko para kumatok nang marinig ko ang boses niya mula sa loob na may kausap.

“Hindi ko talaga alam kung bakit ang tagal kong tiniis ang babaeng iyon.”

Napahinto ako sandali. Kilalang-kilala ko ang boses ni Josh, pero hindi ko maintindihan kung sino ang kausap niya at tinutukoy niya.

“Ang dami niyang ginagawa para sa iyo, tapos ganyan lang ang tingin mo sa kaniya?” tanong ng isang babae.

Napakunot-noo ako. Hindi ko kilala ang boses na iyon, at hindi ko rin maintindihan kung bakit nila pinag-uusapan ang isang tao sa ganoong paraan.

“Hindi ko naman hinihingi ang lahat ng ginagawa niya,” sagot ni Josh. “Siya naman ang kusang nagbibigay. Kung alam mo lang kung gaano kadaling makuha kay Kyra ang gusto ko sa kaniya, maiintindihan mo kung bakit hindi ko pa siya iniiwan hahaha.”

Biglang nanginig ang mga daliri kong nakahawak sa paper bag.

“Ang tanga naman pala talaga ni Kyra,” natatawang sabi ng babae. “Akala niya siguro, mahal na mahal mo siya. Hindi niya alam na pinapakinabangan mo lang.”

Para akong nawalan ng hangin sa mga narinig ko. Ako pala ang pinag-uusapan nila? Pinilit kong kumalma, idinikit ko ang palad ko sa p***o. Baka may mali lang akong narinig. Baka may ibang dahilan ang mga sinasabi nila. Hindi ko kayang paniwalaang ang lalaking ilang taon kong minahal ay kayang pagtawanan ako nang ganito.

“Madali lang siyang utuin,” pagmamalaki ni Josh. “Konting lambing lang, ibibigay na niya ang gusto ko. Pati pera, hindi ko na kailangang hingin nang dalawang beses. kulang na nga lang ibigay niya ang pagkababae niya hahaha.”

Napapikit ako sa sakit ng mga narinig ko. Naalala ko ang mga pagkakataong tinulungan ko siya dahil sinabi niyang wala siyang sapat na pera. Minsan, pati sarili kong pangangailangan ay ipinagpaliban ko muna para lang hindi siya mahirapan. Hindi ko iyon pinagsisihan noon. Mahal ko siya, at naniwala akong ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Pero ngayon, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko. Ang sakit! Para akong taong walang pinag-aralan na pinagkakatuwaan nila.

“Hindi ka ba natatakot na mahuli niya tayong magkasama rito?” tanong ng babae.

“Hindi ‘yon. Mabait naman ang tingin niya sa iyo. Hindi siya maghihinala sa atin,” ani ni Josh.

“Natural! Kailangan kong magpanggap na mabait bilang stepsister niya! Hindi naman ako tanga na katulad niya para ipahalata sa kaniya.”

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

‘Stepsister.’

Iisa lang ang babaeng tinutukoy niya. Ang babaeng tinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Ang babaeng ipinagtatanggol ko kapag may nagsasalita nang masama tungkol sa kaniya.

Si Alyssa.

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang marinig na niloloko ako ng boyfriend ko o ang malaman na kasabwat niya ang sarili kong stepsister.

“Kung tutuusin, mas bagay naman tayo,” dagdag ni Alyssa. “Hindi ko nga alam kung ano ang nakita mo sa kaniya.”

“Ang mahalaga, nakukuha ko ang gusto ko sa kaniya,” sagot ni Josh. “Kapag wala na siyang pakinabang, saka ko siya iiwan. At palalabasin ko na siya ang nagloko sa amin.”

Tuluyan nang nawala ang natitira kong pag-asa na baka nagkakamali lamang ako. Hindi ko na kayang manatili sa labas at makinig sa dalawa na para bang wala silang sinisirang buhay. Binuksan ko ang p***o. Agad naman napalingon sa akin ang dalawa. Nakaupo si Alyssa sa gilid ng mesa, habang nakadikit sa kaniya si Josh. Nang makita nila ako, mabilis silang naghiwalay, ngunit hindi na nila mababago ang nakita ko.

Nakatitig ako sa kanila habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko.

“Kyra?” gulat na sambit ni Josh.

Napatingin ako sa kaniya, saka kay Alyssa. “G-gaano na katagal?” nanginginig kong tanong sa kanila. Ngunit walang sumagot. “Tinatanong ko kung gaano na katagal!” ulit ko, nanginginig na ang boses. “Ilang beses na ninyo akong tiningnan sa mata habang nagsisinungaling kayo sa akin?”

“Maghinay-hinay ka nga sa pananalita mo,” iritadong sagot ni Josh. “Huwag kang gumawa ng eksena rito!”

Napatawa ako nang mahina. Ako pa ngayon ang gumagawa ng eksena? Ang kakapal ng mga mukha! Muli kong narinig ang sarili kong boses ngunit nauutal.

“Gumawa ng eksena? Nahuli ko kayong naghahalikan, Josh! Narinig kong pinag-uusapan ninyo ako na para bang wala akong halaga. Ano ang gusto mong gawin ko? Ngumiti at magkunwaring walang nangyari?”

“Hindi ko naman kasalanan kung narinig mo ang usapan namin!”

Parang may matalim na bagay na bumaon sa dibdib ko. Ni hindi niya kayang humingi ng tawad. Ang tanging iniisip niya ay kung paano niya ako mapatatahimik.

Bumaling ako kay Alyssa. “At ikaw naman!! Alam mong boyfriend ko siya at alam mong mahal na mahal ko siya! Ilang beses kitang tinulungan, ilang beses kitang ipinagtanggol, tapos ganito ang isusukli mo sa akin?”

Umirap siya at inayos ang buhok niya. “Huwag mo nga akong sisihin kung mas gusto niya ako kaysa sa iyo! Tignan mo nga ‘yang itsura mo. Para kang katulong! Kaya huwag kang magtataka kung sa akin nababaliw ang pinakamamahal mong boyfriend!!”

“Stepsister mo ako! Itinuring kitang parang totoong kapatid ko. Sabi mo, poprotektahan mo ako, pero ito ang gagawin mo sa akin?!”

“Stepsister nga lang kita, kaya huwag mo akong tuturuan kung sino ang dapat kung mahalin! Kahit ang Daddy mo, kayang-kaya kong agawin sa ‘iyo,” mariin niyang sabi. “Huwag mong kalimutan iyon. At hindi ko rin kasalanan kung hindi ikaw ang pinili niya!”

Napalunok ako. Gusto kong sumigaw, gusto kong itanong kung paano niya nagawang gawin iyon sa akin, pero hindi ko na alam kung anong mga salita ang makapagpapaliwanag sa sakit na nararamdaman ko.

“Minahal kita,” sabi ko kay Josh, pilit na pinipigilan ko ang pagpatak ng luha. “Hindi ko alam kung saan ako nagkulang para tratuhin mo ako nang ganito.”

“Wala kang kailangang itanong sa akin,” malamig niyang sagot. “Ikaw ang kusang tumulong sa akin! Kaya huwag mong isumbat ngayon ang mga bagay na ikaw mismo ang nagbigay sa akin!”

Napayuko ako. Hindi dahil wala na akong maisasagot, kundi dahil ayokong makita nilang tuluyan na akong nadudurog.

Dahan-dahan kong inilapag ang paper bag sa mesa malapit sa p***o. Ilang araw kong pinag-ipunan ang relong nasa loob niyon. Kanina, hindi ako makapaghintay na makita ang ngiti ni Josh na matanggap niya iyon. Ngayon, hindi ko na kayang ibigay sa kaniya ang regalong binili ko nang buong pagmamahal.

“Huwag mong isipin na may utang na loob ka sa akin. Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil mahal kita. Hindi ko alam na ginagamit mo lang pala ako.”

Hindi sumagot si Josh. Wala man lang bakas na pagsisisi sa mukha niya.

Tinalikuran ko sila at mabilis na lumabas ng silid. Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng napatingin sa akin habang naglalakad ako sa pasilyo. Ang tanging gusto ko ay makalayo sa lugar na iyon bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas.

Pagdating ko sa madilim na pasilyo. Doon bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Josh, pati ang malamig na mukha ni Alyssa habang ipinagmamalaki niyang niloko niya ako. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong nanatiling ganoon. Nang tumunog ang cellphone ko, mabilis kong pinunasan ang mukha ko bago tiningnan ang screen.

Si Daddy ang tumatawag.

“Hello, Daddy?” sagot ko, pilit na inaayos ang boses ko.

“Umuwi ka ngayon din,” mariin niyang utos.

Napakunot-noo ako. “Bakit po? May nangyari po ba—”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, naputol na ang tawag. Napatingin ako sa cellphone ko, saka sa bag na nasa tabi ko. Pagod na pagod na ako, pero wala akong ibang pagpipilian. Inayos ko ang mga gamit ko at isinara ang bag. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa bahay, pero umaasa akong kahit papaano, makakahanap ako ng lugar kung saan maaari akong huminga nang hindi na kailangang magpanggap na maayos ako.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako ng campus at naglakad patungo sa sakayan. Habang papalayo ang sasakyan sa paaralan, nakatingin lang ako sa bintana, pinapanood ang mga gusaling unti-unting nawawala sa paningin ko.

Kanina, dala ko ang regalong binili ko para sa lalaking mahal ko. Ngayon, dala ko ang sakit ng pagtataksil niya at ng babaeng itinuring kong kapatid. Mahigpit kong niyakap ang bag sa kandungan ko at pinunasan ang natitirang luha sa pisngi.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Daddy pagdating ko sa bahay. Pero sa araw na iyon, sapat nang malaman kong ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ay hindi pala ang mga taong akala ko. At kahit hindi ko pa alam kung paano ako babangon mula sa lahat ng ito, kailangan kong umuwi at harapin ang Daddy ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status