Mag-log inCAIUS'S POV "Congratulations, everyone." Agad na nagsitayuan ang lahat matapos magsalita ang chairman sa dulo ng conference table. "This month's performance exceeded our projections. The new product line increased our overall sales by twenty-two percent, while the Davao branch has already surpassed its first-month target." Sunod-sunod ang palakpakan. Ngunit nanatili lang akong tahimik. "Walang problema sa production?" "No, Sir." "Marketing?" "Campaign engagement exceeded expectations." "Finance?" "Everything is stable, Sir." Isa-isa silang nagbigay ng report. Mahigit dalawang oras din ang naging meeting namin bago tuluyang natapos. "Meeting adjourned." Isa-isang nagsitayuan ang mga department heads matapos ang halos dalawang oras na monthly conference. Lumagpas sa inaasahan ang sales report. Naging matagumpay ang paglulunsad ng bagong produkto. Mas mataas din ang naging kita ng bagong branch kumpara sa projected revenue nito sa unang buwan. Sa papel...
RHIANNA'S POV "LET ME GO! I'M JUST TALKING TO MY WIFE WHEN THAT MAN BARGE INTO OUR HOUSE!!" Iyon ang paulit-ulit na sigaw ni Michael habang kinakaladkad siya ng mga pulis papasok sa loob ng patrol car. "ANO BA! HINDI NIYO BA AKO NARIRINIG?! NANDITO AKO PARA KAUSAPIN ANG ASAWA KO--" "Sa estasyon na lang po kayo magpaliwanag," kalmadong sambit ng pulis at tuluyang isinara ang pinto. Lumipat ang tingin ko kay Cain... kasalukuyan siyang may kinakausap na lalaki. Wala akong ideya kung sino ako pero base sa tindig niya ay may kaya rin siya sa buhay at mukhang magkakilala lang din sila ni Cain. Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan ng umalis ang patrol car at kasabay niyon ang paglakad ni Cain patungo sa direksyon ko. Habang nass malayo pa siya ay nakatingin na ako sa kamay niyang nasugatan. Ngayon ko lang napansin na may benda ng nakabalot doon at naigalaw na niya iyon nang maayos. Ngunit may bakas pa rin ng dugo sa puting gauze.Dahil doon... ay mas lalo akong nakonsensya.Tuloy-tu
RHIANNA'S POV Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin kay Cain. Pero hindi siya tumingin sa akin. Dahil nanatili ang malamig niyang mga mata kay Michael. Unti-unti siyang humakbang palapit. "Cain..." muli kong tawag, mas malakas na ngayon. "Pakiusap... huwag mo siyang lapitan." Hindi siya huminto. Para bang wala siyang narinig. Naramdaman kong unti-unting nanlamig ang mga kamay ko. Kilala ko si Michael. Alam ko kung gaano siya kabilis magbago. Kapag may naramdaman siyang banta...kapag may sumalungat sa gusto niya... Hindi na niya kayang kontrolin ang sarili niya. "Michael..." maingat kong tawag. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ngumiti. Ngiting alam kong hindi magandang senyales. "He's coming," mahina niyang bulong. "Good." Muli siyang humarap kay Cain. At tulad ni Cain... Isa-isa rin siyang humakbang palapit. Nakahawak pa rin siya sa basag na leeg ng bote. "Michael!" sigaw ko. "Stop!" Wala ni isa sa kanilang dalawa ay walang balak umatras. Parang da
CAIUS'S POVHalos alas-onse y medya na ng gabi. Tahimik na ang buong executive floor. Nasa harapan ko ang laptop, nakabukas ang quarterly reports, ngunit ni isang salita ay wala akong maintindihan.Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari noong nakaraang araw.Ang mga luha niya.Ang sampal niya.At ang paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang ako ang pinakamasamang taong nakilala niya.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.D*mn it!Muli kong naalala ang sinabi ko."All you wanted is money."Napamura ako nang mahina.Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ako. Maya-maya pa ay natauhan ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Umangat ang tingin ko roon at kumunod ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Rhianna sa scren nito.Bakit siya tumatawag?Nakasandal lang ako sa upuan habang nakatitig sa screen.Makalipas ang ilang segundo... ay muli itong tumunog.Humigpit ang panga ko."What now?"Bahag
RHIANNA'S POV "I missed you. I missed you so much and I'm here because I wanted to see you." Tumigil ang paghinga ko. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Michael habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Gusot ang suot niyang polo, magulo ang buhok, at namumula ang mga mata niya na para bang ilang araw nang walang tulog. Pero ang pinakanagpanginig sa akin ay ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Katulad na katulad ito noong mga huling araw ng pagsasama namin. Obsessive. Empty. Unpredictable. And terrifying. "Michael..." halos pabulong kong saad. "Paano ka nakapasok dito?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Huminto siya ilang hakbang lang ang layo sa akin saka marahang ikiniling ang ulo. "You changed your shampoo." Napakurap ako. "What?" "I can smell it." Napapikit pa siya habang humihinga nang malalim. "It's vanilla now... hindi na lavender." "Stop right there." Huminto siya. Ngumiti. Tapos marahan niyang ikiniling ang ulo niya. "You've chan
RHIANNA'S POV "Mabuti naman at naalala mo pa kami..." bungad sa akin ni Trish sabay upo sa silyang sa tapat ko. Maya-maya pa ay agad na sumulpot ang bakla. Awrang-awra kahit dito lang naman kami sa tambayan nami. "Hoy bakla, bilisan mo nga d'yan!" pasigaw na reklamo ni Trish at hinila si Nico paupo sa tabi niya. "Ano kaba naman, Te? Nakita mong umaawra ang maganda mong kaibigan sinisira mo!" angal niya at inilapag sa ibabaw ng mesa ang bag niya. Sandali ko silang tinitigan. Hindi ko maitatanggi na nami-miss ko sila dahil mahigit tatlong buwan ein kaming hindi nagkita mula ng magkaroon na ako ng trabaho. "Libre mo, te? Ikaw umaya laya libre mo ha?" ani Nico at agad na tumayo patungo sa counter para mamili ng order niya. "Tsk! Itong bading na'to talaga," nakapikit na saad ni Trisha, para bang pati siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin kay Nico. "Kung gapangin mo kaya...malay mo kaya pa 'yan i-reset?" banat ko. Mabilis niyang iminulat ang mga mata niya at binigyan ako ng







