RHIANNA'S POV Eksaktong alas-dose y medya nang huminto ang sinasakyan kong jeep sa tapat ng Del Santiago Corporation. Bahagya akong napatingala at muling namamgha dahil sa laki ng gusaling nakatayo sa harapan ko. Sa harapan nito ay nakaukit ang pangalan ng kumpanya sa malalaking stainless steel letters. DEL SANTIAGO CORPORATION Isa ito sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa pagdating sa construction materials at industrial equipment. Sila ang pangunahing supplier ng iba't ibang uri ng semento, structural steel, rebars, ready-mix concrete, roofing materials, industrial pipes, aggregates, at iba pang mahahalagang materyales para sa malalaking construction projects. Bukod pa roon, kilala rin sila sa pag-aangkat at pagbebenta ng iba't ibang heavy equipment gaya ng excavators, bulldozers, tower cranes, wheel loaders, forklifts, dump trucks, at concrete batching plants. Kaya naman ilan sa pinakamalalaking contractors, real estate developers, at infrastructure companies sa bansa ay k
最終更新日 : 2026-07-15 続きを読む