One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS

One Night Mistake: THE BILLIONAIRE TWINS

last update最終更新日 : 2026-07-22
作家:  eleb_heartたった今更新されました
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 評価. 1 レビュー
16チャプター
45ビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Drama

Contemporary

Fast-Paced Plot

Billionaire

Twins

Playboy

Pregnant

Runaway with a Baby

Babywingman

Magtatatlong taon pagkatapos umalis ni Maxene sa Pilipinas upang manirahan sa ibang bansa dahil sa matinding pagkapahiya ay napilitan siyang umuwi upang dumalo sa kasal ng kabigan niya na si Vena, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay doon niya pala makikita ang lalaking nakasiping siya noong gabing sobrang nalasing siya sa bar kasama sina Vena. Ang lalaking ama ng mga anak niya, sa muling pagku-krus ng landas nila ay maalala kaya siya nito? Ngunit alam niyang napaka-imposible ng bagay na iyon lalo pa at nilayasan niya ito noon sa hotel room na pinagdalhan nito sa kaniya bago pa man ito magising. Sa takot na makilala siya nito ay dali-dali siyang umalis sa venue ng kasal ng kaibigan niya at nagmamadaling umuwi sa mga anak niya ngunit hindi niya alam na sinundan pala siya nito at nakita nito ang dalawang cute na bata na magdadalawang taon na at huli na para itanggi pa niya na may koneksiyon ito sa dalawa dahil, kamukhang-kamukha nito ang kambal!

もっと見る

第1話

Chapter 1

“Take me with you…” ang mga mata ng babae ay namumungay habang nakatingin sa kaniya.

Bigla na lang itong lumapit sa kaniya kanina kahit na sa totoo lang ay hindi niya naman ito kilala.

“Miss, sorry but—” ngunit bago pa matapos ni Finn ang kanyang sinasabi ay bigla na lang itong tumingkayad at hinalikan siya sa labi.

He can taste on her lips the liqour, pero bukod doon ay wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding pagnanasa na unti-unti ng bumabalot sa katawan niya. Napakuyom ang kamay niya. Ngunit bago ba siya makagalaw at bago niya pa ito maitulak at bigla na lang nitong ibinalot ang kamay sa kanyang batok at idinikit ang kanyang katawan na mas lalo lang nagpatindi sa init na nararamdaman niya.

~~~~~

Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito.

Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang p***o at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan.

Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan.

Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kanyang mga kaibigan upang i-inform ang mga ito na na-traffic siya.

Palinga-linga pa naman siya at talagang halos lahat ng kasabayan niyang mga sasakyan sa gitna ng kalsada ay mukhang bagot ba bagot na rin dahil sa tagal ng traffic.

~~~

“Nasaan ka na ba Maxene?” Anas ni Sam habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at palinga-linga siya sa may daan.

Kanina pa niya inaabangan si Maxene sa labas ng simbahan dahil halos paumpisa na ang kasal ni Vena. Bridesmaid pa naman sila pareho at kailangan nilang rumampa, este maglakad sa altar syempre at daluhan ang natatanging araw ng kasal ng kanilang kaibigan dahil sa wakas ay mag-iisang dibdib na ang mga ito at sa simbahan na kung saan ay napakaraming magiging witness sa pag-iisang dibdib nila.

Napaka-ironic nga naman pala talaga ng buhay, kung sino pa yung kaibigan nilang walang boyfriend noon ay siya pa ang mauunang ikasal sa kanilang tatlo. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo. Siguro talaga ay swertehan lang na makatagpo ng lalaking tunay ang pagmamahal, katulad nga ni Andrei.

Ilang beses niya pang sinubukang tawagan si Maxene ngunit hindi na niya ito ma-contact pa. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mag-alala rito baka kung ano na ang nangyari rito.

Ilang sandali pa ay bigla siyang tinawag ng isa sa mga tauhan ng prod ng kasal ni Vena dahil mag-uumpisa na raw ang kasal.

“Pero… wala pa si Maxene at bridesmaid din siya.” Sabi niya rito.

“E wala na po tayong time maghintay, may susunod pa po kasing naka-schedule na ikakasal.” Sabi nito sa kaniya.

Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay walang nagawa kundi ang maglakad na papasok sa simbahan.

~~~~

Nagmamadaling bumaba si Maxene sa kotse nang tuluyan na nga siyang makarating sa simbahan. Alam niyang late na siya pero syempre, importante pa rin ang makadalo siya at makita ni Vena ang presensiya niya.

Eksaktong nasa labas na ang mga tao at sasalubungin na nila ang bagong kasal at dahil doon ay hindi niya maiwasang manghinayang dahil ni hindi niya man lang nasaksihan kung paano nangako ang mga ito sa isat-isa.

Nakita niya na matamis ang ngiti ni Vena at Andrei habang magkahawak ang kamay kung saan ay isa-isa silang binabati ng mga dumalo sa kasal. Nakipagsiksikan siya upang makalapit sa mga ito at nang makita siya nito ay tuwang-tuwa ito.

Dali-dali siyang lumapit rito at yumakap. Niyakap din siya nito ng mahigpit. “Sorry na-late ako, sobrang traffic.” Sabi niya. “I’m so happy for you…” sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap rito. Parang kailan lang ay nag-uumiyak pa ito sa pagkwekwento pero ngayon, nahanap na nito ng tuluyan ang king ng buhay nito.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya na may yumakap din mula sa likod niya. “Grabe ka Maxene, akala ko nadedu ka na.” Sabi ni Sam sa kaniya kung saan ay napahagikgik na lang siya at hindi sinasadyang mapatingin siya sa paligid at halos manlamig ang buong katawan niya nang makasalubong niya ng tingin ang dalawang pares ng maiitim na mga mata na nakatingin din sa kaniya.

Napalunok siya, bakit? Bakit nandito siya? Bakit sa dinami-dami ng taong makikita niya ay ito pa talaga? Anong ginagawa nito doon? at base sa tingin nito sa kaniya ay tila ba kinikilala siya nito.

Nang kumawala siya sa yakap nilang tatlo ay halos manginig siya sa takot. Daldal ng daldal si Sam ngunit tila wala siyang naririnig at pagkatapos ay bigla na lamang siya nagtatakbo palayo doon, palayo sa lalaking iyon.

Ang lalaking iyon, walang iba kundi ang naka-one night stand niya at ama ng mga anak niya!

“Maxene!” Tawag ni Vena at Sam sa kaniya ngunit tila wala siyang narinig at nagmamadaling tumakbo pabalik sa kotse niya. Nang makapasok nga siya sa loob ng kotse ay takang-taka ang driver.

“Umalis na tayo rito, manong.” Sabi niya kung saan ay agad din naman itong sumunod sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag nang umandar ang kotse.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


レビュー

eleb_heart
eleb_heart
This is Finn & Maxene story
2026-07-23 18:33:31
0
0
16 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status