LOGINMalapit na ako matapos sa story ni Daddy Adonis sana subaybayan niyo hanggang dulo. Maraming maraming salamat po sa mga readers na sumusuporta sa aking mga akda! appreciated much! sana po patuloy niyo pa basahin ang iba ko pang story dahil marami pa po akong isusulat na magaganda para sa inyo! God Bless po!
ATASHA“I’m sorry, okay? Hindi ko sinasadyang himatayin, hindi ko lang talaga kinayang manood habang umiire ka. Parang ako yung nasasaktan eh!” paliwanag ni Adonis pagkatapos ng lahat. Nasa kwarto kami ngayon hawak ko ang sanggol naming anak. Kakatapos ko lang siyang padedein sa akin. Mas gusto ko talaga magpa-breastfeed dahil mas okay iyon compared sa formula milk. “Wag ka nang magpaliwanag! Okay na.” saad ko habang hinehele-hele ng marahan yung anak namin. “Ahtisa” ang binigay naming pangalan sa kanya. Napakaganda niyang bata at girl version siya ni Adonis. “Sorry na talaga, Mahal ko, I promise, babawi ako…”“Adonis, okay lang talaga… hindi mo kailangan magpaliwanag… hindi ko lang talaga maintindihan bakit ka hinimatay samantalang mob boss ka at sanay ka namang nakakakita ng mga brutal na aksidente.”Napakamot siya ng ulo, “hindi ko rin alam eh, talagang natakot lang ako, grabe kasi yung ire at sigaw mo habang hinihingal ka.” “By the way, kamusta naman si Matthew at Nathalie?”
ATASHAMalakas ang ulan ng gabing iyon. Kumukulog at kumikidlat din ngunit wala ng mas nakakatakot pa sa sakit na nararamdaman ko. Ang pamilyar na sakit… sa tingin ko ay manganganak na ako. Naglakad ako palabas ng kwarto dahil wala si Adonis doon pagkagising ko. Nagising ako sa sobrang sakit ng tiyan.Dahan-dahan akong naglakad sa corridor. sigurado akong nasa study room si Adonis. “Adonis! Adonis! tulong! manganganak na ako! Adonis!” sigaw ko mula sa corridor. Hindi ko na maiwasang hindi kumapit sa pader habang naglalakad dahil sa sobrang sakit. Manganganak na nga talaga ako. Sobrang sakit na ng tiyan ko at parang hindi ko na kaya. “Adonis!” hirap na hirap na sigaw ko ngunit biglang kumidlat ng malakas at namatay ang ilaw. Damn it, ngayon pa! “Adonis!” “Mommy! Mommy!” rinig kong sigaw ni Adam. “Adam, anak?! nasaan ka?! Adam!” “Mommy!” sigaw niya ulit at bigla siyang sumulpot sa corridor. May dala siyang flashlight at nasinagan pa ako ng ilaw non kung kaya't napakunot ang n
NATHALIEInayos na namin ni Matthew ang kasal namin. Dito na lang namin isinagawa ang lahat sa Hacienda dahil malawak at maganda dito. “Hindi ko akalaing mauuna ka pa ikasal sa akin.” saad ni kuya Adonis habang nagka-kape. Umaga pa non at naghahanda na ang lahat. Kumuha pa talaga ng professional hair and makeup stylist si ate Atasha para sa akin at mine-make-upan na nila ako ngayon. 10:00 a.m ang start ng wedding ceremony kaya ngayong 8:00 a.m ay naghahanda na kami. Ang reception naman ay 12 ng tanghali hanggang gabi na. “Hindi rin ako makapaniwala, kuya.” saad ko na ngumiti sa kanya. Napahawak ako sa sinapupunan ko. Tatlong buwan na iyon kaya medyo pansin na sa tiyan ko. Ang sabi kasi ni Matthew ay kailangang magpakasal na kami bago pa lumaki ang baby sa tiyan ko para hindi daw ako mahirapan. Naurong ng naurong ang kasal nila ate Atasha dahil busy silang dalawa lagi ni kuya hanggang sa lumaki na ang tiyan ni ate Atasha at mahihirapan na siya kung ngayon sila magpapakasal. An
NATHALIEHabang nasa ward ako at nagbabantay kay nanay ay nakita kong naglalakad palapit sa akin si Matthew. Walang emosyon ang mukha niya ngunit bagsak ang mga balikat kaya sinabi ko sa kanya ang magandang balita. “Matthew! gising na si nanay! okay na siya, successful ang operation!” masayang sabi ko ngunit ngumiti lang siya ng tipid at dahan-dahan akong niyakap. Ngayon ko lang siya nakita simula nung na-kidnap si ate Atasha at natalo nila ang mga masasamang tao na iyon. “Mat-May, okay ka lang?...”“Yes, I’m fine. You and me, from now on.”“Anong ibig mong sabihin?...”“Namatay tatay ko, Nathalie…” saad niya at hindi na napigilan ang mga luhang tumulo ngunit pinahid niya iyon ng marahas. “Namatay siya?... akala ko nahuli ninyo at nakakulong lang.”“Nagpatihulog siya sa bangin. Hindi rin akalain ni kuya Adonis na gagawin niya iyon dahil lang ayaw niyang magpahuli sa Black Underground Organization. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak eh, samantalang hindi ko naman nakasama yun
ADONISNagulat ako nang bigla akong magising sa Mansyon ng mga Salcedo. Bakit nandito ako? lumipat na kami ng bahay ah?Nagpalinga-linga ako sa paligid at naroon nga talaga ako. Sinampal-sampal at kinurot ko pa ang sarili ko at masakit iyon! “Adonis, Anak…” napalingon ako sa nagsalita at pagtingin ko ay… si daddy. Don Rafael Salcedo. Nanginig ang buong katawan ko. Nakasuot siya ng suit and ties na kulay puti. Naalala kong iyon ang suot niya noong ilibing siya at… Iyak ako ng iyak. “Dad?...”“Wag kang matakot, Anak.” saad niya na ngumiti sa akin at lumapit. “Ikaw ba talaga yan? bakit kita nakakausap? patay na ba ako?” “Hindi pa, hindi mo pa oras… maaabutan mo pa ang mga apo mo sa mga anak mo. Wag kang mag-alala pero ngayon sa mga oras na ito, ang katawan mo ay… nag-aagaw buhay at ang kaluluwa mo ay naglalakbay.” paliwanag ni daddy. “Dad, alam mo ba na meron ka pang isang anak? Si Nathalie…” “Wag kang mag-alala, kahit wala na ako… mararamdaman niya ang pagmamahal ko pero gusto
ATASHAIsinugod namin sa ospital si Adonis dahil sa natamo niyang tama ng baril at mga sugat. “Ate?! anong nangyari kay kuya? si Matthew nasaan? nasaan si Matthew?!” natatarantang tanong ni Nathalie. Hindi ko siya masisisi. Dalawa ng nasa ospital ang nanay at kuya niya. “Okay lang si Matthew, Nathalie… wag kang mag-alala sa kanya… si kuya mo naman natamaan siya ng bala ng baril sa tagiliran kaya sinugod na namin kaagad dito sa ospital.” simpleng paliwanag ko naluluha pa rin ako sa nangyari. “Ikaw? kamusta ka? ang dumi ng damit ko at mukhang pagod na pagod ka…” “Sinamahan ko lang talaga sila na dalhin dito sa ospital si Adonis. Uuwi na ako para makapagpalit. Sorry talaga, Nathalie, hayaan mo magsalit-salitan na lang tayo sa pagbabantay…” “Wag mo akong alalahanin ate, kaya ko ‘to… sige lang, magpahinga ka at umuwi ka muna. Tumawag sa akin si ate Lina at hinahanap ka na din ni Adam.” “Oo nga pala, si Adam…” tuluyang nawala sa isip ko ang panganay naming anak. Napapabayaan ko na na
ATASHATinupad nga ni daddy Adonis ang pangako niya na susunduin niya ako pagkatapos ng school ko. Palagi kong last subject si Sir Wade kaya nang dumungaw siya ay napangiti si Sir Wade at naki-seat-in dahil hindi pa tapos ang lecture. Sandali pang nagsalita si Sir Wade na tinatapos na lang ang kany
ATASHAMaaga akong gumising para tulugan si ate Lina sa paghahanda ng almusal. Ako ang personal na nagtimpla ng kape ngayon ni Daddy Adonis dahil balak kong dalhin ito sa kwarto niya. Hindi ko kasi alam kung anong bumabagabag sa kanya nitong mga nakaraang araw ngunit ramdam ko ang pagkabalisa niya.
ATASHAHabang nagkukwentuhan kami ni Lola Leticia ay narinig na namin ang kotse ni Daddy Adonis na nag park sa harap ng Mansyon pati na rin ang sigawan nilang dalawa ni mommy. “Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan huh?! Kaka-kasal lang natin Cynthia!” sigaw ni daddy Adonis. “At kasalanan ko pa ng
ADONIS Kitang-kita ko kung paano inilagay ni Atasha sa puntod ng lalaking iyon ang mga bulaklak– pati na rin ang litratong nakalagay sa gilid ng lapida ay hinaplos niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Pilit kong binalikan sa alaala ko ang araw na iyon na para bang binabagabag ako ng konsensya ko.







