Share

Chapter 7

Author: Diane Ruiz
last update Last Updated: 2025-10-30 22:30:19

ATASHA

Kinaumagahan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Daddy Adonis na para bang panaginip lang ang lahat ng nagdaang gabi.

Nag-ayos ako ng aking sarili. Naligo at nagbihis ng komportableng damit. Nag mini dress lang ako dahil mainit sa Mansyon ng araw na iyon. Tirik na tirik ang araw sa labas.

Pagbaba ko ay nasa hapag kainan na si mommy at daddy Adonis, nginitian niya ako ngunit nahihiya ako kung kaya't napayuko ako.

“Oh, Atasha, gising ka na pala, halika at saluhan mo na kaming mag breakfast.” pag-aaya ni mommy kung kaya't nilapitan ko na sila at naupo.

“Nakatulog ka naman ba ng mahimbing, Atasha?” tanong sa akin ni mommy na nakataas pa ang kilay sa akin.

“Uhm, O-opo mommy…”

“Aba, dapat lang, buhay prinsesa ka na ngayon at hindi mo na kailangang magtrabaho pa. Dapat pinag-iisipan mo na rin kung anong balak mo sa buhay mo. Alalahanin mo, hindi ka pwedeng manatili sa poder ko habangbuhay.”

“Cynthia, bakit ganyan ka naman magsalita sa anak mo?”

“Eh kasi Hon, totoo lang ang sinasabi ko, alam mo naman…” saad ni mommy at hinawakan ang kamay ni Daddy Adonis.

Napatingin ako doon at napatingin naman sa akin si Daddy Adonis.

“Masaya akong nandito sa atin si Atasha, well, nagulat ako na may anak ka pala pero noong nalaman ko, bukal naman sa kalooban ko na tanggapin siya ng buong-buo.” saad niya pa habang nakatingin sa akin.

Ang mga tingin na animo'y gusto niyang na naman akong angkinin. That powerful dominant glare.

“Gusto ko lang naman magkaroon siya ng priorities sa buhay at plano, diba?”

“Hm, sabagay, what do you want to do, Princess?” tanong sa akin ni Daddy Adonis.

“Uhm, gusto ko po sanang ituloy ang pag-aaral ko ng foreign service.” saad ko dahil iyon naman talaga ang orihinal kong plano.

Ang makapagtapos ng pag-aaral ngunit nang mamatay ang tunay kong ama ay tila nabaon ko na iyon sa limot.

“Hindi ba’t parang sinasayang mo lang ang oras mo dyan, Anak? kaya nga kita pinahinto eh, pwede ka naman magbukas nalang ng negosyo.” saad ni mommy, palagi siyang ganyan, palagi niya akong dini-discourage mag-aral siguro dahil graduate siya ng political science ngunit hindi niya naman napakinabangan ang kursong tinapos niya dahil maaga siyang nabuntis sa akin at naging mabuting asawa nalang kay daddy noon.

Ngunit hindi ko akalain na ang pagiging mabuti niya ay may hangganan din.

Nagbago ang lahat dahil sa pagkawala ni daddy. Nalulong siya sa sugal, sa alak at lalaki at tila hindi ko na siya kilala.

“Cynthia, kung iyon ang gusto ng anak mo, wag mo ng pakialaman.” sabat naman ni Daddy Adonis na talagang pumapanig sa akin at ipinagtatanggol ako.

“After all, she deserves it.” dagdag pa nito na humagod ng tingin sa aking katawan.

Napatingin ako kay mommy ngunit hindi niya napapansin ang mga ginagawa ni Daddy Adonis.

Mga lihim na titig, mga lihim na pag-aasam ng uhaw na uhaw niyang laman para sa akin.

“Hay naku, walang pera dyan sa foreign service na yan, pinapahirapan mo lang sarili mo dyan, dahil bandang huli, aalilain ka pa rin, sa eroplano nga lang, tss!” saad ni mommy.

“Don’t listen to your mom, Atasha, kung gusto mo mag-aral, sige. Pag-aaralin kita kahit anong kurso pa ang gusto mo.”

“S-salamat po, Daddy Adonis.” halos mautal na sambit ko.

“Tatawagan ko yung kakilala kong professor sa university. Isang exclusive school iyon, doon din ako nagtapos ng pag-aaral para makapag enro–” pinutol ko ang mga sasabihin niya.

“Naku, kahit sa public school lang po, okay na po sa akin iyon, wag na po exclusive school.” saad ko dahil alam kong mahal ang tuition f*e lalo na’t exclusive school.

“Wag kang mag-alala Atasha, akong bahala sayo, okay?” saad niya na ngayon ay ngumiti, nangingislap ang kanyang mga mata sa tuwa.

“Hay naku, bahala nga kayong dalawa basta Honey ah, yung pang salon ko huh saka pang shopping, alam mo naman…”

“Sure Honey, anything for you. Sasamahan ko rin naman kayo ngayon, nakahanap ako ng free time eh,” saad naman ni daddy Adonis kay mommy.

"Ay, talaga ba?! oh sige, magbibihis na ako kaagad!" excited na saad ni mommy.

Kinilig nanaman siya na parang teenager. Yan talaga ang nakakapagpasaya sa kanya– shopping, salon at pera. Madalas kaming mapagkamalang magkapatid lang dahil maganda pa rin si mommy kahit may katandaan na.

“You can tag along with me and your mom too, Atasha, bilhin mo lang kahit anong gusto mo, I’ll pay…” saad ni daddy Adonis na kinagat ang ibabang labi.

Those eyes are full of lust for me. Kanina niya pa ako tinitignan ng ganon ngunit hindi ako makalaban. Gusto ko ang mga titig niya at kung paano mangusap sa akin ang kanyang mga mata.

“Oh, narinig mo iyon?! kaya pagkatapos nitong breakfast natin ay magbihis ka na para makapag-shopping na tayo!” saad naman sa akin ni mommy at ngumiti.

Hindi ko na alam talaga ang ugali nito ni mommy. Simula nang mamatay ang daddy ko ay nag-iba na siya. Minsan ay kaaway at minsan naman ay kasundo ko siya pero hindi pa rin basta-basta mawawala ng ganon nalang ang sakit na idinulot niya sa akin simula ng ibugaw niya ako at gawing hanapbuhay.

Gaya ng sinabi ni mommy, nang matapos kaming mag-almusal ay nagbihis na ako. Ayoko sanang sumama dahil nahihiya ako kay Daddy Adonis ngunit wala rin naman akong gagawin dito sa bahay kung kaya’t sumama nalang ako.

“Atasha! Bilisan mo nga, ang tagal-tagal mo!” sigaw ni mommy kung kaya’t napatakbo na ako papalapit sa kanya.

“Sumakay ka na, bilis!” utos niya na kaagad ko namang sinunod at sumakay sa backseat. Sinara na kaagad ni mommy ang pinto ng kotse ngunit maya-maya ay nagulat ako nang biglang buksan iyon ni Daddy Adonis. Hinagod niya ako ng nakaka-akit na tingin at saka kinintalan ng halik.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, nagpanic ako at pilit na nagpumiglas dahil alam kong nasa labas lang si mommy at baka makita kami ngunit binitawan niya lang ang labi ko nang buksan ni mommy ang pinto ng kotse sa harap upang makapasok siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil akala ko ay mahuhuli kami ni mommy.

Kinabahan talaga ako kay Daddy Adonis ngunit nginitian niya lang ako at sinara na ang pinto ng kotse sa backseat at saka siya lumipat sa driver's seat.

Natataranta kong inilabas ang face powder at lipstick ko upang ayusin ang lipstick ko dahil alam kong nagulo iyon dahil nakita ko ang marka ng lipstick ko sa labi ni Daddy Adonis.

Napatingin siya sa salamin sa harap at pinunasan ang bibig niya na nalagyan ng lipstick ko.

Bright red pa naman ang lipstick ko at pagtingin ko sa salamin ng face powder ko ay kumalat nga iyon kung kaya’t kaagad kong inayos at binura ang mga lumampas na lipstick sa labi ko. Muli kong inayos ang lipstick ko at naglagay ulit ngunit sinaway ako bigla ni mommy.

“Atasha! Seriously?! Bakit ganyan ang make up mo?! Palitan mo nga ‘yang lipstick mo! P****k ka ba?! Pulang-pula yang labi mo! Palitan mo yan! Hindi ka magtatrabaho sa club ngayon, mamamasyal lang tayo! Eksaherada ka!”

Napansin ko naman na napa-kunot ang noo ni Daddy Adonis sa narinig niya kay mommy nang mapatingin ako sa maliit na salamin sa harap na para bang nagagalit siya sa inaasal ni mommy sa akin.

Kaagad akong binigyan ni mommy ng wet wipes at pinahiram sa akin ang nude lipstick niya para iyon nalang ang ilagay ko sa labi ko. Kinuha ko nalang iyon at ginamit dahil ano bang silbi ng pakikipagtalo sa taong gusto palagi ay tama siya?

Diane Ruiz

Bare with me po. Mahirap po para sa akin isulat ang ganitong tema dahil ako po mismo na writer ay lumaking may stepfather at siya po ang nagpa-aral sa akin sa college pero... wala pong ganito ah na katulad ng kay daddy Adonis at Atasha HAHA nakuuu! maayos naman po ang pakikitungo niya sa amin ng mga kapatid ko lalo na sa mama ko. So, iyon lang. Enjoy reading po! maraming salamat!

| 73
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
Miss A nakuha mo po ang inis ko sa character mommy ni bebe girl hehe
goodnovel comment avatar
Evelyn Avelino
Sana nga fake lng ang kasal nila Adonis at Cynthia...kaluka .........
goodnovel comment avatar
H i K A B
Sana lang hindi pala totoo ang naging kasal nina Adonis at Cynthia para naman hindi pala kabit si Atasha. Although technically, 3rd party pa rin sya ke kasal o hindi. May nangyayari o mangyayari pa kaya between Adonis at Cynthia sa kama?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 84

    ADONIS Kumagat ang dilim at wala pa rin kaming natanggap na tulong mula sa kampong naiwan ko. Hindi sila nahulu ng mga talibans ngunit hindi rin sila sumugod ngayon. Marahil ay humingi sila ng tulong sa iba at ginamit ang koneksyon nila. “Siya nga pala, I met your brother, Jhondo.” saad ko. Tinapik ako ni Siobeh at pinandilatan niya ako ng mata ngunit wala akong pakialam. “Brother, who?” “Sino pa nga ba? edi yung kakambal mo, si Jonas.” “O, tapos?” tamad niyang sabi, wala siyang interes na pakinggan ako ngayon. “Alam mo, he’s a decent man. Maayos kausap at professional.” “Bakit mo ba siya binabanggit sa akin? Pakialam ko sa kanya?!” “Well, magkamukhang-magkamukha talaga kayo, parang pinagbiyak na bunga pero… mas disente nga lang siyang tignan kaysa sayo.” “Sinasabi mo ba yan para insultuhin ako, Boss? ayos ka rin e…” “Hindi. Ang pinupunto ko dito, gusto kong magkasundo na kayo ng kapatid mo. Kapag nakalabas tayo dito, magbagongbuhay ka na, umuwi ka sa inyo, humingi ka

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 83

    ADONIS “Okay, there's the mission over there, Jhondo, sasamahan mo akong pakawalan si Siobeh at Kent. Elliott, you will be in charge of the tear gasses and Jumbo, you will drive our military jeep okay? Amir, secure the bombs at wag mong pakakawalan hangga't hindi ko sinesenyas.” “Masusunod, Boss!” sabay-sabay nilang sabi sa akin. “Mapanganib ang misyon na ‘to siguro naman ay aware na kayo. Alam ko naman na matagal na kayong handa pero iiwasan pa rin natin syempre na may mamatay kahit isa sa atin, that's why we have Dra. Abbigael here.” “Talaga ba? bobombahin ninyo ang lugar na ito? I’m afraid you can't, Mr. Salcedo.” saad ni Abbigael. “Why is that?” “There's innocent people over there, children… mothers, the elderly. Gusto lang nilang mabuhay ng payapa kahit pa narito sila sa impyernong lugar na ito! but if you still continue that plan… I’m afraid I have to quit! hindi kaya ng sikmura ko na may madamay na mga inosenteng tao! Isa akong doktor, ang misyon ko ay magduktong ng b

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 82

    ATASHA Pinagmamasdan ko si Terrence habang tahimik na natutulog. Isang araw na ang nakalipas simula ng dalhin ko siya dito sa ospital. I'm counting the days dahil ang sabi ni Adonis ay sandali lang daw siya pero wala siyang sinabi kung tatagal ba ng isang linggo o isang buwan. Sinisisi ko ang sarili ko ng paulit-ulit ngunit kahit anong gawin ko… hindi na mababago ang lahat. Nagkamali ako. Kung alam ko lang na mangyayari ‘to sana hindi na lang namin itinuloy. I just want to experience falling in love with someone. Sinubukan kong ibaling ang pagmamahal ko kay Adonis sa iba para malaman ko kung kaya ko bang lumayo sa kanya, kung kaya ko bang hindi na tanggapin ang pagmamahal niya pero… mukhang hindi. Hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko… si Adonis pa rin ang mahal ko. Hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang aking mga luha ng mga oras na iyon hanggang sa hindi ko na ma-kontrol. Ang mga tahimik na pag-iyak ko ay naging hagulgol. “I’m so sorry Terrence, patawarin mo ako…” s

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chaoter 81

    ADONIS Mabilis akong umikot sa kuta ng kalaban ng mag-isa. Alam ko na kung saan nakapiit si Siobeh at Kent. Hindi ko akalaing magagawa ko ito ngunit ligtas din naman akong nakabalik sa base na ginawa namin. Uhaw na uhaw ako ng makabalik ako sa base namin kung kaya't ipinaligo ko sa katawan ko ang isang bote ng mineral water. “Boss?! kamusta?!” “Okay na, nakita ko na. Aatake tayo ng lunchtime kaya kumain na kayo ng maaga.” saad ko na tumingin sa wristwatch ko. Alas dyes na ng umaga. Sakto para sa binigay ni Siobeh na 18 hrs. “They are planning to show to their people how powerful they are. Gusto nilang bitayin si Siobeh at Kent sa may bayan.” paliwanag ko sa kanila. “Mga walang awa!” asik ni Jhondo. Lumapit sa akin si Abbigael at binigyan ako ng isang plato ng napakaraming kanin at sabaw na hindi ko malaman kung ano. “Eat.” saad niya kung kaya't kinuha ko iyon at nilantakan ko na. Napatango-tango ako habang kumakain dahil masarap naman pala. Papaitan ata ‘to. “Uhm…

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 80

    ATASHA “Love me Atasha, marry me… and I’ll give you the world.” saad ni Terrence at muli akong siniil ng halik. Nag check-in kami sa isa sa mga suite dito sa Gentleman Hotel ngunit hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Maybe because I’m so drunk and… lonely. Without Adonis… I can't. Nasanay akong ginugulo niya ang tahimik kong mundo sa maikling panahon na iyon na bumalik siya. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis ulit… Simula ng umalis siya, siya na palagi ang naging laman ng isip ko. Walang araw na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya iniisip. Akala ko hindi ko na siya mahal… iniwan niya ako ng limang taon at itinaguyod ko mag-isa ang anak namin. Pero nang bumalik siya… para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Masakit pero unti-unting gumagaaan at naghihilom. Ngunit ngayon na umalis na naman siya, pakiramdam ko nawawala na naman ako sa sarili ko, hindi ko na naman alam kung anong gagawin. Paano ko ba pupulutin ang sar

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 79

    ADONIS“O, isuot niyo ‘to!” saad ni Elliott na binato sa amin ang kung anong tela.“Ano yan?” tanong ko. “It’s an afghan head gear or a turban. Serves as a disguise too para hindi tayo makilala ng mga kalaban.” paliwanag ni Elliott. Nasa byahe pa kami ngunit ramdam kong malapit na kami sa destinasyon na aming pupuntahan. “Gagana ba yan?” tanong ko pa ulit. “Like I said, we have to try. Hindi nila basta-basta ibibigay sa atin si Boss Siobeh at Kent kaya ngayon pa lang, mag-isip na kayo ng plano kung paano tayo makakapasok sa kuta ng mga kalaban at kung paano natin sila maililigtas. They hate peace talks. Mabilis silang magalit at talagang maikli ang pasensya nila lalo na sa ating mga dayuhan. Para sa kanila, mas madali ang pumatay.”Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga. “Kapag nandoon na tayo, iikot ako. Titignan ko muna ang buong sitwasyon ng military base nila,, kailangan nating makabisado ang buong lugar na iyon at kung saan nakapihit sila Siobeh pagkatapos… saka tayo susu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status