Bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya at muling pumasok ang lalaking kakalabas lang bitbit ang isang tray ng sa tingin niya ay pagkain. Nakasimangot nitong inilapag sa kanyang harapan ang food tray na naglalaman ng porridge at tubig. "Eat so you can regain your strength. You want to stay here, right?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap bago wala sa sariling tumango. "P—pumapayag na po kayong dito ako titira?" Tila hindi makapaniwala niyang tanong. "Yes but only for the meantime, Nahara," malamig nitong sagot. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakaharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pananayo ng kanyang balahibo. He mentioned her name with coldness yet it feels so good to hear in her ears. It's like she was a human and not someone to molest. Marahil ay nasanay lang siyang si Fabian lang ang bumibigkas ng pangalan niya at sa nakakadiring paraan pa. "S-salamat po..." Maluha luha niy
WARNING!!! VIOLENCE AND SEXÚAL CONTENTS AHEAD!!! SKIP IF YOU ARE NOT COMFORTABLE.Ayaw man niyang ihakbang ang kanyang mga paa, wala na siyang nagawa pa at sinunod ang utos ni Rain. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang putahe ng gulay sa mesa. Dyos Ko! Ano na naman kaya ang lasa ng mga iyon. Sana naman ay hindi kasing sama nung lugaw kanina.Itinulak nito palapit sa kanya ang mga gulay. May nakita siyang ginisang broccoli at sinabawang cauliflower. May mga carrots din na hindi na naslice subalit mukhang ginawang adobo. Mabuti na lang nga at binalatan iyon dahil kung hindi, magmumukha na iyong pagkain ng baboy. Kung hindi pa lang nito mamasamain, magtatanong talaga siya kung sino ang nagturo sa lalaki ng mga putaheng iyon. Sana lang ay nasa tamang pag-iisip ang nagbigay dito ng ideya."Kumain ka na. My men already taste the food at sabi nila sobrang sarap daw kaya gusto ko ring marinig ang review mo," sabi pa nito.Kumurap-kurap siya. Kung ganun naman pala, siguro ay nag
Medyo maagang nagising si Nahara kinabukasan. Dahil wala naman siyang damit na pamalit, nilabhan muna niya ang t-shirt na ipinahiram ni Rain sa kanya pagkatapos niyang maligo at ang itim na roba ang kanyang sinuot palabas ng silid.Kagaya noong nakaraan, tahimik ang buong paligid ng bahay. Napalingon siya sa silid ni Rain. Gising na kaya ito? Nais man niyang silipin ay pinigilan niya ang kanyang sarili at dumiresto na sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng lulutuin subalit tanging dalawang itlog lang ang naroon at isang balot ng cream bread.Naisipan na lang niyang gawing sunny side up ang dalawang itlog at i-toasted bread ang tinapay. Nagtimpla na nadin siya ng kape. Hindi niya maiwasang mapangiti. Sobrang tagal na niyang pinangarap na maranasan ang ganitong bagay. Yung malaya siyang nakakagalaw. Hindi siya makapaniwalang magagawa pa niya ito.Inayos niya ang mesa para sa kanyang bagong amo para kapag bumaba ito ay ready na ang pagkain. Pagpihit niya paharap ay siya namang pagpasok ni R
Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili sa chiller habang si Rain naman ay nakaupo sa silya at matamang nakamasid sa kanyang bawat galaw. Malamig man ang tingin nito, hindi naman itinatago ng lalaki ang kaunting amusement sa magaganda nitong mga mata na hindi niya alam kung bakit."Why are you still wearing a robe, Nahara?" Maya maya pa'y tanong nito.Napakamot siya ng ulo at alanganing lumingon sa lalaki. "W—wala po kasi akong maisusuot na kahit ano, Sir."Wala kang maisusuot… so you mean you also don't have underwear beneath that robe?" Kunot noo nitong tanong at dumako ang mga mata sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.Mabilis siyang umayos ng tayo at napalunok. "W—wala po," nakangiwi niyang sagot."Really?" Bahagya pa itong napailing at kagat labing napatayo."Finish whatever you're doing immediately. Lalabas tayo ngayon," anito bago siya iniwan sa kusina.Nagpakawala siya ng buntong hininga bago bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pag-aayos
Mabilis na humarang sa gawi nila ang kanyang kotse kaya naman agad siyang pumasok sa loob habang hila-hila si Nahara na parang hindi pa napoproseso ang utak sa nangyari. Humarurot ang sasakyan palayo sa kinauupuan nila kanina. He held Nahara to face him."Are you alright? Hindi ka ba natamaan?" Tanong niya habang sinisipat ng tingin ang babae. Nais na lang niyang matawa sa kanyang sarili. Why does he care if she gets shot or not?"H-hindi naman..." Mahina at nanginginig nitong sagot.He heaved a deep sigh before shaking his head. He was about to lean on his seat nang bigla na lang silang pinaulanan ng bala. Nahara screamed in fear. Itinulak niya ang babae padapa sa flooring ng kotse bago hinugot ang kanyang baril at inayos ang kanyang earpiece."Where are you Calder?" Tanong niya sa kanyang bodyguard."We are trying to chase the cars behind you, Sire. I'm sorry for the late response. I am wounded," tugon nito.Muli siyang napabuntong hininga at bahagyang dumausdos sa kanyang upuan. Ma
Napatitig si Nahara sa likuran ni Rain. Hindi niya maiwasang mapaiyak. This is the first time that someone wanted to save her life. All throughout her existence, she only feel nothing but a worthless piece of shít. Iyon ang nakatatak sa kanyang utak sa loob ng maraming taon."What are you still staring at? Magpapakamatay ka ba talaga?" Narinig niyang angil ni Rain.Napapitlag siya at ilang beses na kumurap-kurap. Sinalubong siya ng nayayamot at naiinip nitong expression. Sa nanginginig niyang katawan, mahigpit siyang humawak sa balikat ng lalaki bago sumampa sa likuran nito. Mabilis namang tumayo si Rain at patakbong sumuong sa mas madilim pang bahagi ng gubat habang pasan siya sa likuran nito."Tangina! Patay na si Baldo! Sundan niyo yung mga yapak nila sa pagitan ng mga damo!" Sigaw ng isang tinig sa kanilang likuran.Mariin siyang napapikit at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi sila maabutan ng mga ito. Alam niyang pagod na si Rain, halos habol na rin nito ang sariling hininga
Halos humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya nang magkasama silang bumulusok pababa sa talon. Hindi siya sigurado kung mabubuhay pa ba siya sa pagkakataong iyon. Hindi siya marunong lumangoy kaya malamang malulunod siya. Pero paano na si Rain? Ano ang mangyayari sa lalaki ngayong tumalon sila sa napakataas na talon?Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nilamon ng tubig. Sobrang lamig. Pagkasayad ng kanyang balat sa tubig ay animo inilunod siya sa isang baldeng yelo dahil sa lamig. Siguro dahil sa nakapalibot na malalaking puno kaya't sobrang lamig ng temperatura.Sinubukan niyang kumampay pataas subalit hinila siya ni Rain pailalim. Nais man niyang magpumiglas, sinunod niya ang lalaki para hindi na ito maperwisyo sa kanya. Mahigpit ang kapit ni Rain sa kanya habang may itinatali ito sa kanyang bewang. At dahil masyadong madilim ang ilalim ng tubig, hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon, basta naramdaman na lang niya ang pagdiin ng matipuno nitong katawan sa kanya hanggan
Agad na nilapitan ni Nahara si Rain. Saka lang niya napagtantong pawis na pawis ang noo nito at inaapoy pa ng lagnat ang lalaki. Pinunasan niya ang noo nito gamit ang kanyang kamay bago luminga sa paligid subalit halos wala na siyang makita dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy na lang ang makikita sa buong gubat.Napatingin siya kay Rain na may mga katagang ibinubulong subalit hindi naman niya maintindihan kung ano. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kahit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Partida, ang dungis na nilang dalawa. Siya siguro mukhang aswang na pero ito, animo mukhang artista parin.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Sana lang makalabas na tayo dito ng ligtas… O kahit ikaw na lang. May buhay kang maiiwan kapag hindi ka nakauwi…hindi gaya ko na wala namang babalikan pa sa syudad," malungkot niyang usal.Muli itong umungol at nangunot pa ang noo. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan