Share

CHAPTER 9

Author: Jenniexhan
last update publish date: 2026-07-16 22:00:03

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Ethan na nakatayo sa likuran namin. Hindi ko alam kung gaano katagal na siya roon at kung ano ang eksaktong narinig niya sa usapan namin ni Melva.

Bago pa man ako makabuo ng kahit isang salita para sumagot, biglang tumayo si Aiden sa kinauupuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa kanya habang sumigaw nang malakas at masaya.

“Papa! Papa!”

Agad siyang yumuko at binuhat ang bata nang dahan‑dahan. Kahit kanina ay seryoso at matalim ang tingin niya sa amin, biglang lumambot ang buong mukha niya nang makita si Aiden. Hindi niya napigilang mapangiti nang totoo habang nakatingin kay Aiden.

“Did you miss me that much, little one?” tanong niya nang malumanay habang hinahaplos nang dahan‑dahan ang buhok ni Aiden.

“Opo! Sobrang sobra po!” sagot agad ni Aiden sabay yakap nang mahigpit sa leeg niya. Pagkatapos ay hinalikan niya nang malakas ang pisngi ni Ethan. “Papa… nami‑miss mo rin po ba ako? Tulad ng pag‑miss ko sayo araw‑araw?”

“Of course I did. Miss na miss din kita, baby.” sagot ni Ethan habang nakatingin nang malambing sa bata. “Lagi kitang miss araw-araw.”

Nanatili akong nakaupo at pinapanood sila. Parang may sariling buhay ang puso ko habang nakikita kung gaano sila magkasundo. Pero agad ding bumalik ang takot sa isip ko na baka narinig niya ang lahat ng sinabi namin tungkol sa kaniya.

Dahan‑dahan akong lumingon kay Melva. Alam kong maging siya ay nagtataka rin siguro kung bakit nandito si Ethan at kung bakit papa ang tawag ni Aiden kay Ethan.

“Uh, mauna na kami sa pag‑uwi,” sabi ko nang mahina sa kanya, halos pabulong. “Hindi ko na maipapaliwanag ngayon ang lahat. Ipapaliwanag ko na lang sayo sa susunod na magkita tayo, promise.”

“Sige. Mag‑ingat kayo,” napilitang sagot ni Melva habang hindi inaalis ang tingin kay Ethan. “At mag‑ingat ka rin sa mga desisyon mo, huwag kang magpadalos-dalos.”

Tumango ako at sumunod kay Ethan palabas ng coffee shop.

Sumakay kami sa sasakyan niya pauwi sa mansion. Hindi ko alam na susunduin niya kami. Tahimik ang buong biyahe. Si Aiden ay nakaupo sa likuran namin, panay ang daldal kay Ethan. Hanggang sa makatulog siya nang mahimbing habang nasa byahe pa kami.

Pagdating sa mansion ay dahan‑dahang inihiga ni Ethan si Aiden sa sarili niyang kwarto at maingat na tinakpan ng kumot. Oo, may sariling kwarto na si Aiden dahil gusto niya na may kwarto siya.

Pagkatapos umalis ni Ethan para maligo raw siya ay hindi na ako mapakali. Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto, laging umiikot sa isip ko ang tanong. Narinig ba niya ang lahat ng pinagsasabi namin o hindi naman?

Hindi ako makahinga nang maayos. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

Ilang oras ang lumipas. Malalim na ang gabi nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang mensahe mula kay Ethan.

Come to my office. Now.

Huminga ako nang malalim bago tumayo sa kama. Alam kong hindi ito maiiwasan pa lalo’t mukhang may narinig talaga siya.

Maingat akong naglakad papunta sa opisina niya sa loob ng mansyon. Kumatok ako nang mahina bago pumasok.

“Bakit kailangan mo pa akong ipatawag nang ganitong oras?” tanong ko agad pagpasok ko. “Malalim na ang gabi at inaantok na ako.”

Hindi siya agad sumagot. Nanatili lang siyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang tahimik akong pinagmamasdan, tila tinatantya ang magiging reaksyon ko.

“I have to ask you something,” saad niya, halata ang kuryosidad sa kanyang boses. “Tell me honestly. What exactly was that ‘truth’ your friend Melva was talking about earlier? And why did she say I don’t deserve to know it?”

Biglang bumilis nang husto ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko at nanginginig nang kaunti ang mga kamay ko sa likuran ko.

“W-wala lang iyon,” nauutal kong sagot habang pilit na naghahanap ng sasabihin.

Nang hindi siya magsalita at nanatiling nakatitig sa akin ay umupo ako sa harapan niya.

“F-fine... wala lang talaga iyon, tungkol lang ’yon sa tunay na dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sayo noon. Wala nang iba pa.”

Tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay sabay inom ng alak na hawak-hawak niya. Kitang‑kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

“You’re lying,” madiing saad niya habang diretsong nakatitig sakin. “I can see it in your eyes.”

Wala na akong ibang paraan. Kung sasabihin ko ang totoo ngayon, baka mas lalong lumala ang lahat at baka hindi na niya ako paniwalaan. Tama si Melva.

“Ang totoo…” sinubukan kong magsalita nang maayos kahit masakit sa loob ko. “Iniwan kita noon kasi... napagtanto ko na lang bigla na hindi pala ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa 'yo. A-akala ko noon ay talagang mahal kita, pero habang tumatagal, narealize kong hindi pala.”

Biglang nagbago ang mukha niya. Parang may tumusok sa puso niya sa sinabi ko. Kitang‑kita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.

“How can you say that?” tanong niya nang may halong pait sa boses. “How can you say it was never deep? You promised me so many things back then. You said we’d build our own family. You said nothing would ever separate—”

Agad ko siyang pinutol. Ayaw ko nang marinig pa ang mga pangakong matagal nang wala.

“Tapos na tayo, Ethan,” saad ko ng walang pag-aalinlangan para tuluyan nang tapusin ang usapan. “Lahat ng ’yon ay tapos na. Wala na akong balak pang balikan ang nakaraan. At wala na ring saysay na pag‑usapan pa ang lahat ng ’yon ngayon dahil nakalipas na ’yon.”

Agad akong tumayo at tumalikod sa kaniya upang hindi niya makita ang luhang unti-unting namumuo sa mata ko.

“Ayoko nang balikan pa ang nakaraan kaya sana... sana ay hindi na natin pag-usapan pa ito,” pakiusap ko habang nakatingin sa kawalan, pilit na pinipigilan ang boses na mabasag habang tila nilulunok ang bara sa aking lalamunan.

Binalot kami ng mabigat na katahimikan. Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa ng ilang minuto, at tila ang mabibigat naming paghinga na lang ang naririnig sa loob ng silid.

“Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na dahil matutulog na ako at maaga pa ang pasok bukas,” pagbasag ko sa katahimikan.

Nang hindi siya sumagot ay nagpasya na akong umalis. Nasa pintuan na ako nang bigla siyang magsalita. Akala ko ay tapos na ang usapan.

“Atasha.”

Dahan‑dahan akong lumingon sa kanya.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata na ngayon ay puno ng pagdududa, tila may hinahanap na sagot na hindi ko magawang ibigay.

“I hope you’re telling me the truth… dahil sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka ulit, I don’t think I’ll ever forgive you.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   SPECIAL CHAPTER

    Isang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   LAST CHAPTER

    Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 40

    Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 39

    Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 38

    Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 37

    "H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status