分享

CHAPTER 8

作者: Jenniexhan
last update publish date: 2026-07-15 21:38:13

Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan.

Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya.

Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami.

Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana.

“Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya.

“Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya.

“Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya.

Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan, ayaw ko pa nga sana kaso ay hindi naman kami okay kaya hindi ko na natutulan pa.

“Oo naman. Pero gamitin mo yung headset para hindi maingay sa ibang tao,” bilin ko.

Agad siyang tumango at inilabas ang tablet sa maliit na bag na dala namin. Tumayo ako lumapit sa cashier para sabihin ang order. Maya‑maya pa ay lumapit si Melva na dala-dala ang mango milkshake, tinapay, at kapeng inorder namin. Meron din para sa kaniya.

“Akala ko hindi ka na dadalaw dito, eh!” bati ni Melva sabay yakap nang mahigpit sa akin. “Ang tagal nating hindi nagkita!”

“Sorry, masyado lang talaga akong naging abala sa trabaho nitong mga nakaraang araw,” sagot ko.

Umupo siya sa tapat ko. Si Aiden ay abala na sa paghigop ng inumin habang nakasuot ng headset at nakatingin sa kanyang tablet. Busy manood ng spiderman.

“O siya… magkwento ka naman. Kamusta ang trabaho mo kay Ethan, ha? Pinapahirapan ka ba?” tanong ni Melva habang nakatingin nang mabuti sa mukha ko.

Huminga ako nang malalim bago magsimula.

“Alam mo Melva… sobrang hirap maging personal secretary niya.”

“Bakit? Anong ginagawa niya sa’yo?”

“Halos wala akong oras magpahinga. Hindi ako halos makapag-cr, kumain, o uminom manlang ng tubig. Pagkatapos ko kasi sa isang gawain, may bago agad siyang pinapagawa. Parang sinasadya niyang bigyan ako ng napakaraming gawain.”

“Aba, ang kapal ng mukha niya. Ano may iba pa ba siyang pinapagawa sayong masama?” tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Hindi pa ‘yan. Noong nakaraang linggo kasi... a-ano nagkamali ako ng gawa sa pinagawa niya. Pagod na ako noon at nagmamadali para matapos bago magsimula ang meeting.”

“Tapos ano ang ginawa niya?”

“Sa harap pa mismo ng lahat ng board members niya ako pinagalitan nang malala. Sobrang nakakahiya talaga. Sabi niya kung hindi ko raw kaya ay hindi raw akong belong.”

Napahampas si Melva nang mahina sa ibabaw ng mesa. Napatingin sa kaniya si Aiden dahil doon.

“Finish your milkshake, Aiden.” ngiting saad niya bago bumaling sakin. “Grabe talaga ‘yang lalaking ‘yan! Wala talagang nagbago sa ugali niyan! Sabi ko naman sayo, eh. Hindi ko talaga bet yang lalaki na yan para sayo.”

“Oo na… parang gusto ko nang maglaho sa lupa dahil sa hiya noong oras na ‘yon,” sagot ko nang mahina.

“Tapos ano pa ang sinabi niya sa’yo?”

“Sabi niya… kung hindi ko raw kaya ang trabaho, pwede akong umalis anumang oras. At sabi pa niya, uhm... specialty ko raw ang pag-alis.” nakangusong sabi ko, akala mo’y anak na nagsusumbong sa nanay.

Halata ang gigil ni Melva habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.

“Hay naku! Walang puso talaga ’yang Ethan na ’yan! Di ka talaga niya tatantanan hangga’t hindi ka nasasaktan, eh. Una, binili niya ’yung lupa na alam naman niyang mahalaga sa inyo. Ngayon naman ay pinapahirapan ka pa sa trabahong siya mismo nagbigay!”

Tahimik akong nakinig sa kanya. May bahagi pa rin sa akin na gustong magbigay ng kaunting pag‑unawa kay Ethan kahit alam kong may tama sa sinabi ni Melva.

“Pero M-Melvs… baka ganoon lang talaga siya kapag nasa trabaho. Baka nagkamali lang siya sa paraan ng pagsabi sakin.”

“Hoy! Atasha, huwag mo nang subukang ipagtanggol ’yang lalaking ’yan!” putol ni Melva nang mariin. “Hays... Totoo namang masama talaga ugali niyang lalaki na ’yan. Hindi ko alam kung bakit mo iyan nagustuhan.”

“Alam ko naman ’yon, eh… pero kasi may karapatan naman siguro siyang magalit sakin. Sadyang nasaktan lang ako nang sobra sa mga sinabi niya,” pag‑amin ko nang diretso. “Ang sakit pakinggan tuwing sinasabi niya ’yon.”

“Dapat lang na masaktan ka dahil mali ang ginagawa niya! Pero huwag mong hayaang siya ang manalo sa huli!” sagot ni Melva.

Tumingin ako sa kanya nang may pag‑aalala sa mukha.

“Pero Melvs… minsan naiisip ko… baka panahon na para sabihin sa kanya ang totoo.”

Biglang naging seryoso ang mukha ni Melva. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko sa ibabaw ng mesa.

“Huwag mong gagawin ‘yan!”

“Bakit naman? Baka kapag nalaman niya ang lahat… magbago ang tingin niya sa akin. At baka maunawaan din niya kung bakit ko siya iniwan noon.”

Umiling si Melva nang mabilis. “Hindi mo naiintindihan, Atasha. Kung sasabihin mo yan ngayon, iisipin niyang ginamit mo lang ang lahat para makuha ang gusto mo. Hayaan mo muna siyang magdusa sa sarili niyang pag‑iisip.”

“Pero baka mas lalong lumala lang galit niya sakin kapag matagal ko pang tinago,” sagot ko.

Mahigpit at malinaw na nagsalita si Melva. “Hindi ’yan. Hayaan mo muna siyang magdusa. Di niya nga deserve na malaman ang totoo, ano!”

Hindi ako agad nakasagot. Napayuko ako habang hinahaplos nang dahan‑dahan ang gilid ng baso. Maraming bagay ang umiikot sa isip ko, kung hanggang kailan ko pa ito maitatago, kung ano ang gagawin ko kapag nalaman niya, at kung may pag‑asa pa bang magkaintindihan kami balang araw.

Nanatili akong nakayuko nang ilang sandali. Parang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ni Melva. Alam kong tama siya sa ilang bagay, pero may ibang bahagi sa akin na nagnanais na malaman din ni Ethan ang katotohanan.

Sa gitna ng katahimikan sa pagitan namin ay biglang may narinig kaming malamig at matigas na boses mula mismo sa likuran ko.

“Then maybe you should tell me what truth you’re talking about.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa gulat at takot. Dahan‑dahan akong lumingon sa likuran.

Doon ay nakatayo si Ethan. Seryoso at matalim ang tingin sakin tila handang malaman kung anong katotohanan ang tinatago namin.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 8

    Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 7

    Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 6

    Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 5

    Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 4

    Lumipas ang isang buong linggo mula noong pumirma ako sa kontrata. Pitong araw na pananatili sa loob ng mansyon, pitong araw na pagsunod sa mga utos ni Ethan at pitong gabing pagnanais na makauwi na lang ulit. Ngayong Sabado, sa wakas ay pwede na akong umuwi gaya ng pangako ko kay Aiden na dadalhin ko siya sa amusement park na matagal na niyang hinihiling.Habang papalapit ako sa aming bahay, hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping makikita ko na agad ang anak ko. Pero nang buksan ko ang pinto at pumasok, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang bagay na inaasahan kong hindi mangyari, iyon pa ang sumalubong sa paningin ko.Nakaupo si Ethan sa aming wooden sofa at sa kanyang kandungan ay nakaupo at masayang-masaya si Aiden. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ng dalawa habang may hawak na laruan ang bata na tila ibinigay pa ng lalaking iyon.Agad na napalingon sa akin si Ethan. Ang kislap ng saya sa kaniyang mga mata habang kausap ang bata ay dahan-dahang napalitan ng seryosong titig, per

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 3

    Nakaupo ako sa passenger seat ng mamahaling sasakyan ni Ethan, katabi ko siya na tahimik na nagmamaneho. Sa unang ilang minuto ng biyahe ay balot na balot kami ng katahimikan at tanging ang sarili ko na lang na paghinga ang naririnig ko sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Kahit sa kalsada lang siya nakatingin, hindi ko pa rin mapigilang mabalisa.Huminga ako nang malalim at pinipilit na pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang tanong ni Aiden kanina bago kami umalis. Ang inosenteng boses ng aking anak na tinanong kung si Ethan ba ang kaniyang ama. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at hiya sa harap ng lalaking kasama ko ngayon.Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya para kausapin siya. "Ethan..." panimula ko at nakita kong bahagya siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pasensya ka na sa sinabi ni Aiden kanina... alam mo na bata, uh madalas magtanong ng kung ano-ano. Huwag mo na lang sanang m

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status