LOGINIsang taon at kalahating buwan lang ang mabilis na lumipas mula noong ibalita ko kay Ethan ang pagbubuntis ko. Kakapanganak ko lang kay Baby Asher na limang buwang gulang pa lang ngayon, habang si Aiden naman ay Grade 4 na at si Althea ay papasok na sa Daycare. Abala ako sa pagpapadede kay Baby Asher sa loob ng kwarto nang biglang pumasok si Ethan na kamot-kamot ang kaniyang batok. "Oh, love, nakapagbihis na ba si Althea?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "She's crying downstairs. She doesn't want to go to school unless she brings her Barbie doll," frustrated na sagot ni Ethan habang napapailing. "Naku, ang batang 'yon talaga," natatawang sabi ko sabay ingat sa paglipat kay Baby Asher. "Kargahin mo muna si Asher, ako na ang kakausap doon.” "Careful, my little boy," malambing na sabi ni Ethan habang maingat na kinuha ang baby sa akin. Bumaba ako sa sala at nakitang nakaupo sa sahig si Althea habang nakanguso at umiiyak. "Ayaw ko po mag-school! I want Barbie with me po!" sig
Totoo nga talagang mabilis lumipas ang panahaon. Apat na taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging masaya at makulay ang buhay namin.Dahil iyon ay nadagdagan pa kami ng isa. Kung dati ay masaya at makulay ang mundo ay mas lalo pang naging makulay at masaya ang mundo namin.Si Aiden ay pitong taong gulang na ngayon at napakabait na bata. Habang ang aming tatlong taong gulang na si Althea naman ay ubod ng likot at walang tigil sa kadaldalan.Walong taong gulang na ngayon si Aiden na kasalukuyang nasa ikatlong baitang na. Habang ang tatlong gulang naman ay ang ang anak naming babae na si Althea, sobrang kulit at madaldal ang bunso namin.Kitang ko agad mula rito sa kusina kung gaano sila kalapit na magkapatid. Kahit madalas silang mag-asaran, alam kong mahal na mahal ni Aiden ang kaniyang bunsong kapatid."Kuya, 'yan! 'Yan akin!" bulol na sigaw ni Althea habang pilit na inaabot ang hawak na laruan ni Aiden sa sala."No, Althea. That's mine! I am playing with this robot first," tan
Isang buwan na ang nakakalipas simula nang magising si Aiden. Masasabi ko na payapa na sa wakas ang sitwasyon ng buong pamilya namin ngayon. Dahan-dahan naming binubuo muli ni Ethan ang aming relasyon. Lalo pa silang naging malapit at magkasundo ng kaniyang anak. Ngayong araw ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Papa. Nagtipon-tipon kaming lahat para sa isang simpleng salu-salo sa garden sa likod ng mansion. "Aiden, huwag masyadong mabilis tumakbo baka madapa ka," paalala ko habang pinapanood silang mag-ama na tumatakbo sa garden. "Opo, Mama! Hinahabol po ako ni Papa oh!" masayang sigaw ni Aiden habang tumatakbo sila ni Ethan sa damuhan. Inilapag ko ang malaking birthday cake sa mismong gitna ng lamesa. Lumapit naman agad si Mama na may dalang mga plato habang nakangiti nang malawak. "Salamat sa Diyos at kumpleto tayo ngayon," malambing na sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. "Ang sarap sa pakiramdam na makita kayong ganyan." "Oo nga, Ma. Matagal ko ring hinin
Habang nagpapagaling ang anak ko, mas lalo namang lumalamig at bumibigat ang pakitungo sa akin ni Ethan. Isang gabi ay habang mahimbing na natutulog si Aiden ay lumabas muna si Papa para samahan si Mama na maglakad-lakad. Hinarap ako ni Ethan. Nakatayo siya malapit sa bintana, pormal ang suot, at seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin. "We need to talk, Atasha," malamig na panimula niya. Huminga ako nang malalim at lumapit nang bahagya. "Tungkol saan, Ethan? Kung tungkol ito sa bayad sa ospital, unti-unti kong babayaran sa'yo—" "I don't care about the money," putol niya sa sasabihin ko, mas lalong umigting ang kaniyang panga. "This is about my son. This is about Aiden." Napakunot ang noo ko, nakakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib. "Ano ang tungkol sa kaniya?" "I want to formally acknowledge him," diretsong sagot ni Ethan habang nakatitig nang marubdob sa aking mga mata. "Gusto kong kilalanin si Aiden bilang legal kong anak. My lawyers will be here tomorrow
Hindi pa rin ako kinakausap nang maayos ni Ethan kapag kaming dalawa lang, pero hindi niya kami iniwan. Nanatili siya rito upang bantayan si Aiden at Mama. Isang umaga ay habang nag-aayos ako ng gamit ay narinig namin ang mahinang daing mula sa kabilang kama. "A-Aiden..." pabulong na tawag ng aking ina habang dahan-dahang idinilat ang kaniyang mga mata. "Mama! Salamat sa Diyos, gising ka na po!" umiiyak na lumapit ako at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit po ba sa'yo?" "Si Aiden... ang apo ko... nasaan si Aiden, Atasha?" tanong ni Mama habang sinusubukang igalaw ang kaniyang katawan. "Ligtas po si Aiden, Ma. Huwag po kayong mag-alala." sagot ko habang pinupunasan ang aking mga luha. Lumapit si Ethan sa gilid ng kama at pormal na tumango. "Magpahinga po kayo, Tita. I’ll make sure everything is taken care of. Huwag niyo na pong isipin ang gastos o anuman rito." "Salamat, Ethan... Maraming salamat sa'yo," mahinang sagot ni Mama bago mul
"H-his father...?" nauutal na ulit ni Ethan. "What do you mean, Atasha?" Hindi ko na siya nagawang sagutin pa kundi ang tumango nang mariin habang patuloy na humahagulgol sa tapat ng kaniyang mga paa.Nang makita ang aking pagtango, tila biglang nagising si Ethan sa isang panaginip at mabilis akong hinila patayo. "Damn it, Atasha! Let’s go! We need to go to the hospital right now!" sigaw niya habang binubuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, mabilis kaming dinaluhan ng mga staff patungo sa Blood Bank. Dahil kritikal ang lagay ni Aiden sa loob ng Operating Room dahil sa internal bleeding sa tiyan at kulang ang supply ng kaniyang blood type sa ospital ay agad na sumailalim si Ethan sa mabilisang screening at cross-matching. Nang makitang perpektong tugma ang kaniyang dugo, mabilis siyang kinuhaan ng dugo para maiproseso at agad na maisalin sa aming anak.Habang hinihintay matapos ang operasyon







