Share

DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES
DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES
Author: Novelist Yaman

CHAPTER 1

Author: Novelist Yaman
Limang taon ng lihim na ikinasal sina Mrs. Lydia at Mr. Winston Martinez, mag-asawa sa papel pero walang pag-ibig na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Mas tamang sabihin na si Lydia ay may nararamdaman para sa kanyang asawa, pero tinago niya iyon at hindi nag-iwan ng anumang bakas.

Gabi ng bagong taon, kasiyahan ang bumalot sa buong lungsod, masaya at maingay ang paligid at may mga fireworks sa kalangitan. Ngunit sa napakalaking mansyon ng mga Martinez, si Lydia lamang ang mag-isa.

Nagpakulo siya ng isang mangkok ng simpleng pansit, pero ni hindi niya ito natikman. Sa ibabaw ng mesa, maririnig sa kanyang cellphone ang isang live video mula sa internet.

Sa video, makikita ang kamay ng isang lalaki, mahaba at matikas ang mga daliri. Hawak nito ang isang singsing na may disenyong kumikinang na perlas, at dahan-dahang isinuksok sa payat na palasingsingan ng isang babae.

Sumunod ang malambing na boses ng babae, “Winston, sa natitirang panahon ng ating buhay, pakialagaan mo ako.”

Nakatitig si Lydia sa mamahaling relo sa pulso ng lalaki sa video, isa itong limited edition na isang tanda ng kanyang pagkakakilanlan, at may umusbong na kirot sa kanyang dibdib. Nakapause na ang video pero hindi niya maalis ang tingin. Para bang pinaparusahan niya ang sarili sa paulit-ulit na panonood.

Anim na buwan na ang nakalipas mula nang kusang idinagdag siya ng babae sa social media account. Simula noon, madalas na niyang makita ang kanyang asawa sa mga post ng babae sa social media.

Limang taon na ang lihim nilang kasal at ngayon lang nalaman ni Lydia na kaya rin palang maging malambing, romantiko at maingat ang kanyang asawa. Tuluyang lumamig ang mainit pa sanang pansit sa harap niya. Hindi na iyon pwedeng kainin, pero hinawakan pa rin niya ang kutsara at inangat ang mga ito, parang wala na siyang lakas.

Ganoon din ang kanilang sirang relasyon, hindi na dapat pakialaman pa.

Pumikit si Lydia, tumulo ang kanyang mga luha. Tumayo siya, nagpunta sa kuwarto, naghugas at saka pinatay ang ilaw para humiga.

Malalim na ang gabi, at bagaman mainit ang silid dahil sa heater, narinig niya ang marahang paghuhubad ng damit.

Nakatalikod si Lydia sa malaking kama. Alam niyang bumalik na si Winston pero nanatili siyang nakapikit at nagkunwaring natutulog. Lumulubog ang kama sa bigat ng bagong dating.

Maya-maya, dumagan sa kanya ang matangkad at matipunong katawan ng lalaki. Bahagyang kumunot ang noo ni Lydia..

Sa susunod na saglit, bahagyang itinaas ang laylayan ng kanyang pantulog at dumampi sa kanyang balat ang mainit at tuyo niyang palad. Napakagat-gilid si Lydia at biglang iminulat ang mga mata.

Malapit na malapit sa kanya ang matikas at matalim na mukha ng lalaki. Sa matangos nitong ilong, nakapatong pa rin ang manipis niyang salamin. Bukas ang maliit na lampshade sa tabi ng kama, at ang malambot na kulay kahel na liwanag ay sumasalamin sa lente.

Sa ilalim ng lente, makikita sa makikitid na mga mata ng lalaki ang halatang pagnanasa.

“Bakit ka biglang umuwi?” Natural na malambot at pino ang kanyang tinig.

Nakatitig ang lalaki sa mapupulang gilid ng kanyang mga mata at bahagyang tinaas ang makakapal nitong kilay. “Hindi ka ba natutuwa na makita ako?”

Diretso siyang tumingin sa madilim na mga mata nito na malalim ang tingin sa kanya at marahang sumagot, “Hindi naman, nagulat lang ako.”

Dumampi sa kanyang makinis at maputing pisngi ang mahahaba at mainit na daliri ng lalaki. Dumilim ang tingin nito at nagsalita sa malalim at buo nitong tinig, “Tanggalin mo ang salamin ko.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Lydia. Habang hinahaplos ng mga daliri nito ang kanyang pisngi, tinitingnan niya ang mukhang minahal niya nang matagal, ngunit biglang pumasok sa isipan niya ang eksenang nakita niya kanina sa cellphone.

Palagi niyang hinahayaang masunod ang gusto nito, ngunit sa unang pagkakataon, malamig siyang tumanggi. “Hindi maganda ang pakiramdam ko.”

“May regla ka ba?”

“Wala, kaso…”

“Huwag mo nang sirain ang sandali.”

Malamig niyang pinutol ang paliwanag nito, at lalo pang lumalim ang dilim sa mga mata ng lalaki. Alam ni Lydia na hindi siya basta nito pakakawalan. Sa kanilang kasal, siya palagi ang nagpapakumbaba at nagpapasensya.

May kirot sa kanyang dibdib at nagsimulang manubig ang kanyang mga mata. Inalis ng lalaki ang salamin at inilapag iyon sa mesa sa tabi ng kama. Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang makinis at maliit na bukung-bukong.

Napundi ang maliit na ilaw sa tabi ng kama at binalot ng dilim ang buong silid. Lalong naging malinaw ang bawat pandama.

Isang buwan silang hindi nagkita, at ngayon ay nakakatakot ang pagiging mapusok ni Winston.

Sinubukan ni Lydia na lumaban ngunit wala siyang nagawa, kaya’t kinailangan niyang tiisin.

Sa labas ng bintana, unti-unting bumagsak ang ulan at humahampas ang malamig na hangin. Hindi niya alam kung gaano katagal iyon tumagal. Nang matapos, naliligo sa pawis ang buong katawan ni Lydia.

May bahagyang kirot sa kanyang tiyan.

Naalala niyang hindi pa dumarating ang kanyang buwanang dalaw kaya nagsalita siya, “Winston..h-hindi—”

Ngunit hindi natuwa ang lalaki sa kanyang pag-iisip sa ibang bagay at lalo pang naging marahas ang galaw nito. Ang bawat putol-putol niyang ungol ay tinatakpan ng mapang-angkin nitong mga halik. Nang matapos, hindi pa sumisikat ang araw.

Pagod na pagod si Lydia, kaya’t halos malabo na ang kanyang ulirat. May mabigat na kirot sa kanyang tiyan—hindi ito matindi, pero mahirap ipagsawalang-bahala. Nang marinig niya ang tunog ng cellphone, pinilit niyang idilat ang mga mata.

Sa malabo niyang paningin, nakita niya ang lalaki na lumapit sa bintana upang sagutin ang tawag. Tahimik ang buong silid, kaya’t bahagya niyang narinig ang malambing na boses mula sa kabilang linya. Maingat at may pasensya niya itong inaalo, ngunit walang pakialam sa asawang natutulog sa tabi.

Maya-maya, narinig mula sa ibaba ang tunog ng umaandar na sasakyan. Umalis na si Winston.

Kinabukasan, paggising ni Lydia, malamig pa rin ang bahagi ng kama sa kanyang tabi. Pumihit siya at hinaplos ang kanyang tiyan. Nawala na ang kirot.

Muling tumunog ang cellphone sa gilid, tumatawag ang ina ni Winston, si Leonora. “Pumunta ka rito ngayon din,” malamig at matigas ang boses nito. Dahil walang puwang para tumanggi, mahinang tumugon si Lydia at ibinaba ni Madame Leonora ang tawag.

Limang taon na silang kasal nang palihim ni Winston, ngunit hindi kailanman nagpakita ng magandang pakikitungo si Leonora sa kanya. Sanay naman din siya dito.

Sa huli, isa sa apat na pinakamalalaking angkan sa hilagang lungsod ang pamilya Martinez. Bagama’t mula rin siya sa mayamang pamilya ng mga Diaz, isa lamang siyang anak na itinakwil at hindi minahal.

Ang kasal nila ni Winston ay nagsimula sa isang kasunduan. Limang taon na ang nakalilipas, napatay ng kanyang ina ang kanyang ama dahil sa sobrang pagdepensa sa sarili sa isang matinding pananakit.

Ngunit ang kanyang kapatid na lalaki, kasama ang kanilang lola at iba pang kamag-anak sa pamilya Diaz, ay nagsanib-puwersa upang akusahan ang kanyang ina at humiling ng hatol na habang buhay na pagkakakulong.

Ang pamilya Gomez, ang pamilya ng kanyang ina at isa ring kilalang angkan sa lungsod ay agad na kumalas sa kanila matapos ang insidente. Nang ipinaglaban ni Lydia ang kanyang ina, nagkaisa ang mga Gomez at Diaz upang siya’y pabagsakin.

Sa puntong wala na siyang mapuntahan, ni-rekomenda ng kanyang kakilala na lapitan niya si Winston Martinez. Sa kapangyarihan, ang impluwensya ng pamilyang Martinez ay hindi kayang galawin kahit ng pinagsanib na puwersa ng pamilya Diaz at Gomez.

Sa batas, wala pa ni isang kasong hinawakan ni Winston Martinez ang natalo. Nakumbinsi ni Winston na gawing limang taon lang ang sentensiya ng kanyang ina. Ayon sa napagkasunduan, lihim silang ikinasal ni Lydia Diaz.

Ayon kay Winston, namatay sa isang aksidente ang mga tunay na magulang ng kanyang ampon na si Stephen. Malapit na magkaibigan sina Winston at ang ama ni Stephen kaya inampon niya ang sanggol na si Stephen noon.

Lumipas ang limang taon at sa loob ng isang buwan ay lalaya na ang kanyang ina. Mula pa noong simula, malinaw na may kapalit ang kasunduang kasal nila ni Lydia. Pareho silang may nakuhang kapakinabangan, kaya hindi lugi si Lydia.

Ang malas lang, sa kabila ng pagkakaalam niyang wala itong kinalaman sa pag-ibig at maaaring matapos anumang oras, unti-unting nahulog ang kanyang loob sa lalaki.

Naputol ang iniisip ni Lydia at tumayo siya para pumasok sa banyo. Habang naliligo, muling sumakit nang kaunti ang kanyang puson. Muling umangat ang hindi mapakaling pakiramdam sa kanyang dibdib.

Palagi naman silang gumagamit ng proteksyon ni Winston, maliban na lang noong isang buwan nang malasing ito. Kinabukasan, uminom siya ng gamot, pero alam niyang may mga pagkakataong pumapalya rin ang ganitong paraan.

Para makasiguro, habang papunta sa bahay ng pamilya Martinez, huminto siya sa tapat ng isang botika, bumaba ng sasakyan at bumili ng pregnancy test.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 50

    "Alam mo ba kung bakit ako nag-doorbell ngayong araw sa mansyon mo?" tanong ni Lydia habang kumurap.Tahimik lang si Winston.Sabi ni Lydia, "Dahil sa puso ko, mula noong araw na pinirmahan ko ang kasunduan sa diborsyo at lumabas mula rito, ang mansyon mo ay hindi na naging tahanan ko. Kapag pumupunta ka sa bahay ng iba, natural na mag-doorbell ka. Isa 'yon sa basic na paggalang."Kumunot ang noo ni Winston. "Kung maririnig ni Stephen na sinabi mo 'yan, masasaktan siya."Ngumiti si Lydia, at makikita ang pamumula ng kanyang mga mata."Winston, hindi ka nga binibiro ng mga tao kapag sinasabi nilang isa kang kinatatakutan at iginagalang na gold medal lawyer. Marunong ka talagang maglaro sa damdamin ng tao."Hindi sumagot si Winston at nanatiling seryoso ang mukha. Para kay Lydia, ang itsura niya ngayon ay walang iba kundi isang taong tamad magpaliwanag.Noong dati, malulungkot at masasaktan siya sa ganitong asal. Pero ngayon, hindi na. Gayunpaman, may mga bagay na mas mabuting sabihin na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 49

    Mas lalakas ang ulan, mabilis na gumagalaw ang windshield wiper habang mabagal magmaneho si Jodi. Naka-on nang todo ang heater sa loob ng sasakyan at marahang umaalingawngaw ang malumanay na musika mula sa radio.Nakasandal si Lydia sa upuan, nakapikit at tahimik. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Jodi. Hindi man niya alam kung ano ang nangyari sa mansyon, ramdam niyang malala ang tinamong pinsala ni Lydia ngayong pagkakataon."Beep! Beep!"Biglang may narinig silang busina mula sa likuran. Sumulyap si Jodi sa rearview mirror. Isang itim na Maybach ang mabilis na sumusunod sa kanila."Sa tingin mo ba kay Winston galing ang kotse na ‘yan?" Dahan-dahang iminulat ni Lydia ang mga mata, tumingin sa rearview mirror at bahagyang kumunot ang noo. "Siya nga.""Binubusinahan niya ako!" Binilisan ni Jodi ang takbo. "Pero bakit niya tayo hinahabol?!""Huwag mo na lang pansinin.""Siyempre hindi ko siya papansinin!" Lalong tumutok si Jodi sa pagmamaneho at pinisil ang manibela. "Hawak ka, gi

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 48

    Narinig ni Lydia ang matatalim na salita ni Stephen at tila nanigas ang puso niya sa pamamanhid. Mabuti na rin siguro ito. Totoo naman na hindi siya ang ina ni Stephen. Sa ganitong paraan… mas mabuti. Lubusan na siyang lalayo sa mag-ama at ibabalik ang lahat sa ayos. Binawi niya ang tingin at tumalikod, diretso na sanang papunta sa pinto."Lydia…" Tawag ni Winston.Bigla namang naubo si Stephen.Nag-iba ang mukha ni Winston. "Stephen?"Mabilis ang paghinga ni Stephen at hawak ang dibdib habang dahan-dahang bumabagsak sa sahig."Stephen!" Agad siyang binuhat ni Winston at lumingon kay Lydia. "Na-atake ng hika si Stephen!"Natigilan si Lydia sa pagbukas ng pinto."Mommy…uho-uho." Patuloy itong naubo.Nakayakap si Stephen sa dibdib ni Winston, maputla ang mukha at hirap sa paghinga, ngunit dahil sa takot na iwan ay iniabot pa rin ang isang kamay kay Lydia para magmakaawa."Mommy, ang hirap huminga…uho-uho." Mas humigpit ang kapit ni Lydia sa door knob. Pinikit niya nang mariin ang mga

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 47

    "Galit ako sa iyo!"Itinapon ni Stephen sa sahig ang lahat ng iba pang babasahing bago matulog, saka niya ito tinapakan. "Sinungaling ka! Ayaw mo na sa akin, ayaw ko na rin sa iyo! Lahat ng ito, ayaw ko na rin!""Stephen!" Hinawakan ni Winston nang mahigpit ang braso ni Stephen, madilim ang mukha. "Kapag nagsalita ka pa nang ganyan, sasaktan na kita!"Nagpumiglas si Stephen, ngunit hindi siya nagtagumpay dahil wala siyang laban sa lakas ng ama niya.Sa sobrang galit, hindi na niya nakita ang poot sa mga mata ng ama. Ang nasa isip lang niya ngayon ay ilabas ang lahat ng sama ng loob at hinanakit na matagal nang nakatago sa dibdib niya."Galit talaga ako sa kanya!" Itinaas ni Stephen ang baba niya, at sa kabila ng mga matang basa ng luha, nanatili ang matigas at mapait na titig kay Winston. "Ikaw mismo ang nagsabi! Sabi mo, hindi naman talaga siya ang totoong nanay ko! Kung hindi naman siya ang nanay ko, bakit ko siya dapat magustuhan?! Ayaw ko sa kanya! Ayaw ko na niloloko niya ako!"Na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 46

    "Stephen, may isang bagay na gusto kong ipaliwanag sa'yo," sabi ni Lydia.Napahinto si Stephen. Kahit bata pa siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng kaba.Sa kabilang banda, si Winston na narinig ang sinabi ni Lydia ay tila nakaramdam din ng masamang kutob. Ibinaba niya ang hawak na mangkok at kubyertos at tinitigan si Lydia nang mabigat ang tingin."Mom, ano 'yong sasabihin mo?" inosenteng tanong ni Stephen habang kumukurap-kurap."Stephen, hiwalay na kami ng Daddy mo," seryosong sabi ni Lydia habang nakatingin sa anak. "Hindi na kami pamilya ng Dad mo. At ang bahay na 'to, hindi na rin ito ang tahanan ko. Kaya mula ngayon, hindi na ako babalik dito.""Lydia," malamig at may halong galit ang tingin ni Winston sa kanya. "Huwag mong kalimutan ang ipinangako mo sa akin.""Nagbago na ang isip ko," sagot ni Lydia na nakatingin pa rin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang isang bilyon."Natigilan si Winston. Kumunot ang noo nito at lalong

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 45

    Si Lydia agad na umiwas ng tingin at tumingin sa babaeng nagbebenta."Nagkakamali kayo. Hindi siya ang asawa ko.""Ha?" Napahinto ang matanda, na sanay na sa pagbebenta sa loob ng maraming taon. Ngayon lang siya pumalpak. Matagal bago siya nakasagot."Ah… ganon ba…"Hindi na masyadong inisip ni Lydia ang maliit na insidenteng iyon. Kumuha siya ng isang kahon ng neatly packed na spare ribs mula sa meat section at lumakad patungo sa fruit at vegetable section.Si Winston ay tumitig sa papalayong likuran niya, malamig ang mga mata.Pagbalik nila sa mansyon ay alas dose na ng tanghali.Diretso si Lydia sa kusina para magluto. Si Stephen naman ay abala sa sala, nilalaro ang bago niyang laruan.Kakasuot pa lang ni Lydia ng apron nang biglang bumukas ang glass door ng kusina. Lumingon siya at nakita si Winston na pumasok."May kailangan ka?"Tumingin si Winston sa mga sangkap sa counter at malamig na nagtanong. "Kailangan mo ba ng tulong?""Hindi na." Bumalik si Lydia sa ginagawa at nagpatul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status