Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

last updateHuling Na-update : 2025-09-17
By:  MissyMist Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
4views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Neglected Wife

Chapter 1

“Happy birthday to me… happy birth—” napalitan ng hikbi ang mahinang boses ni Venice. 

Pilit niyang kinantahan ang sarili sa harap ng maliit na chocolate cupcake. Tanging pagtangis lang ang maririnig sa loob ng kusina. Nang malapit nang matunaw ang kandila, saka lang nakahanap ng lakas si Venice na ihipan ang apoy. 

Habang pinagluluksa ni Venice ang sariling kaarawan, biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumabas sa screen ang post ng asawa, isang litrato kasama ang pamilyar na babae. Bagama't alam na niya kung ano ang makikita, lakas-loob pa ring pinindot ni Venice ang post.

Bumungad sa kaniya si Teo kasama ang kanilang anak. Hawak-hawak ng mag-ama ang isang cake, malaki at punong-puno ng kandila. Nakasulat roon ang mga salitang, “Happy Birthday Mom”. 

Napakuyom ang kamao niya sa harap-harapang pagsisinungaling ng asawa. Inaasahan niyang nasa importanteng meeting ito kasama ang ilang investor, pero mukhang ibang klaseng negosyo pala ang inaatupag nito. 

Parang sinukluban ng langit at lupa si Venice. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang saya ni Teo at Miguel, ang cake na para sana’y sa kaniya, at ang babaeng nakangiti na para bang siya na ang tunay na asawa. 

Walang amok siyang nagwala, tinabig ang mga babasaging baso at sumigaw na para bang baliw sa loob ng mansyon. Hindi na inisip ni Venice ang kahihiyan. Kung tutuusin, balewala nga lang kay Teo na i-post ng ibang babae sa F******k.

Sa loob ng limang taon na pagsasama nila, naging perpektong asawa at ina si Venice, pero mukhang hindi marunong makontento ang kaniyang mag-ama. Palagi nilang hinahanap ang kalinga ni Rhea, ang “kaibigan” ni Teo. Tiniis niya ang sakit sa tuwing binabanggit ng asawa ang katagang ‘yon. 

Matalinong tao si Venice, pero pagdating kay Teo palagi siyang nagpapakatanga. Napakaraming guwapo at mayayamang binata ang nagkagusto sa kaniya noon, pero masyado siyang nagpabulag sa nararamdaman para sa asawa. 

Ilang beses niyang nahuling nagloloko si Teo noon, pero ito na yata ang pinakamalalang damat sa kanilang relasyon. Alam ni Venice ang tunay na papel ni Rhea sa buhay ng asawa. First love… 

Kahit sariwa pa rin ang sakit sa kaniya, alam ni Venice na dapat nang tapusin ang kaniyang bangungot. Marahas niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisnge, nag-ayos at binunot ang nakahandang papeles sa bag. Umaasa pa sana siyang maaayos ang kanilang pagsasama, pero parang isang malakas na sampal ng katotohanan ang pagliban ni Teo sa mismo niyang kaarawan. 

Marahang bumukas ang pinto, humuhudyat ng pagdating nila Miguel. Umaktong kalmado si Venice, inaantay ang susunod na sasabihin ng mag-ama. 

“I had so much fun. We have to visit Mommy Rhea more often,” masiglang bungad ni Miguel. 

Halos magsitindigan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Venice sa tinuran ng anak. Mommy… mukhang pati ang bata nakikisabay na rin sa panloloko ni Teo. 

“Of course, Migs. We can visit her everyday, do you like the sound of that?” 

Sa sobrang dilim ng sala, hindi nila napansing may nakikinig pala sa kanilang usapan. 

Click. 

Napaigtad si Miguel at Teo sa seryosong pigura ni Venice pagkabukas ng ilaw, blangko ang mukha at walang ekpresyon. Kung dati’y sabik na sabik siya sa tuwing uuwi ang mag-ama, ngayon daig niya pa ang yelo kung makatitig. 

“Ba’t gising ka pa? Akala ko ba maaga ka bukas, Ven?” nagtatakang tanong ni Teo. 

Walang emosyong sumagot si Venice sa kaniya, “I couldn't sleep, siguro dahil nag-aalala ako kung nasa’n kayo.” 

Habang nag-iisip ng maisasagot si Teo, biglang binunot ni Miguel ang isang tupperware. Dadala ng bata ang kapiraso ng cake mula sa picture. Nakasulat pa roon ang salitang “Mom”. Parang isang libong karayom ang tumusok sa kaniya. Mas inuna ng sariling anak ang kaarawan ng iba. 

“Didn’t my secretary inform you?” kaswal na tanong ng asawa kay Venice. “The meeting was cancelled, tapos naalala kong birthday pala ni Rhea ngayon. Wala sana kaming balak pumunta, kaso naawa akong baka walang bumati sa kaniya.” 

Awa… natawa sa loob-loob niya si Venice. Malayo sa pagiging kawawa ang lagay ni Rhea. Kung meron mang dapat ituring ng gano'n, walang iba kundi siya. 

“At talagang kailangan mo pang isama si Miguel? Teo, you know that he can't stay up late,” seryosong baling niya. 

Napapikit si Teo habang minamasahe ang pagitan ng ilong. Pinilit niyang pahabain ang pasensya kay Venice, kahit pa halatang napipilitan lang siyang makipag-usap. 

“Rhea only has a year left to live. Sana naman maintindihan mo na gusto niya ring makasama si Miguel,” pangangatwiran niya. 

Sa tuwing magseselos si Venice, walang ibang nagiging rason si Teo kundi ang malubhang sakit ni Rhea. Parati niyang pinaliliwanag na gusto nitong maramdaman ang kalinga ng isang pamilya, at isang anak. 

“Here’s a cake from Mommy Rhea, Mom,” inosenteng inabot ni Miguel. 

Base sa toppings nito, nalaman kaagad ni Venice na pistachio ang flavor. Wala na yatang mas ikamamalas pa sa gabing ito, para sa kaniya. Mas lalong naging mapakla ang ekspresyon niya sa harap ng anak. 

“I’m allergic to pistachios.” 

“Akala ko paborito mo ‘yon? We always have it as a snack in Spain, remember?” pangungumbinsi sa kaniya ng asawa. 

Bukod sa may balak na yata silang paagahin ang burol niya, mukhang nakalimutan pa ni Teo na si Rhea ang kasama niya sa Spain. Nilunok na lang ni Venice ang sakit, at marahang dinampot ang papeles. 

“Go to your room, Miguel,” may awtoridad na utos niya. 

“Please don't get mad at Mommy Rhea for celebrating her birthday,” pagmamakaawa ng anak. 

Isang mapait na ngiti ang kumurba sa labi ni Venice. Kahit mag-away na sila ni Teo, talagang pinapanigan pa rin ng bata ang ina-inahan nito. 

“Don’t worry, I'm not mad. Get some rest now, sweetie.” 

Nang makumpira ni Miguel ang sagot ng ina, saka lang ito umakyat sa kaniyang kwarto. Susunod na rin sana si Teo, pero malamig siyang pinigilan ni Venice. Ang sumunod na binitawan niyang mga salita ay nakapagparalisa sa kalamnan ng asawa.

“I want a divorce…” 

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status