Share

DEMONice (TAGLISH)
DEMONice (TAGLISH)
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

"Look Eunice the moon is beautiful isn't it?" Tinignan ko siya at ngumiti, sinundan ang kamay na nakaturo sa buwan.

Kung panaginip lang ito, ayoko nang magising.

Tumingin ulit ako sa kanya.

Napaka-swerte ko kase dumating si Jared sa buhay ko.

"Halika ka dito! May ipapakita ako sayo." Mabilis ang kabog ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin ako sa kung saan... wala akong makita dahil madilim. Naramdaman ako ng natakot nong binitawan niya ang kamay ko. 

Natatakot ako sa dilim, hindi ko alam pero bigla kong naisip na baka may mga halimaw at bigla akong kakainin o sasaktan. Palaging sinasabi sa akin ng Tita ko noong 9 years old palang ako.

"Jared?" Tawag ko sa pangalan niya.

May hinanda ba siya para sa akin? May balak ba siyang surpresahin ako?

"J-Jared? Bakit ang d-dilim dito? Na saan tayo?" 

"Sa palagay mo ba mahal kita, Eunice?" Narinig ko ang boses niya at rinig ko ang isang hakbang papalapit sakin.

"A-Anong...anong klaseng tanong yan Jared?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Answer my damn question, Eunice!" Nagulat ako dahil tumataas ang boses niya.

"Y-Yes! Sinabi mo na mahal mo ako di ba? I even broke my family's rule for you." Kinakamot ko ang mga daliri ko, sinusubukan kong hindi umiyak. 

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinakabahan ako na may halong takot, pakiramdam ko may masamang mangyayari sakin.

"You're wrong..." Kahit hindi ko siya nakikita ay tumingin ako sa harapan ko at para bang medyo natulala dahil sa sinabi niya.

Mali ako? Hindi niya ba ako mahal?

"I DIDN'T LOVE YOU AT ALL! I WILL NEVER LOVE YOU!! WHY WOULD I LOVE SOMEONE WHO KILLED MY MOTHER?!!"

Napatakip ako sa bibig dahil sa sinabi niya. "What?? A-Anong pinag-uusapan mo? W-Wala akong pinatay..."

Wala naman akong pinatay!

Galit siya sa akin? Naguguluhan ako kung bakit sinabi niya na pinatay ko ang kanyang ina, hindi ako mamamatay tao, hindi ko kayang gawin iyon.

"Huwag kang magsinungaling sakin, Eunice! I hate it kapag may nag s-sinungaling ang isang tao! You're such a demon!!" Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa huling sinabi niya.

Tama ba yong rinig ko? T-Tinawag niya akong d-demonyo? Why? Hindi naman ako demonyo!

Biglang lumiwanag ang paligid at nakita ko si Jared sa harapan ko.

Napaatras ako ng konti ng makita ko siyang may hawak na kutsilyo.

"J-Jared...b-bakit ka may h-hawak na kutsilyo?" 

Kinagat ko ulit ang pang ibabang labi ko, nagsisimula na akong matakot sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama at mas nakakatakot yun, nakikita ko sa mga mata niya na parang gusto niya akong patayin.

Parang hindi na siya yong Jared na nakilala ko dati, bigla siyang nag bago ng isang iglap, hindi ko na siya kilala.

Nagulat ako ng mabilis siyang lumapit sa akin at mabilis na sinaksak ang puso ko, nakaramdam ako ng sakit. Hindi dahil sa saksak kundi dahil sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin...

Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mata ko habang nakatingin kami sa isa't isa at tanging galit lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Bagay lang sayo ang mamatay, ang mga demonyong kagaya mo ay dapat na patayin! By the way, happy 18th birthday sana makita mo si Satanas sa impyerno!" Ngumiti siya sakin na para bang masaya siyang nakikita akong ganito.

"J-Jared..."

Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan at kitang-kita ko ang pag tulo ng dugo. Nagsuka ako ng dugo habang mas diniin niya pa ng mas malakas ang kutsilyo.

Akala ko special ako sa kanya...

Akala ko mahal niya ako...

Kasi sa totoo lang, mahal na mahal ko siya kaya nga mas masakit...

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko...

_

3 MONTHS AGO 

Maaga akong nagising dahil may klase ako ngayon. Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng aking silid at nakita ko si Mama na nakatayo ngayon sa harapan ko.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"G-Good morning Ma..." sabi ko at ngumiti sa kanya. Pero ganon parin ang expression ng mukha niya at wala man lang siyang sinabi.

 

Tumingin ako sa tabi ng kwarto ko, nakita ko si Tita Emily na kakalabas lang ng kwarto niya, kakagising lang yata niya. Siya ang kapatid ng mama ko, kambal silang dalawa.

"Good morning--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Shut up Eunice. Good morning Emilie."

"Magandang umaga." Sagot naman ni mama.

"Handa na ang agahan!" Narinig ko ang boses ni Tito Rommel, siya ang nakatatandang kapatid ni Mama at Tita Emily. 

Umupo na ako sa upuan at seryoso lang silang nakatingin sa akin. Palagi silang ganito pero hindi pa rin ako sanay.

"Where is Maddie?" Takang tanong ni Tita Emily at tumingin sa paligid.

"Hindi ko alam Tita, pag gising ko wala na siya sa kwarto namin." Sina Sara at Maddie ay magkasamang matulog sa iisang kwarto.

Kapag 18 years old na sila ay don lang sila magkakaroon ng sari-sariling kwarto pero ako, hindi ko alam kung bakit simula bata palang ako ay may sarili na talaga akong kwarto.

Napailing-iling nalang ako dahil sa iniisip ko at tinaas ang kamay ko. "Hahanapin ko siya, Tita Emily..."

"No, ako nalang ang maghahanap sakanya!" Ani niya at tumayo.

Dahan-dahan ko namang ibinaba ang kamay ko. Kinagat ko lang ang labi ko habang nagtataka kung bakit parang galit sa akin si Tita Emily?

Lumipas ang ilang minuto, wala parin si Tita Emily.

Ilang saglit pa ay napataas ang kilay ko ng may marinig akong tumawa ng mahina sa ilalim ng mesa.

Yumuko ako at tumingin sa ilalim ng lamesa, nakita ko roon si Maddie, tinatakpan ang bibig habang pinipigilan ang tawa. Gusto niya yatang maglaro ng tagu-taguan, baka magalit sakanya si Tita Emily.

Makulit na bata si Maddie, kapag oras na kumain, siya lang ang laging hinihintay namin. Gusto niya kase talaga ang larong tagu-taguan kapag umaga, kapag gabi na kase bawal na mag laro dito.

"Maddie, ba't ka ba nandiyan?" Mahinang tanong ko sakanya.

Siyam na taong gulang lamang si Maddie, nag-iisa siyang anak na babae ni Tita Emily.

"Halika dito dali." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas doon.

Humagikhik siya.

"Maddie! Kanina pa kita hinahanap! Sinabi ko na hindi ka dapat maglaro ng tagu-taguan kapag oras ng kainan!" Pagtingin ko kay Tita ay nakatingin siya sa akin ng masama. Naglalakad siya papunta sa amin at tinabig ang kamay ko na nakahawak sa kamay ng anak niya.

"Never lay those dirty hands to my daughter again!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status