Share

CHAPTER 2

"Uhm, Tita nag hugas naman ako ng kama--"

"Shut up! I didn't tell you to talk!"

"Eunice! Stop talking back to your Auntie Emily!"

"Pero hindi naman ak--" nilibot ko ang paningin ko at lahat sila nakatingin sakin.

"S-Sorry...I'm sorry Tita Emily, hinding-hindi na po ako sasagot sainyo ulit." Kinagat ko ang labi ko at niyuko ng kaunti ang ulo.

"Just shut up and eat." Saad nila.

Nagsimula na kaming kumain pagkatapos ay hinatid kami ni Tito Rommel sa school, siya lang ang nag hahatid samin papuntang skwelahan kapag may pasok.

"Hey, Eunice! Ang sabi ni Papa hindi daw niya tayo masusundo kase may importante siyang gagawin." Wika ni Sara at tumango nalang ako bilang sagot.

I'm one year older than her, she's Tito Rommel's daughter.

Kapag naman hindi niya kami nasusundo sa hapon, nag c-commute ako at pagkarating sa Hell forest naglalakad na ako, kase walang sasakyan ang pwedeng dumaan dito kapag walang permiso ng pamilya namin.

Nang makapasok ako sa room ay agad akong umilag ng makitang may binatong plastic bottle sakin.

"Tang*na! Nakailag na naman siya!" May halong inis nitong sabi at pumalakpak pa.

"Hey, Eunice! Next time wag kang umilag tsk, ang pangit mo talagang ka bonding!" 

"S-Sorry..." Tanging nasabi ko.

Naglakad ako patungo sa upuan ko at umupo kaso biglang may humila sa upuan kaya sa sahig ako napa-upo. Nagtawanan naman sila, tumayo ako at tinignan kong sino ang humila sa upuan, si Natasha pala.

Tumawa siya at umirap sakin. She's always like that, I should get used to it because she does that every morning.

"Oyy! Nandito sa si prof-- ouch! Ouch!"  

Prof pinched his ear. Hindi niya siguro napansin na nasa likuran na niya pala si prof.

Tumawa naman ang mga kaklase ko dahil don.

"Okay! Class get one whole sheet of paper, we have a quiz today." Wika ni prof at rinig ko naman ang mga reklamo nila.

"Nah, prof hindi pa kami ready!"

"Prof I'm ready, I studied last night!" Saad ko at tumayo.

Unti-unti naman akong umupo ng lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin ng masama.

'May nasabi ba akong mali?' Tanong ko sa isipan ko.

"Tang*ina talaga ang Eunice na yan!"

"Argg, I want to slap her!"

"Ang sarap niyang sakalin o di kaya patayin!"

"Naiinis talaga ako sakanya palagi!"

Rinig kong bulong-bulongan nila dito sa loob ng classroom.

"All of you shut up! Get a one whole sheet of paper right now! I don't care if you are all not ready, it's your fault, not mine! Understood?!"

Agad kaming kumuha ng papel, yong iba mukhang natakot yata sa sigaw ni prof.

Napakurap-kurap ako ng hindi ko mahanap yong ballpen ko. 

"Asan na naman kaya iyon?" Tanong ko sa sarili habang hinahanap ng maigi.

Tumayo ako at nilibot ang paningin, nakita ko naman si Erwin kaya nilapitan ko siya.

"H-Hey Erwin, pwedeng manghiram ng ballpen? Nakalimutan ko kase kung saan ko nalagay yong sakin." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Oh, kunin mo." Nginitian ko siya kahit napaka seryoso lang ng mukha niya.

"Thank you--"

"Wag kang mag pasalamat saka sayo na yan, wag mo nang ibalik sakin."

"Still I'm going to thank--"

"Yeah, whatever!" Napakagat nalang ako ng labi ng inirapan niya ako. 

Sobrang bait niya sakin diba. At least pinahiram niya ako ng ballpen kahit ganyan sya sakin.

"Ms. Eunice! Ano pang tinatayo mo dyan? Mag sisimula na tayo oh!" Nag madali akong bumalik sa upuan ko.

Pagkatapos ng quiz ay umalis na si prof. Ako lang ang na perfect sa quiz, yong mga kaklase ko mga nasa 0 hanggang 5 lang ang score nila. Ang iba naman hindi nag sulat sa papel kaya zero.

Napalingon ako kay Anastasha ng marinig ko siyang sumigaw.

"Damnnnn!!! Where is my hair pen!? Sinong kumuha??!"

"Hey, can someone help me find my f**king hair pen!" I looked at Natasha when she smirked. 

Napalunok nalang ako kase parang alam ko na kung sino ang kumuha ng hair pen ni Anastasha. Gulo na na man ito!

"Hmm, is this yours?"

"F**k you! You took it again!! Give me that!" Naglakad siya palapit kay Natasha at kukunin sana yong hair pen pero bigla nitong tinaas ang kamay.

"Na-ah, ibigay mo muna sakin yong hair pen ko. Alam kong ikaw ang nag tago non!" Inis nilang tinignan ang isat-isa. May kung ano namang kinuha si Anastasha sa bag niya.

"Damn! Here! Take it b*tch!"

"Let me remind you, Natasha. You're more than a bitch than me!" Natasha suddenly pulled Anastasha's hair.

Magkakambal silang dalawa pero lagi silang nag aaway. Kung ako sakanila magiging masaya ako kase may kapatid ako at kakambal pa.

I feel so lonely honestly, ako lang ang nag iisang anak ni mama at may mga pinsan nga ako pero hindi ko naman close, except lang pala kay Maddie.

Si Maddie lang ang mas nakakausap ko sa bahay, tinuturing ko siyang parang nakakabatang kapatid at tinuturing niya naman akong parang totoong ate niya. Sobrang pasaway niya minsan kaya laging napapagalitan pero sweet naman siyang bata.

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang mga sigaw nila dito. Papalit-palit ang tingin ko don sa dalawa at napakagat nalang ako ng kuko.

Anong gagawin ko? Kailangan ko silang pigilan! Ako ang classroom president dito, dapat hindi ko hayaan na mag away ang mga kaklase ko. Kung malalaman to ni prof papagalitan niya ako.

"Oyy! Tama na y-yan." Saad ko sakanilang dalawa pero hindi sila nakinig.

"T-Tama na yan, papagalitan tayo ni prof." Mahinahong saad ko sakanilang dalawa.

"Kung ayaw mong madamay wag kang makialam!!"

"SINABING TAMA NA EH!" Hindi ko mapigilang sigaw sakanila at napahinto sila sa pag aaway dahil don. Pareho nilang binaling ang tingin sakin at ngumisi. Ramdam ko ang kabog ng puso ko, bigla akong kinabahan.

"Did you just f**king shout at us?!"

"Anong karapatan mong sigawan kami huh Eunice!!"

"I... I didn't mean to---ouchh! That hurts..."

Simimulan nilang hilain ang buhok ko, rinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko sa loob ng section. Nakapalibot lang sila saamin ni Natasha at Anastasha habang yong dalawa ay sinasabunutan ako.

Tumigil lang sila ng mag bell bigla, kinuha nilang lahat ang mga bag nila at lumabas ng classroom.

Pinahiran ko ang luha ko at tumayo.

"Ano bang makukuha mo dyan sa kakaiyak mo Eunice..."

Dapat hindi ka na umiiyak kase sanay ka na naman diba? Lagi ka namang bi-nu-bully ng mga student since first year palang, it's like a daily routine. Kailangan mong maka graduate, para maging proud si mama sayo!

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room na para bang walang nangyari.

_

Inilibot ko ang paningin ko at may nakitang bankanteng table. Hmm, lagi namang bakante ang table na yan parang wala yatang gustong umupo dyan. 

Nag kibit-balikat nalang ako at nag tungo doom, nilagay ko ang tray sa table at umupo na.

Susubo na sana ako kaso bigla nalang nag hihiyawan yong mga babae dito, para bang nakakita sila ng artista o di kaya k-pop idol. Napaangat naman ang ulo ko at tumingin-tingin kung sino ang tinitignan nilang lahat...

A tall man, with a pointed nose, kissable lips... he had earrings in his ear and a tattoo on his right hand.

He looks like a bad boy type. Studyante ba siya dito? Bakit hindi siya naka uniform?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status