Share

CHAPTER 4

"W-Why? Why would I?!" Is he going to hurt me? Or k-kill me? 

"Hey, idiot!! Just leave her alone!"

"Shut up--" hindi na natapos ang sasabihin nong lalaki ng malakas siyang sinuntok ni Jared sa pisngi...wait, what Jared? Yong sinasabi ni Celine sakin kanina, the famous guy don sa Moon Crest Academy?

Right, I remember Celine told me that he's typically a bad boy type, I shouldn't get closer to him because I might get in trouble. I didn't get closer to him yet but then I am getting into trouble right away, is this a joke or what?

Napaatras ako ng kaunti dahil unti-unting lumapit yong Jared palapit sakin. Napakurap-kurap ako ng ilang beses at ngayon nasa harapan ko na siya.

"Let's go." Saad niya at hinila ang kamay ko.

Ramdam ko ang lakas ng kabog nitong puso ko, ang weird? Tumatakbo kami pero hindi naman ako pagod. I think bumilis ang tibok ng puso ko nong hinawakan niya ang kamay ko, maybe ano lang to! Dahil sabi ni Celine na gulo lang ang dala niya sa buhay ko kapag naging malapit ako sakanya tama!

"Hey, Jared! Hindi pa tayo tapos!!" 

Dinig kong sigaw nong lalaki.

Bigla siyang huminto saglit at nilingon niya ang mga yon sabay taas ng middle finger niya. "Just shut your f**king mouth bastard!!"

Pagkatapos ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak ng kamay ko at tumakbo papalayo sakanila, ako naman ay nakatitig sa kamay namin.

Huminto siya sa may store kaya napahinto din ako, magkahawak parin ang kamay namin ngayon at hingal na hingal.

"B-Bitawan muna n-nga ang k-kamay ko." Tumingin siya sakin at wala man lang akong makitang emosyon sa mga mata niya.

"Oh, right." Saad nito at binitawan ang kamay ko.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"It's a secret." 

Bakit ba niya gustong malaman ang pangalan ko? Saka ba't niya ako hinila at dinala dito?! Anong gagawin niya sakin?

"Oh, your name is secret." Narinig ko siyang tumawa.

"Eunice ang pangalan ko hindi secret." Mahinahong saad ko at kita ko naman siyang napangisi.

"Hmm, siguro naman hindi ko na kailangang sabihin yong pangalan ko kase kilala muna siguro ako, hindi ba?"

"S-Siguro...?" Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kong yes or no ang isasagot ko sa tanong niya.

"Wait, what the-- you don't know me?! But I saw you in the cafeteria early..."

Huh? Nakita niya ako? Napansin niya ako? Hindi ko naman alam na mapapansin niya ako, sa dinami-daming babae don sa cafeteria.

"Damn! I don't know why I'm wasting my time on you."

"Ano?? Pwedeng-pwede ka namang umalis kong ayaw mong maaksaya yang oras mo sakin, hindi ko naman sinabing kausapin mo ako at sayangin mo yang oras mo. Ikaw mismo ang humila sa kamay ko at dinala dito!"

"That's why I'm asking myself, why?!" He sarcastically said.

Napatitig nalang ako sa labi niya na may dugo ng kaunti at iba pa niyang pasa mukha. Masakit siguro yan, bakit kase nakikipag away pa siya sa mga lalaking yon? Ano bang mga problema nila?

"Ba't ganyan ka makatitig sakin? Mukha ba akong kawawa?" Wala sa sarili akong tumango.

Medyo nagulat ako ng mas lumapit siya sakin at hinatak ang bewang ko papalapit sakanya pagkatapos ay sinandal ako.

"A-Ano bang g-ginagawa m-mo??" Utal-utal kong tanong. Pansin kong napapatingin samin yong ibang tao dito.

"Don't f**king look at me like that again! I hate it." Malamig niyang bulong sa tenga ko.

Ginalit ko ba siya o may nasabi kaya akong mali? Ba't ang cold niya?!

Umalis na siya, iniwan niya ako dito...

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad...

Why can't I stop thinking of him?! I'm really curious why is he like that? Why is he getting into trouble all the time, I have so many questions to ask. I only meet him now but I can't get him out of my mind.

"Normal ba ito o nagiging abnormal ako?" Tanong ko sa sarili.

Nakarating na ako sa malaking gate at binuksan ko na yon saka pumasok sa loob. Naglakad lang ako sa isang kalsada na halatang lumang-luma na at saka may mga crack pa. Nasa gitna ang kalsada at nga matataas na puno naman ang nasa kaliwa ko at kanan, may maririnig pa akong mga uwak ang ingay-ingay nila.

Agad akong napalingon sa likuran ko ng parang naramdaman kong may sumusunod sakin pero pag tingin ko sa likod wala naman. Agad nabaling ang tingin ko sa may mga damuhan at saka sa ibabaw ng puno, bigla-bigla nalang itong gumalaw at ang mga dahon ay nahulog.

Baka ibon lang yon o di kaya aso... ano?? Anong pinagsasabi ko, may aso ba na umaakyat sa puno Eunice?!

Hindi ko nalang pinansin yon at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa tanaw ko na ang bahay namin.

Nandito na ako sa tapat ng malaking pintuan, binuksan ko yon at nakita ko si Maddie na ngayoy nasa harapan ko.

"Ate Eunice!" Tawag niya sakin at yayakapin sana ako kaso biglang dumating si Tito Rommel at hinila ang kamay niya papalayo sakin.

Akala ko ba busy si Tito Rommel? Ang sabi ni Sara may importanteng gagawin yong papa niya... Oh, nag sinungaling na naman siya sakin? Tama-tama, nag sinungaling nga talaga siya sakin. Okay lang, medyo sanay na ako at baka pinag tripan niya ako kase bored siya.

"Sinabi ko nang wag kang lumapit-lapit sakanya Maddie!" Nagtaka nalang ako sa sinabi ni Tito sakanya.

"But she's kind Tito Rommel, ate Eunice loves me. Alam kong hindi niya ako kayang saktan." Mahinang wika ni Maddie pero rinig ko parin.

"Maddie we talked about this last night didn't we. Makinig ka samin kase kami ang nakakatanda sayo at alam namin kung ano ang tama o mali! Kapag sinabi naming wag kang lumapit sakanya, wag kang lumapit naiintindihan mo ba?! Wag nang matigas ang ulo Madiie!"

Hindi ko maintindihan kong anong sinasabi ni Tito, ba't yata sila dito nilalayuan ako at minsan lang kung kausapin. Wala naman akong ginagawang masama ah.

Di ko alam kong bakit niya sinasabi yon kay Maddie, as if naman na sasaktan ko siya. The only one I can talk to more here is Maddie, even Mom doesn't talk to me much. I can't even remember when I last hugged or even touched her.

Bakit naman ganon? Galit ba sila sakin? may nagawa ba akong mali o kasalanan?? Simula bata palang ako ganito na sila sakin.

Hindi ko napansin na wala na pala sila Tito at Maddie sa harapan ko. 

Nakita ko si mama, hahakbang na sana ako papalapit sakanya pero tinaas niya ang palad niya, parang sinasabi nito sakin na huminto ako.

"Go to your room now." Malamig nitong saad at napabunting hininga nalang ako.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis na. Tumikhim ako at napahawak sa lalamunan ng maramdamang nauuhaw ako.

Lumabas ako ng kwarto at tumingin-tingin sa paligid bago tuluyang bumaba ng hagdan at nag tungo sa kusina. Nakita ko si Tita Carmi, asawa siya ni Tito Rommel at busy siya sa pagluluto gayon.

Uminom muna ako ng tubig bago ko ulit binaling ang paningin sakanya. "Kailangan mo ba ng tulong Tita Carmi? Wala naman akong ibang gagawin, baka gusto mong tulungan na kita?" Tanong ko at ngumiti.

"No, I can do this, I don't need your help." Saad nito at di man lang ako binalingan ng tingin.

"But I think you need help--"

"I said I don't need your help!! Arayy!!" 

Biglang napaso ang kamay niya kaya mabilis akong lumapit at hinawakan ang kamay nito pero malakas niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sahig.

"What the--anong ginawa mo sakanya!!? What did you do to her huh?!!" Galit na sigaw ni Tito Rommel sakin.

"I didn't do a-anything to h-her Tito--" nanginginig ang kamay ko dahil sa takot.

"Liar!!" Tinignan niya ako ng masama.

Bakit parang kasalanan ko pa? Malayo-layo naman ako nong napaso si Tita Carmi kaya pano ko naging kasalanan?

"Rommel, just bring your wife into your room. Ako na ang bahala dito." Narinig ko nag boses ni mama kaya napalunok ako.

"Sinabi ko nang pumasok ka na sa kwarto mo hindi ba?!"

"Nauhaw kase ako bigla ma kaya lumabas ako ng kwart--"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status