Share

CHAPTER 3

"Who's that?" Takang tanong ko sa sarili pero mukhang may naka rinig non.

"He's Jared, he's very famous in here... Oh my god! You don't know him? Are you new in this academy?" 

Unti-unti akong napalingon sa babaeng nasa gilid ko ngayon. She's beautiful, very beautiful. 

Nagtaka naman ako ng nilagay niya ang tray sa table at umupo sa upuan. Nasa harapan ko na siya ngayon nakaupo... Teka sasabay siya sakin na kumain? Ito ang kauna-unang may kasabay akong kumain dito sa cafeteria.

"Hindi mo talaga siya kilala?" Tanong niya ulit sakin.

"Ahm, hindi." Sagot ko sabay iling.

"Ughh, maybe di ka interesado sa mga boys at kung ano pang mga nangyayari dito sa school. I can say it by just looking at you! You don't have friends am I right?" Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan, tapos tumingin ulit sakanya.

"O-Oh, I guess...?"  

"Then we can be friends!"

Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

"I don't really like other girls in here but you....you got my attention. I think we can be good friends! Well, I honestly don't like a plastic friend and you're the only one who looks real in here so, I wanna be friends with you."

"Y-Yah sure, I'm glad to have a pretty friend like you." Saad ko at ngumiti sakanya.

Tumayo ito bigla at nilahad ang kamay niya sakin, inangat ko naman ang kamay ko at nakipag shake hands sakanya. First time kong magkaroon ng kaibigan dito sa Academy! Yong iba kaseng studyante nilalayuan ako o di kaya bi-nu-bully.

"You know what, you're beautiful but can you tie your hair up? Kase ang gulo-gulo ng buhok mo, bakit nga ba magulo yan?? By the way, nag susuklay ka ba ng buhok?" Tanong niya at nag simula ng kumain.

"Syempre naman nag susuklay ako no! Magulo ang buhok ko ngayon dahil don sa dalawa kong kaklase na nag sabunutan kanina..."

"Ang tanong ko eh, bakit magulo yang buhok mo?! I didn't ask about don sa dalawang kaklase. I mean, like your two classmates, I don't care about them so, don't mention them when I am with you." Wika niya at ngumiti.

Medyo m*****a siya ng kaunti, kailangan kong mag adjust.

"I tried to stop them pero mukhang mas naging worst lang ang sitwasyon at ayon nga sinabunutan nila akong dalawa..."

"Tsk, then you didn't even pull their hair too? Dapat lumaban ka sakanila! If I were you I will pull their hair hanggang sa makalbo sila!" Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.

"You're funny when you laugh...pfft don't laugh! Stop, you sound so funny." Natatawang sabi niya at tinakpan pa ang bibig.

Hindi ko alam na nakakatawa pala kapag tumawa ako, kaya pala walang tigil sa kakatawa si Maddie kapag narinig niya akong tumawa. Ano? Parang boses kambing ba? Grabe naman yon kung ganon.

"By the way, I'm Celine Buenavista and you are?" 

"I'm Eunice Hell."

"Hell as in H E L L?" In-spelling niya pa talaga yong Hell.

"Yeah." Tumango-tango ako.

"Cool! Oh, wait! I think I've heard that before." Napahawak siya sa panga niya na para bang nag iisip.

"Right! Nakatira ka ba sa Hell Forest? The hunted mansion of hell family??"

"Uhm, yan ba ang tawag ng ibang tao sa bahay namin, hunted mansion..."

"Narinig ko lang naman iyon, ang sabi pa nila Hell family is very weird... hmm but I think they're wrong! You're not that weird, I mean like you're just like other normal girls out there." 

"R-Right!" Ngumiti ako sakanya.

Ang sarap sa pakiramdam na may kausap ka sa loob nitong school. Sana nga interesado talaga siyang kaibiganin ako.

"If I have time can I come over to your house?" Tanong niya.

Binasa ko muna ang labi ko bago nag salita. "Maybe...? I don't really know, my Mom doesn't like other people come over to our house." 

Ayaw ni mama at saka pati narin yong mga kapatid niya. I don't know why but since I was born, I can only see Hell family in there, no other people. 

"I'm not a stranger, I'm your friend now right?" She seemed to be disappointed.

"Uhm, I'll just try to talk to her Celine. Hindi ko maipapangako na papayag siya pero gagawin ko ang best ko." Saad ko.

"But if she doesn't want to it's okay, maybe instead of me, come over to our house. Masarap mag luto yong mom ko." Tumango naman ako at saka ngumiti sakanya.

Bakit ba maraming tao ang interesadong pumunta sa bahay namin? Maraming studyante dito ang sinubukang pumasok don sa gate namin pero bigla nalang silang nag tatakbuhan at takot na takot. Para bang nakakita sila ng multo o kung anong halimaw. Hindi naman nakakatakot o creepy yong  forest at bahay namin.

"Oo nga pala, bakit famous yong Jar na yon dito sa school?"

"Sinong Jar?" Nagtatakang tanong niya. Nakalimutan na niya agad?

"Yong lalaki kanina--"

"Pfft...Jared ang pangalan niya Eunice hindi Jar." Saad niya at tumawa.

Awkward naman akong ngumiti sakanya. Mali yata ang pagkakarinig ko kanina.

"He's famous because he is handsome. Tsk, alam mo naman kapag gwapo ang lalaki parang mababaliw yong mga babae dito! By the way, wag na wag kang magkakagusto sa lalaking yon. He's a bad boy! I mean Jared, that bad boy will get you into trouble." Uminom ako ng juice habang nakatitig kay Celine.

"Marami siyang kaaway dito at lalong-lalo na sa ibang school, lagi yang nasasangkot sa gulo. So, if you don't want your life to be hell, don't dream of being his girlfriend. Hell na nga ang apilyedo mo tapos gusto mo pang maging hell yang buhay mo?"

"Of course, no!" Agad akong nagtakip ng bibig kase napapatingin sakin ang ibang student na malapit lang sa area namin.

"Well, you know the last one who became his girlfriend...muntik nang mamatay yong girl kase binugbug siya ng mga kaaway ni Jared." Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

Bakla ba sila? Ba't pati babae dinadamay nila.

"Talaga? Teka bakit nga pala siya naging ganyan? I'm sure there's a reason why he's like that right? Maybe, he wasn't like that before, baka nag bago siya dahil sa isang rason o pwede ring may past siya na hindi natin alam. We don't know the story of his life so, we should not judge just based on what we see, and hear from other people right?"

"Hmm, you have a point though...but still don't go near to him, because you'll be in trouble! I am saying this because you're my friend now, kaya concern lang ako sayo!"

"Oh, okay. Thank you for your concern." Naiintindihan ko naman siya.

Tinuloy na namin ang pagkain. Pakiramdam ko matagal na naming kilala ang isat-isa, napaka komportable akong kausap siya. Ang sarap mag karoon ng kaibigan pero ewan mukhang ayaw talaga ako bigyan ng mundo e(

***

Nang matapos ang klase ay lumabas na ako sa school. Nakalabas na ako sa gate at binuksan ko ang bag ko para kunin ang pitaka pero naalala ko bigla na naiwan pala yong pitaka ko sa bahay. 

Napatampal nalang ako ng noo.

Pano yan, wala akong perang pang commute. Oo nga pala may paa naman ako, pwede namang mag lakad!

I just chuckled.

Our house is likely in the middle of the forest, many people called our house a hunted. Well, I don't care what they think about it because I honestly don't mind what other people say about my family. 

We called it Hell forest because my family owned that forest, it's like nobody lives there besides us. I mean like only Hell family lives there.

Naglalakad parin ako sa kalsada at napahinto ako ng may marinig. Hindi ko alam kung anong naisip ko ng sinundan ko kung saan nag mu-mula yon.

"What the--"

Nagulat ako ng may makitang nga lalaking nag a-away-away sa harapan ko.

Should I just leave them alone? O di kaya tatawag nalang kaya ako ng police? Napakagat ako ng labi kase di ko alam kong anong gagawin.

"Hey, you!" Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. Ako ba ang tinutukoy niya?

Napatingin naman silang lahat sakin  sabay-sabay." Ako?" Naguguluhan kong tanong sabay tinuro ang sarili ko gamit ang gitnang daliri. 

Oh my! Wrong finger, Eunice!

"Aba tinaasan pa ako ng gitnang daliri! Halika ka nga dito!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status