ログイン“Mayumi, kailangan nating mag-usap.”Isang sulyap lang ang ibinigay ni Mayumi kay Ysabel, sapat na para mabasa ang lahat, ang pagpapanggap, ang pilit na kabaitan, at ang nakatagong intensyon sa likod nito.“Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig niyang sagot.Hindi siya huminto at dire-diretsong nilagpasan si Ysabel. Ngunit hindi nagpatinag si Ysabel. Sumunod ito ng ilang hakbang, tila hindi naaapektuhan sa pagiging malamig ni Mayumi.“Narinig ko kay Andra na pumunta ka raw sa Valerio Ancestal Mansion kanina,” wika nito, parang kaswal lamang ang tono, pero matalas ang bawat salita. “So alam mo na palang ibibigay ni Grandma sa’yo ang shares, ‘di ba?”Bahagya itong ngumiti, ngunit may halong panlilibak.“Limang taon kang nagtiis, nagpanggap na mahal mo si Xavier. Pero ang totoo, para lang iyon sa kayamanan ng Valerio family, tama ba?”Naningkit ang mga mata nito, puno ng paghamak. Isa itong bitag, alam iyon ni Mayumi. Isang maling salita lang... isang maling kumpirmasyon, at magagamit i
Hindi nagtagal matapos umalis si Grandma. Sabay na ring lumabas ng banquet hall sina Mayumi at Christian.Tahimik ang pasilyo kumpara sa loob, wala na ang ingay ng mga bulungan, halakhakan, at palakpakan. Tanging marahang tunog ng kanilang mga hakbang at ang malamig na hangin mula sa air conditioning ang kasama nila. Para bang sa paglabas nilang iyon, naiwan din sa loob ang bigat ng mga mata at mapanghusgang tingin ng lahat.Itinaas ni Christian ang isang kilay, may bahid ng pang-aasar ang ngiti. “Congratulations,” wika nito, mababa ang boses ngunit malinaw ang biro. “Malapit ka nang maging pinakamayamang babae sa Maynila.”Hindi agad sumagot si Mayumi. Bahagya lamang siyang napangiti, ngunit may halong pagod at pag-aalinlangan ang kanyang mga mata. Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari.Bigla na lamang hinawakan ni Christian ang kanyang kamay, dahan-dahan itong iniangat at idiniin sa kanyang pisngi. Marahan niyang ikinikiskis ang mukha sa palad nito. Baha
Sa huling salitang iyon, Parang sumabog ang buong bulwagan sa ingay. Hindi makapaniwalang ang lahat.“Half ng shares?”“Imposible…”“Kay Mayumi mapupunta?”Hindi na mapigilan ang kaguluhan. Agad kumilos si Estrella Valerio. Mabilis niyang kinuha ang mikropono mula kay Grandma.“Pagod na si Grandma, medyo napapagod na siya at kung anu-ano na ang nasasabi. Samahan na muna natin siya para makapagpahinga.” pilit nitong pinakalma ang sitwasyon. Ngunit hindi gumalaw si Grandma. Sa halip, dahan-dahan itong ibinaling ang tingin sa pintuan. At sa mismong sandaling iyon, isang lalaking nakaayos nang pormal, isang abogado, ang mabilis na pumasok. Bitbit nito ang isang dokumentong tila matagal nang inihanda.Lumapit ito kay Mayumi at iniabot ang papeles.“Miss Mayumi Santillan, ito po ang share transfer agreement.” magalang nitong saadParang napako si Mayumi sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ito, hindi ganito. Ang shares na hawak ni Grandma halos kalahati ng buong Valerio Corporation. Ibig
Napalingon ang buong bulwagan sa direksyon ng boses.Unti-unting lumitaw si Christian... matikas ang tindig, kumpiyansa ang hakbang, at may bahagyang ngiti sa labi na tila walang bahid ng kaba.“Donya Corazon, nais ko po kayong batiin ng mahabang buhay at mabuting kalusugan,” magalang nitong saad sabay bahagyang yuko. Pagkatapos, dahan-dahan ibinaling ang tingin kay Ysabel.Hindi ito nakapagsalita. Sa unang pagkakataon, nawalan siya ng lakas ng loob. Naalala niya kung paano siya pinatahimik ni Christian noon... at ngayon, mas lalong hindi niya kayang sumagot.Ngunit sa kabila nito, hindi maiwasan ni Ysabel na makaramdam ng kakaibang tuwa. Perfect! May video na, may testigo pa.At ang lalaking iyon ay mula pa sa pamilyang Sager.Sa lahat ng aspeto, tapós na ang relasyon nina Mayumi at Xavier. Kahit pa peke lamang ang kanilang paghihiwalay noon… Ngayon, wala nang atrasan.Napangiti nang bahagya si Ysabel at sumulyap kay Patrick. Itinaas nito ang kamay at bahagyang kumindat... i
Mula sa malayo kinunan ang video, kaya’t malabo ang dalawang pigurang makikita roon. Ngunit tila may sadyang gustong ipakita ang katotohanan... o marahil ay isang eskandalong hindi dapat mapalampas dahil unti-unting nag-zoom ang camera sa kamay ng babae.Ang kumikislap na diamond ring, ang eleganteng kuwintas sa kanyang leeg.... Parehong-pareho sa suot niyang singsing at ang kuwintas na hanggang ngayon ay suot din niya. Sa masusing pagtingin, wala nang maitatanggi.... Siya iyon.Bagama’t hindi makita ang mukha ng lalaking kasama niya, dahil nakatalikod ito sa kamera, sapat na ang tindig at hubog ng katawan upang mapagtantong hindi iyon si Xavier.At sa sandaling iyon parang nahinto ang lahat, tumigil ang ingay, natahimik ang bulwagan. At kasunod nito ang unti-unting pagkalat ng mahihinang bulungan.“Iyon si Mayumi, ‘di ba? Paano niya nagawa ‘yon… may kasama pang ibang lalaki?”“Niloloko niya si Mr. Valerio? Imposible… pero mukhang totoo.”“Siguro maghihiwalay na sila.”“O baka mataga
Biglang nanahimik ang buong bulwagan. Isang katahimikang tila may bigat, parang may hindi nakikitang kamay na sabay-sabay pumigil sa bawat usapan, bawat halakhak, bawat paghinga.Unti-unting napako ang lahat ng mata sa entablado... Kay Donya Corazon Valerio.Ang presensya nito ay hindi na kailangang ipahayag, ramdam ito. Isang uri ng awtoridad na hindi kailangang isigaw, dahil kusa itong kinikilala. Bagama’t hindi pa ganoon katagal mula nang tuluyang manirahan at magtatag ng pundasyon ang pamilya Valerio sa syudad, ang kanilang pag-angat ay naging mabilis at mapangibabaw.At sa likod ng lahat ng iyon, iisang pangalan lamang ang may tunay na bigat— Si Grandma.Sa edad na pitumpu, nananatili siyang matatag, hindi lamang bilang haligi ng pamilya, kundi bilang sentro ng kapangyarihan nito. Hawak pa rin niya ang pinakamalaking bahagi ng yaman ng Valerio Group, at higit pa roon, hawak niya ang respeto at takot ng buong industriya.Walang naglalakas-loob na sumalungat sa kanya. Walang nagtat
“WHAT???”Sandaling natigilan si Xavier. Iniisip kung tama ang kanyang narinig.“You heard me, Xavier. I want a divorce.”“Mayumi, what game are you trying to play now?”“I’m serious!”“Xavier, pinapalaya na kita na makasama si Ysabel nang tuluyan. Nakikipag-usap na ako sa abogado. Andito ako sa os
Lihim na pinagmamasdan ni Mayumi si Xavier na tahimik pa rin at tila may malalim na iniisip. Hindi ba ito naman ang gusto niya? Ang tuluyang makalaya sa pagkakatali sa kanya?Noong nakaraang buwan lang, nalaman ni Xavier na may sakit si Ysabel. Nag-book ito ng pinakamagaang flight papunta sa ibang
Nang marinig ni Mayumi ang pamilyar na boses sa kabilang linya ay sandali siyang natigilan... It was her friend Kiel. Sandaling bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan. Noon, isinuko niya ang isang magandang career para sa kasal, at labis iyong ikinainis ng kaibigan nyang si Kiel. Minsan na silan
Sa katahimikan ng gabi, kinuha ni Mayumi ang kanyang telepono nang hindi man lang iminumulat ang mga mata nang tumunog ito. Nang mapagtanto niyang si Xavier ang tumatawag ay huli na. Napindot na niya ang “Answer.”Napapailing na lang siya sa sariling kusa niyang reaksyon… wala siyang nagawa, nasana







