LOGIN"Anong ibig mong sabihin doon?" tanong ni Xavier, bahagyang nakakunot ang noo.Mabilis na ipinaliwanag ni Mayumi ang lahat ng nangyari, kung paano ito at si Christian nakaligtas matapos ang pagbagsak. Ang kwebang kanilang natagpuan, at ang mapanganib na kondisyon ng bangin na nakapaligid sa kanila.Habang nagsasalita ito, tahimik lamang na nakinig si Xavier. Nakatingin lamang siya sa mukha ng dating asawa na para bang natatakot siyang mawala ito kapag inalis niya ang kanyang mga mata rito.Nang matapos si Mayumi, agad itong nagtanong. "Paano naman sa panig ninyo? Kumusta ang rescue operation?"Mula simula hanggang wakas ay nanatiling kalmado ang tinig ni Mayumi. Parang hindi nila pinag-uusapan ang posibilidad ng kanilang kamatayan kundi isang ordinaryong problemang madaling maresolba.Sa isang iglap, napaisip si Xavier... Mayumi ba talaga ito? Ang babaeng natatandaan niya ay madaling masaktan?Noong pinalayas ito ng pamilya Valerio, halos araw-araw niya itong nakikitang umiiyak. Minsa
Napangiti si Mayumi, isang ngiting puno ng pagod ngunit may kasamang init at pag-asa."Oo," mahina niyang sagot. "Kakain tayong magkasama."Lalong lumambot ang mga mata ni Christian habang pinagmamasdan siya."Masarap ang pagkain sa café na 'yon," bulong nito. "At sigurado akong tatlumpung taon mula ngayon, magkahawak-kamay pa rin tayong kakain doon."Nang marinig iyon, bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ni Mayumi. Tatlumpung taon?... napakahabang panahon noon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi ni Christian, parang napakadaling abutin. Para bang wala itong duda na makakalabas sila rito. Para bang sigurado itong magkakaroon sila ng kinabukasan.Ibinaba ni Christian ang ulo nito at marahang hinalikan ang natitirang mga luha sa kanyang pilikmata ng dahan-dahan at maingat. Parang natatakot itong masaktan siya kahit kaunti.Ang mainit na hininga nito ay dumampi sa kanyang balat at nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang mga mata at puso.Napapikit si Mayumi. Sa mga nakaraang araw, napak
Sa wakas, nakahinga nang maluwag si Mayumi.Matapos makitang mahimbing pa ring natutulog sina Christian at Xavier, tahimik siyang lumabas ng maliit na silungang ginawa nila para makaligtas sa lamig ng gabi.Mabagal siyang naglakad patungo sa mismong lugar kung saan nahulog si Xavier. Kagabi, puro dilim at ulan ang bumabalot sa paligid. Halos wala siyang makita kundi mga anino at ang nakakatakot na tunog ng rumaragasang hangin. Ngunit ngayong sumisilip na ang araw sa pagitan ng mga puno, mas malinaw niyang nakita ang tunay na sitwasyon nila.At lalo siyang kinabahan. Napakataas ng dalisdis na nasa itaas nila. Mistulang pader ng bundok ang tarik nito. Nababalutan pa ng makapal na lumot ang mga batong nakalitaw sa gilid. Dahil sa magdamag na ulan, kumikintab ang mga iyon sa basa, na para bang naghihintay lamang ng isang maling hakbang upang muli na namang may mahulog.Tahimik na napahawak si Mayumi sa sariling mga braso. Hindi niya alam kung paano nakaligtas si Xavier matapos mahulog mul
Agad na nakilala ni Xavier... Si Christian iyon.Kahit malabo na ang kanyang paningin dahil sa pagod at sakit, hindi siya maaaring magkamali. Ang tindig nito, ang paraan ng paglalakad nito kahit halatang nanghihina, at ang babaeng nakasunod sa tabi nito... si Mayumi!Naramdaman niya ang kakaibang paggaan ng kanyang dibdib. Nahanap niya sila!.. Buhay sila!Tinulungan ni Christian si Mayumi na makatayo mula sa pagkakaupo nito sa lupa. May sinabi ito rito na hindi na niya narinig dahil sa malakas na ugong sa kanyang mga tainga. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad ang dalawa papunta sa kanyang direksyon.Sa kaparehong sandali, tila biglang nawala ang natitirang lakas sa kanyang katawan. Kanina pa niya pinipilit ang sarili na manatiling gising. Kanina pa niya nilalabanan ang matinding sakit na nagmumula sa kanyang balikat at binti.Ngunit ngayong nakita na niyang ligtas ang dalawa, tila wala nang dahilan para magpatuloy pa. Dahan-dahang pumikit si Xavier Valerio at tuluyang nawalan ng malay
Hindi na hinintay ni Mayumi ang sagot ni Christian. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng kweba, tila hinahabol ng mga salitang binitiwan nito.Paglabas niya, sinalubong siya ng malamig na hangin. Humina na ang ulan, ngunit mabigat pa rin ang kalangitan. Makakapal na ulap ang nakasabit sa itaas na para bang anumang oras ay muli na namang bubuhos ang malakas na pag-ulan.Paminsan-minsan lamang sumisilip ang maputlang liwanag ng buwan sa pagitan ng mga ulap, sapat upang bahagyang maaninag ang paligid ngunit hindi sapat upang maitaboy ang nakakatakot na dilim ng kagubatan.Huminga nang malalim si Mayumi. Wala siyang tiyak na pupuntahan, hindi rin niya balak na lumayo nang husto sa kweba. Ngunit sa mga sandaling iyon, ayaw niyang bumalik sa loob. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa dami ng emosyong nagsisiksikan doon.Naglakad siya nang walang direksyon, tinatapakan ang mga basang dahon habang pilit inaayos ang magulong isip. Galit siya ngunit habang lumilipas ang mga minuto
Sa kabutihang-palad, kagubatan ang bumalot sa lugar na kanilang kinasadlakan. Hindi man ito ligtas, sapat naman ang ibinibigay nitong biyaya upang manatili silang buhay sa bawat araw na lumilipas. May mga ligaw na prutas na maaaring pitasin sa paligid, at may isang lawa na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan nila ng tubig.Sa gabi, habang tahimik na sumisipol ang hangin sa pagitan ng mga puno, maingat na naglalatag si Mayumi ng malalapad na dahon sa ilalim ng mga sanga. Pagsapit ng madaling-araw, naiipon sa mga iyon ang mga patak ng hamog na maaari nilang inumin. Maliit na bagay lamang iyon, ngunit sa kanilang sitwasyon, bawat patak ay mahalaga.Ngunit hindi lahat ng pangangailangan ay kayang tugunan ng kagubatan. Wala silang gamot, walang anti-inflammatory, walang pampababa ng lagnat... walang anumang makatutulong upang mapabilis ang paggaling ni Christian.Kaya paulit-ulit na lamang siyang kumukuha ng malamig na tubig mula sa lawa upang punasan ang noo at katawan nito. Ilang ulit
"Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hind
XAVIER'S POV:Napalingon siya nang marahas kay Mayumi. Maging ang buong pamilya ay nakatingin din pala sa asawa niya. Ano ang ibig sabihin nitong magpapaalam?May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang umakyat sa kanyang dibdib. Lumalim ang pagkunot ng kanyang noo at dumilim ang ekspresyon ng mu
MAYUMI'S POV:Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa l
Muling dumilim ang ekspresyon ni Johnny Santillan.“Talaga palang final na?” tanong ni Amalia na halatang nagulat din sa binalita sa kanila ni Stephanie.“Hindi pa, mom” Umiling si Stephanie. “Nagtanong ako sa staff. Hindi pa tapos ang mga papeles, may thirty-day marriage annulment cooling-off perio







