LOGIN“The terms of the deal can stay open for now. I will tell you when I have something in mind.”Sa huling linyang iyon ay pinatay ni Christian ang tawag.Dahan-dahan niyang ibinalik ang telepono sa bulsa ng kaniyang pantalon. Pagkatapos ay naupo nang bahagya sa gilid ng mesa, habang marahang tumutuktok ang kaniyang mga daliri sa makinis na kahoy. Ang tingin niya ay nakapako sa malayo.Bata pa lamang siya ay natuto na siyang huwag magtiwala sa mga salitang matatamis. Masyadong madaling gamitin ang mga salita, madaling pagandahin, madaling gawing sandata.Para kay Christian, ang mga sinasabi ng tao ay kadalasang kalahating katotohanan lamang o minsan ay tahasang kasinungalingan.Mas pinaniniwalaan niya ang mga bagay na hindi sinasabi. Ang pag-aalinlangan bago sumagot, ang paghigpit ng paghinga, ang mga desisyong salungat sa lohika. At higit sa lahat, ang mga panganib na kusang tinatanggap ng isang tao.Doon nasusukat ang tunay na intensyon, at sa tawag na iyon, iisang bagay ang luminaw sa
“Tumatawag nang ganito kagabi. May urgent ba?”Mula sa kabilang linya ay narinig ni Kiel ang kalmadong tinig ni Christian Sager. Gaya ng dati, relax at tila walang anumang bagay ang kayang gumulo sa kumpiyansa nito. Ngunit hindi nagpadaig si Kiel sa magaan na tono ng lalaki.Hindi siya tumawag para makipagbiruan. Hindi rin siya tumawag para makipagpalitan ng mga walang saysay na salita.“Kailangan kong kumpirmahin ang tunay mong intensyon kay Mayumi.”Bahagyang napataas ang kilay ni Christian sa kabilang linya. Halatang naaliw pa ito sa diretsahang tanong.“Masyado namang seryoso ang paratang na iyan, Mr. Blaze,” anito na may bahid ng biro. “Bakit mo iniisip na ang relasyon ko kay Mayumi ay kailangang may agenda? Hindi ba puwedeng humahanga lang ako sa kaniya?”Nanatiling tahimik si Kiel sa loob ng ilang segundo. Hindi niya sinagot ang tanong dahil para sa kaniya, walang saysay ang mga paliwanag ni Christian. Ang mahalaga lamang ay ang kaligtasan ni Mayumi.“Hindi mahalaga kung intere
Bahagyang napaubo si Christian at mabilis na kinuha pabalik ang kanyang telepono.“Nagbabasa-basa lang,” kaswal niyang sabi, na para bang walang kahina-hinala sa nahuli siya.“Nagbabasa-basa lang?” Nagpakawala ng malamig na tawa si Miranda. Halatang hindi siya naniniwala. Dumaan lamang siya kanina sa tapat ng silid nito at malinaw niyang narinig na may kausap ito sa telepono. Kung hindi siya nagkakamali, si Mayumi ang nasa kabilang linya.“May gusto ka kay Mayumi, hindi ba?”Hindi iyon simpleng tanong. Para iyong kumpirmasyong gusto lamang marinig mula mismo sa bibig ni Christian.Kilala niya nang husto ang nakababatang kapatid. Sa lahat ng tao, si Christian ang pinakamadaling magkunwari, ngunit hindi sa kanya.Hindi na nag-abalang tumanggi pa si Christian. Tahimik lamang itong tumango.Napakunot-noo si Miranda. Noong una, akala niya ay isa na namang panandaliang interes iyon. Katulad ng mga babaeng dumaan at lumipas sa buhay nito noon. Isang bagong libangan na pagsasawaan din pagkara
Naalala ni Mayumi si Steven Sager. Bigla iyong sumagi sa isip niya matapos ang tawag kay Kiel, kasabay ng mga impormasyong ibinigay noon ng private investigator.Nalaman niya na ang mga lugar na pinuntahan ni Monica Blaze bago siya mawala ay hindi kalayuan sa lugar kung saan kalaunan na-recover ng pamilyang Blaze ang hikaw nito.At sa mismong gabing iyon, nagmamadali si Steven Sager papunta sa naturang lugar.Samantala, si Kiel ay hindi pa nakakabalik. Hindi magtatagal at magtatagpo ang dalawa.Napatigil si Mayumi. Masyado bang nagkataon ang lahat? O sadyang planado?Dahan-dahang sumikip ang kanyang dibdib sa bagong hinala. Ginagamit ba siya ni Steven upang gipitin si Kiel?Kung iisipin, napakadaling pagdugtungin ang mga nangyayari. Malinaw ang koneksyon nila ni Kiel sa trabaho. Kilala siya bilang pinagkakatiwalaan nito. Kung may gustong gumalaw laban kay Kiel, isa siya sa pinakamadaling daan para makakuha ng impormasyon o makalikha ng pressure... At baka yun ang naisip ni Steven.Bag
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ni Xavier ang imahe ni Mayumi habang nakatayo sa labas, mag-isa sa gitna ng malakas na ulan. Basang-basa ang buong katawan nito, ang buhok ay dikit sa mukha at balikat, ngunit nananatili pa ring tuwid ang tindig. Wala itong imik. Wala ring anumang pagtatangkang sumilong. Para bang handa itong maghintay roon gaano man katagal.Nanikip ang kanyang dibdib sa isang hindi pamilyar na inis. Hindi niya matukoy kung kanino siya galit... kay Mayumi dahil sa katigasan ng ulo nito, sa mga tauhan niya dahil sa kanilang ginawa, o sa sarili niya dahil hindi niya maalis sa isip ang babaeng matagal na niyang gustong kalimutan.“Sino ang nag-utos sa inyong gawin ’yan?” Biglang naging napakalamig ng tinig niya.Sa kabilang linya, agad na nagkagulo ang mga bodyguard. Halatang nag-panic ang mga ito sa biglang pagbabago ng kanyang tono.“Sir… paulit-ulit po siyang nagtatangkang pumasok nang palihim sa gusali tuwing hindi kami nakatingin,” pautal na paliwanag ng isa. “Alam n
Si Xavier, na nakatulog na sana nang mababaw, ay biglang napadilat.Nang magising, ang unang bumungad sa kanya ay si Ysabel. Nasa gilid ito ng kama sa ospital, nakaupo sa isang upuan habang nakasandal ang ulo sa sariling kamay. Nakatukod ang siko nito sa kutson, at halatang hindi sinasadyang nakatulog habang naghihintay. Dahan-dahang tumatango ang ulo nito sa antok, habang kalahating nakapikit ang mga mata.Tahimik ang silid, tanging tunog ng monitor at mahinang patak ng ulan sa bintana ang maririnig. Sa simpleng tanawing iyon, isang kumplikadong pakiramdam ang sumibol sa dibdib ni Xavier.Hindi niya maipaliwanag, hindi rin niya agad matukoy kung awa ba iyon, guilt, o pananabik sa isang nakaraan na matagal na niyang pinanghawakan.Sa loob ng maraming taon, buo ang paniniwala niya na si Mayumi ang sumira sa relasyon nila ni Ysabel. Na dahil kay Mayumi, nasaktan si Ysabel. Na dahil sa sakit na iyon, napilitan itong mangibang-bayan at iwan ang lahat.At dahil doon, paulit-ulit niyang ini
PETER’S POV:"Matagal nang walang balita tungkol kay Oracle. May narinig akong balita na nag-retire na siya sa mundo ng industriya. Bakit mo sasabihing ikaw siya? Paano nangyari iyon eh ang bata mo pa. Ano ang ebidensya para paniwalaan ka namin?" Tumahimik sila ni Kiel. Paano nga ba niya mapapatun
Nagmaneho si Mayumi papunta sa gusali ng MK Firm at ipinarada ang sasakyan. Pagpasok sa building ay nakita niya si Kiel sa lobby at mukhang may hinihintay. Agad itong ngumiti nang makita siya.“Good morning, Yumi.”“Good morning, Kiel,” nakangiting sagot din niya. “What are you doing here? May hinih
Parang huminto ang mundo ni Mayumi nang marinig niya ang mga salitang iyon.Noong buong-buo pa ang pagmamahal niya kay Xavier, nagawa niyang isantabi ang sarili at gumawa ng mga kabaliwan, kabilang na ang pagmamakaawang maging sekretarya nito, para lang manatili sa tabi ni Xavier, maalagaan ang tra
MAYUMI’S POVKapag naging pinakamalaking investor ng MK Firm ang Valerio Group, alam ni Mayumi na hindi maiiwasang muli silang magkaharap ni Xavier. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa asawa.Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Kiel. “Kung gano’n, tanggihan mo,” diretsahang sab







