Share

CHAPTER 446

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-06-25 17:02:19

Saglit na nanahimik ang silid. Muli lang binuksan ni Xavier ang laptop na tila walang narinig na kakaiba. Nanatiling malamig ang kaniyang mukha.

"Hindi ang mga taong nasa internet ang huhusga kung ano ang tama at mali. Wala silang karapatang manghusga at umatake ng kahit sino nang hindi alam ang buong katotohanan." Kalma ngunit matigas ang kaniyang boses.

Lalong nainis si Andra. "Ipinaglalaban lang nila ang hustisya!" mabilis niyang sagot. "Kung tutuusin, si Mayumi naman talaga ang gumamit ng m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 452

    Kaya lihim na siyang nakapagdesisyon. Pagkatapos ng trabaho ay pupunta siya mismo sa Valerio Group. Hindi para gumawa ng eksena, kundi para tiyakin kung nagsasabi ba ng totoo si Diego o ginagamit lamang ang overtime bilang palusot para makipagkita sa ibang babae. Hindi niya hahayaang lokohin siya.Subalit bago pa niya maisakatuparan ang kanyang plano, bumukas ang pintuan ng departamento. Pumasok sina Mayumi at Peter. Pareho silang seryoso ang mukha. Wala ang karaniwan nilang pagbati sa mga empleyado. Hindi rin sila nag-usap habang naglalakad papunta sa opisina ni Mayumi. Mistulang may mabigat silang desisyong dala.Napatingin ang buong departamento sa kanila. Lalo namang kinabahan si Maxine, may kung anong hindi magandang pakiramdam ang gumapang sa kanyang dibdib.Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang intercom sa kanyang mesa."Maxine, pumunta ka sa opisina ko."Boses iyon ni Mayumi. Tahimik na tumayo si Maxine.Habang papalapit siya sa opisina, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaib

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 451

    Bahagyang umiwas ng tingin si Diego. Isang kurot ng konsensya ang dumaan sa kanyang dibdib.Sa katunayan... matagal na siyang binigyan ng Valerio Group ng malaking performance bonus. Nadoble pa ang kanyang buwanang suweldo, pero sadya niyang itinago iyon kay Maxine. May sarili siyang dahilan, at wala siyang balak na sabihin ang katotohanan.Sa halip ay mabilis niyang inilihis ang usapan. "Hindi mo naman puwedeng sisihin ang kumpanya. Ang mga materyales na ibinigay mo sa akin noon ay hindi kumpleto. Malaki ang oras na ginugol namin para maitama ang mga kakulangan. Bukod pa roon, maraming depekto ang system na nakuha namin. Halos araw-araw ay may lumalabas na maliliit na bug."Walang interes si Maxine sa paliwanag nito Iwinasiwas lamang niya ang kamay na tila itinataboy ang lahat ng sinabi ni Diego."Hindi ko kailangang marinig ang mga dahilan na iyan. Ang mahalaga, ikaw ang taong nagligtas sa departamento ninyo sa napakalaking problema. Tinuturing ka dapat nilang bayani, pero ang ginag

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 450

    Samantala... Walang kaalam-alam si Mayumi sa naging pag-uusap ni Kiel at Andra. Kasalukuyan siyang nasa silid ng MK office kasama sina Kiel Blaze at Peter. Pagbalik niya sa kumpanya ay agad niyang ibinahagi ang pamamaraang itinuro sa kanya ni Christian para malaman kung sino ang taong naglalabas ng mga lihim ng kumpanya. Maingat nilang sinuri ang bawat detalye. Isa-isang inihambing ang mga dokumento, access records, at galaw ng bawat empleyado. Matapos ang mahabang talakayan, apat na pangalan ang nanatiling pangunahing pinaghihinalaan... ang kanyang step-sister na si Stephanie Santillan, Si Maxine at dalawa pang miyembro ng departamento ng disenyo. Tahimik na pinagmasdan ni Mayumi ang listahan. Pinakamatagal niyang tinitigan ang pangalan ni Stephanie. Sa nakalipas na ilang araw, kapansin-pansing wala ito sa sarili. Sunod-sunod ang pagliban nito sa trabaho at madalas na nawawala ang konsentrasyon. Alam ni Mayumi ang dahilan... patuloy kasi itong pinipilit ng kanilang ama na si Joh

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 449

    Mabanayad at kalmado ang boses ni Kiel Blaze. Wala itong bahid ng paninisi o galit.Ngunit bawat salitang kanyang binitiwan ay tila mabibigat na batong isa-isang bumagsak sa puso ni Andra, unti-unting binabasag ang matagal na niyang pinanghawakang paniniwala tungkol kay Mayumi.Napagagat-labi si Andra. Gusto niyang kontrahin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Kiel, ngunit sa kaibuturan ng kanyang isip ay unti-unting sumisibol ang isang bagay na matagal na niyang isinantabi... pagdududa.Ayaw man niyang aminin, may katwiran ang ilan sa mga sinabi nito.Matapos ang ilang sandaling katahimikan, humugot siya ng malalim na hininga at pilit na ibinalik ang usapan sa isyung ipinaglalaban niya."Pero kahit isantabi natin ang ugali niya, hindi pa rin mababago ang katotohanan. Ang insidenteng ito sa disenyo ay malinaw na pangongopya kay Ysabel!"Mahigpit niyang hinawakan ang telepono habang ipinagpapatuloy ang kanyang katuwiran. "Limang taon siyang naging asawa ng kuya ko, pero ni minsan

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 448

    Ngunit habang naglalakad palabas ng villa... may kung anong hindi mapakali sa loob ni Andra. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang reaksiyon ni Ysabel. Ang panandaliang pamumutla nito, ang takot na mabilis nitong itinago, at ang kakaibang tensyon sa mga mata nito....May mali.... hindi niya alam kung ano, pero may mali.Huminto siya sa tabi ng kaniyang sasakyan, tahimik na nag-isip. Ilang minuto siyang nakatulala bago tuluyang nagdesisyon. Dahan-dahan niyang inilabas ang kaniyang telepono, hinanap ang isang pamilyar na numero at matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan... pinindot niya ang pangalan ni Mayumi.Halos isang minuto ring walang tigil na tumunog ang telepono bago tuluyang may sumagot sa kabilang linya.Habang lumilipas ang bawat segundo, lalong nauubos ang pasensya ni Andra. Mahigpit niyang kinuyom ang hawak na cellphone habang paulit-ulit na sinusulyapan ang screen nito.Sa wakas ay may sumagot, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. "Ang tagal mo namang sumagot!" rek

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 447

    "Noong una kong nalaman na siya pala ang designer sa likod ng MK Group, muntik na akong humanga sa kaniya. Akala ko talagang ganoon siya kagaling. Akala ko may pambihirang talento siyang itinago sa loob ng maraming taon."Bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang labi sa isang mapait na ngiti. "Hindi ko akalaing sa ganoong kahiya-hiyang paraan niya pala nakuha ang lahat."Sadyang tinaasan ni Andra ang kaniyang boses. Alam niyang naririnig ni Xavier ang bawat salita at gusto niyang marinig nito ang bawat patutsada."At ang pinakamasakit pa roon... ang taong dapat sana'y kakampi ni Ysabel ngayon ay wala sa tabi niya."Dagdag ni Andra na unti-unting lumalim ang tingin kay Xavier. Humigpit ang kaniyang mga kamao."Ang tanging taong may kakayahang protektahan siya ay ang sarili kong kuya. Pero sa halip na tulungan siya, mas pinili mong tulungan ang ibang babae!" Saglit siyang tumigil, pagkatapos ay mapait na ngumiti. Nangingilid ang sama ng loob sa kaniyang boses. "Talagang naaawa ako kay Ysa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 8

    Bago pa man sila ikasal ay malinaw na ayaw sa kanya ni Xavier at madalas na ito’y ginagabi sa pag-uwi. Gayunpaman, iginiit ni Estrella na kulitin niya ang kanyang asawa at gumawa siya ng paraan para magkalapit silang mag-asawa.Alam niyang kapag kinukulit niya si Xavier ay lalo lamang itong mapapa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 7

    Dumilim ang mga mata ni Xavier. Naalala niya ang binanggit ni Mayumi tungkol sa pakikipag-diborsyo sa kanya.“That marriage will end, but now is not the time.” mariin niyang sagot kay Ysabel.Hindi niya hahayaang si Mayumi ang magdedesisyon. Bukod pa roon, mangangahas ba talaga itong makipaghiwalay

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 170

    Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-05
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 40

    MAYUMI'S POV:Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa l

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-20
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status