LOGIN“Ysa, nag-aalala lang naman si Xavier sa ’yo. Hindi mo ba narinig kanina sa telepono? Nanginginig ang boses niya. Akala ko nga may seryosong nangyari.” pabirong sabi ng isang batang doktor na naka-puting coat.
Ang lalaking iyon ay si Patrick, ang matalik na kaibigan ni Xavier mula pagkabata at saksi sa nakaraan nina Xavier at Ysabel.
Namula ang pisngi ni Ysabel habang nakatingala sa lalaking mahigpit na yumayakap dito.
Sinong babae ang hindi mahuhulog sa isang Xavier Luis Valerio? Ang matitikas nitong anyo, ang katawan nitong batak sa gym. Very girls’ dream man. Para itong knight in shining armor na ipagtatanggol ang babaeng gusto nito sa anumang kapahamakan.
“Masyado kang nag-alala kay Ysabel, bro. Hindi pa kita nakitang ganito ka-taranta sa ibang babae,” biro ni Patrick.
Sa pagsabi nito ng “ibang babae,” pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy ni Patrick.
*****
Malapad ang ngiti ni Patrick habang nakatingin kay Xavier at Ysabel. Alam niya nandito rin si Mayumi sa ospital at alam nya kung paano ito muntik nang mamatay dahil sa car accident at sa pagkawala ng anak nito sa sinapupunan.
Ginamot lang naman ito doon dahil sa sinabi niyang hipag niya ito, pero ang totoo ay wala siyang pakialam kay Mayumi. She deserved it, at dapat lang na mangyari sa kanya iyon!
She forced herself to marry his best friend, Xavier. Alam niyang hindi mahal ni Xavier si Mayumi. Ni hindi nga nito alam na buntis si Mayumi. Alam niya iyon dahil palagi niyang sinasabi kay Xavier na nakikita niya si Mayumi sa ospital, pero wala lang itong pakialam.
Marahil ay sinadya na rin ang pagkawala ng pinagbubuntis ni Mayumi. Siguradong gagamitin lang niya iyon para lalong itali si Xavier sa kasal nilang walang katuturan, at hindi siya papayag doon.
“Ipapaayos ko ang VIP room para kay Ysa. She needs to stay for a couple of days para maobserbahan siya.” nakangiting sabi niya.
“Salamat, Patrick…” sagot naman ni Ysabel sa kanya.
“Come on, Ysa. Ang problema mo ay problema rin ni Xavier, at ang problema niya ay problema ko rin. Of course, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.”
*****
Nahihiyang ngumiti si Ysabel, pero nang tumingin ito sa pinto ay nakita niyang naroon si Mayumi at nakikinig sa kanila. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din niya iyong binawi.
“Xav, naaalala kong tumawag sa ’yo kanina si Mayumi. Parang urgent ang tawag niya. Why don’t you call her back?”
Kumunot ang noo ni Xavier nang marinig ang pangalan ng kanyang asawa. Bago pa siya magsalita ay sumingit si Patrick.
“Huwag mo na isipin ’yon, Ysa. Hindi na bago na palaging iniistorbo ni Mayumi si Xavier. She’s been doing that for years already. Nagsasawa na si Xavier sa kanya. Why don’t you focus on your recovery instead? Sigurado akong darating ang araw na magsasawa rin si Mayumi sa pambabalewala ni Xavier at papayag nang makipaghiwalay kay Xavier. By that time, puwede na ninyong ipagpatuloy ang inyong naudlot na pagmamahalan.”
“Patrick, stop that. Nakakahiya kay Xavier...” wika nito, kunwaring nahihiya.
“I’m just stating the facts, Ysa. Sinasabi ko lang kung ano talaga ang iniisip ni Xavier.”
Tahimik lang si Xavier na nakikinig kina Patrick at Ysabel. Ang pananahimik nito ay lalong nagpasakit sa damdamin ni Mayumi.
Ngumiti siya nang mapait… okay lang… ibibigay ko sa kanila ang hinihiling nila. That day was coming sooner than they thought.
Walang kaalam-alam ang mga ito na nakikinig siya roon. Wala pa ring humpay sa pagkukuwento si Patrick ng kung ano-ano tungkol sa kanya kay Ysabel, lalo na kung paano siya tratuhin ni Xavier nang walang pakialam sa mga nagdaang taon. Tila tuwang-tuwa ito na ipahiya siya.
“Minsan nga, tinakot pa ni Mayumi si Xav na maglalaslas ng pulso. Nagpadala siya ng litrato ng dumudugong pulso niya. Hulaan mo kung anong nangyari?… Ni hindi man lang kumurap si Xavier. Umuwi lang siya, kinaladkad si Mayumi palabas ng bahay, at sinabi, ‘Kung gusto mong mamatay, gawin mo sa labas. Huwag mong dudumihan ang bahay!’” natatawang kwento ni Patrick
Hindi iyon mismo nasaksihan ni Patrick, narinig lang nito sa iba ang gawa-gawang kwento. Sinabi pa ngang pinatapon siya sa labas habang sobrang lamig at natuyo na lang ang dugo sa kanyang pulsuhan, na hindi man lang tinulungan ni Xavier.
“Thinking about it, naawa at naaliw ako sa katangahan ni Mayumi. Pero tingnan mo naman ngayon kung paano ka tratuhin ni Xavier, Ysabel. Ibang-iba kaysa kay Mayumi. Noong nilagnat ka nga sa ibang bansa, halos…”
“Enough…” pigil ni Xavier sa iba pang sasabihin ni Patrick.
“Look at you, bro… nahihiya ka ba na malaman ni Ysabel ang mga ginagawa mo sa kanya? Hahaha… come on, Ysa, hindi mo ba ako kakampihan?”
Ngumiti lang si Ysabel na kunwa’y nahihiya. Si Xavier naman ay tahimik lang.
Natigil ang kanilang pag-uusap nang dumating ang nurse at ibinigay ang confirmation ng VIP room para kay Ysabel. Walang imik na kinuha iyon ni Xavier at pumunta sa cashier.
“See? When it comes to you, Xav gets more attentive than anyone,” pabulong na sabi ni Patrick kay Ysabel sabay kindat.
*****
Nang matapos bayaran ni Xavier ang bills ni Ysabel at masiguradong magiging maayos at komportable ang dalaga, ay muling pumasok sa isip niya si Mayumi. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at doon niya napansin ang mga missed calls mula sa asawa, kasama ang isang mensahe.
Hello, this is from St. Benedict Hospital. We’ve attempted to reach the family of Ms. Mayumi Santillan. She has been in a car accident and urgently requires consent for surgery. Please come to the hospital immediately.
“St. Benedict Hospital? Andito rin si Mayumi?” tanong niya sa sarili.
Sandali siyang natigilan. Naalala niya ang sinabi ni Patrick kanina. Simula ng insidente ng tangkang pagpapakamatay ni Mayumi ay nagbago na ito. Dati, paulit-ulit at walang sawang tumatawag ito sa kanya. Pero simula ng insidente ay halos hindi na ito nangungulo. Kahit na hindi siya umuuwi sa gabi ay hindi na ito nagtatanong.
Iwinaksi niya ang mga naiisip at pinindot ang numero ni Mayumi.
STEPHANIE’S POV:Hindi niya inaasahan na sasagot si Mayumi sa kanya kaya namula siya sa pagkapahiya, pero hindi siya pwedeng magpatalo sa bruhang si Mayumi!“Sino naman ang gugustuhing maging kapareho ang dugo mo, aber?” nakangising sabi niya at naghalukipkip pa. Hindi siya pwedeng mapahiya sa harap ng kanyang kaibigan.“Right…,” tipid na sagot ni Mayumi sabay tango. “Magkaiba nga naman ang dugo natin. Yung iba kasi d’yan, dugo ng ama ko at ng kabit niya.”Nanlamig siya sa sinabi ni Mayumi. “How dare you, Mayumi! How dare you say that about my mother?! Are you crazy?!”Akmang sasampalin niya ito nang mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at winaksi iyon palayo. Muntik pa siyang matumba sa lakas ng pagwaksi ni Mayumi.“Ano bang sinabi ko? May sinabi ba akong kabit ang nanay mo?” ngumisi ito nang nakakaloko. “Hindi ba’t ikaw mismo ang umamin?” dagdag pa nitong kalmado ang tono.Hindi siya makapagsalita. Nakita niyang nagulat din ang kaibigan niya at nag-iba ang tingin sa kanya. Ang al
Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan. Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa nitong ibigay na lang niya ang mga iyon.Kahit hindi siya masaya, at labag sa kanyang kalooban ay inintindi at tinatanggap pa rin niya. Umaasa siyang sa kanyang pagpapakumbaba ay magdadala sa pamilya ng pagkakaisa.Limang taon ang nakakalipas, nang madulas si Stephanie sa isang pag-aaway nila, nalaman niya ang totoo… hindi pangalawang asawa ng kanyang ama si Amalia, kundi kabit ito. Ang babaeng matagal nang tinatago sa kanyang ina.At si Stephanie, hindi anak ni Amalia sa ibang lalaki, kundi illegitimate child ng kanyang ama at totoong kapatid niya. Nang malaman niya ang katotohanan, labis siyang nagalit at nagwala. Histerikal niyang ipinagsisigawan na paalisin ng ama ang kabit at anak nito s
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang pangalan ni Xavier sa screen. Sandali siyang nag-atubiling sagutin, iniisip nya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kanya.Akmang sasagutin na niya nang tumigil ang pag-ring. Mabilis niyang tinawagan pabalik, pero dalawang segundo pa lang ay bigla na itong namatay. Ilang sandali pa, may natanggap siyang message.“Sorry, Mayumi, it’s me, Ysabel. Ako ang tumawag kanina. Hihiram sana ako ng pajama mo, pero hindi na kailangan. Pinahiram na ako ni Xavier ng pajama niya.”Tiningnan niya nang maigi ang message ni Ysabel. Tila para itong inosenteng mensahe pero alam niyang iba ang motibo nito kung bakit siya minessage ng ganoon… para i-provoke.Hindi siya nakahuma ng ilang minuto. Sa huli ay napangiti na lang siya ng pait. Maraming beses ng nagpadala si Ysabel ng mga mensahe sa kanya noon, lahat may pare-parehong tono. Mukhang normal, pero ang totoo ay ginagalit lang siya , na parang nang-iinggit.Minsan nang niyang sinubukang kausapin si Xa
Lalo pang ikinagulat Xavier nang makita niyang pumapayag talaga si Mayumi.Naalala niyang matapos pumanaw ang ina ni Mayumi, nag-asawa muli ang ama nito, at kailanman ay hindi naging mabuti ang ama at madrasta nito kay Mayumi.Nang mapansin nitong nag-iisip siya, hindi na nagbigay ng paliwanag si Mayumi... tumango lang ito.“Napagdesisyunan na, kaya hindi na kailangang patagalin pa.” malamig na sagot ni MayumiMuli siyang napaisip... tapos na ang usapin nila tungkol sa divorce at hindi na siya muling kinukulit ni Mayumi tungkol doon. Marahil ay nakapag-isip-isip na rin ito at napagdesisyunang tigilan na ang kahibangan.Kaya ba lahat ng ginagawa nito lately… dahil dito? Naalala niya ang kakaibang kilos ni Mayumi nitong mga nakaraang araw. Kaya pala nagplano ito ng kung ano-anong playing hard-to-get. Nagkunyari pa itong magfile ng divorce... yun pala natatakot ito na baka tanggihan niya ang hiling na puhunan para sa negosyo ng mga Santillan?Napatawa siya, tila naaliw.*****Sandaling h
Sa loob ng library… nakatayo nang tuwid si Alden, ang kanyang executive assistant, at magalang na nag-uulat ng sitwasyon.“Sir Xavier, as you predicted, the Wellington Group, which was bidding against our company, has failed and declared bankruptcy. An hour ago, I proposed an acquisition strategy to them as you had instructed in advance. But their CEO said they want you to increase the acquisition price by an extra hundred million.”Nakasandal siya sa kanyang swivel chair, tamad na naglilipat ng mga pahina ng dokumento. Halatang inasahan na niya ang ganitong demand.“Hindi ako magtataas,” malamig niyang tugon. “Hayaan n’yo silang maghintay pa nang dalawang araw. Sila rin mismo ang lalapit sa atin para humingi ng approval.”*****Tumango si Alden habang pinanood ang kanyang boss na si Xavier Valerio, kaedad niya ngunit nag-uumapaw sa lakas ng presensya at awtoridad. Wala siyang naramdaman ni katiting na pagdududa rito.Simula nang magtapos siya ng pag-aaral, personal siyang kinuha ni X
“Magluto ka ng sabaw para sa hangover at dalhin mo rito.” Utos ni Xavier sa kanya habang nilalapag nito si Ysabel sa ibabaw ng kama nila.Ang sakit mula sa pagkakabangga niya kanina ay humupa na at naging manhid, kaya’t hindi na gaanong masakit. Pero ang nakita niyang pag-aalaga nito ng sobra kay Ysabel ay mas masakit. akala nya ay sanay na siya, hindi pa din pala. Hindi siya nagsalita at tumungo sa kusina. Pagkatapos ihanda ang sabaw para sa hangover ay bumalik siya sa kwarto.Pagpihit pa lang niya sa doorknob ay narinig niya ang boses ng babae mula sa loob… gising na si Ysabel.Pagkatapos magdalawang-isip ng limang segundo, inilapag niya ang sabaw sa labas ng pinto at kumatok nang marahan.“Iniwan ko ang sabaw sa pinto.” sambit niya.“Hmm.” sagot lang ni Xavier sa kanya. Walang mababasa sa tono nito.*****Sa loob ng kwarto…Nakita ni Xavier na gising na si Ysabel. Nilibot nito ang tingin sa paligid na tila naguguluhan.“Andito ka sa bahay ko. Dinala muna kita dito dahil tinapon mo







