Share

CHAPTER 5

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-01-06 07:41:15

Samantala, nakaupo si Mayumi sa kama ng ospital. Kakababa niya lang ng telepono, tinawagan niya ang kanyang abogado para sa proseso ng divorce.

Maya-maya ay nakita niyang muling nabuhay ang kanyang cellphone. Ang pangalan ni Xavier ang nasa screen. Naningas siya nang tumatawag ang asawa.

Buo na sana siyang harapin ang buhay mag-isa… pero bakit tila nag-aalinlangan na naman siya nang makitang tinatawagan siya ni Xavier?

*****

Habang hinihintay na sagutin ni Mayumi ang tawag ni Xavier ay naguguluhan siya sa kanyang sarili. Sa tuwing bumabalik si Ysabel sa Maynila ay nakatuon ang oras niya sa dalaga, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya si Mayumi. Pero bakit niya ito tinatawagan ngayon? Nag-aalala din ba siya sa asawa?

Naiinis siya. Isa na naman ba ito sa pakulo ni Mayumi? Magpe-play victim kunwari para makuha ang atensyon niya?

Akmang papatayin niya ang telepono nang sagutin ni Mayumi sa kabilang linya. Huli na para i-cancel pa iyon.

“Nasaan ka?” walang emosyong tanong niya.

“Nasa ospital,” wala ring emosyong sagot ni Mayumi.

Tumawa siya na may halong panunuya. Matatag ang boses ng asawa, hindi gaya ng isang taong kakaligtas lang sa malubhang car accident.

“Kumusta ang lagay mo?” tanong niya muli, walang emosyon.

Sandaling tumigil si Mayumi sa kabilang linya. Tinatanong ba siya ni Xavier kung kumusta siya dahil nag-aalala ito? Never pa itong tumawag sa kanya para tanungin kung kumusta siya.

Wala sa sariling hinimas niya ang kanyang tiyan. Posible kayang may pakialam din si Xavier sa kanya kahit konti?

Klinaro niya ang lalamunan bago nagsalita. “I’m okay now, but…” Napaisip siya kung sasabihin ba niya ang tungkol sa nawala nilang anak.

Bago pa man siya makapagsalita muli ay nagsalita si Xavier sa kabilang linya. “If it’s nothing serious, umuwi ka na.”

Hindi siya nakapagsalita.

“Naaksidente si Ysabel. Sabi ng doktor mahina ang katawan niya at kailangan ng tamang nutrisyon. Pag-uwi mo, magluto ka ng mainit na sabaw na mahihigop ni Ysabel. Mahalaga iyon para sa paggaling niya,” patuloy ni Xavier.

Nang marinig ni Mayumi ang mga salitang iyon, agad na naglaho ang anumang pag-asa na naramdaman niya kanina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Bakit pa kasi siya umaasa? Naalala niya noon kung paano lunurin ni Xavier ang sarili nito sa alak. Hindi niya kayang panoorin itong sinisira ang kalusugan kaya naisipan niyang mag-enroll sa cooking class. Wala siyang interes sa kusina, pero dahil kailangan iyon ni Xavier ay tiniis niya. Pinag-aralan niya kung paano magluto ng masasarap na pagkain para kay Xavier.

Ngunit hindi rin niya inakalang uutusan siya nitong magluto para sa ibang tao… at para kay Ysabel!

Ngumiti siya nang pait. Napakaraming taon ang sinayang niya sa kasal na iyon nila ni Xavier. Napakalupit ng tadhana sa kanya. Kapag nalalaman ni Xavier na may sakit si Ysabel sa ibang bansa ay nagkukumahog itong puntahan ang dalaga kahit pa isa lang iyong sipon.

Pero siya, ito muntik nang mamatay pero wala man lang simpatya si Xavier sa kanya.

“Mag-hire ka na lang ng magluluto para sa kanya.” walang emosyon niyang sagot.

“Pero mapili si Ysabel sa pagkain!”

“Xavier, asawa mo ako at hindi katulong!” hindi na niya napigilang sumagot.

“What do you mean?”

“You heard me, Xavier. Hindi ako magluluto para sa kanya!”

Natigilan si Xavier sa kabilang linya. Ito ang unang pagkakataon na sinalungat ni Mayumi ang gusto niya.

“Mayumi, are you jealous again for no reason? Ysabel has no one else in this world but me. If I don’t look after her, she’ll have no one at all! And don’t forget… if you hadn’t forced this marriage, the woman bearing the name Mrs. Valerio today would have been her!”

Muli na naman siyang natigilan. Para na naman siyang binagsakan ng langit at lupa. Paulit-ulit iyong ipinapaalala ni Xavier sa kanya. At sa tuwing sinasabi nito iyon ay wala siyang maisagot.

Noong mga nakaraang taon, nagkaroon ng kidney failure ang ama ni Xavier at kinailangan ng transplant. Bihira ang blood type nito, at ang nag-iisang tugma ay ang ina niya. But the surgery failed. Her mother nearly died… and in the end, she did.

Bago ito mamatay, gumawa ito ng public request sa harap ng media… na pakasalan siya ni Xavier Luis Valerio.

But at that time, Xavier was already in love with Ysabel Cortez.

Dahil sa kahihiyan at pressure ay sapilitang pinaghiwalay ng mga Valerio si Xavier at Ysabel at inayos ang engagement nila. Dahil sa pagkabigo ay umalis si Ysabel ng bansa.

Ngunit hindi pa roon nagtapos ang bangungot… nang ayusin ng pamilya ni Xavier ang mga papeles ng kanyang ina ay napag-alamang may cancer ito. Alam ng ina niya na hindi na ito magtatagal at sadyang plinano nitong ipakasal siya kay Xavier bago pa ito mawala.

She became the target of harsh criticism, lahat ay siya ang sinisisi.  Maraming beses niyang sinubukang tumakas at tumangging magpakasal. Ngunit sa huli… hindi niya kinaya.

Kung tatanggi siya, mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng kanyang ina… kaya tiniis niya.

Paulit-ulit, sinabi niya sa sarili na magtiis. Pero ngayon, wala nang natitirang dahilan para magtiis.

Kung buhay pa ang kanyang ina at makikita siya sa kalagayan niya, siguradong magsisisi ito sa ginawang pamimilit na ipakasal siya kay Xavier.

“Ibabalik ko na sa kanya ang pagiging Mrs. Valerio.” kalmado ang boses niyang sabi kay Xavier habang mahigpit na hawak ang divorce papers.

“Xavier.... I want a divorce!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (75)
goodnovel comment avatar
Lerma Vega cepeda
dko mabasa chapter 5
goodnovel comment avatar
Dayang Lalangan
next chapter please
goodnovel comment avatar
Sohailyn Mambuay Plaza
almost 160 plus na akong bakit bumalik sa 1
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 700

    Pagdating nila sa tapat ng apartment ni Mayumi, bahagya niyang binagalan ang takbo bago tuluyang iparada ang sasakyan.Hindi niya agad pinatay ang makina. Napalingon muna siya sa katabi. Nakapikit pa rin ito, mukhang tuluyan nang nakatulog. Dahan-dahan siyang lumapit at marahang tinapik ang pisngi nito."Yumi... we're here."Ilang sandali pa bago gumalaw si Mayumi. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at nagtatakang nagpalinga-linga sa paligid."S-sorry. Nakatulog ako," aniya habang inaayos ang buhok. "Andito na pala tayo.""It's okay.""Thank you sa paghatid."Akmang bubuksan na nito ang pinto nang bigla itong natigilan, para bang may naalala."Wait..." Napalingon ito sa kaniya. "Ikaw nga pala... paano ka uuwi? Kotse ko itong ginamit natin."Napakamot siya sa ulo at bahagyang ngumiti. "Actually, can I stay in your apartment for a while? Hintayin ko lang si Alden. Nagpasundo na ako sa kaniya."Muli siyang tiningnan ni Mayumi. Kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Tila

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 699

    Oras na ng kanilang pag-alis kaya nagpaalam na siya kay Grandma. Kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam niya matapos ang naging pag-uusap nila ni Andra. Hindi man lubusang naibalik ang dati nilang samahan, masaya siyang kahit paano ay nagkaroon sila ng pagkakataong magkaayos."Promise me you'll visit me again, Mayumi. I don't want you to become a stranger in this house. Kung hindi ka pupunta rito, ako na mismo ang pupunta sa tinutuluyan mo," nakangiting saad ng matanda."O-okay, Grandma," nag-aalangan niyang sagot.Napangiti siya. Hindi naman siguro seryosong gagawin ni Grandma ang huling sinabi nito. Isa pa, hindi niya alam kung paano niya tatanggihan ang matanda kung sakaling bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang apartment."Take care of yourself, Mayumi."Bago pa siya makasagot ay niyakap na siya ni Grandma nang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap at bahagyang napapikit."I will, Grandma. You take care, too."Matapos magpaalam, magkasabay na silang naglakad ni Xavier patung

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 698

    "Kaya nga humihingi ako ng tawad. I'm really sorry, Ate Mayumi." Sandaling tumigil ito bago muling nagpatuloy. "Pwede bang ibalik natin ang dati nating relasyon? Maayos naman tayo noon, di ba? Noong hindi pa bumabalik si Ysabel sa buhay namin."Bahagya siyang napangiti, pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata."Ngayong wala na siya, ako naman ang kakaibiganin mo?" pang-aasar niyang tanong habang nakataas ang isang kilay."Hindi sa gano'n, Ate!" mabilis na pagtutol ni Andra. "Sadyang nabulag lang talaga ako ni Ysabel. Pero I promise, hindi na mauulit. Nakita ko na kung ano ang totoong kulay niya at kung sino talaga ang taong tunay na nagmamahal sa pamilya namin."Sandaling tumigil ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. "Ikaw iyon, Ate Mayumi. Kahit maraming beses ka naming nasaktan, you were always there for us, pero hindi namin iyon nakita dahil mas pinili naming paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Ysabel."Hindi siya agad nakasagot. Sa totoo lang, matagal na

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 697

    MAYUMI’S POV:Pagkababa nila sa dining area, napansin ni Xavier na sila na lang pala ang hinihintay ni Andra. Naroon na si Grandma, at katabi nito si Mayumi na tila masayang-masaya sa pinagkukuwentuhan.Nang mapansin sila ni Mayumi, agad itong napalingon sa kanilang direksiyon. Ngumiti siya nang makita ang dating asawa.Nakakatuwa talaga si Mayumi. Kahit ilang beses na silang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan, hindi pa rin niya maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ito."My dear grandchildren! Mabuti naman at nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay. Halika na, maupo na kayo. Let's have breakfast," masayang bati ni Grandma."Sorry, Grandma. Si Kuya kasi ang tagal magbihis. Parang nagpapa-cute pa!" natatawang sumbong ni Andra."Stop it, Andra," saway niya sa kapatid.Nakita niyang bahagyang namula si Mayumi sa narinig. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti nang palihim bago hilahin ang isang upuan at umupo sa tabi nito."Dapat nauna na kayong kumain. Hindi n'yo na sana ako hin

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 696

    Unti-unting bumaba ang kaniyang kamay sa kaniyang katawan. Hindi niya maiwasang alalahanin ang init ng katawan ni Mayumi sa ilalim ng kaniyang mga palad at ang bawat sandaling magkasama sila kagabi.Dahan-dahan niyang minamasahe pababa at pataas ang kanyang alaga, inaalala kung gaano kainit ang naging pakiramdam sa loob ni Mayumi.“Ohhh… fuck, babe…” ungol niya habang pabilis ng pabilis ang kanyang pagsasarili. Kung paano siya kabilis maglabas-masok sa butas ni Mayumi kagabi ay ganoon din kabilis ang galaw ng kanyang kamay ngayon.Napapikit siya at napabuntong-hininga. Nakakatawa. Si Xavier Valerio, isang lalaking kayang makuha ang atensyon ng kahit sinong babae sa isang iglap, ay narito ngayon, nag-iisa sa shower at pinapantasya ang kanyang dating asawa.Kung may makaaalam lang sa kalagayan niya ngayon, malamang na pagtatawanan siya ng mga ito.Pero nawalan na siya ng gana sa ibang babae simula nang maghiwalay sila ni Mayumi. Hindi niya rin namalayang unti-unting wala na siyang sex l

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 695

    XAVIER’S POV:Pagkapasok ni Xavier sa loob ng banyo ay doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon habang mariing nakapikit.“Fuck!” mahina niyang bulalas.Napahawak siya sa dibdib nang maramdaman ang walang habas na pagtibok ng kaniyang puso. Sobrang lakas niyon na para bang anumang oras ay maaari itong kumawala sa kinalalagyan nito. Ilang beses siyang huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili, pero tila walang epekto iyon.Damn! Ano ba ang nangyayari sa kaniya?Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng kaniyang puso sa simpleng presensya ni Mayumi. Isang tingin lang nito, isang haplos o kahit ang simpleng paglapit nito sa kaniya ay sapat na para guluhin ang kaniyang buong pagkatao.Napailing siya at napahawak sa batok. “For God's sake, Xavier!”Napatingin siya sa salamin. Magulo ang kaniyang buhok at halatang hindi pa tuluyang nawawala ang antok sa kaniyang mukha. Napabuntong-hininga siya bago binuk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status