LOGINIlang araw din silang hindi nakapag-usap nang maayos dahil sa pag-iingat. Pareho nilang alam na hindi sila maaaring maging pabaya, lalo na't maraming maaaring makahalata sa ginagawa nila.Pero hindi niya kayang ipagpaliban ang magandang balitang ito."Why are you calling me?" agad na tanong nito. "Didn't I tell you not to call unless it's something important?""Well, this is important, love." Hindi niya napigilang ngumiti. "You're going to love this news.""Then tell me. What's so important?""Meron na ako.""Meron ka na ng alin?""The robotics data, Ysabel. I finally got it!"Sandaling natahimik ang babae sa kabilang linya. "Are you serious?""Of course! At hindi mo mahuhulaan kung paano ko nakuha." Napatingin siya sa folder na nakapatong sa kanyang mesa. "Si Mr. Valerio mismo ang nagbigay nito sa akin. He hired someone to work on the project, and this is the result of that person's work.""Wait... Xavier himself gave you the robotics data?""Yes! At masasabi kong napakaganda ng pagk
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng notification mula sa kanyang laptop. Isang bagong email ang pumasok, at nang tingnan niya ang sender, agad niyang nakitang mula iyon kay Mayumi.Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad iyong binuksan.Napangiti siya habang isa-isang tinitingnan ang robotics data na ipinadala nito. Hindi niya maiwasang mapailing nang bahagya, kasabay ng paghanga sa detalyadong trabahong ginawa ng babae.Ayaw man niyang aminin, talagang humanga siya. Hindi niya akalaing ang babaeng limang taon niyang nakasama sa iisang bahay bilang isang housewife ay may kakayahang gumawa ng ganoon kagandang formula.Higit pa roon, ang solusyong inilatag ni Mayumi ay isang bagay na hindi man lamang sumagi sa isip niya. Ilang araw na rin silang nag-iisip ng paraan upang mapabuti ang kanilang robotics project, ngunit sa isang iglap ay nakahanap ito ng sagot sa problemang matagal na nilang pinoproblema.Mayumi is really a genius. Marami pa pala talaga siyang hindi nalalaman tungkol dating
MAYUMI'S POVMatagal na nakatayo si Mayumi sa may pintuan kahit matagal nang nakababa si Xavier. Hindi niya alam kung bakit tila paulit-ulit na umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang mga sinabi nito.I will court you again. From the very beginning, if that's what it takes.Napapikit siya at marahang napahawak sa dibdib.Bakit ba ganoon? Bakit sa tuwing nagpapakita ng sincerity si Xavier ay hindi niya magawang basta na lamang balewalain ang mga sinasabi nito?Alam niyang hindi simpleng bagay ang muling magtiwala sa isang taong minsan nang sumira sa puso niya. She had been through so much because of him. Ilang beses siyang umiyak, ilang beses na nagtanong sa sarili kung saan siya nagkulang, at ilang beses ding pinilit tanggapin na baka hindi talaga sila para sa isa't isa.And now, here he was, asking for another chance.Napailing siya at tuluyang isinara ang pinto. Hindi niya gustong umasa. Ayaw na niyang bumalik sa panahong ang bawat kilos at salita ni Xavier ay may kakayahang baguhin a
Pagdating nila sa tapat ng apartment ni Mayumi, bahagya niyang binagalan ang takbo bago tuluyang iparada ang sasakyan.Hindi niya agad pinatay ang makina. Napalingon muna siya sa katabi. Nakapikit pa rin ito, mukhang tuluyan nang nakatulog. Dahan-dahan siyang lumapit at marahang tinapik ang pisngi nito."Yumi... we're here."Ilang sandali pa bago gumalaw si Mayumi. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at nagtatakang nagpalinga-linga sa paligid."S-sorry. Nakatulog ako," aniya habang inaayos ang buhok. "Andito na pala tayo.""It's okay.""Thank you sa paghatid."Akmang bubuksan na nito ang pinto nang bigla itong natigilan, para bang may naalala."Wait..." Napalingon ito sa kaniya. "Ikaw nga pala... paano ka uuwi? Kotse ko itong ginamit natin."Napakamot siya sa ulo at bahagyang ngumiti. "Actually, can I stay in your apartment for a while? Hintayin ko lang si Alden. Nagpasundo na ako sa kaniya."Muli siyang tiningnan ni Mayumi. Kitang-kita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Tila
Oras na ng kanilang pag-alis kaya nagpaalam na siya kay Grandma. Kahit paano ay naging magaan ang pakiramdam niya matapos ang naging pag-uusap nila ni Andra. Hindi man lubusang naibalik ang dati nilang samahan, masaya siyang kahit paano ay nagkaroon sila ng pagkakataong magkaayos."Promise me you'll visit me again, Mayumi. I don't want you to become a stranger in this house. Kung hindi ka pupunta rito, ako na mismo ang pupunta sa tinutuluyan mo," nakangiting saad ng matanda."O-okay, Grandma," nag-aalangan niyang sagot.Napangiti siya. Hindi naman siguro seryosong gagawin ni Grandma ang huling sinabi nito. Isa pa, hindi niya alam kung paano niya tatanggihan ang matanda kung sakaling bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang apartment."Take care of yourself, Mayumi."Bago pa siya makasagot ay niyakap na siya ni Grandma nang mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap at bahagyang napapikit."I will, Grandma. You take care, too."Matapos magpaalam, magkasabay na silang naglakad ni Xavier patung
"Kaya nga humihingi ako ng tawad. I'm really sorry, Ate Mayumi." Sandaling tumigil ito bago muling nagpatuloy. "Pwede bang ibalik natin ang dati nating relasyon? Maayos naman tayo noon, di ba? Noong hindi pa bumabalik si Ysabel sa buhay namin."Bahagya siyang napangiti, pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata."Ngayong wala na siya, ako naman ang kakaibiganin mo?" pang-aasar niyang tanong habang nakataas ang isang kilay."Hindi sa gano'n, Ate!" mabilis na pagtutol ni Andra. "Sadyang nabulag lang talaga ako ni Ysabel. Pero I promise, hindi na mauulit. Nakita ko na kung ano ang totoong kulay niya at kung sino talaga ang taong tunay na nagmamahal sa pamilya namin."Sandaling tumigil ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. "Ikaw iyon, Ate Mayumi. Kahit maraming beses ka naming nasaktan, you were always there for us, pero hindi namin iyon nakita dahil mas pinili naming paniwalaan ang mga kasinungalingan ni Ysabel."Hindi siya agad nakasagot. Sa totoo lang, matagal na

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





