Share

Chapter 6: PAIN REMAINED

Tinitigan niya itong naglalakad patungong pintuan pero hindi lumabas, sumandal lang. Bumaba ang paningin niya sa tiyan nito. Maputing lalaki ito noon pero tila nagpa-tan yata ito ng kaunti. Bukod doon, nàkàkàlàwày ang abs nito, hindi niya mapigilang mapalunok, pera sinikap niyang maging natural lang. Ayaw niyang mapansin ng lalaki ang crave niya. 

Noon, tulad ng sabi nito, hindi sila nag-séx, halik at yakap lang ang nagawa nila, because that time, masyado siyang sensitive. Nasa stage pa siya ng trauma, takot siya sa mga lalaki. Pinaramdam rin nito sa kaniya noon ang pagmamahal na hindi siya nagagalaw. Nahahawakan lang, naghahalikan, at pinakitaan talaga siya ng respeto. 

Pero ngayon, iba na, out of the blue they made out, at masasabi niyang sa lahat ng lalaking naka-encounter niya, he's the best. 

"Enjoying the view?" biglang tanong nito.

Napasinghap siya, napataas ng mukha at para hindi halata ang gulat niya, ay tinuloy niya sa pag-cross ng mga braso ang simpleng igtad niya. Hindi ito kumilos, nakasandal pa rin ito sa saradong pintuan, nasa parehong bulsa ang mga hinlalaking daliri nito since maong na pantalon ang suot nito at fitted. Naka-cross ang mga binti nito kaya bagay na bagay itong kunan ng litrato.

Ngunit nagpanggap siyang hindi nakakaapekto sa kaniya ang view na iyon bagkus plano niyang baliktarin ang sitwasyon. Nakaupo pa rin siya sa upuan, nag-cross siya ng mga braso at tumingin sa mukha nito. "I'm just curious..."

"Hm..." tugon nito.

Nagpatabingi siya ng ulo. Pero napaisip rin. Matalino itong si Lucas, at pag-dating sa banatan, hindi niya sigurado kung kaya niya ito. Magaling siya doon, alam niya iyon sa sarili niya pero hindi pa niya kabisado ang Lucas na nasa harapan niya. Umiling siya at bumulong na, "Nevermind." 

Bumaba ang paningin niya sa paper bag. Narinig naman niya ang ismid nito, pero siya kinuha niya iyon mula sa sahig ulit. Binuksan niya ito at sumalubong sa kaniya ang amoy ng napakasarap na shawarma. Natakam siya, atat siyang kumain. Para kasi sa kaniya ang shawarma ang pinaka-the best na pagkain sa buong mundo. 

Dahil doon may naisip siyang tanong. Tumingin siya rito. "I'm curious why until now, you still know my favorite food."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Umangat ito mula sa pagkasandal sa pintuan at naglakad pabalik sa kaniya, "Every time I see that thing, it reminds me of Plushiefish."

Plushiefish, iyon ang nickname nito sa kaniya noon. Nanginit ang mukha niya, lalo na't naririnig niya ulit ang salitang iyon. Kaya lang naman Plushiefish ang tawag nito sa kaniya dahil sa tuwing kumakain siya ng Shawarma, sa sobrang sarap nito, napupuno ang bunganga niya. Bumubukol ang magkabilaang pisngi niya at mukha nga siyang Plushiefish.

Umiwas siya ng tingin, sandaling sumulyap sa pader at nagtanong na lang, "Where are we?" Tiniis niya ang gutom at takam sa pagkain.

"Why should I tell you?" tanong nito. 

"Why can't I know?" tanong naman niya, sinamaan ito ng tingin.

"You're my hostage," katwiran nito. 

"You released me," katwiran naman niya. 

Tiningnan siya nito taas-baba at sumagot, "In my favorite place." 

Kumunot ang noo niya. Napatingin sa buong paligid, puro unpainted wall ang nakikita niya. Humarap siya rito. "Your favorite place?" tanong niya. 

"Do you want to go home?" tanong nito. 

Natawa siya sa tanong nito at sumagot, "Of course."

"Then eat," anito sabay sulyap sa pagkain niya.  

"Before you?" tanong niyang sarkastiko. 

"Why not? I missed seeing my favorite pet." 

Nainis siya sa sinabi nito. So ibig sabihin ang pagiging Plushiefish niya sa mga mata nito noon pet ang tingin sa kaniya? Binato niya ito ng masamang tingin, na kung halimbawa may laser ang mga mata kaniya, butas ang mukha nito. 

Nag-crouch ito sa harapan niya, kinalabit ang pwètàn ng paper bag. "Com'on, you're hungry."

Dahil sa pride niya, diniin niya sa dibdib nito ang paper bag. "Hindi ako kakain." 

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Are you sure?"

Tumayo siya at nag-cross ng mga braso. "Mas gustuhin ko pang umuwi na lang." 

Humakbang siya pero mabilis siya nitong pinigilan, at hindi kamay niya ang hinawakan nito kundi hita niya. "Eat before we leave." 

Umipekto sa kaniya ang init ng palad nito. Overall ang suot niya, bukod sa white gown na pang-doctor, dress ito pero style blouse ang sa pang-itaas at pencil skirt na above the knee ang pang-ibaba, pero hindi iyon separate and both cream color. Pero ang kamay nito na nakahawak sa hita niya ay malapit sa gitna niya ang mga daliri nito at ang hinlalaki nito ay naipit ang hem ng palda niya. 

Napalunok siya at nagtanong, "What do you think you're doing?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. Tinititigan ang makinis niyang balat habang sinasabi, "I told you to eat."

"Ayaw ko!" matigas niyang sabi at akmang alisin ang kamay nito pero humigpit lang. 

"Eat," pamimilit nito. 

"Ayaw ko nga, ang tigas ng ulo mo ano?" singhal niya at tinutulak pababa ang kamay nito pero tinaas lang. 

Napasinghap siya at napapikit. Nakaramdam siya ng init sa ginagawa nito at ayaw niya ng ganoon. Natatalo ang pride niya. 

"Talagang matigas ang ulo ko lalo na kung alam kong gutom ka," straight tagalog nitong sabi at hindi maiiwasang hindi slang ang tunog. 

Gusto niyang matawa dahil awkward ang sound, pero pinigilan niya ang sarili niya at mas pinakitang galit siya. "Hindi ako gutom."

"You are," giit nito. 

"Hindi nga!" sigaw na niya. 

Pero hindi ito sumagot, tinaas pa ang kamay nito kaya dalawang kamay na niya at nagpipigil rito at tinutulak ito pababa. Malakas ito kaya wala siyang choice kundi umupo sa harapan nito at dahan-dahang binanggit ang mga salita pero may giit, "Hindi ako gutom." At binara niya ito, "Alisin mo iyang kamay mo, bástós ka eh."

Tinulak niya ito, napasalampak ito sa sahig, pero natatawa. "Bástós?" Taas kilay itong tumitig sa kaniya. Sobrang lapit pa ng mukha nito at talagang umayos pa ng upo at lumapit pa sa kaniya. "After you begged me for séx?" 

Napalunok siya, ramdam niya ang bumabalatay na init sa pisngi niya. For sure ngayon kitang-kita nito ang namumula niyang mukha. Tinulak niya ito at mabilis na tumayo. 

Umatras agad siya at sinabing, "Sigurado ako..." Nagkuyom siya ng kamao, naiinis siya sa ginagawa nito lalo na't sinasampal sa kaniya ang ginawa niya pero gusto niyang mangatwiran. "Kung hindi ako lasing hindi ko gagawin iyon. At sa ating dalawa ako lang ang lasing, pinagsamantalahan mo lang ako," bintang niya. 

Tumayo ito, sumunod ang mga mata niya. Tumawa ito ng pagak at nagrason din, "I stopped you, many times but you insisted, just so you know. I'm just a dude, you turned me on. Well, how can I not? You're so dámn hot." 

Humakbang siya palapit rito, mabilis, at mabilis ring dumapo ang palad niya sa pisngi nito. Napatabingi ito ng ulo, kumurap-kurap, habang siya dinuro ito. "Siguro talagang hindi lang kita kilala noon. Pakitang tao ka lang dati, kesyo matino ka, marunong kang rumispeto ng babae pero ang totoo péké ka!" 

Humarap ito sa kaniya, pero tinuloy niya ang pagpuputak niya. "You make me fall in love with you then you broke my heart! Pinaramdam mo sa akin na hindi ako karapat-dapat respetuhin that I'm just a toy! Pero sa loob ng maraming taon, after that day, kahit maraming nagsasabi sa akin na tàràntàdo ka lang talaga, dito..." Dinutdot niya ang dibdib niya. "Naniniwala ito na hindi ka ganon, na mahal mo talaga ko, na baka may nangyari lang talaga, at iyon ang rason mo para umalis, pero sinasampal ako ng katotohanan paulit-ulit na iniwan mo ako pagkatapos kitang mahalin! Lalo na't ilang taon akong naghintay, hindi ka bumalik!" 

Tinulak niya ito, hindi ito nagprotesta, umatras lang nagpatianod sa tulak niya. "Imagine that nag-hintay ako?" Rumagasa na ang mga luha niya. Dinuro-duro niya ito. "Naghintay ako, naghintay ako para patunayan sa sarili kong worth it ako! Na hindi ako laruan! Pero wala! Pinatunayan mo lang na ganoon talaga ako! At sinubukan ko sa iba, trying to prove myself na karapatdapat din akong mahalin, pero pinakita lang nila sa akin na hindi! Kayong lahat!" 

Galit siyang nagpunas ng luha. Hindi ito nagsalita, nangibabaw ang hagulhol niya. Tumalikod siya rito, at sinabing, "Hindi ako kakain, ayokong màlàson." 

Tumungo siya sa may pintuan, pinihit niya ang doorknob. Hindi ito naka-lock kaya binuksan niya. Para pala itong maliit na bahay, balcony agad, at labasan na, pero naamoy niya ang dagat dala ng malakas na hangin. Napatingin siya sa mga paa niya, wala siyang sapatos, hindi niya alam kung saan nito nilagay ang mga iyon. 

Tanging white gown lang ang suot niya at dress. Nakita rin niya sa mga paa niya ang bakas ng tali. Pati sa braso niya, tiningnan niya at namumula ito. Dahil doon mas lalo siyang napahagulhol ng iyak. Ang lalaking minahal niya noon, nagawa ito sa kaniya ngayon. 

Nasasaktan pa rin siya, pero bakit nga ba mas matindi ang sakit na nararamdaman niya rito ngayon? Dahil ba sa memories? Siguro nga dahil sa memories kasi this time, masyadong nang matagal, 12 years na ang lumipas, hindi na niya ito mahal. 

Lumabas siya mula sa bahay na iyon, at napaharap siya sa dagat. Sobrang ganda ng nakikita niya pero hindi niya na-appreciate dahil nasasaktan siya. 

Katulad ng sabi nito, binalik siya nito sa hospital. Wala siyang sapatos, at once na bumaba siya sigurado mag-aani siya ng awa sa mga makakakita. Ayaw niyang kinakaawaan siya katulad ng dati. Pero wala siyang choice ngayon kundi bumaba at isa pa parang wala namang katao-tao ang parte ng hospital na ito. 

Bumaba si Lucas, umikot ito at pinagbuksan siya. Bumaba siya, at ramdam niyang nakatitig lang ito sa kaniya pero manhid. Wala itong pakialam kung mugto man ang mga mata niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Hindi naman siya minahal ng lalaking ito, pinaglaruan nga lang. Kanina nga habang sinusumbatan niya ito, wala itong pakialam. 

Mula sa likuran, mula sa loob ng hospital may lumabas, mga private security. Hindi ang mga guard, professional security na may access sa loob ng hospital. Kasama ng mga ito ang Presidente pati ang mga assistant nito. 

Pero may isa na tumakbo papunta sa kanila. "Ave!" Napalunok siya nang makita si Red may bendahe ito sa ulo. Hindi siya naka-imik, mabilis itong yumakap sa kaniya, at nagtanong, "How are you? You okay? Are you hurt?" Ramdam niya sa boses nito ang sobrang pag-alala. Tumulo lang ang luha niya, sana itong si Red ay totoong mahal siya, pero hiniwalayan na siya nito. So huli na.

Mabilis itong kumalas kaniya, hinawakan ang pisngi niya. Namumula ang mga mata nito, tila galing sa iyak. Bumaba ang mga kamay nito sa kamay niya at nakita nito ang bakas ng mga tali. At dahil doon napatingin ito kay Lucas. "What did you do to her?!"

Mabilis pa ito sa alas-kuwatro, sinuntok nito s Lucas. Hindi nakailag si Lucas, nasapol ni Red ang mukha nito. 

Napasubsob na lang ito sasakyan, at dahil doon napatili siya. "Red!" Mabilis niya itong niyakap upang pigilan na bigyan pa ito ng isa pang suntok.

Kinabukasan, may rights sana siyang magpahinga dahil sa nangyari. Binigyan rin siya ng Presidente ng time para mamili sa kung ano ang gusto niya, mag-trabaho o magpahinga. Pero pinili niya ang mag-trabaho dahil para sa kaniya, ang nangyari sa kaniya ay hindi nàkàkàmàtay, mas kailangan siya ng mga pasyente niya. 

Nakuha niya rin ang sasakyan niya sa bar kaya iyon ang ginamit niya papuntang hospital. Pag-akyat niya sa taas gamit ang elevator, sinalubong siya ng mga jr surgeon at kinamusta ang kalagayan niya. Mostly lalaki, gano'n kasi siya ka-babe magnet. Naturingan pa nga siyang Casimir's Jewel, dahil sa pagiging attractive niya. 

Deretso siya sa opisina niya, nag-suot ng white gown pero pumasok si Dr. Fawn Marlowe ang matalik niyang kaibigan. "Pumasok ka, okay ka lang ba?" 

Huminga siya nang malalim at ngumiti. Tumango siya, "Hindi naman ako sinaktan noon, may kailangan lang siya sa Presidente."

"Kailangan? Ano?" tanong nito, curious na curious. Pasimple pa siyang hinawakan sa braso. 

"Ewan ko license daw niya, ni-hold raw ni Sir Jaxon," sagot niya.

"Bakit naman ni-hold ni Sir? Sino ba iyon?" tanong nito ngunit nang sasagot na sana siya biglang nagtaas ito ng daliri na para bang may naalala. "Ay teka, mamaya mo na sabihin sa akin iyan. May announcement pala ngayong umaga, kailangan nating pumunta sa auditorium."

"Ha?" aniya pero hinila na siya nito. 

Habang tumatakbo sila papunta sa lugar na iyon, tanong siya nang tanong, pero wala rin itong idea tungkol sa announcement. Pagpasok nila sa loob, maraming doctor na ang naroon. Narinig niya ang bulong-bulungan at ayon sa mga ito ang bunsong anak raw ng Chairman ay dumating. 

Sa loob ng ilang taon niyang pagtatrabaho sa hospital, never niyang nakilala ang bunsong anak ng Chairman. Ibig sabihin, kapatid iyon ng Presidente. Alam lang niya ang pangalan, pero never niyang nakita ang mukha dahil sa tinalikuran raw nito ang pamilya pero ngayon tila bumalik at iyon ang tungkol sa announcement. 

Hinila siya ni Fawn pa-upo sa upuan. Pumwesto sila sa gitna at napatingin siya sa unahan, sa stage. Nakita niyang umakyat doon ang Presidente na inaabangan ng lahat. 

Sobrang linis nitong tingnan. Nasa 40 years old pero parang kaidad lang niya. Gwapo rin kasi ito pero walang asawa. 

"Rise and shine, esteemed healers of humanity!" ani nito na nakatayo na sa harapan. Tumayo naman ang lahat at pumalakpak. Tumango-tango ito at sumenyas na maari na silang maupo.

"May this fine morning find you in the best of health, both in body and spirit. As we gather here today, I extend my heartfelt wishes for your well-being. So, my brilliant healers, I must ask: How are you?" tanong nito at ngumiti sa lahat. 

Energetic namang sumagot ang mga doctor na katulad niya. "Still fighting for the better health, Mr. President!" Napangiti siya lalo na't ang bait ng Presidente makitungo sa mga katulad niyang doctor. 

"Wow! That's good to hear then!" Umayos ito ng kurbata at muling tumayo ng tuwid sa harapan ng microphone. 

"We are thrilled to announce the arrival of a new member to our hospital team," anito tila ipapakilala na ang sinasabing kapatid nito ayon sa naririnig niya. "Please join us in extending a warm welcome to my younger brother, Luther Casimir Carterson!"

Napangiti siya at sumabay sa palakpakan pero naglaho ang ngiti niya nang makita si Lucas na lumabas mula sa back stage at tumayo sa tabi ng Presidente. 

"He is an exceptional addition to our family," ani pa ng Presidente. Sumigabong ang palakpakan pero ang iba ay nagbulong-bulungan dahil naka-sunglasses ito dulot ng pasa nito sa mukha na sinuntok ni Red kahapon. 

Pero siya, nanatiling nakatulalang nakatitig kay Lucas at gulong-gulo sa sitwasyon. Paano ito naging si Luther Casimir Carterson? 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status