Tila lahat ng pulso sa katawan niya tumibok. Bumalatay ang malakuryenteng pakiramdam sa buong sistema niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, halos mabingi siya lalo na't sa bawat galaw ng labi nito, tila namamarusa. Hindi siya makagalaw, hawak nito ang batok niya na ubod ng higpit, at ang isang kamay naman nito ay nasa likuran niya. Sinikap niyang itulak ito, pero kulang ang lakas niya. Natatalo rin kasi ng kaba ang katawan niya lalo na ang sensasyon na nararamdaman niya. "Hoy! Masyado ka nang namimihasa, bitawan mo ang kaibigan ko!" Hinihila ito ni Fawn. Ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkayakap sa kaniya kaya wala rin itong magagawa. "Ano ba?! May boyfriend iyan, bakit mo hinahalikan! Hoy!" Bingi ito, parang balak pa nitong patagalin ang halik at sumasang-ayon ang katawan niya ngunit ng sabihin ni Fawn, "Sir Jaxon help!" Bigla itong kumalas sa kaniya. Hingal na hingal silang pareho. Galit siyang napa-ayos ng buhok, at napatingin sa labas. Dumating nga ang Presidente
"May sakit ka ba sa utak? Naka-dress ako," rason niya. Palipat-lipat ang paningin niya mga mata labi nito. Kabadong-kabado sa pinapagawa nito sa kaniya lalo na't wala siyang short, panty lang talaga ang suot niya para mas komportable siya. Nakasuot lamang siya ng Autumn dress, magkahalo ang kulay red and dark violet, medyo fuchsia pink na ang dating at ang pang-ibaba nito ay kulay black na pinagpatong-patong lang na mga lace, madali lang liparin ng hangin. Kung halimbawa hubarin niya ang panty niya at ibigay rito, hindi magiging komportable ang pagkilos niya. Malamang, sinong tángá ang mag-dress lang na walang panty? Kahit na nakasuot siya ng white gown hindi pa rin sapat iyon. Napalunok naman siya ng tumaas ang sulok ng labi nitong si Lucas at sinabi pang, "Com'on, take if off."Ang hot ng asta nito, lalo na nang sumulyap ito sa ilalim niya. Kaya nagagalit rin siya sa kaniyang sarili dahil sa epekto nito sa kaniya. Parang mas gusto na lang niyang sabihin dito na saka na lang siya
"Sorry for what my brother did." Kasalukuyan siyang nasa opisina ng Presidente, at nasa harapan niya ang baso ng orange juice. Pinatawag siya nito siguro para humingi ng pasensya kasi iyon naman ang unang sinabi nito para simulan ang pag-uusap. Tumango naman siya at ngumiti. "Binalik niya ang opisina sa akin, at okay lang din naman." Sa harap ng Presidente, pwede ayaw nito ng formal talk. Kaya naging casual siya ngayon, at isa pa, mas lamang ang Filipino blood nito compare kay Lucas. Brown black ang kulay ng buhok nito, siguro mana sa ina nito kung sino man ang nanay nitong si President. Si Lucas naman nagmana sa ama, blonde hair rin kasi ang chairman. Saka lang niya napagtanto. Ang dami palang clue bilang patunay na pamilya ni Lucas itong mga boss niya. Ang ama nito, blonde ang buhok, Carterson ang apelyido, at bukod doon ang Luther Casimir, alam ng lahat na tinalikuran nito ang pamilya. Base sa kwento ni Lucas noon, kinikilala ito ng ama na naliligo ng mali. Hindi kasundo ang k
Stress na napaupo si Lucas sa loob ng opisina niya. Wala pang kabuhay-buhay ang loob nito dahil wala pa rito ang lahat ng gamit niya. Ngunit hindi na niya alintana ang kung ano ang kulang sa opisina niya. Napahawak na lang siya sa kaniyang sintido habang nakapandekwatro sa upuan niya. Nakapatong ang siko niya sa desk at nakaharap siya sa opisina ni Avery. Sa tuwing nakikita niya ang babae na malayo sa kung ano at sino ito noon nagagalit siya. Nagagalit siya sa isipin na kung hindi dahil kay Jaxon hindi ito naging ganito. Well, masaya na rin naman siya na wala itong Haphephobia, na magaling na ito ngayon at successful na rin. Alam niyang dito sa hospital na ito inalagaan noon si Avery. Dito ito gumaling, dito rin ito kumuha ng clinical experience records, dito rin nagpatuloy sa pag-aaral hangang sa naging doctor. Kahit nasa ibang bansa siya may mata at tenga pa rin siya dito. Iyon lang ang hindi alam ni Jaxon. Kung bakit nga naman naghiwalay sila ni Ave noon. Actually, hindi niya ka
May isang oras rin ang pagbabad ni Lucas sa bathtub. Hindi mawala sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Ave sa rooftop. Akala niya noong una, kaya naging wild ang babaeng iyon kasi lasing lang, hindi niya inasahan na may alak man o wala ito sa katawan, malupit ito. Mula sa ilalim ng bumubulang tubig, inangat niya ang kamay niya. Tila ba'y nararamdaman pa rin ng palad niya ang balat nito na hinawakan niya. Lalo na sa púwétan nito na hindi niya mapigilang pigain ng mga sandaling iyon. Napapikit rin siya at hinayaang mamayani sa kaniyang guni-guni ang úngól ng babae. Ang laki ng twist nito sa noon at sa ngayon. Dating takot sa mga lalaki pero ngayon malupit nang makipaglaro. Kaya sigurado habulin ng mga lalaki ang babaeng iyon kasi panalo sa galaw. Pero magaling manakit ng damdamin. Kitang-kita niya kung paano umiiyak ang ex boyfriend nito, ang lalaking nanuntok sa kaniya. Sinundan niya kasi ito nang lumabas ang lalaki mula sa opisina ni Avery, na namumula ang mukha, nanlulumo. Hal
"Ibang klase ka na, Ave. Habang tumatagal lumalala ka," napapailing na wika ni Fawn, habang kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. Sumabay ito sa kaniya papuntang hospital dahil sa unit niya ito natulog para maki-chismis sa mga kalokohan niya sa buhay. Tumawa pa ito, at dumugtong, "Ano iyan? Level up sa pagiging makasalanan?" Sumimangot siya habang nagmamaneho."Level up ka diyan..." sita niya. "Hindi ba level up? Alam ko naman na ba't-ibang lalaki na ang naka-encounter mo. Pero Ave, mga naging boyfriend mo iyon. Kung nakikipag-séx ka man atleast boyfriend mo. Pero kahapon..." Nagpatunog ito ng dila at umiling. "Ex boyfriend actually. At hindi pa kayo close ah. Basta na lang..." Nagpaputi ito ng mga mata animo'y na stress sa pinaggagawa niya at napasandal sa upuan. Maya-maya tumawa ito ulit. "Ewan ko sa'yo, bahala ka diyan, basta natatawa ako.""Edi matawa ka, may nagpipigil ba sa'yo? Tsaka unexpected iyong nangyari kahapon. Nainis ako eh," rason naman niya. "So kapag naiinis, b
Pagkalabas nila ng Conference room, nagkahiwalay sila ni Fawn, mayroon rin kasi itong mga pasyente na inaasikaso. Siya naman naglalakad sa corridor para puntahan rin ang isa sa mga pasyente niya. Ngunit saktong pagkarating niya sa dulo kung saan may hagdan, niluwa nito si Stella na naka-cross ang mga braso. Ang sama ng tingin nito sa kaniya at inasahan niyang magsalita ito ng kung ano-ano sa kaniya pero tuloy-tuloy ang lapit nito. Kinabahan siya, slight at walang anu-ano'y hinila nito ang buhok niya. "Ang kapal ng mukha mong hiyain siya sa harapan ng lahat!" Napahawak siya sa kamay nito at napasigaw. "Ahh! Ano bang problema mo? Bitawan mo ang buhok ko!" Napapikit siya sa lakas ng hila nito. Parang matutuklap ang anit niya. "Problema ko? Ikaw! Masyado kang mayabang! Bakit sa tingin mo bida ka? Sinabi mo talaga iyon kay Lucas?! For your information na babae ka, si Lucas anak ng Chairman, may-ari ng hospital! Kaya ka niyang paalisin kung gusto niya. Ikaw, doctor ka lang dito! Wala kan
Hindi na alintana ni Lucas ang bigat ni Ave na binubuhat niya ito. Nakaalalay naman sa kaniya ang binatilyo, halatang nag-aalala kay Ave. Kung hindi siya magkakamali, guardian ng isa sa mga pasyente ang binatilyong ito at hawak ni Ave. Pagbukas ng elevator, may agad na sinalubong na stretcher sa kanila. May mga nurses na tumulong, may kasamang doctor at napatili ito dulot ng pag-alala, "My god, Avery!" Agad ring nagtanong randomly, "What happened to her?" "S-She's bleeding," nauutal niyang sagot.Umalalay ito sa kaniya habang pinapahiga niya ito sa stretcher, wala pa ring malay. Paghatak niya sa braso niya, napatingin ang doctor roon at nakita nito ang dugo. "Oh shít!" Maiwan pa ang ilang dugo sa braso niya, ngunit dahil sa kaba niya hindi na niya ito nagawang punasan pa. Sumunod si Stella rito, halatang takot sa maaring mangyari kay Ave. Ngunit mas higit siyang takot, lalo na't siya ang nag-tulak rito, iniwan pa nila. Parang gusto niyang iuntog ang sarili niya sa pader. Sobrang n