Share

Chapter 5: HE KIDNAPPED HER

Sinikap niyang makawala mula sa mga braso ni Lucas. Nabitawan siya nito, buti na lang nakahawak siya sa sasakyan kaya hindi siya dumiretso sa semento. Ngunit mabilis nitong binuksan ang sasakyan at bigla siyang hinila habang ang isang kamay nito, sinusuot pabalik ang mask. Sumigaw siya, "Over here! He's here!" Hinarap niya ito, "Akala mo makakatakas ka?! Bitawan mo ako!" 

"Shut up!" he groaned. 

"Bakit mo ito ginagawa?!" singhal niya pero mas napalakas ang tili niya nang itulak siya nito paloob sa sasakyan. Humawak siya sa frame ng pintuan, at nagmatigas. Pero pilit siya nitong tinutulak papasok. "Get in!"

"Ayoko! Sumuko ka!" sigaw pa niya pero pinalo nito ang puwetan niya, napatili siya at sininghalan nito, "Bástós!" 

"Get in, unless you want me to squeeze your butt," pang-aasar nito. Sa inis niya, imbis na pumasok, sinikap niyang makalabas pero binalik siya nito payuko sa loob ng sasakyan. 

"Let me go!" sagad sa lalamunan niyang sigaw. "Ano ba ang kailangan mo ha?"

"My Medical license," sagot nito sabay tulak sa kaniya papasok. Nagtataka siya sa sinabi nito kaya hindi niya namalayan na napaupo na siya nito sa loob ng sasakyan. 

"Hey, hey, hey, what the héll are you doing to my girlfriend?!" Napatingin siya sa gawi kung nasaan ang elevator. Pero sobrang bilis kumilos nito Lucas, naramdaman niyang may posas na na-lock bigla sa kamay niya. 

Napatingin siya sa mga posas na iyon at napámúrá, "What the hell?!"

Napatingin siya kay Lucas na ngayon ay sinara na ang pintuan. Tumahimik, naharangan ng saradong sasakyan ang ingay sa labas. Hinarap na ni Lucas si Red at nag-alala siya sa maaring mangyari. Taranta siyang tumingin sa likuran, at nakita niya si Lucas inuntog nito si Red sa likuran ng sasakyan. 

Napatili siya, "Red! What the héll, Lucas!" 

Hinawakan niya ang handle ng pintuan at binuksan pero nang akma na siyang baba, hindi siya makaalis. Nakarinig siya ng tunog ng kadena at pagtingin niya sa posas may naka-atach palang kadena roon. "Red!" tili pa niya, maririnig niya ang dàíng nito dahil sa nakabukas ang pintuan ng sasakyan. 

Hinila niya ang kadena at sinigawan si Lucas na ngayon ay papunta na sa driver seat, "Bakit mo ginawa iyon sa kaniya?!" 

Pumasok ito sa sasakyan. "Ano ba ang kailangang mo?!" singhal pa niya. "Bakit mo itong ginagawa?! Bakit ka nananakit? Boyfriend ko iyong sinaktan mo!" Halos mauubusan siya ng boses pero umupo lang ito at sinara ang pinto. 

Sumilip siya sa labas, "Red! You okay?" 

"He's okay," ani Lucas sabay hila sa kaniya sa balikat at sinunod nito ang pintuan pasara. 

 Pagtingin niya rito nahagip ng paningin niya ang baril sa harapan, nakapatong malapit lang sa manibela. Nanlaki ang mga mata niya at dahil doon, binalot siya ng takot at napasigaw. "Help! Help!" Ginamit niya ang posas panghampas sa lense ng pintuan para mabutas ito. "Red! Help me! Red!"

"Shut up!" singhal nito sa kaniya..

Hinarap niya ito. "You're a díck!" Pero bigla itong nag-dukot ng injection sa bulsa. Nanlaki ang mga mata niya ng hawakan siya nito sa braso. "H-Hey! Hey! You can't do this to me!" Pumalag siya pero hinawakan nito ang ulo niya at diniin sa sandalan ng upuan. Hinila rin nito ang kadena, para mapalayo ang mga kamay niya sa mukha niya at malaya ito sa gagawain sa kaniya. 

Nahihirapan siyang pumalag at maramdaman na lang niya ang tulis ng karayom na bumabaon sa batok niya. Ramdam niya ang sakit sa pagpasok ng gamot sa ugat niya at hindi nagtagal unti-unti nang nanlalabo ang paningin niya at huli niyang sinabi bago mawalan ng malay, "How dare you."

_

Nagising siyang masikip ang kaniyang paghinga, tila ba'y may harang ng daplis lang sa paglabas ng hangin sa ilong niya. Pag-angat niya ng ulo naramdaman niyang may tila mahigpit na bagay na nakayapos sa bibig niya at hindi siya nagkamali, naka-tape ang mga bibig niya at bukod doon, nakaupo siya pero hindi siya makagalaw. 

Nakatali siya sa upuan at nagdulot iyon ng pagpanic niya. Bumalatay sa kalamnan niya ang takot, nakatali ang mga paa niya sa apakan ng upuan habang ang mga kamay naman niya ay nakatali nasa likuran. Nahihirapan siyang gumalaw at nangangawit na rin. Wala siyang magagawa kundi umiyak na lang.

Bakit ginagawa ni Lucas ito sa kaniya? Pagtingin niya sa harapan, may camera na nakatuon sa kaniya. Mas humagulhol siya ng pag-iyak, nakatitig sa camera na iyon. Takot na takot siya, hindi niya alam kung ano ang plano ni Lucas pero this time, hindi siya pwedeng maging kampanti. 

Iba na ang Lucas na nakikita niya ngayon. Hindi ito ang Lucas na ex niya, o baka sadyang hindi lang niya kilala ang Lucas noon? Paano kung nagpapanggap lang ito noon na mabuting tao. Na willing lang tumulong pero ang totoo ganito talaga ang ugali ng lalaking iyon? What if kaya talaga ni Lucas púmátáy?

Kinidnap ba siya ng lalaking iyon para ipatubos sa hospital? Nalilito siya sa kakaisip sa posibilidad na dahilan nito. Una inoperahan nito ang pasyente niya, pangalawa, kinidnap siya. Paano nito nasisiguro na tutubusin siya ng hospital? O di kaya sa daddy niya siya nito patubusin? 

Ayaw niyang mag-alala ang ama niya, matanda na ito at kailangan na nitong mas ingatan pa ang kalusugan lalo na ang puso. Hindi pwedeng malaman ng daddy niya ang sitwasyon niya ngayon pero ano ba ang magagawa niya?

Nakatali siya, may busal ang bibig niya. Dagdag pa niya ang paligid, isang upuan lang ang laman ng kwarto, the rest sahig at mga pader na. Sumigaw siya kahit muffled ang boses niya. Nasasaktan ang lalamunan niya sa kakasigaw, nadadaluyan lang ng luha niya ang busal niya sa bibig at hindi niya alam kung may makakarinig ba sa kaniya o wala. 

Tumagal siya sa ganoong sitwasyon, iyak lang ang nagagawa niya. Iyak sa takot, at nasasaktan rin. Ang Lucas na kilala niya, ang nakaharap niya noon pinaramdam sa kaniya na mahal siya. Paulit-ulit niyang kinakapitan ang pinakita sa kaniya na ugali ni Lucas noon pero naiisip rin kung paano siya nito iniwan. 

Nanlumo na lang siya, after ng realization na paulit-ulit niyang ginagawa. Pero bumabalik siya sa paniniwalang, Lucas is a good man. Naglalaho lang ang paniniwalang iyon noong maalala na biglang umalis si Lucas na may iniwang break-up message sa kaniya. 

Lumipas ang isang oras, bumukas ang pintuan sa harapan niya. Napatingin siya sa pumasok, it's Lucas. Nakasuot ng pantalon pero walang pang-itaas. Napalunok siya na sa bawat hakbang nito, nagpi-flex ang mga maskulo. Pero hindi ibig sabihin noon na naakit siya, dahil paano mangyari iyon kung takot siya.

Ni-off nito ang camera at humarap sa kaniya. You hungry?" tanong nito.

Umiyak siya, tinitigan ito ng may pagmamakaawa. Rumagasa ang mga luha niyang umiiling rito. Pero may bitbit itong paper bag, at nilapag ito sa sahig. Sa tabi niya. Yumuko ito nagkaunti sa kaniya at tinitigan sandali ang mga mukha niya. 

"Imagine that? We were lovers then, but now you are my hostage," anito. Umiyak siya, nilakasan pa niya mina-manifest na sana maawa. "You hungry?" tanong ulit nito.

Tumango siya. Gusto kasi niyang alisin nito ang busal sa bibig niya. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo mga luha. Tumayo ito at humakbang papunta sa kaniyang likuran. May hinila ito at mukhang upuan. Katulad ng inaasahan niya, monobloc iyon at umupo ito sa harapan niya. 

"I don't know if we'll still be the same as before, after this. A lot has changed, hasn't it?" tanong nito, tumigil siya sa pag-iyak at tumitig sa mukha nito. Pero bumaba ang paningin nito sa dibdib niya at sinabing, "You are no longer afraid of a man's touch." 

Hinawakan nito ang braso niya, mukha sa itaas lang ng siko niya pinadaan nito ang daliri paakyat sa balikat niya. Nakaramdam siya ng kiliti but she chose to flinch and squeal. 

"Apart from that, you're making out with a stranger, let's just say it's me," asar nito. Nag-alburoto naman siya sa inis, at natatawa ito. "I enjoyed it, it was our first time. We've never done that before." Tinutukoy nito ang one night mistake na ginawa nila.

Muli na naman siyang umiyak, pero iyak ng naiinis na. Tumaas ang kilay nito, ngumisi at nagpasyang tanggalin ang busal niya sa bibig. Pagkatanggal ng busal tinanong niya ito, "Anong kailangan mo?" 

Kumibit-balikat ito. "My license," sagot nito. 

She scoffed. "You're license? Anong kinalaman ko doon? Bakit mo ginagawa ito?" Umiyak na naman siya. 

"To the fact that you are in top position in the hospital, it is clear that you hold great importance to the Boss. And that mutt took my medical license away from me. So through you, I'll get it back," paliwanag nito. 

Naguluhan naman siya, kunot-noong tinitigan ito taas baba at nagtanong, "How can you be sure that he will rescue me here? At isa pa, you deserve to have your license revoked! I'm not surprised considering what you did earlier. You lead the surgery on a patient under my care without authorization! That's a clear violation and you're using me to get that back?"

"My license was not revoked, it is currently on hold. That patient was originally under my care in US but your boss, using his power, he destroyed me there, that's why you have that patient. Making sense now?" Tumaas ang kilay nito. 

Siya naman hindi alam ang iisipin tungkol sa hospital. So ibig sabihin, itong si Lucas ay sa US nagtrabaho kaya hindi na niya nakita dito sa Singgapore? Posibleng totoo rin ang sinasabi nito, dahil galing US ang pasyente. 

"Bakit naman niya ginawa iyon?" wala sa sarili niyang tanong. Nahihirapang maniwala na magagawa iyon ng Presidente nila. 

Kumibit-balikat ito at nagpataas ng sulok labi. "Why do you think he did that? I am Top 1 Cardiothoracic Surgeon in the hospital I belong to, you are Top 1 Cardiothoracic Surgeon here in his hospital. The Naiara chairman has two hospital choices. Mine and yours."

Hindi pa rin siya convinced, mabait ang boss nila, lalo na sa kaniya at sa mga doctor nito. Malabo ang sinasabi nito. Pero imbis na makipag-dibate rito nagtanong na lang siya. "At paano mo nasisiguro na tubusin niya ako gamit ang license mo dito?" 

Tumitig ito sa mukha niya, kaliwa kanan tila binusisi ang kagandahan niya at binulungan pa siya ng,  "You're beautiful." 

Napasinghap siya. Kumabog nang malakas ang dibdib niya sa màlàndìng tono ng pagkasabi nito. Napalunok siya at ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya. Natawa ito at tumayo. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang may kinuha ito mula sa bulsa ng pantalon.

Balisong. Ang kaba niya kanina ay nadagdagan pa, patalim na kasi ang nakita niya, kaya ang kabang iyon, sanhi na ang takot. Pumunta pa ito sa likuran niya ngunit maramdaman niyang pinutol nito ang tali sa mga kamay niya. 

Nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman niya ang pahinga sa mga braso niya. Kinuyom-kuyom niya ang kamao niya habang ito ay nagsasalita, "I'll take you back to the hospital." 

Tumayo ito sa harap niya at lumuhod isang tuhod lang. Inalis rin nito ang tali niya at nang makawala siya, sinabi nito, "I got what I needed."

Nang makalaya na ang katawan niya mula sa pagkatali, hindi pa siya tumayo. Nilapag lang nito sa kandungan niya ang paper bag at sinabing, "Eat this. Your favorite, shawarma." 

Napalunok siya. So hindi pa nito nakalimutan ang paborito niyang pagkain? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status