LOGINMalalim na ang gabi ngunit hindi makatulog si Rinoah. Kanina pa niya iniisip kung paanong kakausapin si Joaquin kinabukasan. Pupunta ito. Ang paalam nito, dadalaw ito. Dadalawin nito ang mga bata. Hindi pa rin siya sigurado kung tama nga ang hinala nila ni Alma—na si Joaquin nga ang lalaking naka-one-nightstand niya at siyang ama ng mga anak niya. But the way he acted with the twins from being confused to being so sure, umaakto na itong ama ng mga bata. Bumuntonghininga siya. Nilingon niya ang kambal na malalim nang natutulog sa tabi niya. Paniguradong napagod ang mga ito sa maghapong nasa labas kasama si Joaquin. Si Joaquin... Si Claudio Joaquin Alonzo Rivero. Kung ito nga ang ama ng mga anak niya—hindi ito basta isang gigolo lang. Walang gigolo na kayang magpasara ng amusement park para lang malayang makapaglaro ang mga anak niya kasama ito nang hindi pinuputakti ng fans nito. At kung kukunin nito ang custody ng mga bata... may posibilidad na ilayo nito ang mga anak niya. Is
“Sows, happy wife 'yarn?” Nakangisi si Alma habang papalapit sa kaniya si Rinoah. “There, may family picture na kayo. Pa-billboard natin?” nang-aasar na ipinakita niya ang mga picture na kuha sa cellphone niya. Wala siyang pinalampas habang walang kamalay-malay ang kaibigan niya sa mga pakulo ni Joaquin makuhanan lang niyang nakangiti si Rinoah, at kinikilig siya, my ghad! Nakalabing inisa-isa ni Rinoah ang mga kuha nila. Wala namang kakaiba. Obvious nga ang pagkailang niya, naninigas siya sa kinatatayuan. Pero sa mga sumunod na litrato, bahagya nang napaawang ang mga labi niya. Kuha iyon kung saan tumingin siya kay Joaquin na nakatingin din sa kaniya. That was when Joaquin jokingly asked who's better for Alma, was it Billy or Rocky. Pero hindi iyong tinginan nila ni Joaquin ang napansin niya, kundi ang kaliwang kamay nito na nasa baywang niya. Did he just... hold her on her waist? Hindi niya iyon naramdaman. Inilipat niya ang litrato para tingnan ang sumunod.
Buong akala ni Rinoah, pagkatapos nilang kumain sa fastfood na may iconic giant bee ay makakauwi na sila. Pero hayun at naroon sila sa amusement park sa isang mall sa Ortigas. Nasa Mary-Go-Round Carousel sina Joaquin at ang kambal, habang nakabantay sa tatlo si Rocky. T'wing tatapat sa kinatatayuan nila ni Alma ang carousel na sinasakyan ng apat ay kumakaway sa kanila ang dalawang bata. “Umamin ka nga, Mii, ano'ng nangyari kanina?” tanong ni Alma habang nasa harapan ang tingin. “Walang nangyari sa 'min.” Napalingon si Alma kay Rinoah dahil ang defensive ng sagot ng kaibigan. Naniningkit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang mukha nito. At lalo siyang nagduda nang mamula ang buong mukha ni Rinoah pati ang kanang tainga nito. “Bakit pulang-pula ka?” kastigo niya rito. “Mainit.” Iwas na iwas si Rinoah na lingunin si Alma. “Leshe, iyan din sinagot ni Joaquin kanina.” “E, sa mainit naman talaga.” “Whateveh!” Umirap si Alma. Ibinalik niya ang t
“Where's my mom?” Nahimasmasan si Rinoah sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon ni Claude na hinahanap siya. And knowing her son hadn't seen her after Joaquin left her in this room... nagmamadali niyang inayos ang sarili. Sinapo niya ang magkabilang pisngi dahil pakiramdam niya ay nangangamatis ang mga iyon. Hinagod niya ng mga daliri ang buhok saka siya bumuga ng hangin bago niya nilapitan ang pinto. Paglabas niya, agad niyang nasalubong ang nag-aalalang tingin ng anak niyang lalaki na akala mo ay na-murder siya kahit naroon lang ang mga ito sa labas. Nilampasan lang nito si Joaquin na yapos-yapos ang babae niyang anak at tumakbo palapit sa kaniya. “Mommy!” bulalas nito sabay yapos sa baywang niya. “Hey, what's wrong?” “Did he make you cry?” balik tanong ng paslit. “Hmmm, no. Why would he?” “Why is your face so red then?” “Maybe your mom feels hot,” si Joaquin ang sumagot na ikinanlaki ng mga mata ni Rinoah dahil iba ang dating ng sagot ni
Wala nang maatrasan si Rinoah, pero panay pa rin ang hakbang ni Joaquin palapit sa kaniya. Isang huling hakbang, halos magdikit na ang mga katawan nila. Nandidilat ang mga mata niya at halos hilingin niyang tumagos na lang siya sa pader na kinasasandalan habang ginigitgit pa ang sakong makalayo lang sa lalaking gusto na yatang okupahin ang personal space niya.“Do you want me to do something for you to remember it, Noah?” Mula sa mariing boses ni Joaquin kanina, bigla naman iyong lumambing na may halong babala.Itinaas na ni Rinoah ang mga kamay hanggang dibdib para ipangharang iyon sa katawan nang mas lumapit pa ang binata. “J-Joaquin,” nanginginig ang boses na awat niya rito.“Say my name properly, Noah.”“Ano bang problema mo?”“My problem? You are my problem, Rinoah Margarette Elizalde.”Iniiwasan niyang magtaas ng mukha para iwasang magdaiti ang mga mukha nila, kaya ang nandidilat niyang mga mata ay nasa leeg nito nakatingin. Panay ang galaw ng adam's apple ni Joaquin, habang siy
Is he the father?Paanong hindi niya nalaman?He paid someone to secretly watch Rinoah for three months before letting her live her life. Three fvcking months. So how could he possibly not know she was pregnant—and that now she has twins!Parang may patalim na gumuguhit sa dibdib niya na sinundan ng tila kadenang sumasakal sa puso niya habang nakatitig sa batang babaeng nakatingala sa kaniya. Ang batang ilang beses siyang tinawag na daddy, ngunit hindi niya nakikilala. Ang batang nag-viral sa black app dahil ipinagsigawang siya ang ama.How could he—“Daddy? Why are you crying?” inosenteng tanong ni Claudine nang may bumasa sa pisngi niya galing sa mga mata ng daddy niya.Mabilis na iniiwas ni Joaquin ang mukha rito at pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang pumapatak na pala sa mga mata niya. Napabuga siya ng hangin para lang alisin ang bigat na nararamdaman sa dibdib.“Daddy, sorry na po. Don't cry na.” Lumamlam ang mga mata ni Claudine sa pag-aakalang naiiyak sa galit ang dadd
“GOOD AFTERNOON, SER!” “Good afternoon, sir.” “Hi, Sir!” “Hala, 'di ba si Joaquin Alonzo 'yan? Why is he here?” Sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni Joaquin na sinusuklian niya ng pagtango, at mga bulungang nakaabot sa pand
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?







