Beranda / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

Share

DYING TO HOLD YOU
DYING TO HOLD YOU
Penulis: Iza Wan

HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

Penulis: Iza Wan
last update Tanggal publikasi: 2026-05-28 23:02:14

Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week.

CLAUDIO RIVERO...

Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya inalis na niya ito sa listahan ng posibilidad. Sumunod ay 80-year-old bald man, at isang business tycoon. May possibility, pero duda siyang ipakakasal siya ng mommy niya sa mas matanda pa rito. Doble na nga ng edad sa daddy niya ang profile na tinitingnan niya, kaya erase.

The third one is a... Nangunot ang noo niya, para kasing ang bata pa nito para maging Chairman? The third profile she's looking at belongs to a 33-year-old man. Una kaagad niyang napansin ang mga mata nito. Almond-shaped iyon na may maninipis na talukap. Matiim itong nakatitig sa camera, at sa sobrang expressive ng mga mata, para iyong may sinasabi sa kung sino man ang nasa likod ng lente. And... wow! Hindi siya sigurado kung dahil sa lighting effect, pero parang kakaiba ang kulay ng mga mata nito na mas pinatiim pa ng makakapal pero hindi kalat na kilay. Maganda rin ang pagkakatangos ng ilong at maninipis ang mga labi. He has a tan-skinned tone, and a messy, wavy hair that gave him a manly look.

Kaso, imposible namang sa hitsura nito, e, papayag ito sa isang fixed marriage. With his striking look, tingin niya babae na mismo ang lumalapit dito. Kaya para saan ang fixed marriage, di ba, kung pipili na lang ito sa mga nakapila. So yeah, it's not him for sure.

Ipinagpatuloy niya ang pagsipat sa natitirang dalawang profile, pero natapos na lang ang pagtitingin niya, wala talaga siyang idea, hayst!

“Hey, next week na ang kasal mo, di ba? What's your plan? I thought you were supposed to finally meet your fiancé tonight?” usisa ni Alma, ang matalik na kaibigan ni Rinoah habang idinudutdot sa sauce ang chips na hawak nito 'saka iyon isinubo.

Nalukot paibaba ang mga labi ni Rinoah. Ibinaba niya ang hawak na phone sa mesa, sumandal sa kinauupuan, at inihiga ang ulo sa ibabaw ng headrest, saka namumungay ang mga matang tinitigan ang mapanglaw na kisame ng nightclub na kinaroroonan nila. Hindi niya alam kung nakakarami na ba siya ng inom pero libo-libong bituin na ang tingin niya sa maliliit na ilaw na nakasabog sa kisame na nagbibigay nang kaunting liwanag sa lugar na `yon.

“My plan?” tanong niya sa kawalan na para bang naroon ang kausap.

Ano nga ba ang plano niya?

Twenty-two lang siya, ilang buwan pa bago mag-twenty-three, at kakaakyat lang niya sa entablado nitong hapon para tanggapin ang karangalan sa pagtatapos ng kolehiyo. Ngunit bago pa ang taon na ito, apat na taon na ang nakararaan nang ma-engage siya. Apat na taon na siyang nakatali sa pangakong kasal sa lalaking hindi man lang niya nakadaupang-palad.

At gaganapin na ang kasal sa darating na Linggo, limang araw mula ngayon.

So... para saan pa ang diploma at Latin honor niya kung matatali kaagad siya sa isang kasal?

Pumayag siya sa fixed marriage, na buong akala niya ay ang ama niya ang may gawa—pero iyon pala ang nasa last will and testament na iniwan ng mommy niya. Hindi niya gusto, hindi lang niya kayang salungatin ang huling hiling ng mommy niya, kahit hindi malinaw na kaniya kung bakit iyon ang huling habilin ng ina.

Ang ikinaiinis lang niya, sa loob ng apat na taon na engaged siya sa lalaking ipakakasal sa kaniya, ni hindi man lang nito nagawang magpakita sa kaniya. Pero kahit papaano, kahit hindi niya ito nakikita nang personal, bumabawi ito sa ibang bagay. Hindi ito pumalya sa pagpapadala ng kung ano-anong bagay—mula bulaklak, pagkain, at kung ano-anong regalo tuwing may okasyon.

Nangako pa nga itong hindi nito palalampasin ang pagtatapos niya. But as usual, promises are made to be broken.

Binigyan siya ng ama niya ng marangyang salu-salo hindi dahil nakakuha siya ng mataas na karangalan sa pagtatapos niya. Binigyan siya nito ng marangyang handaan dahil darating ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. At ngayong araw sana siya makikipagkasundo sa lalaking iyon. Gusto niyang magtakda ng kasunduan dito. Hindi puwedeng hindi niya magamit ang pinag-aralan niya once na matali siya rito.

Unfortunately, tumawag ang lalaki para sabihing hindi ito makakapunta dahil nagkaroon ng emergency meeting sa pagitan ng mga kliyente nito.

See? Mas mahalaga ang iba kaysa sa kaniya. Kung ngayon palang ipinapakita na nito ang worth niya as his future wife, what more kapag naikasal na sila? Ayaw na lang niyang mag-isip at ma-stress. Kung ayaw nitong magpakita, e di 'wag! Nakakaisip na nga siya ng kalokohan. What if, papangitin niya ang sarili niya sa araw ng kasal nila? Baka ang lalaking iyon na mismo ang umatras sa kasal nila.

The graduation celebration ended as early as she expected, kaya naman inaya niya ang matalik na kaibigan para sa isang after party.

And what is her plan now?

Inangat niya ang uIo at tiningnan si Alma, saka siya ngumisi. Dinampot niya ang isa pang bote ng vodka matapos lagukin ang huling patak ng bote ng alak na hawak niya. Hinagod niya ang mahabang buhok ng kaliwang kamay bago tumayo. Taas ang kamay na may hawak sa bote ng vodka, hinila niya ang kaibigan para itayo.

“OMG, Noah! Are you crazy?!” tili ni Alma nang may ibulong siya rito.

“My plan is... to get wasted!” hiyaw niya saka siya tumalon-talon nang mababa at inindak-indak ang katawan sa saliw ng tugtugan.

Hinatak niya si Alma paalis sa table nila kasabay ng pag-ugoy niya sa katawan habang tinutungo ang gitna ng nightclub kung nasaan ang dance floor at nakipagsiksikan sa mga naroon.

“Don't you want me, baby? Don't you want me oh, oh...” pagsabay niya sa kantang umaalingangaw at nagbibigay-buhay sa dance floor. Binitiwan niya ang kaibigan nang marating nila ang gitna ng bulwagan.

“Either with or without you... I still love you... but now I think it's time I lived my life on my own...” paputol-putol niyang kanta sa liriko.\

Patalon-talon siya sa puwesto habang mabagal na inuugoy ang ulo sabay sa saliw ng tugtog nang magpalit ang kanta sa mas daring na beat.

Mula sa patalon-talon at pag-ugoy ng ulo at kamay, umindayog ang balakang ni Rinoah pakaliwa't kanan, malambot na umalon ang manipis na baywang habang nakalapat ang kamay na may dalang alak sa kanang leeg, kalmado siyang pumikit. Ninanamnam ang mapang-akit na kanta. Hindi nagtagal, muling naging wild ang tugtugin na hinaluan ng sensual na awitin—na sinabayang muli ng katawan ni Rinoah. Hindi alintana ang samu't saring amoy na malalanghap mula sa mga hindi nakikilalang kasama na nasa dance floor, at ang pawis na dumadaiti sa balat niya tuwing may makakabangga.

She wanted to own the floor.

She wanted to own the world—alone.

Unang beses niyang mag-nightclub. Unang beses niyang umino, at mukhang nasasanay na ang lalamunan niya sa mapait at mapaklang lasa ng alak. Unang beses niyang magiging malaya sa mga mata ng ama.

“Where is your phone?” malakas niyang tanong kay Alma nang bahagyang bagalan ang paggalaw.

“Hmmm?” Hindi narinig ng kaibigan ang tanong at lumapit pa nang husto sa kaniya.

“I said, where is your phone?” pag-uulit niya.

“Ah...” Yumuko si Alma at kinapa ang aparato sa sling bag na nakasukbit sa kanang balikat nito. “Here!” Iwinagayway nito ang cell phone sa harap ng mukha ni Rinoah nang mailabas iyon.

“Kunan mo ng litrato ang lahat ng gagawin ko!” utos ni Rinoah kay Alma bago ito tinalikuran.

“Hey, Noah! What are you planning, witch!” Nandidilat ang mga matang sinundan ni Alma ang kaibigan.

Muling nakipagsiksikan si Rinoah sa mga taong nasa dance floor para lang makaalis doon. Binaybay niya ang patungo sa table na inookupahan nila, ngunit sa halip na maupo, nilampasan niya iyon. Wala na sa ayos ang lakad na tinalunton niya ang hallway. She needs to find a powder room.

“Noah!”

“Shut up, Ma, I need to pee!” singhal niya sa pagtawag ng kaibigan. Nakahawak na siya sa pader para lang masuportahan ang paglalakad niya.

Lumiko siya sa kanang pasilyo, at marahil sa kalasingan, hindi niya alam kung sumobra lang siya nang hakbang para mabunggo ang mukha niya sa—malapad, na matigas pero parang malambot at mabangong pader? Kinapakapa pa niya ang nasa harapan at pilit inaaninag ang kinasubsuban ng mukha.

“Pader ba 'to?” Pinagapang niya ang kaliwang kamay sa nasa harapan ng mukha niya at tumigil sa kanang parteng tila maumbok na bato saka pinisil-pisil iyon. “Pero bakit malambot...?” Bahagya niya iyong pinukpok nang kamao. “Pero matigas din... and...” Kumibot-kibot ang ilong niya nang amuyin ang matapang ngunit mabangong aromang sumisidhi sa pang-amoy niya. “And it scent's good.” Tumingala siya para aninagin kung pader nga ba ang nasa harapan niya, bakit kasi maumbok na parang hulma ng dibdib ng isang matipunong lalaki—na para bang nakakita o nakahawak na siya ng katawan ng lalaki.

My goodness, Rinoah.

“Oh...” Napaatras ang ulo niya nang maaninag sa mapanglaw na liwanag galing sa ilaw ng hallway na pinanggalingan ang nasa harapan niya. “Hindi lang mabango, guwapo rin pala,” nakangisi at walang inhibisyong puri niya sa kaharap, na tao pala.

Ang tangkad ng lalaking nagmamay-ari ng pader na kinakapa-kapa niya kani-kanina lang. Hanggang sa matipunong dibdib lang talaga nito umabot ang mukha niya, na sa sobrang tipuno, inakala niyang pader nga! Humaplos ang kamay niya sa namimintog nitong muscle sa braso na litaw sa suot nitong white tee.

Hindi mapuknat ang ngisi sa mga labi ni Rinoah nang tingalain ulit ito at pilit na inaninag ang mukha nito sa bahagyang nakabukas niyang mata. Tumingkayad siya saka inilapit ulit ang mukha sa gilid ng leeg nito at sininghot-singhot ang bango nito. Tahasan pa niyang inilapat ang mga palad sa dibdib nitong kanina pa niya pinagdidiskitahan. Wala naman siyang pagtutol na naririnig dito o baka gusto rin ang pangha-harass niya rito?

Pinakatitigan niya ito kahit nanlalabo na ang mga mata dahil sa kaantukan na pilit niyang nilalabanan. Bakit parang pamilyar sa kaniya ang mga mata nito? Kahit na hindi niya masiyadong naaaninag ang hitsura ng lalaki, ramdam niya ang intensidad ng titig nito. Na para bang may malaki siyang kasalanan dito.

“Are you free tonight?” walang pakundangan niyang tanong, na kung hindi siya nakainom, siguradong wala siyang lakas ng loob na sambitin iyon o kahit nga ang hawakan man lang ang dibdib nito.

Hindi pa siya nakuntento, inangat niya ang kaliwang kamay at ikinawit ang kaliwang braso sa batok nito. “I feel lonely, you know...” nagpapaawaang sabi niya rito.

“Lasing ka na,” tipid na sagot ng lalaki. Nakakapanindig balahibo ang malalim nitong boses, na nagpakunot sa noo niya.

Lumabi siya at isinandig ang kaliwang mukha sa dibdib nito na para bang kilalang-kilala niya ito at komportable siya sa presensiya nito. “I just had fun.” Inalis niya ang brasong nakakawit sa batok nito hindi para humiwalay rito kundi para ipulupot ang mga braso palibot sa katawan nito para yumakap dito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bakit ang komportable niya sa taong ito, e, kung tutuusin, estranghero ito. Though, his deep baritone voice seemed familiar.

Inilayo niya ang mukhang nakasandig sa dibdib nito at muli itong tiningala. Hinihintay niyang ito mismo ang maglayo sa katawan nila o itulak siya palayo rito dahil okupado na niya ang safe space nito. Pero bukod sa parang natuod na ito sa kinatatayuan, pigil na pigil din ang pagdiin ng pagkakahawak nito sa magkabilang braso niya, na para bang takot na takot itong masaktan siya oras na madiinan nito ang pagkakahawak sa kaniya.

“Magkano ang gabi mo? I'm willing to pay you,” tahasang alok niya.

Hindi sumagot ang lalaking kaharap niya. Nakatitig lang ang kakaibang kulay ng mga mata nito. Kung hindi nga ito nagsalita kanina at nag-Tagalog, inakala na niyang ibang lahi ito. O, baka nga mix nationality ang lalaki at lumaki lang dito sa Pilipinas?

Whatever! After all, she's just here to have fun for the last time. Oh, actually, to lash out her frustration and show her rebellious side. Sana lang nakuha ni Alma ang gusto niyang mangyari at kinukunan na sila nito ng mga litrato.

Pinapungay ni Rinoah ang mga mata, saka ikinurba paibaba ang makipot na mga labi na para bang nagpapaawa. “Come on, make me happy tonight,” aniya sa boses na nagpapaawa, pero tinitigan lang siya nito habang kunot na kunot ang noo.

Sa inis ni Rinoah, muli siyang tumingkayad at buong kapangahasang hinalikan ang lalaki. Inalis niya ang mga brasong nakayakap dito at muling ipinulupot sa batok nito.

Hindi na nga siya binibigyang pansin ng mapapangasawa niya, pati ba naman ng lalaking kaharap niya? Ganoon ba siya hindi ka-attractive sa paningin ng mga lalaki? Is she that ugly for them to ignore her presence?

Nakakainsulto na, a! Siya na nga ang lumalapit, pero siya pa ang tinatanggihan!

Gusto na niyang maiyak. Unang halik niya ito, at sa isa pang estranghero. Hindi niya alam kung paano ikikilos ang mga labi kaya nakalapat lang iyon sa mga labi nito. And he's not responding that added to her frustration. Ilalayo na sana niya ang mukha rito para sumuko at umuwi na lang, pero naramdaman na lang niya ang kamay nito sa likod ng ulo niya para pigilan ang paglayo niya.

Ipinaling nito ang mukha pakaliwala saka sinakop ng mga labi nito ang labi niya. It was gentle at first. Tamang paglapat na parang pumapatak lang ng halik, kapagdaka'y pinagtuunan ng mga labi nito ang pang-ibaba niyang labi. Banayad na kinakagat-kagat iyon, hanggang sa naramdaman na lang niyang tila mamamaga na iyon dahil sa pagsipsip nito, saka nito muling sinakop ang buo niyang labi. Idinuduldol nito ang dila sa kaniyang bibig na para bang gusto nitong ibuka niya ang mga labi at papasukin ito—na hindi niya binigo.

Hindi niya lubos akalain na ganito kasarap ang isang halik. Masarap ba talaga kahit isang estranghero lang ang humahalik? Ang sabi kasi ng mga kaibigan niya masarap ang halik kapag mahal mo ang taong humahalik.

Imposible namang mahal niya ang lalaking ito na ngayon lang niya nakadaupang-palad. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito!

Napasinghap siya nang saglit na nilubayan ng lalaki ang mga labi niya, ngunit kaagad rin niyang napigil ang paghinga nang angkinin nitong muli ang mga labi niya na para bang isang masarap na kakanin.

Naramdaman niya ang pag-angat ng mga paa sa kinatatayuan. Sa sobrang pagkahumaling niya sa mainit na halik nito, hindi niya alam kung paanong naroon na sila sa isang silid. Naramdaman na lamang niya ang paglapat ng likod sa malambot na bagay, at nasa ibabaw na niya ang lalaking may mapanghalinang mata.

Mga matang buong suyong nakatitig sa kahubdan niyang hindi na rin niya namalayan—mga matang hindi niya mawari kung nag-aapoy sa pagnanasa o nag-aapoy sa galit dahil sa kapangahasan niyang akitin ito. Alin man sa dalawa, kung parurusahan siya, buong puso niyang tatanggapin ano man ang parusang ipapataw nito kaniya.

“What's your name?” tanong niya bago pa muling sakupin ng lalaki ang mga labi niya.

At talagang hindi kaagad siya nito sinagot. Ilang segundo pa ang dumaan bago ito nagsalita, “Claud, sweety...”

“Cloud...” pag-uulit niya. Gusto niyang imulat ang mga mata para makita ito, ngunit sadyang mabigat ang mga talukap niya Ang bilis talaga niyang tamaan ng alak.

Para siyang pinapaso ng mga labi nitong dumadampi sa balat niya. At sa bawat pagdampi niyon, hindi niya mapigilan ang mapaungol, lalo na't pinapaso rin ng mainit nitong palad ang bawat parte ng katawan na nalalapatan niyon.

“Aaah!” halos mapasigaw siya nang maramdaman na lang ang mga labi nito sa pribadong parte ng ibabang katawan. Gustong-gusto niyang idilat ang mga mata, ngunit mariin niya iyong naipikit. Nilalasap ang bawat hagod ng dila nito, na sinasabayan ng pinong ungol na para bang sarap na sarap sa putaheng nilalantakan nito.

Mariin niyang nasabunutan ang maalon at may kalaguang buhok nito nang makaramdam ng kakaiba sa kaibuturan niya. Para siyang nakikiliti na naiihi, hindi niya maintindihan. Ilang sandali lang, isang mahaba at malakas na ungol na naman ang kumawala sa mga labi niya.

Abot-abot ang paghinga niya matapos ang mainit na sandaling iyon. Ang sarap sa pakiramdam, nakakaubos nga lang ng lakas. Hindi pa niya nababawi ang lakas, at hindi pa rin naaalis ang pagkamangha niya sa bagong karanasan nang maramdaman niya ang pagpantay ng lalaki sa kaniya. Magaang lang ang pagkakapatong nito sa katawan niya na parang takot na mapisat siya. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa buhok niya, at ang padampi-dampi nitong halik sa pisngi niya na sinasabayan ng daliri nito na humahagod sa kaselanan niya, ginigising ulit ang init na akala niya ay humuhupa na.

Hinalikan siya nito sa mga labi, at nang ilayo nito ang labi nito, para siyang uhaw na hinabol iyon. Hinuli ng kanang kamay niya ang batok nito saka nakipagtagisan ng halik dito.

Para na naman sinisilaban ang katawan niya. Binubuhay ba naman ng mga daliri, halik, at ungol nito ang ningas na unti-unti na sanang namamatay. Ang lalim ng bawat paghinga niya na sumasabay sa malalim ding paghinga ng lalaking kaniig niya.

“Take me again, Cloud. Take me to the cloud nine again...” And not with his tongue or his fingers, but with his hard thing poking her leg.

“Oh fvck, Noah...”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FIVE: DADDY

    Nasa 7th floor ng building ang swimming pool area. Indoor swimming pool iyon na nagmukhang outdoor swimming pool dahil salamin ang bubungan, kitang-kita ang malinis na kalangitan. Kompleto rin sa amenities ang lugar: isang infinity pool paras sa adults, at dolphin-shaped pool with twin slides naman ang para sa mga bata. Namamasa na ang tiled floor dahil sa mga nagsu-swimming na rin doon. Plant boxes at mabababang puno ang nakapalibot banda sa railings sa buong area, lumilikha ng maginhawang pakiramdam. Tulad ng sinabi ni Alma, mayroon doon boutique na kasinlaki ng isang silid, sa kaliwang gawi ng entrance, katabi ang hallway papunta sa shower at changing room. Maayos na nakapalibot sa pool area ang mga reclining bench; Sa likod ng mga ito ay ang mga steel table and chair with umbrella, and some of it was occupied by the resident of the condominium who wants to chill with their someone. “Is that even possible? I m

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

    “Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na nasa harapan siya nito. “Surprised?” “Leche! Bakit hindi ka nagpapa... sabi...” papahina ang boses na sabi nito nang mapansin ang dalawang paslit na nasa likurang gilid ni Rinoah. “Hi, fairygod mom!” malawak ang ngiting naunang bati ng paslit na si Claudine na kinawayan pa ang kaibigan ng mommy niya. “Oh... my... aaahhhh! Ang mga fairy babies ko!” tili na naman ni Alma na halos itulak ang kaibigan patabi para lang malapitan ang mga inaanak na sa video call lang noon nakakausap. “Aaah! Fairygodmom!” hindi papatalong tili rin ni Claudine, habang tahimik lang at nakangiting nakamasid si Claude. Hal

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THREE: INHERITANCE

    Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na rin ang film industry bago nakapag-asawa sa edad na thirty-five. Rinoah witnessed her mother's hardwork as she grew up. As the Chairman of RME Productions, a mother, and a wife, para kay Rinoah, wonderwoman ang mommy niya. Kahit abala sa kompaniya, hindi siya iniiwan sa pangangalaga ng kasambahay. Lumaki siyang walang yaya, kaya rin nakundisyon ang isip niya na dapat palagi siyang behave. Palagi siyang bitbit ng ina sa opisina. Ihahatid siya papasok sa eskuwela, susunduin pagkatapos ng klase niya at sa opisina na ni Regina maglalagi. Madalas din siya nitong isama sa production set. And that's how Rinoah got fascinated in directing a film. Ayaw niyang magpatakbo ng kompaniya,

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

    “M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?” “Naku, ayos lang naman, Miss. Ang tagal ninyong nawala. Pasok ka—” Natigilan si Mang Estong nang mapansin ang dalawang paslit na bahagyang nagtatago sa likuran ni Rinoah. “Mga anak ko ho.” “Pasok kayo, pasok. Maiinitan kayo. Kagaganda't guwapong bata! Manang-mana sa ina!” Maluwang nitong binuksan ang maliit na tarangkahan para sa tao saka kinuha kay Rinoah ang maletang bitbit. “Maraming salamat po. Si Daddy?” Binalingan muna ni Mang Estong ang kasamahan para bilinan ito bago sinagot ang dalagang amo. “Nasa loob, Miss. Paniguradong masosorpresa ang Don at ang Madam sa pagdating ninyo.” Halata sa guard na si Man

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

    Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng batang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. “Hon, are we gonna meet grandpa now?” bakas ang excitement sa mga mata at tinig ng paslit nang itanong iyon. Tipid siyang ngumiti, “We will see, baby,” tipid niyang sagot. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labing muling ibinaling ng lalaking paslit ang atensiyon sa pagtingin sa tanawin sa labas ng bintanang katabi nito. Noong isang araw pa excited ang anak niya sa pag-uwi nilang iyon sa Pilipinas. Napapabuntonghininga naman niyang hinagod ang buhok ng isa pang paslit na nasa tabi niya at himbing na natutulog habang nakasandig ang ulo sa braso niya. Sinong mag-aakalang sa isang gabing pag

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

    Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya inalis na niya ito sa listahan ng posibilidad. Sumunod ay 80-year-old bald man, at isang business tycoon. May possibility, pero duda siyang ipakakasal siya ng mommy niya sa mas matanda pa rito. Doble na nga ng edad sa daddy niya ang profile na tinitingnan niya, kaya erase. The third one is a... Nangunot ang noo niya, para kasing ang bata pa nito para maging Chairman? The third profile she's looking at belongs to a 33-year-old man. Una kaagad niyang napansin ang mga mata nito. Almond-shaped iyon na may maninipis na talukap. Matiim itong nakatitig sa camera, at sa sobrang expressive ng mga mata, para iyong may sinasabi sa kung sino man ang nasa likod ng lente. And... wow! Hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status