Home / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

Share

HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

Author: Iza Wan
last update publish date: 2026-05-28 23:36:38

“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate.

Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?”

“Naku, ayos lang naman, Miss. Ang tagal ninyong nawala. Pasok ka—” Natigilan si Mang Estong nang mapansin ang dalawang paslit na bahagyang nagtatago sa likuran ni Rinoah.

“Mga anak ko ho.”

“Pasok kayo, pasok. Maiinitan kayo. Kagaganda't guwapong bata! Manang-mana sa ina!” Maluwang nitong binuksan ang maliit na tarangkahan para sa tao saka kinuha kay Rinoah ang maletang bitbit.

“Maraming salamat po. Si Daddy?”

Binalingan muna ni Mang Estong ang kasamahan para bilinan ito bago sinagot ang dalagang amo. “Nasa loob, Miss. Paniguradong masosorpresa ang Don at ang Madam sa pagdating ninyo.” Halata sa guard na si Mang Estong ang tuwa sa pagbabalik ng anak ng mga amo. Hindi mapigilan ang bibig nito sa pagsasalita habang inihahatid ang mag-iina. Nang mapansin nitong abala sa pagsipat ang dalagang amo, ang mga bata naman ang dinaldal nito na game na game naman sa pagsagot.

Iginala ni Rinoah ang tingin sa dalawang palapag na bahay na nakatirik sa hindi kalayuan, ilang metro ang layo mula sa gate. Halata ang karangyaan sa istilo pa lang niyon na hinango sa mga bahay sa Spain. May arko ang bawat pintuan, naglalakihan ang mga bintana. Gawa sa terracotta ang bubungan, at puting-puti ang exterior wall.

Noong nabubuhay pa ang mommy niya, every six months nitong pinapapinturahan ang exterior wall, kundi puti ay kulay krema, pula at maroon naman ang mga bubong, para hindi lumuma ang pintura niyon. Pero mukhang hindi na namimintina iyon ngayon. May mga bahagi na ng pader ang bahagyang nilulumot at namamantsahan ng kalawang.

Malinis ang paligid. Nalalatagan ng pinong damo ang magkabilang bahagi ng pathway. Natataniman ng mga plant box ang magkabilang gilid ng daan na tinatahak nila papunta sa kinatitirikan ng bahay. Puno naman ng mga malalagong puno ang magkabilang bahagi ng bahay hanggang sa likuran niyon na nagbibigay ng probinsiyang atmospera sa lupain nila.

Bumuntonghininga si Rinoah nang marating nila ang paanan ng ilang baitang na hagdan bago ang maindoor. Nagpaumuna si Mang Estong sa pag-akyat para buksan ang malaking pinto. Isang unipormadong kasambahay ang napahinto sa tapat nila na agad inusisa ang pagpasok ng guard.

“May kailangan ka Mang Estong?”

“Nandito ang anak ng Don. Pakisabi sa kaniya, dali!”

Lumipat ang tingin ng kasambahay sa babaeng nasa likuran ni Mang Estong. Hindi nito kilala ang sinasabing anak ng Don maliban sa dalagang babaeng nakatira din sa bahay na iyon, ngunit mabilis siyang tumalima nang mamukhaan ang maganda nitong mukha na sa mga painting na nakasabit sa kabahayan lang nito nasilayan. Yumukod siya bilang paggalang dito bago malalaki ang hakbang na tinungo ang enggrandeng hagdan.

“Sige na po, Manong Estong. Iwan n'yo na po kami rito. Baka mapagalitan ka pa ng Papà,” magalang na taboy ni Rinoah sa bantay ng bahay nila. Kilala pa naman niya ang ama, ayaw na ayaw nitong iniiwan ng guard ang puwesto dahil minsan na silang nalooban noon.

Nagpaalam ang may edad nang lalaki, saglit pa nitong kinulit ang kambal bago lumabas ng kabahayan. Nang maiwan ang tatlo sa gitna ng malawak na sala, nagsumiksik ang dalawa sa magkabilang gilid ng ina saka tahimik na inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Manghang-mangha sa laki at lawak ng kinaroroonan dahil nakikita lang nila ang ganoon kalaking bahay sa mga palabas na pinanonood nilang mag-iina. Hindi naman kalakihan ang bahay nila sa Florida, pero hindi rin naman iyon maliit. May sariling silid ang kambal, habang solo ni Rinoah ang kuwarto, sa isang apartment unit. May sala at malaking kusina, sapat para komportable silang makakilos.

Tahimik ding pinag-aralan ni Rinoah ang tahanang ilang taon niyang hindi inuwian. Walang pinagbago, pero may pakiramdam na nawala. Maaliwalas ang paligid dahil sa puting kulay ng mga dingding. Heavy wooden beams naman ang mataas na kisame na may lumang disenyo ng chandelier na nakabitin. Maluwang ang engrandeng hagdan na nasa dulong gitna at nahahati sa magkabilang bahagi para sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga silid. May dalawang malalaking antigong banga ang nakatayo sa magkabilang gilid ng paanan nito.

Leather brown ang mga sofa na maayos na nakapalibot sa isa't isa sa gitna ng sala. Sa gitna ng mga upuan ang mahabang wooden coffee table na custom-made.

Bumalik ang tingin ni Rinoah sa itaas nang bumukas ang isa sa mga pinto ng silid na nasa kaliwa. Lumabas doon ang kaninang kasambahay kasunod ang wheelchair kung nasaan ang papà niya na tulak-tulak ng may edad nang babae. Sumakay ang dalawa sa lift na naroon habang bumaba naman ng hagdan ang kasambahay at sinalubong ang dalawa sa ibaba.

“Noah...” malumanay na tawag ng ginang habang papalapit ang tatlo sa kinatatayuan ng bisita.

“Mabuti naman at naisipan mong umuwi?” taliwas sa boses ng ginang, may himig ng galit na bungad ng ama ni Rinoah.

“Kumusta, Papà? I heard what happened to you kaya umuwi ako.”

“Ha! H'wag kang mag-alala at buhay pa naman ako. Hindi ka na sana nag-abala.”

“Daniel, will you stop being harsh with your daughter? Ikaw na nga inaalala ng anak mo!” sita ng ginang na nanatiling nasa likuran ng wheelchair.

“Ha! Sa tingin mo maniniwala akong may concern talaga ang batang iyan sa akin na ama niya matapos nang ginawa niya? I would'nt face the shame if she did'nt run away!” Nandidilat ang mga mata ni Daniel habang inilalabas nito ang sama ng loob sa anak. Ngunit unti-unting nanliit ang nangungulubot nitong mata nang mapansin ang dalawang batang nakayapos sa magkabilang gilid ng anak at bahagyang nakasilip sa gawi nilang mag-asawa. “And what? You did bring your bastards here?”

“Papà!” mariing tawag ni Rinoah sa ama nang maramdamang hmigpit ang kapit ng mga anak niya sa baywang niya dahil sa sinabi ng ama. “I don't care what names you would call me, but leave my children out of your rage. Wala silang kasalanan sa inyo,” pigil ang sariling magalit pa rito.

“You flirt with a man, and ran away before your wedding just to show me what you have now? Nasaan ang ama niyan at hindi mo kasama?”

Mariing napapikit si Rinoah para pakalmahin ang sarili. This is the reason why she doesn't want to come home. Ayaw niyang nadadamay ang mga anak sa desisyong siya ang may gawa. Kung hindi lang siya nag-aalala sa ama, at kung may mapag-iiwanan lang sana siya sa mga anak, hinding-hindi niya isasama ang mga ito para lang makarinig ng pang-iinsultong hindi naman deserved ng mga ito.

“Saka na tayo mag-usap, Pa. Babalik na lang ho ako.”

“Noah,” tawag ni Rosita sa stepdaughter. “You can stay here. Pagpasensiyahan mo na ang ama mo. Kids, I'm sorry about your lolo, ha? He didn't mean it,” malambing nitong paghingi ng pasensiya nang lapitan ang tatlo. “He's just a grumpy old man...” bulong nito na animo ayaw iparinig sa asawa ang pang-aasar, nag-make face pa ito para lang pagaanin ang loob ng dalawang paslit. Nilingon nito ang kasambahay. “Rita, pakibalik ang sir mo sa kuwarto niya.”

“Yes, Madam.”

“Malinis iyong silid mo. I always make sure that it's was clean in case you will come back. Magpahinga muna kayo, magpapahanda ako ng tanghalian ninyo,” ang amo ng boses nito dahilan kung bakit hindi naging mahirap kay Rinoah na tanggapin ito bilang pangalawang asawa ng ama. Pero buhat nang malaman niya ang totoo, hindi na niya alam kung genuine ba talaga ang kabaitang ipinapakita ng madrasta.

“Nakapagtanghalian na kami, Tita.”

“Then a merienda. For sure they will enjoy it, right kids? What's your name by the way?”

“I'm Claudine po,” nakangiti nang pakilala ni Claudine.

“Claude with 'e' po,” nanunuot ang tingin at walang kangiti-ngiting pakilala ni Claude.

“Claude, Claudine, I'm your Mamita Rosita. Mommy ako ng mommy ninyo.”

“But mom just called you Tita,” puna agad ni Claude.

“Aha... I'm her second mom, actually. But it doesn't matter right?” hilaw ang tawang sagot ni Rosita.

“Claude?” may babala ang tonong tawag ni Rinoah sa anak.

Lumamlam naman ang mga mata ni Claude, kumalma ang mga pisnging, at bahagyang tumango, tanda ng paghingi nito ng paumanhin sa ina.

“I'm sorry about that, Tita,” siya na ang humingi ng paumanhin sa pangalawang asawa ng ama.

Hilaw namang tumawa si Rosita na sinundan ng pagtango-tango. Bumuntonghininga pa siya nang malalim bago hinarap ang anak ng asawa sa una nitong asawa, bago seryosong tiningnan si Rinoah.

“P'wede ba kitang makausap, Noah?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Ano kayang ginawa ni Rosita Kay Noah?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FIFTY-TWO: THE PAST

    13 Years Ago... “Noah, ipinapatawag ka ng Papa mo. Bumaba ka na at dumating na siya kasama ang mga bisita niya,” bilin ni Nana Mercedez nang katukin si Rinoah sa silid nito. “Sige po, Nana, bababa na po ako,” sagot ng dalagita nang hindi nililingon ang mayordoma nila. Tinititigan lang ni Rinoah ang blangkong papel na nakasuot sa roller ng makinilya. Ilang oras na siyang nakaupo sa harapan ng study table niya, ngunit ni isang letra, wala siyang natipa. Malalim siyang huminga bago nagpasyang tumayo at lumabas ng silid para salubungin ang Papa niya kasama ang mga bisita nito. Nasa puno siya ng hagdan eksaktong nakapasok na ang Papa niya—may kasamang dalawang babae, isang kaedad marahil nito o mas bata pa, at isang mukhang kaedaran niya. Hindi agad siya bumaba, nandoon lang siya sa barandilya ng ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tatlong bagong dating. “Nana Mercedez, nasaan si Rinoah? Hindi ba’t ipinatatawag ko ang batang iyon?” “Ako mismo ang tumawag sa anak mo, Daniel. Bababa

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FIFTY-ONE: CHILDISH ACTRESS

    “Then give up the script, Marga. Tutal, nasa 'yo naman na ang lahat. You have wealth, you have kids, and you even have Joaquin.” Muling inilapit ni Rachel ang mukha sa gilid ng mukha ni Rinoah. “Habang ako, nakuha ko lang ang mga gusto ko noong nawala ka sa bahay na 'to...” Napatingin si Rachel sa pintuan nang pumihit ang doorknob niyon. Bahagya siyang lumayo kay Rinoah at naiiyak na ang mga matang kinuha niya ang kanang kamay nito. “Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon, M-Marga,” pumipiyok na sabi ni Rachel, saka humikbi. “Kaya bakit ko sisirain ang pangalan na pinaghirapan ko para lang sa isang script?” Nangunot ang noo ni Rinoah sa pagbabago ng kilos at sa biglang pag-iyak ni Rachel. At bago pa siya nakahuma, mabilis nitong inangat ang kamay niyang hawak ng kapatid at isinampal sa sarili nito, saka ito bumagsak sa kinatatayuan. “Ah!” hiyaw ni Rachel, gulat ang matang tiningala si Rinoah. At parang gripong tumulo ang mga luha. “M-Marga...” “Oh, Noah, you're he—” Hin

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FIFTY: DEMAND LETTER

    Nanginginig ang mga kalamnan ni Rinoah habang binabasa ang email na ipinadala sa kaniya ng Regalia Indie Film. From: legal@regaliaindiefilm.com Subject: URGENT: COPYRIGHT CLAIM & PRODUCTION HOLD - When Stars Collided [Case No. RF-2026-1116]Date: Nov. 16, 2026 To: Ms. Rinoah Margarette ElizaldeCc: Mr. Claudio Rivero CEO, RME Productions Re: Disputed Authorship - 2024 Contest Winner Entry Dear Ms. Elizalde,Regalia Indie Film Productions is issuing this formal notice regarding your 2024 winning entry, When Stars Collided.We have received a legal claim from Ms. Rachel Barrameda, a.k.a. Luna Margarette, stating that she is the original author of the script. She submitted proof that she is the registered owner of the script with the National Library of the Philippines since Sept. 2020.We were also informed that Ms. Barrameda is currently the credited scriptwriter for When Stars Collided under RME Productions.In view of this dispute, we are placing an immediate HOLD on an

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-NINE: PROBLEM AFTER COMFORT

    Alam ni Rinoah na kapag sinabi ni Joaquin na babawi ito sa ilang taon na hindi nito nakapiling ang mga anak, gagawin nito. At ginagawa na nito unang araw palang buhat nang malaman ng binata na siya ang ina ng kambal. Walang tanong maliban sa kung may nakarelasyon ba siya sa loob ng anim na taon simula nang takasan niya ang engagement nila. Other than that, hindi na nanghingi pa ng kahit anong pruweba si Joaquin na makapagpapatunay na ito talaga ang ama. Isang tanong, at sigurado na itong kaniya ang kambal. And she didn't expect anything that could benefit her, but then, whatever Joaquin has done for the twins, she always had her fair share. Minsan nga, mas inaalala siya nito bago ang kambal. “Okay. Open your eyes now!” malakas na utos ni Joaquin. “Aaahhh!” tili ni Claudine pagkakita sa mga manika, at stuff toys. Tinakbo niya ang malaking brown teddy bear na mas malaki pa sa kaniya at halos ibalandra niya ang katawan doon. “What is this, Mr. Rivero?” hin

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-EIGHT: BITTERSWEET MORNING

    Pupungas-pungas si Rinoah nang lumabas sa kwarto para maghanda ng almusal at maghanda sa pagpasok. Pero pagbukas pa lang niya ng pinto, nanunuot na sa pang-amoy niya ang aroma ng tocino at ng bawang na piniprito. Hindi niya inaasahan, pero hindi na rin siya magugulat kung madadatnan niya si Joaquin na abala sa kusina. Dahil bago pa man ang Japan trip nila, ginagawa na iyon ng binata. At ngayong back to reality na sila at nakabalik na sa condo unit nila, hindi niya ito inaasahan dahil sa dalawang araw na nagdaan mula nang makabalik sila, wala man lang itong paramdam. Though, nagpaalam naman ito sa kanila ng mga bata na may aasikasuhin itong importante, hindi na nito ini-laborate pa kung ano ang importanteng bagay na 'yon. Bahagya pa siyang inaantok nang lumapit sa kitchen counter. “Good morning,” bati niya rito na ikinalingon ni Joaquin. Kaharap niya ang malapad nitong likod na bumabakat ang muscles sa puting cotton t-shirt sa bawat paggalaw nito. “Hey...” Lumingon ito

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FORTY-SEVEN: THE PLAN

    “Daddy, you gonna propose to Mommy later, ha?” untag ni Claudine na nakaupo na sa dining chair habang inaayos ni Joaquin ang buhok ng anak. Natigilan at natitigan ni Joaquin ang ulo ni Claudine dahil sa tanong nito. “You love Mom, right?” tanong naman ni Claude, dahilan para lumipat ang tingin niya rito. “This pweyz is pewfect! For sure, Mom will say yes!” Ingat na ingat si Claudine na mapalakas ang boses. Ipinapakita niya ang leaflet ng Koishikawa Korakuen Garden na nakuha nila ni Mayumi nang ilabas sila nito sa hotel. Napapabuntonghininga na lang si Joaquin sa pinaplano na naman ng mga anak niya. At alam niyang mahihirapan na naman siyang tanggihan ang kambal. “I need a ring if I have to propose to your mom, kids.” “No worries, Dad.” Tipid na ngumiti si Claude saka kinindatan ang daddy nila bago niya inilabas ang maliit na kahon sa bulsa ng pants niya at ipinatong iyon sa mesa. “We bought a ring for your proposal to our mom,” sabi niya rito. Napaawa

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

    Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya i

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

    “Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THREE: INHERITANCE

    Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

    Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status