LOGIN“Hindi mo kasama si Noah?” tanong ni Victor na nasa pantry ng opisina nang mag-isang pumasok si Joaquin. “Hmmm, Claude has fever. Nilagnat yata sa sobrang pag-aalala sa mommy niya.” “Oh? Coffee?” alok ni Victor. “Yes, please.” Naglabas pa ng isang tasa si Victor para kay Joaquin at isinalang iyon sa coffee maker. “Ano palang nangyari?” usisa ng binata paglapag niya ng kape sa table sa harapan ni Joaquin, saka siya naupo sa upuang nasa kanan ng mesa. Bumuntonghininga si Joaquin. “Nabasa niya iyong demand letter ng Regalia sa email.” “Wait. Demand letter? Script issue pa rin ba?” Kunot ang noong naibaba ni Victor sa mesa ang sariling kape. Tumango si Joaquin bilang sagot, dinampot ang kape at sinimsim iyon. Palihim siyang bumuntonghininga. Iba ang timpla ni Rinoah sa kape niya, and he miss it already. Ibinaba niya ang tasa sa saucer niyon. “Akala ko inayos mo na iyon noong Sabado? Iyon ang pinunta mo sa Westly, 'di ba?” “Yeah. The deal is done
“Did you know that Rachel changed her treatment toward me because of you?” tanong ni Rinoah habang nasa mainit na sabaw ang tingin. Naramdaman niya ang paglingon sa kaniya ni Joaquin na katabi niya. Bumuntonghininga siya. “She saw your poster in my room. The one you gifted me on my 15th birthday. I was so proud that I told her I knew you personally.” Sumubo siya ng kinutsarang sabaw. “She asked me to invite you to be her celebrity guest for her 19th birthday. I didn't say yes, kasi almost one year na rin tayong walang communication. You just disappeared after Mom's wake. But she expected it. Kahit wala pang confirmation from you, Rachel already announced you'll be her special guest.” Umiling-iling si Rinoah habang sarkastiko ang ngiti. “Aha... do you think she deserves me to be her special guest?” taas ang isang kilay habang nakapaling kay Rinoah ang ulo at nakaangat ang gilid ng labi. Nilingon na rin ni Rinoah si Joaquin at tinaasan din ito ng isang kilay. “Nope. I guess, sh
“I found her...” Bumuntonghininga si Joaquin habang tinatanaw mula sa kinatatayuan ang kinaroroonan ni Rinoah. “Ikaw na muna ang bahala sa mga bata, Alma... Thank you.” Tinapos niya ang tawag saka ibinalik sa bulsa ng trouser ang cell phone. Saglit niyang pinakatitigan ang dalagang maghapon nilang hinanap. Nang i-report sa kaniya ni Rocky na nagmamadaling umalis si Rinoah, hinayaan muna niya ito dahil baka may importante itong pupuntahan. Ngunit nang mag-alas-singko na at hindi pa bumabalik ang dalaga, nagsimula na siyang mag-alala, lalo na at hindi nito sinasagot ang tawag niya. Pina-trace kaagad niya ang taxi'ng sinakyan nito para alamin kung saan nagpahatid si Rinoah. At mula sa mansion ng mga Elizalde, pina-trace naman niya ang taxi'ng nasakyan nito. Hanggang sa mapadpad siya sa bar na itinuro ng taxi driver na pinagbabaan nito sa dalaga. Hindi masiyadong crowded ang bar kahit gabi na. May mangilan-ngilang nag-iinumang grupo, at si Rinoah lang ang nakikita niyang n
Walong buwan palang mula nang mamatay ang mama ni Rinoah. Buwan iyon ng Pebrero, pero wala pang isang taon, wala pa ngang kalahating taon, nag-uwi na ang ama niya ng dalawang babaeng ipinakilala sa kaniya bilang kamag-anak. Iyong akala ng dalagita na panandalian lang nilang magiging bisita ang mag-inang Rosita at Rachel—inabot na ng apat na buwan. Wala pa ring sinasabi ang Papa niya tungkol sa narinig niyang usapan nito at ng 'Ate Rachel' niya, na anak ito ng Papa niya at hindi lang basta kamag-anak. Gustong kastiguhin ni Rinoah ang ama, pero natatakot siyang magalit ito sa kaniya. Kaunting kibot pa naman niya, parang napakalaking kasalanan na ang ginawa niya. Buwan na ng Oktubre, dalawang buwan na lang kaarawan na niya. Kung nabubuhay lang ang mama niya, Japan sana ang plano nilang puntahan para magselebra. Pero wala na ang Mama niya, at may ibang plano ang Papa niya. Kuyom-kuyom ang kamaong nasa tagiliran, at hawak naman ng isang kamay ang isang portfolio ha
13 Years Ago... “Noah, ipinapatawag ka ng Papa mo. Bumaba ka na at dumating na siya kasama ang mga bisita niya,” bilin ni Nana Mercedez nang katukin si Rinoah sa silid nito. “Sige po, Nana, bababa na po ako,” sagot ng dalagita nang hindi nililingon ang mayordoma nila. Tinititigan lang ni Rinoah ang blangkong papel na nakasuot sa roller ng makinilya. Ilang oras na siyang nakaupo sa harapan ng study table niya, ngunit ni isang letra, wala siyang natipa. Malalim siyang huminga bago nagpasyang tumayo at lumabas ng silid para salubungin ang Papa niya kasama ang mga bisita nito. Nasa puno siya ng hagdan eksaktong nakapasok na ang Papa niya—may kasamang dalawang babae, isang kaedad marahil nito o mas bata pa, at isang mukhang kaedaran niya. Hindi agad siya bumaba, nandoon lang siya sa barandilya ng ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tatlong bagong dating. “Nana Mercedez, nasaan si Rinoah? Hindi ba’t ipinatatawag ko ang batang iyon?” “Ako mismo ang tumawag sa anak mo, Daniel. Bababa
“Then give up the script, Marga. Tutal, nasa 'yo naman na ang lahat. You have wealth, you have kids, and you even have Joaquin.” Muling inilapit ni Rachel ang mukha sa gilid ng mukha ni Rinoah. “Habang ako, nakuha ko lang ang mga gusto ko noong nawala ka sa bahay na 'to...” Napatingin si Rachel sa pintuan nang pumihit ang doorknob niyon. Bahagya siyang lumayo kay Rinoah at naiiyak na ang mga matang kinuha niya ang kanang kamay nito. “Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon, M-Marga,” pumipiyok na sabi ni Rachel, saka humikbi. “Kaya bakit ko sisirain ang pangalan na pinaghirapan ko para lang sa isang script?” Nangunot ang noo ni Rinoah sa pagbabago ng kilos at sa biglang pag-iyak ni Rachel. At bago pa siya nakahuma, mabilis nitong inangat ang kamay niyang hawak ng kapatid at isinampal sa sarili nito, saka ito bumagsak sa kinatatayuan. “Ah!” hiyaw ni Rachel, gulat ang matang tiningala si Rinoah. At parang gripong tumulo ang mga luha. “M-Marga...” “Oh, Noah, you're he—” Hin
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na r
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?
Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b







