Share

Daddy, Ma'am Loves You
Daddy, Ma'am Loves You
Author: HUGUTERA

CHAPTER 1

Nag-iisang anak nina Angelo at Angel si Angela ngunit hindi inaasahang mamatay si Angel sa panganganak nito kay Angela. Labis na lungkot ang nangyari kay Angelo matapos ang pangyayaring iyon, mahal na mahal niya ang kasintahan. Hindi niya alam kung papaano bubuhayin si Angela ng walang kinikilalang Ina.

At dahil sa pagkakaroon nila ng anak at ang trahedyang nangyari kay Angel ay hindi na naipagpatuloy ni Angelo ang kanyang pag-aaral bagkus ay humanap na lamang ito ng trabaho upang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Naging mahirap para kay Angelo ang buhayin ang kaniyang anak sa murang edad sapagkat itinakwil siya ng kaniyang mga magulang matapos malaman na nagkaroon sila ng anak ni Angel.

Matipunong lalaki si Angelo. May makapal na kilay, balbas at bigote. May matangos na ilong, manipis na mga labi at kulay asul na mga mata, mestiso kung tawagin noong bata pa sapagkat tunay na kayputi at kinis ng kaniyang katawan. Kung kaya naman ay maraming babae ang nahuhumaling sa angkin niyang kaguwapuhan. Ngunit wala siyang panahon na makipag-relasyon sa mga babae. Hindi pa rin kasi siya nakaka-moved on sa sinapit ng kaniyang dating nobya, na mama ni Angela.He just focus to his work and his daughter for the rest of his life.

Lumipas ang mahabang panahon mula ng namayapa ang kaniyang dating nobya at nagpursige si Angelo na makamit ang kaniyang pangarap, kayod-kalabaw ang ginawa niya para makamit ang kaniyang posisyon ngayon sa isang kompanya na pagmamay-ari ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pag-uwi niya sa kanilang munting tahanan ay agad siyang sinalubong ng kaniyang prinsesa. Agad itong nagmano sa kaniya at mabilis na inalis ang sapatos niyang suot at ang coat niya. Agad din nitong binuksan ang electric fan nila saka mabilis na itinutok sa kaniyang ama.

Kumuha ito ng isang baso ng gatas at saka iniabot sa ama saka muling bumalik sa kaniyang ginagawa bago dumating ang ama. Nagrereview ito sa matematika para sa nalalapit nilang pagsusulit.

Nagpasalamat naman ang ama sa anak at kinamusta ang pag-aaral nito.

“Kamusta naman ang pag–aaral ng aking prinsesa?” tanong ni Angelo sa anak habang hinihimas ang buhok ng bata.

“Daddy, ayos lang naman po, kailangan ko lang po mag-review sa matematika dahil bukas po ay magkakaroon na kami ng pagsusulit,” sagot naman ni Angela sa ama habang nakangiti at pinapakitang kayang kaya nito.

“Oh sige anak, kung sakaling mayroon kang hindi maintindihan ay sabihan mo lamang ako at ng ikaw ay aking matulungan”saad naman ni Angelo sa anak saka tila aalis na sana subalit biglang hinila ni Angela ang kamay nito.

“Daddy, maaari ka po bang pumunta sa school namin sa darating na biyernes? Sa isang araw pa naman po iyon Daddy. May parent association meeting lang po kase kami dad,” nakangiting sambit ng bata na tila pinipilit ang ama na pumunta.

“Anak, kailan ba hindi pumunta si Daddy sa school mo? I am always available for you my only one princess.” Nakangiting sagot ni Angelo saka tinap ang ulo ng anak bago pumasok sa kaniyang kwarto.

Si Angelo ang uri ng ama na mas gugustuhin pa na umabsent sa trabaho para lamang mapaunlakan ang kahilingan ng anak sa tuwing kailangan pumunta sa paaralan.

Nakatulog si Angelo ng halos dalawang oras at mag aalasiyete na ng siya ay magising. Agad itong lumabas ng kwarto upang magluto ng kakainin nila ng kaniyang anak. Nagulat pa si Angelo ng makitang patuloy pa rin sa pagrereview ang anak. Kung kaya naman ay agad siyang pumunta ng kusina at naghanda muna ng egg sandwich para sa anak na nagrereview.

“Anak,mag meryenda ka na muna bago mo ipagpatuloy iyang inaaral mo. Nakatulog si Daddy eh kaya bago lamang akong magluluto ng ating hapunan kaya kainin mo na muna ito,” sambit ni Angelo sa anak sabay abot ng egg sandwich at orange juice na inihanda niya.

“Salamat po Daddy, nag abala ka pa po, sana po hindi ka na nag abala, makapaghihintay naman po ako na maluto ang ating hapunan. Saka Daddy ayos lang po na matulog kayo pagkagaling niyo po sa trabaho kase alam ko po na pagod din po kayo doon. Hayaan po ninyo Daddy kapag ako po nakapagtapos na ng aking pag-aaral hindi ko na po kayo papayagang magtrabaho pa. Saka alam mo po Daddy, kagaya mo po mag alaga ‘yung guro namin, mabait din po ‘yon at maalaga kagaya mo po.” Wika ng anak na tunay na nakahipo sa kaniyang damdamin.

Nakaramdam ng lungkot si Angelo sa binanggit ng anak sapagkat sa tingin niya ay nagnanais ang anak niya ng alaga mula sa kaniyang ina subalit malabo na iyong mangyari. Natauhan lamang siya sa pag-iisip ng biglang magsalita ang kaniyang anak at humawak sa kaniyang braso.

“Daddy h’wag kana po malungkot. Masaya naman po ako kahit wala na si Mommy kasi alam ko po na masaya na siya sa piling ng nasa taas. At saka po isa pa, alam ko din po na lagi lang tayong binabantayan ni Mommy, saan man po tayo naroon.” Saad ng kaniyang anak na si Angela

“Oh siya sige na bago pa tayo mag iyakan dito,kainin mo na iyan at ubusin mo iyang juice, ako naman ay magluluto na ng ating hapunan,” saad ni Angelo saka dumiretso na sa kusina upang magluto ng hapunan.

“Angela, tumayo ka na muna riyan at tayo ay kumain na ng hapunan, mamaya mo na ituloy ang iyong pagrereview,” saad ni Angelo habang naghahanda ng kanilang makakain.

“Daddy, wala ka na po bang balak na makipag-relasyon ulit?” biglang tanong ni Angela sa gitna ng kanilang pagkain ng ama.

“Anak, bakit mo naman natanong ang bagay na iyan? Hindi kana ba masaya na si Daddy lang ang kasama mo dito sa bahay?” nakangitig sagot naman ng ama.

“Hindi naman po sa ganoon daddy, naisip ko lang po baka gusto mo lang po, para may kasama ka na po sa pagpapalaki sa akin kasi palagi nalang po ako ang iniisip mo dad, kung may naiibigan ka daddy, ayos lang po, pasayahin mo din po sarili mo kahit minsan lang, ‘di ‘yong lagi nalang po ako iniisip mo,” muling sagot naman ni Angela sa ama.

“Oh sige na anak, ubusin mo na iyan at magrereview ka pa ‘di ba? h’wag mo na akong alalahanin pa at masaya naman na ako kahit tayong dalawa lamang dito sa bahay natin”nakangiting sagot ni Angelo sa anak habang iniimis ang pinagkainan niya.

Lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw kung saan may Parents associate meeting sa school si Angela. Maagang pumasok si Angelo sa kaniyang trabaho sapagkat ala una pa naman ng hapon ang meeting niya sa school. Pagdating ng kaniyang kaibigan na siyang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya ay agaran na siyang pumasok sa opisina nito upang magpaalam na maghahalf day siya ng araw na iyon.

“Bro, magpapaalam sana ako sayo,” panimula ni Angelo sa kaibigan.

“Ano namang ipapaalam mo bro? Babae na ba iyan? Okay agad sa’kin kung babae iyan,” putol nito sa pagsasalita niya habang tila tuwang tuwa.

“Siraulo ka talaga Hubert, igagaya mo pa ako sa iyong masyadong babaero,” saad nito habang tatawatawa.

“Papaalam sana ako na magha-halfday ako ngayon dahil ang inaanak mo ay may Parent Associate Meeting sa school nila at kailangan kong dumalo,” dagdag ni Angelo.

“Ah ‘yon lang ba bro, oo naman, ayos lang na mag-halfday ka, para naman pala sa inaanak ko eh, oh ito ipasalubong mo sa inaanak ko, sabihin mo pasensya na kung hindi ako makadalaw sa inyo, alam mo na masyadong busy ang ninong niya,” saad ni Hubert habang tatawatawa sabay bigay ng isang libong piso.

“Sige na bro, babalik na ako sa trabaho ko at baka masesante mo pa ako, nga pala salamat sa bigay mo tiyak na matutuwa si Angela ditto,” masayang sambit ni Angelo sa kaibigan.

Mabilis lumipas ang oras at alas dose na nga ng tanghali, kung kaya naman ay agad na umalis si Angelo sa kanilang opisina at umuwI upang mananghalian muna bago tumungo sa paaralan ng anak. Matapos niyang mananghalian ay nagpalit siya ng isang simpleng damit. Isinuot niya ang itim na pantalon, kulay puting polo shirt at putting rubber shoes.

Naglagay muna siya ng Gatsby sa kanyang buhok at nagpabango sabay suot ng kaniyang salamin sa mata na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan niya. Saka siya mabilis na umalis papuntang school ng kaniyang anak. Bago siya dumiretso sa paaralan ay dumaan muna siya sa bilihan ng pizza at bumili ng dalawang kahon upang ipasalubong sa anak gaya ng bilin ng ninong nitong si Hubert.

Ginamit niya ang kotseng nabili niya sa pagtitiyagang magtrabaho sa kompanya ng kaibigan, kulay pula ito na nakadagdag sa angas na mayroon si Angelo. Nakaagaw pansin sa mga magulang na naroon ang pagdating ni Angelo. Maraming mga magulang at kapwa estudyante ni Angela ang napatulala sa kaguwapuhan ni Angelo.

Agad siyang nagtungo sa silid-aralan ng anak matapos iparada ang kaniyang sasakyan.

“Anak, ipinapabigay ng ninong Hubert mo sayoat saka pala pinapasabi niya na pasensya kana raw kung hindi kana niya nadadalaw sa atin dahil masyado pa raw kaming busy sa aming mga trabaho kaya pinadalhan ka na lamang niya ng pasalubong at ‘yong labis na pera ay idagdag mo nalang sa baon mo,” mahabang litanya ni Angelo sa anak.

“Salamat po Daddy, pakisabi din po kay ninong na maraming salamat po sa pasalubong, kainin na po muna namin ito daddy ng mga kaibigan ko po pero itong isang box po ay para sa inyo na po daddy para makatikim ka rin po,” saad ni Angela saka mabilis na umalis daladala ang isang box ng pizza.

Napangiti na lamang si Angelo sa inasal ng anak. Agad na siyang tumungo sa loob ng paaralan at pumuwesto sa unahan. Iniabot na lamang niya sa guro ni Angela ang pizza na dala niya.

Hindi alam ni Angelo kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makita niya ang guro ng anak. Hindi rin niya malaman kung anong dahilan niya at ibinigay niya sa guro ng anak ang pizza na dapat ay para sa kaniya.

Lumipas ang mga oras at nakikinig lamang siya sa pagpupulong at humantong na nga sa oras ng botohan para sa magiging mga pinuno ng mga magulang sa ika-apat na baitang.

“Mga parents dadako na po tayo sa ating botohan para sa president, vice president, secretary, treasurer, auditor, PIO at Sgt. at arms. Ang mga mahahalal po ay magkakaroon ng responsibilidad na para naman po iyon sa ikabubuti at kaayusan ng ating mga anak,” panimula ni Loraine na siyang guro ng ika-apat na baitang.

Napakalambing ng boses ni Loraine sa pandinig ni Angelo. Napatulala na ang lalaki sa dalagang guro ng anak.

“Sino po ang nais ninyong maging ating president, maaari na po ninyong ituro kung sakaling hindi ninyo kilala ang inyong napupusuang ihalal”

“Ma’am siya po, ‘yong naka-white polo po,” saad ng isang magulang habang itinuturo si Angelo

“Okay po, ano pong name ni daddy?” tanong ni Loraine sa daddy ni Angela.

“Angelo po, ma’am,” magalang na sagot ni Angelo sa guro.

“Okay po, may lalaban pa po ba kay Daddy Angelo para sa posisyon bilang president?” tanong ng guro sa mga magulang na naroon.

“Siya na lamang po ma’am,” saad ng karamihan sa mga magulang.

Naihalal na ngang president si Angelo at Naihalal naman sa ibang posisyon ang mga magulang na dumalo sa pagpupulong.

Natapos na nga ang pagpupulong subalit pinaiwanan ni Loraine si Angelo sapagkat siya ang naging president ay kailangan nilang pag usapan ang mga project na natukoy sa pagpupulong.

Habang nagliligpit ng mga kagamitan si Loraine ay hindi niya mapigilan na mapaisip kung may asawa pa ba ang ama ng kaniyang estudyante.

"Grabe naman ito, napakaangas sa suot niya parang binata pa at hindi halata na may anak na. Sino kayang asawa nito? Napakaswerte naman niya sa lalaking ito. Sayang kung napaaga lang sana ang pagkikita namin baka sakaling kami ang nagkatuluyan" Ani ni Loraine sa kaniyang isipan.

"Hoy" panggugulat sa kaniya ng kasamahan niyang guro.

"Ay ipis" nasambit niya sa gulat

"Huwag mong katitigan mars, baka matunaw iyan, sayang" tudyo sa kaniya ng kasamahan niya

"Loka ka, sayang na talaga dahil tatay iyan ng isa kong estudyante, wala ng pag-asa mars, may asawa na" sagot niya saka nito iniwan ang kasamahan at nilapitan si Angelo.

"Good day po" ani ni Loraine sa ama ni Angela.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status