Share

Chapter >> 5

Author: Airam Anelé
last update publish date: 2026-06-17 13:33:37

"S-sir, pasensya na po, pero... hindi po talaga namin makita si Master Luke sa mga CCTV footage," nakayukong dispensa ng head guard ng mga Montevalle.

Galit na hinampas ni Xavius ang mesa sa kanyang study. "Mga walang silbi!" Nahulog ang ilang dokumento na agad dinampot ng matandang Butler.

"S-sorry, Sir. Tingin ko po ay sinadyang iwasan ni Master Luke ang mga CCTV camera hanggang sa makaalis siya ng mansiyon."

"Puro kayo excuses! What's the use of hiring you?"

"Sir... kung meron mang dapat managot sa nangyari, ako po 'yun."

Nahilot ni Xavius ang kanyang noo. "No, Butler Greg. Hindi n'yo po kasalanan."

"Hindi po, Sir, dahil ako po ang inatasan ni Miss Maureen na mag-asikaso sa little master. Pero nang sabihin niya sa akin na siya na lang daw ang mag-aasikaso sa sarili niya ay iniwanan ko na siya."

"Si Maureen?" pagtataka ni Xavius. "Nagpresinta siya na siya na ang mag-aasikaso kay Luke para mawala ang sumpong ng bata sa kanya, 'yun pala ay ipapasa din niya sa iba?" Tumayo siya. "Should I ask her for an explanation?"

Hindi pa man siya nakakahakbang ay biglang dumating ang isa sa mga guwardiya nila sa mansiyon, nang may kasama. "Sir, ito po 'yung guwardiya sa katabing villa. Ang sabi niya ay may bata daw po na nahagip ng CCTV nila." At iprinisinta niya ang na-record ng CCTV camera.

Kinuha ni Xavius ang USB at isinaksak sa kanyang laptop. Doon ay nakita niya kung paano pumuga ang panganay sa kanyang kambal sa gitna ng gabi; kinuha nito ang isang itim na kumot sa backpack nito at itinalukbong sa kanyang sarili, pagkatapos ay nakayuko itong pumuslit nang nakadikit sa pader.

Mahinang nagtawa si Xavius. "He's really my son..." Biglang kumulimlim ang kanyang mukha. "Lucas Knox, when I see you, pamamagain ko talaga ang puwit mo sa palo!"

Sa tulong ng iba pang CCTV footage na nakalap nila ay na-trace din nila kung saan nagtungo ang bata. "Valderama Residence? Sa bahay nila Maureen? Ano naman ang ginagawa ng batang 'yun doon?"

Kahit malalim na ang gabi ay nagtungo pa rin si Xavius kasama si Butler Greg at ang ilang bodyguards sa bahay nila Maureen.

.

.

Nang makauwi si Maureen galing party ay nakasimangot ito dahil hindi niya nagawa ang plano niya. Nagkagulo kasi nang matuklasang nawawala si Lucas. Pagkatapos ay dinatnan pa niyang pinagagalitan nang matindi ng kanyang ama ang kanyang ina.

Nalaman na kasi ni Victor na nagising na pala si Alfea, ngunit ngayon lang niya nalaman makalipas ang anim na araw. Nagalit ito sa kanyang asawa dahil nung una pa lang ay tinatawagan na pala ito ng ospital ngunit hindi nito sinasagot, at patuloy itong hindi sumasagot hanggang sa ikaanim na araw. Kung hindi pa sila sinadya ng hospital staff sa kanilang bahay ay hindi pa niya malalaman ang nangyari. Ngayon, ang problema ay nawawala si Alfea at hindi niya alam kung saan ito hahanapin.

"Nakainis! Bakit parang simula nang magising si Alfea ay gumulo na lahat? Sana talaga, hindi na siya nagising, eh." Maktol ni Maureen sa kanilang terrace. Natigilan siya nang makita ang pagdating ng tatlong magagarang itim na kotse. Nagningning ang mga mata niya dahil alam niya kung kanino ang mga iyon. "S-si Xavius! Bakit siya nandito? Teka nga..." At dali-dali niya itong sinabi sa kanyang mga magulang.

"Ano? Nariyan si Xavius? Naku, hindi kaya nagparito siya para sa'yo, anak?" excited na hinuha ni Dolores. "Dali, mag-ayos ka! Huwag kang bababa nang hindi ka maganda, ha!" At ipinagtulakan niya si Maureen sa kwarto nito.

"Magandang gabi, Mr. Montevalle..." bati ni Victor. "Pasensya na at hindi kami nakapunta sa party ng kambal." Hindi sila nakapunta mag-asawa dahil sa problema nila kay Althea.

"Ayos lang, Mr. Valderama... Didiretsuhin ko na kayo sa isinadya ko—"

"Sandali lang, Xavius. Pababa na si Maureen. Hintayin mo na lang," nakangiting putol ni Dolores.

Kumunot ang noo ni Xavius. "Hindi po si Maureen ang ipinunta ko."

Napahiya ang assuming na ginang. Napalitan ng pagngiwi ang ngiti nito. "G-ganun ba?"

"Nandito po ba si Luke?"

Nagkatinginan nang may pagtataka ang mag-asawa. "Si Luke? Wala, wala siya dito."

Nagtaka si Xavius at napaisip nang malalim. "Puwede ko po bang makita ang CCTV footage n'yo sa labas nitong villa?"

Nang i-review ni Xavius ang CCTV footage, hindi lang siya kung hindi maging sila Dolores at Victor ay nagulat din nang makita doon ang kanilang hinahanap. "S-si Alfea iyan, ah? Nanggaling pala siya dito kanina?" pagtataka ni Dolores.

"Kung ganun, saan kaya siya nagpunta?" ani Victor.

Nagsalubong ang mga kilay ni Xavius habang pinanonood ang naging interaksyon ng dalawa sa video. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao.

"Xavius, paano natin malalaman kung nasaan ang anak at ang apo ko?" pag-aalala ni Victor.

"Huwag po kayong mag-aalala, ako na po ang bahala." Tinawagan ni Xavius ang private investigator niya.

Kinabukasan:

Nag-oovertime noon si Xavius sa kumpanya nang magkaroon na ng resulta ang pinaiimbestigahan niya. Lumapit ang kanyang assistant at iniabot ang kanyang cellphone. "Sir, ang private investigator n'yo raw po."

"Hello?... Good! Okay, salamat, John. I'll have my assistant wire your payment." Tumayo siya. "Call Mang Andres and my bodyguards. Sabihin mong may pupuntahan kami." Utos niya sa kanyang assistant.

.

.

"Dahil may mga natira akong siomai, ito na lang ang iuulam nating ngayong hapunan. Ayos lang ba sa inyo?" tanong ni Rachelle. Kagagaling lang nilang tatlo sa siomai stall niya sa mall.

"Ayos lang sa akin. Masarap naman ang siomai mo, eh. Masarap iulam sa mainit na kanin." Binalingan ni Alfea si Lucas. "Ayos lang ba 'yun sa'yo, Luke?"

"Opo, Tita fea. Ayos lang po sa akin kahit na ano."

Isinama nila Rachelle at Alfea ang bata sa pagtitinda nung araw na 'yun, at na-enjoy naman niya iyon dahil bagong karanasan iyon para sa kanya. Nang humiling si Luke na huwag muna siyang pauwiin ay hindi ito magawang pahindian ni Alfea. Tila ang bilis niyang lumambot dito. Hindi din niya maunawaan kung bakit tila ayaw niyang mawalay si Lucas sa kanya.

Habang naghahapunan ang tatlo ay may biglang kumatok. "Rachelle, may in-order ka ba?" tanong ni Alfea.

"Wala naman."

"Eh, sino kaya 'yan? May inaasahan ka bang bisita ng ganitong oras?"

"Wala din. Tingnan na lang natin kung sino." Tumayo si Rachelle at nagtungo sa pinto. Ngunit pagbukas niya ay nanlaki ang mga mata niya at napaatras siya nang makita kung sino iyon. "X-xavius?"

Bumungad sa pinto ang isang matangkad at guwapong lalaki–malalamig ang mga mata nito. Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng bahay bago tumama ang mga mata niya sa mesa, kumitid ang kanyang mga mata. Sinulyapan muna niya ang kanyang anak na nagsimula nang mamutla bago tingnan nang malamig si Alfea sa tabi nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    chapter >> 16

    "Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 15

    "Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 14

    Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 13

    "Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 12

    Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 11

    Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status