Compartilhar

Chapter >> 4

Autor: Airam Anelé
last update Data de publicação: 2026-06-17 13:33:05

Nang masilayan ni Alfea ang mukha ng bata ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, tila ba may nagsasabi sa kanya na huwag nang pakawalan ito. Nawirduhan siya at parang gusto niyang matawa dahil alam naman niyang hindi niya maaaring gawin 'yun. Tumukod siya sa kanyang tuhod para matapatan ang bata. "Bata, bakit hindi ka pa umuuwi? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo."

Hindi sumagot si Lucas, nakatitig lang ito sa mukha ni Alfea.

Napahawak si Alfea sa kanyang mukha at nagtawa. "Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin? May dumi ba ang mukha ko?"

Napayuko si Lucas, bigla itong nahiya. "Sorry po, kamukha n'yo po kasi 'yung babaeng nakita ko sa picture."

"Picture? Saan?" pagtataka ni Alfea.

"Sa loob po," turo ni Lucas sa bahay. "Nung three pa lang ako, dinala po kami ni Mommy Mau dito sa bahay nila."

Ganoon na lang ang gulat ni Alfea. "M-mommy Mau? Mommy mo si Maureen? A-anak ka ni Maureen?"

Biglang sumimangot ang bata. "Hindi po. Hindi po namin siya totoong mommy, nagpapanggap lang po siya na mommy namin."

"Nagpapanggap? Teka, parang bigla akong nagluhan." Nagitla si Alfea nang bigla silang masinagan ng ilaw ng sasakyan. Alam niyang ang kanyang ama 'iyon kaya hinila niya si Lucas at nagtago sa halamanan. Mabuti na lang at likod niya ang nakaharap dito. "Bakit nasa labas ka pa? Alam ba ng mga magulang mo na narito ka?"

"Hindi po, naglayas po kasi ako sa amin."

"Ano? Bakit naman? Napalo ka ba? Gusto mo bang ihatid kita sa inyo para makausap ko na rin ang daddy mo?"

Mariing umiling-iling ang bata. "Huwag po, hindi pa po ako puwedeng umuwi, hangga't hindi pa po natatapos ang misyon ko."

"Misyon?" Tila nag-blanko ang pang-unawa ni Alfea. "Okay, sige. Ikaw ang bahala. Pero, saan mo naman balak pumunta ngayon?"

Yumuko si Lucas. "Hindi ko po alam. Ayaw ko naman pong magpakita kay Lolo Victor kaya hindi na lang po ako tutuloy."

_'Ako din, eh. Ayokong magpakita kay Daddy,'_ wika ni Alfea sa sarili. "Sumama ka na lang muna sa akin, kasi delikado para sa'yo ang mag-isa dito." Nilapirot niya ang malambot na pisngi nito. "Ang cute mo pa namang bata, baka ma-kidnap ka pa."

Nagningning ang mga mata ni Lucas. Katulad ni Alfea ay magaan din ang loob niya para dito, bagay na hindi niya naramdaman sa tumatayo nilang ina na si Maureen kaya gusto din niyang sumama dito.

"O, eh, sino naman ang batang 'yan? Huwag mong sabihin na 'yan ang isinadya mo sa inyo," tanong ni Rachelle.

"Sira! Hindi, no. Nakita ko siya na palakad-lakad sa labas ng gate namin. Eh, hindi ko naman siya puwedeng iwanan doon nang mag-isa, kaya isinama ko na."

"Nasaan ba ang mga magulang n'yan? Hindi kaya hinahanap na 'yan sa kanila? Dalhin kaya natin sa barangay?"

Biglang yumakap si Lucas sa baywang ni Alfea. "Huwag n'yo po akong dadalhin sa barangay! Ayoko pong umuwi sa amin!"

Kinalma ito ni Alfea at iniupo. "Okay, hindi ka na namin dadalhin sa barangay. Ano nga ang pangalan mo?"

"Lucas Knox po ang pangalan ko, pero Luke po ang tawag sa akin. May kambal po ako, nandoon po sa bahay namin. Lilian Rosie po ang pangalan niya... Umalis po ako sa amin para hanapin ang tunay naming mommy."

"Ang sabi mo ay hindi si Maureen ang tunay mong ina, at nagpapanggap lang siya? Paano nangyari 'yun?" usisa ni Alfea.

"Hindi ko din po alam. Ang alam ko lang po ay alam ni Mommy Mau kung sino ang totoong mommy namin kaya po ako nagpunta sa bahay nila."

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, Fea, pero isa lang ang sigurado ako: imposible talagang makapag-produce ng ganito ka-cute at kabait na baby ang impaktita mong kapatid. Eh, demonyita 'yun, 'di ba?"

"Shhh..." saway ni Alfea. "Naririnig ka ng bata."

Nag-cross arms si Rachelle. "Hump! Nagsasabi lang naman ako ng totoo, no."

Nang kakain na ng hapunan ay inilabas ni Luke ang mga dala niyang pagkain sa bag.

"Aba, Boy Scout ka pala, ah! Ang dami mo namang baong pagkain!" ani Rachelle.

"Um," inabutan ng bata ng tig-iisang nakabalot na cake ang magkaibigan. "Share ko po para sa dinner. Birthday po kasi namin ng kambal ko ngayon."

Natigilan ang magkaibigan. "Birthday mo ngayon?"

"Kung gano'n, bakit hindi tayo mag-celebrate ngayon?" mungkahi ni Rachelle. "Sandali, oorder ako ng food."

Habang kumakain ng hapunan:

"Gusto mo ba ng isda?" tanong ni Alfea.

Nahihiyang tumango-tango si Lucas.

"Sige. Sandali at tatanggalan ko lang ng tinik."

Habang tinatrabaho ni Alfea ang isda ay pinanonood siya ni Lucas. Sumilay ang ngiti sa labi nito nang ilagay 'iyon ni Althea sa kanyang plato.

"Sige na, kain na."

"Opo." Habang kumakain ay sumusulyap-sulyap si Lucas kay Alfea. _'Ganito din kaya kapag may totoong mommy? Sana talaga, mahanap ko na siya.'_

Tumayo si Rachelle nang may kumatok, at kinuha ang in-order nilang pagkain. "Okay. Meron tayong pizza at ice cream dito. Pagkatapos nating maghapunan ay mag-celebrate na tayo."

Kumuha sila Rachelle at Alfea ng isang cake sa mga dala ni Lucas at tinirikan ng kandila. "O, mag-wish ka na. Huwag kang mag-alala, susuportahan namin ni Tita Alfea ang birthday wish mo para magkatotoo," ani Rachelle.

"Okay po." Mariing pumikit si Lucas. "Papa God, sana po ay mahanap ko na ang totoo naming mommy. Amen!" at hinipan niya ang kandila.

Nagkaroon sila ng videoke, at habang kumakanta ang dalawa ay pinakanta din nila ang birthday boy. Habang kumakain ng cake ay nagkakasiyahan din sila habang nagpapahiran pa ng icing sa mukha ng isa't isa.

Matapos ang simple ngunit masayang selebrasyon ay oras na ng pagtulog.

"Ako na po. Big boy na po ako kaya ko na pong maligo mag-isa," ani Lucas nang tangka siyang paliliguan ni Alfea.

"Okay. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, ha?"

Matapos maligo ay isinuot ni Lucas ang dala niyang pajama, hindi kasi ito sanay nang hindi naka-pajama sa pagtulog. Paglabas niya ng banyo ay tulog na si Alfea, sa tabi nito siya matutulog ngayong gabi. Matapos niyang punasang mabuti ang kanyang buhok ay humiga na siya sa tabi nito.

Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha ng estranghero, kahit ngayon pa lang niya nakilala ito ay magaan na agad ang loob niya para dito kaya nagustuhan na niya ito. Nangiti siya nang maalala ang selebrasyong ginawa nila kanina. _'Bakit ganu'n, kahit wala akong malaki at mataas na cake, masaya pa rin ako? Kahit konti lang ang pagkain, parang ang saya-saya pa rin ng birthday ko?'_ Bigla niyang naisip ang kapatid na naiwan sa mansyon. _'Si Rosie kaya, masaya kaya siya sa birthday party namin? Sayang, sana pala ay isinama ko siya.'_ Hinawakan niya ang mukha ni Alfea ngunit banayad lang sa pag-aalala na baka magising niya ito. _'Tita Alfea, salamat sa pag-celebrate ng birthday ko,'_ bumuntung-hininga siya. _'Sana, ikaw na lang ang naging mommy ko.'_

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    chapter >> 16

    "Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 15

    "Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 14

    Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 13

    "Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 12

    Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 11

    Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status