ログイン"Mr. Montevalle? Mr. Montevalle?" ilang beses na tawag ng doktor nang bigla na lang hindi sumagot si Xavius. Agad naman itong nagbalik sa kaniyang wisyo. "Y-yes, I'm sorry.""Puwede po ba namin makuha ang medical records niya sa ospital kung saan siya na-coma, pati ang attending physician niya doon?"Natigilan si Xavius, bigla itong nakaramdam ng pag-aalangan sa kanyang sarili. "Well... h-hindi ko kasi alam. Wala akong alam kung saan siya na-confine."Napamaang ang doktor. _'Asawa mo, hindi mo alam?'_Bago umalis ng ospital, tatawagan muna sana ni Xavius si Victor ngunit pinigilan siya ni Maureen. "A-ako na ang bahalang magsabi kay daddy."Pinakatitigan siya ni Xavius. "Alright."Six years ago, ito ang nagsabi sa kanila na sumama sa ibang lalaki si Alfea, ngayon ay nagdududa siya. Bilang kapatid ni Alfea, tiyak na alam nito ang nangyari dito, ngunit, bakit wala itong sinabi sa kanila?Namula ang pisngi ni Maur
"Diyos ko... N-nag-aagaw buhay ba siya? Xavius, anong nangyayari?" tanong ni Xonia. "Hypothermia, Mom, na humantong sa cardiac arrest. Sa nipis ng katawan niya, maaaring hindi niya kinaya ang lamig. Kanina nang binuhat ko siya, parang yelo na siya." Nang marinig ito ni Maureen, bigla siyang nakaramdam ng pag-uusig. Nagsimula na siyang makaramdam ng pagkabalisa at hindi na siya mapakali. Animo'y nag-aalala para sa kapatid ang hitsura nito. Umalis siya dahil ayaw niyang malaman ang kahihinatnan ni Alfea. Nagtungo siya sa may fire exit at tinawagan ang kanyang ina. "Mommy, anong gagawin ko?" Nakakagat niya ang kanyang daliri. "Bakit, anong nangyari?" "Kasi, pinagplanuhan ko si Alfea, eh..." "Oh! O, e, ano naman? Mabuti't may ginawa ka na, akala ko ay hahayaan mo lang siya. Naku, Maureen, baka dumikit-dikit ang babaeng yan kay Xavius, ha? Bantayan mo yan." "Mommy, makinig ka muna. May malaking problema kasi, eh." "An
Dali-daling binuhat ni Xavius ang halos wala nang malay na si Alfea para dalhin sa ospital. "Stupid woman! Bakit ka pumasok sa loob, nagpapakamatay ka ba?" Napukaw ang atensyon ng mga bisita nang bigla na lang siyang sumulpot na may buhat na babae. Gulat na gulat si Xonia nang makita siyang humahangos. "Xavius! What's happened?" "Mom, mamaya ko na lang sasabihin sa inyo. I need to rush her to the hospital first." Tangka sanang susunod sa ama si Rosie ngunit hinila ito ng kanyang lola. "Rosie, dito ka lang." "Mommyla! It's all my fault. Kapag namatay si bad woman, kasalanan ko!" At umiyak ito. "Xavius! Xavius!" Nananakbong lumapit si Maureen nang makita niya ang sitwasyon. Naibaon na lamang niya ang mahahaba niyang mga kuko sa kanyang palad dahil alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ito. _'Nakakainis! Naturuan ko nga ng leksyon si Alfea pero bakit ganito ang naging kapalit? Talagang si Xavius pa ang bumuhat sa kanya para dalh
"Tara na." "Ha?" Pagtataka ni Alfea. "Gusto mong makita ang mga anak mo, hindi ba?" Nagduda si Alfea. "Maureen, talaga bang gusto mo akong tulungan?" Misteryosang ngumiti si Maureen. "Oo naman." At nagpatiuna na ito. Dahil sa excitement ay hindi na inintindi ni Alfea kung saan siya dinala ng kapatid. "Papupuntahin ko ang mga anak dito, pumasok ka muna sa loob." Pagpasok ni Alfea ay pinagmasdan niya ang buong silid. _'Anong klaseng kuwarto ito?'_ Nangunot ang noo niya at napatakip siya ng ilong. _'Bakit ang lansa at parang amoy nabubulok na karne ang amoy dito?'_ Sa patuloy niyang pagmamasid ay nagulat siya nang may bigla na lang kumalabog. Paglingon niya ay nakita niyang nakasara na ang pinto, kasunod niyon ay bigla din siyang nakarinig ng tunog ng makina. "A-ano iyon?" Binuksan niya ang pinto, ngunit dahil sa post-coma muscle weakness niya ay hindi sumapat ang lakas niya. Nang sumilip siya sa sala
Mommy?" Dinala ni Maureen si Rosie sa isang tabi. "Makinig kang mabuti, may importante akong sasabihin sa'yo... Ngayong gabi ay may darating na bad woman para agawin ang Daddy n'yo." Napamaang ang bata, bago makitaan ng galit ang maliit na mukha nito. "Is that true, Mommy?" Bigla siyang nag-aalala. Paniwalang-paniwala siya sa kanyang ina-inahan, sa murang edad ay hindi niya naiisip na pinaiikot lang siya nito. "Mommy, ayoko pong makuha ng bad woman si Daddy. Should we call the police?" "No! Makinig ka, ganito ang gawin mo." Binulungan ni Maureen ang bata. Samantala: "Xavius, bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Kinaladkad ni Xavius si Alfea at wala itong magawa sa lakas niya kung hindi ang magpatangay na lang. Dinala niya ito sa dakong hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't binalaan na kita na huwag ka nang magpapakita pa?" "Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito, ah? Nagpunta ako para sa mga anak ko. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako magiging kab
Luke..." Banayad na tawag ng matandang puro puti na ang buhok. Ito ang matandang pumigil kay Xavius sa study, ang lola niyang si Florencia. "Dear, you can't talk to your dad like that. He's your father." "But Grandma, he is stopping us from seeing our Mommy. Can we see her, please?""Xavi." Tawag ni Xonia, ang ina ni Xavius. "Anong gagawin mo sa sitwasyong ito?" Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ba kasi bumalik pa ang babaeng yun? Nagugulo tuloy ang pamilya natin nang dahil sa kanya." "Xavius, you should fix this." Utos ng kanyang ama na si Philip. "Don't let that woman affect our family. At lalong-lalo, huwag mo siyang hahayaang makalapit sa mga apo ko, maliwanag ba?" "Yes, Dad." "No!" Tutol ni Lucas. "Why are you ganging up on our Mommy? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah?" "Young man, you better stop it, or I will punish you. Aalalahanin mong hindi pa kita napapanagot sa paglalayas mo. Alam mo bang hindi lang ako ang pinag-alala mo kung hindi pati ang mga lola at lolo mo?"
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






