Pag-uwi ni Maureen ay sumalampak siya sa sofa, agad siyang nilapitan ng katulong. "Ma'am Maureen, tumawag po ang ospital. Ang sabi po nila ay gising na raw po si ma'am Althea." "O, e, ano naman kung gising na siya?" sagot ni Maureen habang nakapikit at hinihilot-hilot ang kanyang sentido. Bigla siyang napabalikwas. "A-ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Inulit naman ng katulong ang kanyang sinabi. Tumayo si Maureen at nataranta. "S-si mommy? Nandito na ba s'ya?" "Wala pa po ang mommy n'yo, hindi pa po umuuwi." Dali-daling tinawagan ni Maureen ang kanyang ina, ngunit hindi ito sumasagot. Sa Majong-an: "Mare, kanina pa nagri-ring ang cellphone mo, o. Sagutin mo na, natutulilig na ang mga tenga namin, e." wika ng isang ginang sa kalaro niyang may-edad na babae na napapalamutian ng mga alahas. "Hayaan mo s'ya, yung ospital lang naman yan. Mag-a update na naman siguro sa anak-anakan kong hilaw na nakaratay doon. Bakit kasi hindi pa matuluyan para hindi na kami gumagastos
Last Updated : 2026-06-17 Read more