Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang
“Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!
Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya
"Crysaline!" napalingon ako sa likod ko.Nakita ko iyong manager ko na humahangos na lumapit sa akin."Naiwan mo sa loob ng van." inabot niya sa akin iyong lumang iPad ko.Kinuha ko iyon at nginitian siya."Salamat. Ingat kayo pauwi ha?" sabi ko sa kanya.Sinuklian niya rin ako ng ngiti bago tumalikod at sumakay ulit sa van.Pumasok na ako sa lobby ng condominium kung saan ako nakabili ng sarili kong unit. Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Kuya Jose at pinagbuksan ako ng glass door."Magandang gabi po, Ms. Lopez." bati niya sa akin."Magandang gabi rin po, Kuya Jose." bati ko pabalik sa kanya.Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot iyong button. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, inabala ko ang sarili ko sa pagre-reply sa Senior Editor ko."Crysaline?" narinig kong tawag sa pangalan ko kaya napaangat ako ng ulo.Napalabi ako at kulang na lang ay manlaki ang mga mata ko nang makita si Charles. Nakasuot siya ng uniporme na pang-piloto at maayos ang pagkaka-gel
Nakatulala lang ako sa kisame at hindi malaman ang gagawin sa buhay ko. Nagkakaroon ata ako ng career crisis nitong mga nakaraang araw."Crysaline, ano na? Kaya pa ba?" tanong ko sa sarili ko habang pinaglalaruan ang hawak kong maliit na wireless keyboard.Ilang linggo na akong hindi nakakapag-sulat ng manuscript at malilintikan na ako sa editor ko. Bukod sa madami akong pending na istoryang kailangan tapusin, mayroon pa akong full-time na trabaho na kailangan matapos sa pang-araw araw.Bente tres anyos na ako pero pakiramdam ko hindi umuusad ang buhay ko. Bukod sa wala akong ipon, ubos palagi ang sinahod ko sa full-time job ko pati na rin sa mga sideline ko. Kailangan ko kasing makatulong sa pamilya ko at malaki talaga ang pangangailangan nila.Nitong mga nakaraang buwan kasi ay sunod-sunod ang nagkakasakit sa pamilya namin at nawalan pa nga ng trabaho ang iba kong pinsan. Mama ko na lang ang inaasahan pati na din kung minsan ay ako kapag nangangailangan talaga sila ng pera.Hindi na
Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko.Hindi ko maiwasang mairita dahil kulang na naman ako sa tulog. Ayan. Crysaline Lopez. Napaka-landi naman kasi.Tamad na tamad akong bumangon sa kama at hindi na nag-abala pa mag-almusal. Binuksan ko agad ang computer ko at nag-in sa trabaho. Heto lang talaga ang kagandahan kapag work from home. Hindi mo na kailangan mag-ayos bago pumasok.Kahit nga nagta-trabaho ako habang naga-almusal, Hindi pa nagto-toothbrush o kahit pa mukha akong bungol pagkagising ko, kiber lang eh.Nag-simula na akong mag-trabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sunod-sunod ang pumasok na messages sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at ni-replyan agad si Charles.Sa totoo lang hanggang ngayon eh nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko pa ba 'to. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon at paniguradong issue pa kung may makaalam na nakaka-usap ko siya.Alam ko naman na judgemental ang iba sa pamilya namin. Kahit p
Maaga pa lang ay gising na ako kahit pa puyat na naman ako sa pakikipag-usap kay Charles. Kung hindi ko lang kasi kailangan na samahan yung pinsan ko sa mall, wala akong balak gumising ng maaga. Kailangan niya kasi bumili ng regalo para sa boyfriend niya pati na rin mag-grocery para naman supply sa bahay nila.Katulad ng nakasanayan, hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Pagkatapos ng halos labing limang minuto na pagligo ay nagbihis na ako. Napili ko iyong paborito kong chiffon black short skirt at crop top na halos palagi ko atang suot kapag lalabas ako. Tinali ko ng pa-pigtail ang buhok ko.Nang makuntento na ako sa itsura ko ay inayos ko naman ang mga gamit sa tote bag ko. Syempre hindi ko dapat kalimutan ang credit card ko. Wala na kasi akong cash na natitira sa bank account ko. Lagapak ang savings ko sa buwan na ‘to.Nang matapos ako ay lumabas na ako ng condo ko at ni-lock ang pinto. Nag-book na lang din ako ng grab dahil mura lang nama
Hating gabi na pero magka-chat pa rin kaming dalawa ni Charles at masasabi kong wala atang dull moments sa taong 'to. Madaldal kasi siya at aliw kausap.Para kasi sa taong katulad ko na boring kausap at hindi marunong mag-handle ng conversation, masaya ako tuwing may taong nage-effort para lang kausapin ako at dalhin ang usapan.Nakokonsensya rin ako madalas lalo na kapag seen na lang ang ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na topic at hindi ko ugali magtanong ng buhay ng tao dahil baka ma-offend ko sila. Naghihintay na lang talaga ako minsan na sila na mismo iyong mag-open up sa akin kaysa ako pa ang makielam ng buhay nila.At sa ugali ni Charles nitong mga nakalipas na araw, hindi ko maiwasang matuwa talaga sa bilis niya mag-reply lalo na sa mga effort niya. Minsan naiisip ko agad, paano kapag nag-sawa na siya kausap ako tapos nasanay ako na ganoon siya kalambing at kabilis mag-reply? Edi mukha akong tanga at maghahabol sa kanya?"Matanong ko lang, umiinom ka?" "Medyo. Sinasali ka